Chapter Twelve
REFRESHED MEMORIES
----------------------------------------------------
Asja climbed on the bed and cautiously looked around. Tinanggalan na siya ni Sloven ng posas at pinauna sa kanilang kwarto kaya naman pagkasara ng pinto ay malaya niya iyong na-inspeksyon. She looked for bugs and secret compartments but found none.
Nang makasampa sa kama ay bahagya siyang nagpa-bounce doon. Wala namang weirds sa tunog na nilikha niyon sa kama. Sinipat niya ang mga sulok-sulok, sinilip ang ilalim ng mga bed sheets.
Weird, isip niya.
Dinama ni Asja ang suot ngayong gabi na manipis na tela ng lingerie. Kahit hanggang sa pagtulog, ine-expect pa rin ni Sloven na magiging gayak na gayak siya. The lingerie fitted her like her skin because it was smaller than her usual size. Halata na sinadya ang mga iyon para suotin ni Anya.
Dahil doon, na-curious siya.
Magpanggap kaya ako bukas na naalala ko si Anya? Tapos tatanungin ko si Sloven kung nasaan na siya.
Pero ano ba ang kinalaman ni Anya sa misyon ko? Hay, huwag na!
At humiga na siya sa kamang iyon, pinasadahan ng kanyang kamay ang madulas na puting silk ng kanyang suot.
Napasinghap na lang siya nang makita ang pagpasok ni Sloven na nanggaling sa banyo. Katatapos lang nito maligo at pinupunasan na ng puting tuwalya ang buhok nito. His eyes wandered on her as he stepped closer on the bed.
A knowing smile crept on the corners of his lips as his blue eyes shone against the dim light of that room.
"Masikip?" tanong nito. Kapansin-pansin ang paghinto ng mga mata nito sa kanyang dibdib.
Yes, the lingeries was so tight it made her breasts look pushed up and round. Her cleavage peeked due to the low V cut. She awkwardly stroke her hair to cover her chest. Pakiramdam niya ay hinuhubaran na naman siya ng lalaki sa imahinasyon nito, kaya kailangan niyang gumanti.
"Oo, iyan din mukhang masikip," nguso niya sa suot nitong boxer briefs.
"Oh, really?" he smirked, looking down at his damn, heck of a bulge pressed against the black boxer briefs. "Should I sleep naked then?"
Tinalikuran na lang niya ito at umayos na ng higa. Kinumutan ni Asja ang sarili at sinigurado na patalikod siyang matutulog sa lalaki. Humarap siya sa kanan para hindi maipit ang kanyang sugatang kaliwang balikat. Naramdaman niya ang paglubog sa kabilang bahagi ng kama, sa kanyang likuran at inangat na ni Sloven ang paghahatian nilang kumot.
She sucked in a deep breath at the feel of his hand sliding on her waist, slowly pulling her to lie down. Nang mapatihaya na siya nito, hinawi ng lalaki ang kanyang buhok at kinapa ang gilid ng may bandage niyang sugat.
"Masakit pa ba?"
Asja figured that she should not tell him her state. Baka kasi gawing basehan iyon ng lalaki kung anuman ang plano nitong gawin sa kanya. Hangga't maaari, iiwasan niya na bigyan ng upper hand si Sloven Markov.
"Oo," dahilan na lang niya.
"What about you? May konti ka na bang naaalala?" tanong nito sa mababang boses na tila humahagod sa kanyang pandinig.
Matiim ang titig ng mga mata nito sa kanya habang malamlam ang liwanag sa paligid. Doon lang siya naging conscious sa posisyon nilang dalawa. Sloven was slightly leaning over her, half-naked, his broad sculpted chest and shoulders revealed and his fingers tenderly felt for the side of her bandaged shoulder.
And here she was lying almost beneath him, clad in a tight lingerie, looking like a sin.
"Wala," sagot niya sa lalaki.
"Then you might want to help you with that," anito, walang katinag-tinag sa posisyon.
"Matutulog na tayo, 'di ba?"
"Just let me tell you a bedtime story," he lowered his head, lips parted sharing his warm, minty breath with hers as it touched her flushed cheeks. Bumaba na ang kamay nito sa kanyang pisngi at humagod patungo sa kanyang panga, sa baba at dumausdos ang mga daliri nito sa kanyang leeg.
Sumunod ang mga mata ng lalaki sa kung saan dumudulas ang kamay nito.
"It was one night in Malysh bar, in Powerhouse in Moscow," panimula nito.
At mukhang ayaw niya kung saan tutungo ang ikukwento ng lalaki. Pero ang tainga ay walang shut-down feature. Ang mga mata, pwede mong ipikit kapag ayaw mo makita ang isang bagay. Pwede mo ring itikom ang bibig mo kapag ayaw mong sabihin ang isang lihim. Pero ang tainga, kahit takpan mo ay may maririnig pa rin.
Kaya naman pinakinggan niya ang kwento ni Sloven.
Sa Powerhouse noon ang usapan na meeting place para sa pagdaraos sa kaarawan ni Sloven. It was his 30th birthday and as much as he wanted a quiet celebration, hindi naman payag sa ganoon ang mga kasamahan nito sa GRU. Minsan daw ay kalimutan muna niya ang pagiging espiya at maglibang-libang lalo na at wala pa naman silang misyon.
Iilan na lang ang mga nakasama ni Sloven na parte ng GRU at Russian army dahil ang iba ay nasa kanya-kanyang mga assignment. It was November 10, staggering cold because of the early snow fall for the winter season. Balot na balot ang binata ng kulay brown na coat na may balahibong puti nang magpaalam sa kapatid na si Anya na lalabas lang saglit.
He met Anya's dismayed pout.
"Ang daya!" anito, matalim ang asul na mga mata at unat ang bagsak ng platinum blonde nitong buhok.
"Sa club kami pupunta, hindi ka pwede roon," suot niya sa pares ng brown na boots.
"Legal age na ako, Kuya."
"Kahit na," mahigpit niyang wika sa kapatid na nakasuot ng malaking t-shirt na pantulog na rin nito. "Basta kung may emergency ka, tawagan mo lang ako, okay?"
Anya let out a surrendering sigh. "Oo naman, Kuya. Nakakainis ka lang kasi nag-celebrate na nga tayo ng birthday mo rito, lalabas ka pa."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Ikaw naman. Nakakahiya kina Sir Gregori kung hindi ako sasama, okay?"
Tumango na lang ito. "Sige, Kuya. Mag-iingat."
At nang makaalis na sa bahay at dumeretso na siya sa mismong club ng Powerhouse. Ang usapan kasi ay magkikita-kita sila sa tapat mismo niyon. Ang Powerhouse ay isang club na kung titingnan mo sa labas aakalain mo na puting apartment building na may makalumang disenyo.
Dahil ilang oras nang bukas ang club, marami nang mga tao sa tapat ng gusali at mga sasakyang naghihintuan para magbaba ng mga pasaherong doon din ang sadya. Nalalatagan na ng manipis na niyebe ang kalsada at patuloy pa rin ang pagbagsak ng maliliit na flakes ng mga iyon kaya hinila ni Sloven ang collar ng kanyang coat pataas para matakpan ng mabuti ang lalamunan at bibig.
Nang matanaw sila Gregori malapit sa entrace, nagmamadaling nilapitan niya ang mga ito.
Tuwang-tuwa na inakbayan siya ni Gregori-- ang head ng GRU-- at niyaya na siya sa loob kasama ang dalawa pang lalaki at tatlong babae na kasamahan nila sa trabaho.
"Nasaan si Asja?" tanong niya sa superior.
"Hindi raw darating," natatawang wika nito.
"Sayang naman," aniya saka kinapa ang kahon na nasa bulsa ng kanyang coat nang makapasok na sila sa club at sinalubong sila ng masiglang tugtugin.
Malikot ang makulay na ilaw sa paligid, bumabaha na roon ng alak at nagsasayawan ang mga tao. Sloven was almost sandwich by three GRU women who took him at the dance floor for a dance. And because he was notorious for being flirtatious around his female targets in missions, these women took advantage of that to act sexily around him.
Inenjoy na lang iyon ni Sloven, tutal, birthday naman niya. He was grinding against three women, one after another, as they danced at the club music. They would occasionally rub their breasts on him and lick on his neck. Natatawang sinakyan na lang niya ang trip ng mga ito.
Nang mapagod sa kasasayaw, nagpaalam na siya kay Gregori na tatambay mula sa Malysh bar na parte rin ng Powerhouse-- iyon nga lang, mas tahimik doon at iyon ang talagang tinatambayan niya kapag nayayaya ng mga katrabaho sa club.
Medyo lasing na si Gregori kaya hindi na rin tumutol pa. Binati lang siya nito ng Happy Birthday bago tinuloy ang pakikipagsayaw at inuman doon.
Sloven stepped out of the club, wearing his coat once more. Nang marating na ang Malysh ay tinungo niya ang bar counter at pinili ang vodka na nasa top shelf. Dinagdagan pa niya ang order ng steak at tinuro kung saang mesa niya iyon hihintayin. Hinubad niya ang coat at sinampay iyon sa likuran ng ookupahing upuan. Nilibot ni Sloven ang mga mata sa paligid. Marami ang customer ngayon dahil simula na ng tag-lamig at maraming gustong mag-inom.
A woman entered the bar and made her way through the crowd.
He lit up upon seeing Asja, clad in her black furry coat. Snow flakes adorned her platinum blonde hair. Nung mga panahong iyon, ganoon ang kulay ng buhok ng dalaga bilang paghahanda sa papalapit nitong misyon. And to be honest, he had this certain turn on for women with platinum blonde hair.
Padabog na pinalo nito ang kamay sa kanyang mesa. Nang masalubong ang titig ng mga mata nito at makita ang pamumula ng mga pisngi, napagtanto niya na lasing na ito.
Her voice slurred sexily upon calling his name. "Ikaw, Sloven Markov. Ano ba ang espesyal sa iyo?"
Hindi niya alam kung matatawa ba o ano. Tumayo siya para ipaghila ng upuan ang dalaga.
"Umupo ka muna."
Sumunod lang ang babae at hinayaan siya na hubarin ang suot nitong coat para isampay iyon sa likod ng upuan. Pinagpagan ni Sloven ang mga snowflakes doon at umupo na sa kanyang tabi.
His eyes admired the long-sleeved sweater she was wearing, keeping her body cozy and warm. Her olive skin was like a glowing moon against the dim lights of the bar, her eyes, heavy-lidded and seemed sensual that way as her long lashes slowly fluttered.
The night began to make an interesting turn for him that time. Akala niya mabuburo na siya sa Malysh dahil malaki naman ang posibilidad na hindi na siya mapuntahan doon nila Gregori kapag nalasing na ng sobra.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," matalim na titig ng mga mata nito sa kanya. "Ano ba ang espesyal sa iyo, Sloven Markov?"
"Well," nahihiya niyang ngiti. "Hindi ko talaga alam na naniniwala ka rin na may espesyal sa akin."
"Hindi!" lasing nitong palo sa mesa. Mabilis na tinanggal niya ang gloves nito para magagap ang malamig na mga kamay ng dalaga. He held her hands to stop her from slapping the table and attracting people's attention. "Walang espesyal sa iyo. Spy ka, spy ako. Nagagawa ko rin ang kaya mong gawin."
Seryosong titig lang ang binigay niya sa dalaga. "Sa apartment ka ba naglasing? Baka naiwan mo doon yung ininuman mo ng alak. Malalagot ka."
"Bawal mag-inom doon, okay? Kaya hindi!"
Nakahinga siya ng maluwag. Ayaw na niyang i-entertain kung balak ng babae na maglabas ng sama ng loob nito sa kanya dahil una sa lahat, ayaw na niyang may masabi pa na mas ikakagalit nito sa kanya.
He was only doing his best as GRU's spy, ayaw niya nung may naiinggit sa kanya.
Tulad na lang ni Asja.
For some reason, she hated him. Mula nang mapasok ito sa GRU at malaman na siya ang pinakamagaling para kay Gregori, tila nakikipagkumpitensya na ito sa kanya. Siyempre, aware din sa bagay na iyon si Gregori pero hinahayaan na lang dahil kahit papaano, makakatulong daw iyon kay Asja na seryosohin ang pagpasok nito sa ahensya.
Pero para sa kanya, ayaw niya ng ganoon. Lalo na at magandang babae na tulad ni Asja ang magkakaroon ng galit sa kanya.
"Alam mo ba," lasing na patuloy nito, "na November din ang birthday ko? Ngayong November! At wala man lang nakaalala!"
"Diyan ka nagkakamali," taas ng sulok ng kanyang labi bago nilingon ang nakasampay na coat at kinuha sa bulsa niyon ang isang maliit na kahon.
He handed it to Asja, who laughed bitterly.
"Wow!" agaw nito sa kahon at tinaas sa level ng mata nito. "Ano ito? Parang suhol para isuko ang pakikipag-compete sa iyo?"
"Nauunawaan ko na sa panahong ito, nasa stage ka na gusto mong patunayan ang sarili mo kay Gregori. Gusto mo patunayan na nararapat ka sa trabahong binigay niya sa iyo sa GRU, na hindi totoo ang sinasabi ng iba na... na nakapasok ka lang dahil binenta mo rin ang katawan mo kay Gregori."
Binaba nito sa mesa ang kahon, tila walang interes na buksan iyon.
She gave him a defiant stare. "Hindi ko binenta ang katawan ko kay Gregori. Oo, na-rescue lang niya ako sa isa sa mga illegal na protitution organization dito sa Russia. Nakipag-participate ako sa kanya dahil sabi niya bibigyan niya ako ng magandang trabaho dito sa GRU, pero ang hindi ko maintindihan, bakit ang dumi-dumi pa rin ng tingin ninyo sa akin."
"Huwag mo akong isama, hindi ganyan ang tingin ko sa iyo," he held on her hand tightly and stroked it with his fingers. "Isang matatag na babae ang nakikita ko sa iyo. Medyo matigas nga lang ang ulo at palaban."
Hawak pa lang niya ang kamay ng babae, pero hindi maunawaan ni Sloven kung bakit parang sa paghagod ng kanyang daliri roon ay siya yata ang kinikiskis na bato na nagliliyab.
He laughed lowly and saw someone approach their table. He gave the waiter a warning stare to say nothing to them. Tahimik na nilapag na lang nito ang in-order niyang bote ng vodka, isang baso at steak.
"Isang baso nga rin ng tubig," utos niya rito bago lisanin ang mesa.
"Hindi!" pigil ni Asja sa waiter. "Gusto ko... gusto ko rin ng vodka!"
He let out a groan. "Asja..."
"Vodka!" she spat on his face. Lasing na nga ito at wala na yata sa sarili.
"A screwdriver," order niya na may pinalidad sa boses at pinaalis na agad ang waiter.
"Screwdriver!" Asja sounded so disappointed. "Ano ang tingin mo sa akin? Mahina?"
"Lasing ka na kasi," malumanay niyang wika, nag-aalala ang mga mata habang nakatitig dito.
"Magiging mas magaling din ako sa iyo, Sloven Markov. Antipatikong, mayabang na Sloven. Gwapo ka lang, okay? Nadala ka lang ng--" hablot nito sa kanyang baba, "--kagwapuhan kaya ang dami mong naloloko at nakukuhang info."
"Binibiro-biro ka lang eh, naniwala ka naman na mayabang nga ako," bukas na niya sa bote ng vodka para salinan ang sariling baso niyon. "Sir Gregori just told me to challenge you a bit, okay?"
Totoo naman iyon. Hindi naman niya inaasahan na dibdibdibin ni Asja ang pangtsa-challenge niya rito.
Then she leaned towards him. "Ano ba ang sikreto?"
Natigilan siya dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. Her scent dominated the room, a tinge of bitter vodka, as bitter as how she felt upon knowing that he was and would always be the best agent in their agency.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Asja, tanggapin mo na lang na hinding-hindi ka magiging the best." At sinalinan na niya ng alak ang baso.
"Dahil babae ako? Nahihinaan ka sa akin?" may tuyang tawa ng babae.
"Dahil iba ang tactics ko. At kung dahil doon kaya magiging best agent ka ng GRU, hindi ko na iyon ise-share pa sa iyo."
"I-share mo!" hablot nito sa kwelyo ng kanyang turtle neck sweater.
Lalong nagdikit tuloy ang kanilang mga mukha at napalunok na lang siya. Inangat niya ang hawak na baso ng vodka at dinikit iyon sa labi ng dalaga. He just suddenly felt the urge to see her pale lips moist with liquor. And when it was finally wet, his lips parted, as if wanting to lick and suck her lips dry.
It was really, really maddening.
"Sexspionage," he murmured the answer under his breath.
----------------------------------------------------
RUSSIAN INFLUENCE:
** Tuwing November ang umpisa ng winter season sa Russia. It lasts up to February of the proceeding year.
** Screwdriver is a bar drink that consists of vodka and orange juice in general. Kapatid ito ni Harvey Wallbanger at maraming variations na may iba't ibang uri ng juice at dami ng vodka o alcohol content. Under Russian Influ ito dahil sa vodka. Russians were known for extreme intake of vodka and being one of the pioneering countries that produces and consumes it.
** Sexspionage is involving sex and/or romance to spy a person. It was one of the tactics used notoriously by spy agencies, like KGB (old name of GRU) to effectively gather information from enemies. Example of spies who use this tactic are James Bond (fictional) and Mata Hari.
----------------------------------------------------
AN
Hello everyone! Maraming salamat sa pagbasa ng new chapter ng Peak for tonight <3 <3
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro