Chapter Thirty-Six
PLAY WITH FEAR
----------------------------------------------------
Madilim. Nakakasulasok ang amoy. Malamig.
Iyon ang tatambad sa sinumang pumasok sa The Umbrella, ang abandonadong ospital na hindi natapos ang konstruksyon kaya naman sinabi na ginawang taguan ng mga Satanista noon, kung saan makakakita pa rin daw ng mga bangkay ng tao at hayop na inalay daw ng mga ito sa ritwal. May mga nagsasabi naman na hindi lang iyon ang nananahan sa gusaling iyon, kundi maging mga ligaw na kaluluwa, mga multong hindi matahimik na maaaring nakatayo sa dilim at nakatitig sa mapangahas na maliligaw doon sa dis-oras ng gabi. May napabalita na rin daw na nagpatiwakal na binata sa lugar na iyon dahil nasawi sa pag-ibig.
Tadtad ng graffiti ang ilang bahagi ng gusali na iyon na napapasok pa noon ng mga kabataan na gusto lang subukin ang sariling mga tapang. Nadudurog ang mga nagkalat na piraso ng bato at graba sa hagdan na inakyat nila Asja papunta sa isa sa mga silid niyon.
Sa silid na iyon ay may nakalapag sa sahig na de-bumbilya na lampara. Nakasandal si Boris sa pader, nakasuksok kay Bruno na naka-ekis lang ang isang braso habang ang flashlight ay alertong nakatutok sa mga nakatali na natutulog na sila General Dmitry at Colonel-General Vitaliy.
"Gaano katagal bago pa sila magising?" yakap ni Asja sa sarili at iniiwasan na ilibot ang mga mata sa paligid. Ayaw niyang makakita kasi ng kung ano na nakakubli sa madilim na parte ng silid na iyon.
Mukhang pareho niya si Boris sa takot na nararamdaman. Yakap din nito ang sarili habang nakasuksok kay Bruno.
"One to two hours lang ang epekto ng drug na ginamit namin," ani Sloven na nahimasmasan na mula sa pagiging emosyonal nito kanina. Marahil ay nagpapanggap na rin sa harapan ng mga tauhan nito kaya may kung anong lamig sa pananalita nito.
Sloven glanced at Bruno. "Hindi ba kayo nagkaroon ng problema sa mga ito?"
Umiling lang si Bruno. Meanwhile, Boris let out a groan.
"It's so gross," pag-iinarte na nito. "Pumapatol pa rin pala sa bakla iyang si--"
Matalim na titig ang binigay ni Sloven dito kaya hindi na tinuloy pa ni Boris ang ikukwento. Natutop na lang ni Asja ang bibig.
Si General Dmitry?
Binaba na nito si Feliks at tinabi sa mga ito. He carefully removed the chains around his body. Naging alerto naman si Bruno at inabutan ito ng lubid.
"Paghiwa-hiwalayin na natin ng kwarto ang mga ito," tali ni Sloven kay Feliks. "Mas matatakot sila kung hindi nila alam na may kasama silang kakampi."
Bruno nodded and carried Vitaliy. Si Boris naman ay mukhang ayaw pang umalis. Pero tila may napagtanto kaya nagmamadaling binuhat na sa balikat nito si Dmitry.
"Bruno! Sasamahan kita! Basta sasamahan mo rin ako!" habol nito sa nakaalis nang tauhan ni Sloven.
Asja watched Feliks being propped against the wall. Tumayo na si Sloven at pinagpagan ang kamay nito bago siya nilingon.
"Iiwanan muna natin sila rito," hila nito sa kanya palabas ng silid. "We will give them an initial fear. Then, we double it."
Sloven was merciless to his enemies indeed. Ngayon niya natutunan na ginagamit din pala nito ang takot para ma-torture at mapagsalita ang mga ito tungkol sa impormasyon na gustong makuha ng binata.
Nang makalabas na sila sa hallway, pinatong ni Sloven sa ibabaw ng balustre niyon ang bag at binuksan ang zipper. Inisa-isa nito ang mga laman hanggang sa makita ang ilim na knuckles na may stun gun feature. Sinuot iyon ng binata, dahilan ng panlalaki ng kanyang mga mata. A wicked grin stretched his lips, lifting one at the right corner before he gaze at her with his steely, electric blue eyes.
"Watch me, scare the hell out of them."
"Ako ang natatakot sa iyo, eh," bulong niya sa binata.
"I'm only doing my job," anito bago siya dinampian ng halik sa labi. Then he paused and stared into her eyes. Nginitian lang niya ang binata, marahil hindi pa ito makapaniwala na malaya na itong halikan siya.
He lowered his head. "I'll be very, very bad, Asja. You can punish me in bed later."
At tumayo na ito para silipin ang pinagmulan ng sigawan, marahil isa sa mga nadakip nila ay nagising na mula sa pagkakatulog.
Sloven Markov stepped in that room, pushing his way through to greet the general. Dumura si Dmitry at matalim na titig ang tinapon sa kanya. Nang maaninagan nito ang kanyang mukha mula sa liwanag ng nakalapag na lampara, tumaas ang labi nito sa nang-uuyam na ngisi.
"Nandito ka na pala," marahas nitong bati sa kanya.
He remained standing straight. Tinanim na ni Sloven sa utak ng lalaki na hindi siya maga-adjust at yuyuko para lang magtama ang mga mata nito. Paibaba ang pagkakatitig niya, sinadya na bigyan ito ng intimidation. Pero hindi agad-agad nanuot iyon sa heneral dahil siguro sa bilib nito sa sarili lalo na sa posisyon nito ngayon sa gobyerno.
The lamplight illuminated Sloven badly. He looked as pale as the ghosts in that haunted place. Nagulat ng bahagya si Dmitry nang makarinig ng kung anong kumalampag. Siya namang paglapad ng kanyang ngisi.
"Dmitry, Dmitry..." he cocked his head to the side. "Kamusta?"
"Nasaan ako?" nanunukat nitong titig.
"Sa Umbrella," sagot niya sa bulong na nananakot. "Huwag kang mag-alala," anito. "Ikaw lang naman ang panauhin dito. Ikaw at ilang mga ligaw na kaluluwa."
A mocking low chuckle escaped from his lips. "Sa tingin mo ba madadala mo ako sa mga multo-multo para manakot?"
"Kukwentuhan mo lang naman ako, Dmitry, huwag sana tayo humantong sa takutan," mahina niyang tawa. He could easily manage to release a low, sinister laugh and match it with a grin as cruel as that.
Umikot na siya sa likuran nito. "Ikwento mo kung ano ang pangalan ng samahan niyo nila Ivanov, Feliks at Vitaliy. Ikwento mo kung ano na ang plano ninyo ngayon sa RSF at sa gobyerno ng Russia?"
"Hindi ka na parte ng samahan, kaya wala ka nang karapatang malaman iyon."
"Pero hindi ba at ako ang tanging makakakumpleto ng planong iyon?" paniningkit ng kanyang mga mata sabay hinto sa likuran ng lalaki na nakaupo lang sa gitna ng madilim na silid na iyon.
His slow steps and haunting voice loomed all over the cold, dark room.
"Paano mo'ng nasabi na ikaw ang kukumpleto?" mahina nitong tawa.
"I am not stupid, Dmitry," inip na niyang paliwanag. Kailangan na niya itong diretsahin para tigilan na ng heneral na paliguy-liguyin ang usapan. "Kahit hindi sinabi sa akin ni Ivanov, alam ko na ginamit niyo lang ako para sa balak niyo dati pa.
Kailangan niyo ng isang representative sa bawat hukbo ng Russia dahil pumalpak ang una niyong plano. Sa una ninyong plano, ang kailangan niyo lang ay isang espiya sa GRU na kayang kumilos at magtago ng impormasyon nang walang makakaalam.
At ako ang espiya na iyon.
Gusto niyong palabasin na nawala ng German army, na ang kapabayaan nila ang dahilan ng pagkawala ng RSF para magpasimula ng digmaan sa pagitan nito at ng Russia, hindi ba?"
Nanatiling tahimik ang heneral, pero napansin ni Sloven ang tila paninigas ng katawan nito. He grinned and went on.
"Kung natuloy iyon, malamang ay sa militar ipamahala ang pagkalaban sa mga ito. Gayundin sa pamamahala sa Russia para masigurado na ligtas ang mga tao nito. Doon niyo sisimulan ang pag-unti-unti sa pagtanggal sa Presidente sa pwesto, para kayo ang mamahala sa bansang ito sa ilalim ng batasa militar."
"Alam mo na naman pala," matabang na wika ng lalaki. "Ano pa ang silbi ng pagtatanong mo sa akin ngayon dito?"
"Dahil--" sabunot niya rito patingala para magtama ang mga mata nila, "--alam ko na may panibago na naman kayong balak para ituloy ang pumalpak ninyong unang misyon."
"Wala kang mapapala sa akin, Sloven Markov," mahina nitong tawa.
"Ah, ganoon?" padabog niyang bitaw dito. He squatted behind Dmitry. "Kung wala akong mapapala sa iyo, siguro naman sa mga larawan mo na nakikipaglaplapan sa kapwa lalaki, may mapapala ako."
"Gago ka."
He chuckled lowly. "Magsalita ka."
"Gago, madali lang sabihin na in-edit ang mga larawang ikakalat mo."
This time, Dmitry hissed and gritted in irritation.
"Okay," bored niyang sagot bago ito sinuntok sa likod gamit ang may panguryenteng knuckles.
Umalingawngaw sa silid ang palahaw ni Dmitry sa sakit habang hindi mapakali na nagkikikisay ang katawan nito bago napahiga sa marumi at maalikabok nitong sahig.
Sinipa ito ni Sloven para mapatihaya. He stepped on Dmitry's black trench coat, feeling damn sorry because it looked expensive.
"Ano?" amba niya sa knuckles sa tapat ng mukha nito.
Dumura lang ito, pero hindi umabot sa kanya. Walang emosyon na diniin niya ang knuckle sa bandang sikmura nito at humiyaw na naman ang lalaki sa kuryenteng dumaloy sa katawan nito. His body danced in torture, screaming and squirming before Sloven pulled away his hand.
"Siguro naman may inspirasyon ka na para kwentuhan ako," naiinip niyang tayo na ng tuwid. "Ihanda mo na ang ikukwento mo. At sana pagbalik ko ay buhay ka pa."
"Bakit? May darating ba rito na tauhan mo para pahirapan ako?"
"No," ngisi lang niya. "Mga multo lang naman ang nandito. Mga satanista. Mga masasamang loob at halang ang kaluluwa na tulad ko."
He scoffed. "Huwag kang magpatawa, Markov."
"Nasa Umbrella ka. Don't forget that," lakad niya patungo sa lampara.
"Saan ka pupunta?"
Hindi niya sinagot ang lalaki. Binitbit na ni Sloven ang lampara at iniwanan ito.
"Markov! Bumalik ka rito! Tangina mo, Markov!"
Iniwanan niya ang heneral na tawag ng tawag, sigaw ng sigaw bago ito nanahimik ulit. Walang malay si Sloven na ang dahilan ng pananahimik nito ay ang tila paglilikot ng imahinasyon ng lalaki sa madilim na silid na iyon. Pusikit at walang makita kundi kulay itim lamang, kaya nang makatanaw ng pulang pagkislap ng kung ano ay nahigit na nito ang hininga sa takot na pumitik sa dibdib nito.
Sinundan iyon ng kaluskos at pagtakbo ng tila mga maliliit na paa.
Nanginig ang heneral nang tila may narinig itong bumulong sa tainga nito.
At nang may malamig na tila humawak sa batok nito, doon na ito nagsisisigaw.
"Naririnig mo ba iyon?" ngisi ni Sloven sa kaharap na si Vitaliy. "Baka ikaw na ang sumunod."
Napalunok ang lalaki, nanginginig dahil kanina pa pala ito tinatakot ni Bruno tungkol sa lugar kung nasaan sila.
"Tangina mo, Markov, alam mo na nakakakita ako ng multo!" pumilit ng katawan nito na makawala sa pagkakatali pero hindi naging matagumpay.
"May nakikita ka na ba?" ngisi niya rito. "O, gusto mong tulungan kita?" pakita niya rito sa knuckles. "Mas madali yata na makita ang mga multo kapag mamatay-matay ka na hindi ba?"
"Isa kang demonyo!"
"Nakikiusap lang naman ako na magkwento ka," hilig niya ng ulo, walang emosyon na nakatitig sa kinikilabutang lalaki nang biglang may narinig itong maliit na tawa. Tawang nakakapanindig ng balahibo, tila tawa ng bata.
At imposibleng magkaroon ng bata sa ganoong klase ng lugar.
"Ano iyon?" panlalaki ng hinilakbutan nitong mga mata sa kanya.
"Wala iyon," kampante niyang ngisi. "May napadaan lang."
"Gago ka, Markov!"
Tumayo na siya. "Kung wala kang ikukwento, mabuti pa na iwanan kita rito."
"Huwag! Huwag!" The man squirmed, he fell lying on the ground. Siyang sulpot ng kung ano sa kadiliman na may pulang mga mata at may sungay.
Nagsisisigaw sa takot ang lalaki at halos mapaiyak na. Dahil sa pag-alis ni Sloven, nabalot na ang lugar sa dilim.
Masarap ba? Masarap ba? Masarap ba? paulit-ulit na wika ng maliit na boses ng isang babae na tila bumubulong dito.
"Aaaaaaaaaaaahhhh!"
Sloven heard Vitaliy's scream and grinned in satisfaction as he watched Feliks, still asleep. Siya namang pasok sa silid na iyon ni Boris at nanginginig na yumakap kay Asja. He threw a glare at him for doing that, but upon realizing that he was overcome with the creeps, pinagbigyan na lang niya ito.
Asja looked worried, patting Boris' back.
"Nakakakilabot! Hindi ko na kayang magtagal pa sa kwarto ni Dmitry at hipu-hipuin siya roon para manakot lang!" bulong nito.
Binalik ni Sloven ang mga mata kay Feliks. Mataman niya itong tinitigan habang si Asja naman ay nagpapatulong na kay Boris sa pag-set-up ng mga gamit doon para gamitin na panakot kay Feliks kapag iniwanan na nila ito mag-isa sa silid na iyon.
Naulinigan ni Sloven ang ilang mga sigaw mula sa kabilang silid, mga palahaw at pagmamakaawa ng dalawang opisyal na magsasalita na tungkol sa balak ng grupo ng mga ito. At minsan naman ay puro mga mura para sa kanya.
He stepped closer, positioning in a knight sit as he carefully pulled out his knife and placed it on the man's neck. Nang makita ang paglunok nito, inihilig niya ang noo at ngumisi.
"Kanina ka pa gising," bulong niya rito. "Dumilat ka na, dahil nahuli na kita."
Natigilan si Asja sa ginagawa at napalingon sa kanya. Ganoon din si Boris. Si Bruno naman ay kakadating lang matapos nitong i-play ang recorded na boses ni Anya.
May palagay na kasi si Sloven na ang nangyaring panggagahasa kay Anya ay hindi lang si Ivanov ang may kagagawan. Tulad nga ng kinuwento noon sa kanya ni Risha, ginahasa raw ito at ng mga kaibigan ng dating heneral.
Dahan-dahang minulat na nga ni Feliks ang mga mata.
"Ikukwento ko na sa iyo ang lahat," matiim nitong titig. "Dahil kahit malaman mo pa ang katotohanan, huli na rin naman ang lahat."
"Paano'ng huli na ang lahat?" diin niya sa talim ng kutsilyo sa leeg ng lalaki.
"Dahil malapit nang maisakatuparan ang mga balak ng Pro-Militia."
At kinuwento na ni Feliks ang lahat-lahat.
----------------------------------------------------
AN
Ang tagal naman ng backstory ng Pro-Militia hahaha, pero don't worry. Bukas talaga, mare-reveal na hahaha XD kahit ako naiinip na eh hahaha! Kaya lang sagad na ako sa wordcount for tonight (--at ang ingay pa ng pet dogs namin dito T^T i can't concentrate na XD)
Kitakits bukas for more updates.
At baka this week na rin ang huling week ng #Peak T^T <3
Thank you for reading tonight's updates! ;*
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro