Chapter Thirty-Seven
I dedicate this chapter to JojieAscura <3 Thank you for supporting my works!
PRO-MILITIA
----------------------------------------------------
"We hated the administration that time," panimula ni Feliks. "At dahil sa pagnanais na baguhin iyon, mula sa isang kwentuhan ay sineryoso iyon ni Ivanov.
We should have known that his intent behind all these was his hunger for power.
But it was too late.
Maging kami ay nauhaw na para roon-- para sa kapangyarihan.
Lahat kami ay nakatanggap noon ng imbitasyon para sa New Year's Eve party sa yate kung saan naglayag ito sa ilog ng Moskva. Malamig, balot na balot ang lahat ng makakapal na jacket at coat. Pasimple ang naging palitan namin ng tingin-- ako, si Ivanov, si Anya, si Dmitry, si Vitaliy, si Anton--"
"Si Anton? Ang retired general?" putol ni Sloven sa pagkukwento nito.
Feliks nodded. "Yes. Sa tingin mo, paano niya malalaman ang ganitong klase ng sikreto kung wala siyang kinalaman?"
"Pero siya ang nakiusap kay Gregori na harangin ang mga plano ninyo."
Mahina itong tumawa. "Oo. Dahil nung nagbago na ang namumuno sa bansa, ganoon na rin kabilis na nagbago ang kanyang isip. Palibhasa ay nagpakasasa siya sa kanyang posisyon nang dahil sa pangulo noon, kaya ganoon na lang siya kabilis makalimot."
Sloven clenched his fist. "Ang nangyari sa yate, ilahad mo sa akin. Lahat-lahat."
The man let out a sigh. "Inabutan ni Ivanov ng sigarilyo ang bawat isa sa amin na kasapi sa Pro-Militia. May relasyon siya sa kapatid mo dahil gusto niyang gamitin si Anya para palaganapin nito sa university nila ang pro-militia mindset."
Napatiim-bagang na lang siya sa narinig.
"Sa bawat sigarilyo na inabot sa amin ni Ivanov, may nakarolyo na puting papel sa ibabaw ng puting coating ng sigarilyo na iyon. Isa-isa kaming naghanap ng mapagtataguan para matanggal ang pagkakarolyo niyon sa katawan ng stick at mabasa ang mensahe. Nakasaad doon kung saang cabin ng yate kami mag-uusap-usap.
At naging maingat din kami sa pagpunta roon. Nauna si Anya dahil abala ka na noon sa labas sa pagsasalansan ng mga fireworks. At halos sabay-sabay kaming pumunta roon, nagdahilan na lang na may mahalaga kaming pag-uusapan na may kinalaman sa trabaho.
Naroon si Gregori, pero medyo lasing na siya kaya tila hindi napansin ang pagkawala namin sa silid na iyon ng sabay-sabay.
Isa pa ay nag-aalangan si Ivanov na isama si Gregori dahil alam mo naman na medyo may hindi sila pagkakasunduan. Kadalasan ay kinukwestiyon ni Gregori ang mga pinapagawa ng militar bago maglabas ng agent para sa isang misyon, kaya sa palagay niya ay mahihirapan kami sa lalaking iyon. Kaya ako, ako ang napili niyang kasabwat sa GRU."
"At nasa plano niyo na ako ang piliing agent para tuparin ang planong iyon," matiim niyang titig sa lalaki.
"Oo," ngisi nito. "Pero kilala ka namin, kung ang adhikain lang namin ang ipepresenta sa iyo, alam naming hindi ka papayag. At tapat ka kay Gregori, kaya baka bago pa masimulan ang aming mga plano ay mapurnada pa.
Kaya naman nung pagpupulong na iyon, pinakiusapan namin si Anya na kumbinsihin ka.
Alam namin na lahat ng lalaki ay may kahinaan. Kung hindi pang-sekswal, iyon ay para sa kanyang pamilya.
"Bakit pa natin kailangang i-involve si Kuya rito?" tanong ni Anya na nakaupo sa gilid ng kama habang nakatayo ang mga kalalakihan sa kanyang paligid.
"The plan goes like this, young lady," ani Dmitry. "Ang kuya mo ang ipapain natin sa mga kalaban. Once all of us gets into the leadership position, he will have to get himself caught spying by the Germans. He would have to talk and say that Russia is planning a war against them. And that will be start of an invasion."
"Hindi ganoon ka-istupido ang kuya para makisakay sa ganyang ka-risky na plano," yakap nito sa sarili. "At isa pa, hindi ako pumapayag."
"We'll make him agree," makahulugang lingon ni Dmitry kay Ivanov na naninigarilyo lang.
Kung titingnan nung gabing iyon si Ivanov ay maingat ito at hindi sinasagot si Anya, hindi dahil sa may respeto siya sa kapatid mo... kundi dahil sa takot na baka magalit niya ito at ipagkalat na nito ang pagbubuntis sa anak nilang dalawa.
Pero siyempre, nadiskubre din naman ni Ivanov na kasinungalingan lang iyon ni Anya para matali siya. Ah, masyadong tuso si Ivanov kaya naman nang bigyan siya ng ganoong klase ng tingin ni Dmitry ay tumango lang ito at lumabas na ng silid.
"Saan ka pupunta?" puna ni Anya nang tinungo na ni Ivanov ang pinto.
"Kung ako sa iyo, sumunod ka na lang sa plano."
Tumayo na ito. "We can think of better plans. Just put my brother out of this?"
"He's the best man for the job," buga ni Vitaliy ng usok ng sigarilyo. "Magaling na sundalo, mas magaling na espiya. Aren't you proud of that?"
"He's a principled man," she hissed.
"A man lets go of his principles when a woman begs him to do so," mahina nitong tawa.
"May kakayahan ako na saktan ang kuya, pero hindi ko iyon gagamitin laban sa kanya."
"Hindi naman ganoon ang mangyayari," sabat ko sa usapan nila, inip na nakatitig kay Anya. "Papakiusapan mo lang siya na tulungan tayo sa pag-galit sa gobyerno ng Germany para sumugod sila rito at maisip ng pamahalaan natin na kailangan na nilang panaigin ang batas militar."
Lumabas na si Ivanov ng silid at maingat na sinara ang pinto.
"You know what?" tayo na nito at ayos sa pagkakasuot ng coat. "This is not making any sense anymore. Sa tingin ko ginagawa niyo na lang ito para sa kapangyarihan, hindi para sa prinsipyo na nararapat na magkaroon ng batas-militar para maging mas disiplinado ang mga mamamayan sa bansang ito."
Paalis na siya pero hinablot si Anya ni Dmitry sa mga braso, mariin at pwersahang inupo pabagsak sa kama.
"Iyan ang hirap sa iyo, Anya Sokolov," ngisi nito. "Katulad ka ng kuya mo, masyado kang matigas, pero sa tigas ng ari namin paniguradong lalambot ka."
Gumuhit ang panghihilakbot sa kanyang mukha. Inatake ako ng kaba nang lingunin ni Dmitry, nakita ko ang katusuhan sa kanyang mata, ang pagkislap ng pagnanasa at pagnanais na makaisa kay Anya.
Nilipat ko ang tingin kay Vitaliy na naghuhubad na ng suot nitong coat.
"Hindi ko alam na kasama ito sa plano," maingat kong wika.
Pero nang marahas na hubaran na ni Dmitry si Anya, tila pumanaw lahat ng katinuan sa isip ko nang tumambad ang mura niyang katawan. Maganda, maputi, bilugang mga dibdib--"
"Walanghiya ka!" itsa ni Sloven sa hawak na patalim saka hinablot sa kwelyo ng damit si Feliks para sapakin ang mukha nito, bangasan ng paulit-ulit.
Bumagsak na ito, siyang paimbabaw ni Sloven para ituon ang tuhod sa sikmura ng lalaki at ituloy ang pagsuntok sa mukha nito. Nagmamadaling dumating si Asja para hilain siya palayo, pero pulang-pula na talaga siya sa galit, naninikip ang dibdib habang tila may sariling nagpupuyos na damdamin ang kamao na tumatama sa mukha ng gagong gumahasa sa kanyang kapatid.
"Bakit niyo iyon ginawa! Paano niyo iyon nagawa sa kapatid ko!" sigaw niya, tila lalagutok ang mga ugat sa braso sa higpit ng pagkakakuyom ng kamao at sa pagkakahawak sa kwelyo ni Feliks.
"Sloven, tama na--" pakiusap ni Asja na nagpupumilit hilain siya palayo kay Feliks.
Kung hindi pa siya hinila ni Bruno ay baka nadurog na niya ang bawat buti sa mukha ng hayop na iyon na ngayon ay putok na ang labi, bangas-bangas na ang mukha at duguan na dahil may suot pa siyang knuckles. Hindi na nga lang niya napindot ang pangkuryente niyon dala na rin ng bugso ng damdamin.
"Bakit?!" galit at hinanakit ang nag-strain sa boses niya habang diring-diri at naggagalaiting nakatitig sa nakahandusay na si Feliks. "Bakit niyo iyon ginawa sa kapatid ko?!"
Habol ang hininga na umubo si Feliks bago sumagot. "Para hindi na niya kwestiyunin pa ang gustong mangyari ng Pro-Militia, para itanim sa kukote ng kapatid mo na isa pa niyang pagsalungat ay makakaranas ulit siya ng ganoon." Isang pagak na tawa ang sumunod doon. "At matalino ang kapatid mo, nadala siya sa isang salita. Natuto na rin makipag-cooperate."
"Mga hayop kayo! Mga putang ina ninyo!" Gusto niyang kumawala mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya ni Bruno. Hindi lang bugbog ang nararapat kay Feliks. Hindi lang pananakot, dahil walang silbi iyon. Sa ginawa ng mga ito sa kanyang kapatid, sapat na katibayan iyon na walang takot ang mga ito sa Diyos at sa batas.
Gustong-gusto niyang pumatay.
"Mga hayop!" pigil niya ang maluha. "Ginamit niyo si Anya para maging sunud-sunuran ako sa mga plano ninyo, mga animal kayo!"
"At dahil alam na ng kapatid mo ang kaya naming gawin, mas ninais niya na maging sunud-sunuran ka namin, kaysa sa itulad ka sa kanya, na may hindi magandang kinahinatnan."
Nanghihinang bumagsak siya sa sahig, dahan-dahang bumitaw sa kanya si Bruno. Asja lowered her eyes, feeling his pain but displaying a strength stronger than his as of the moment. Dinampot ng dalaga ang patalim na hinagis ni Sloven at binigyan siya ng tingin bago nilisan ang silid na iyon.
Asja stepped carefully on the dark hallway, carrying a flashlight with her. Sumipa ang kaba sa kanyang dibdib nang makarinig ng mga hakbang. Inihanda niya ang hawak na patalim at hinarap ang nasa likuran na si Boris pala.
Boris held his breath. "Easy, girl, sinundan lang kita. Saan mo balak pumunta?"
Binaba na niya ang kutsilyo, bahagyang nangibabaw ang palahaw ng dalawa pa nilang mga bihag sa magkaibang silid.
"I'll interrogate one of them," titig niya rito saglit bago pinagpatuloy ang paglalakad, siya namang sunod nito. "I have to take charge now that Sloven is getting emotional."
"It's a rare case."
Napahinto siya saglit. "Rare case?"
"Yeah," buntong-hininga nito at sinabayan na siya sa paglakad. "Hindi ganyan si Boss. Si Anya lang ang nagpapa-emosyonal sa kanya ng ganyan. Pero kung hindi mai-involve ang kanyang kapatid, malamig siya at walang puso. Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Boss, nakita na namin siya sa iba't ibang aspeto--- sa kanyang pinaka emosyonal hanggang sa pinakamatigas."
"Tao rin naman siya, mabuti na rin iyong hindi siya nagkikimkim ng mga saloobin."
"Sino ang puputahan mo sa kanila?" tanong na nito.
"Si Dmitry," aniya, inaalala na ito ang tila nagpasimula sa paggahasa sa kapatid ni Sloven. "Siya ang pinakamatigas sa kanilang lahat, kaya malamang siya ang may pinaka-motibasyon at mas marami ang nalalaman."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "It will be my pleasure to torture that man."
Makahulugang titig ang binigay niya kay Boris. "Is this another revenge?"
His eyes sparked in sly mischief. "You can say that."
Asja turned, stepping inside the room and pointed the flashlight on Dmitry's face. Nakita niya na nakatihaya na ito at nakatulala.
"Papatayin na ang Presidente," mahina nitong sagot sa tila nababaliw na tawa. "Sa kanyang pribadong party. Hindi na siya makakarating pa sa public celebration ng kaarawan niya."
Hindi na tinuloy pa ni Asja ang tangka na tutukan ito ng patalim o kwestiyunin.
Lumakas na ang tawa nito. "Makaaalis na rin ako sa sinumpang lugar na ito! Hindi niyo na ako magagalaw! Mamamtay lahat ng walanghiyang ginawa akong parausan!"
At humalakhak ito ng humalakhak.
Napaatras si Asja nang maramdaman ang paghila sa kanya ni Boris palabas ng silid.
"I never knew that he also had a traumatic childhood," he muttered.
Nang balikan nila ang silid ni Feliks, si Bruno ang nadatnan nila sa may pinto.
"Doon," turo nito sa may hallway, pinapahiwatig na wala na si Sloven sa silid na iyon.
Asja gave Boris a pat on the shoulder. "Dito na lang muna kayo."
At iniwanan na niya ang dalawa. Sumuksok na naman si Boris kay Bruno.
"Ano ba," mahina nitong saway sabay usog palayo para sumandal sa pader.
"Walang malisya ito, okay? Nakakakilabot lang talaga sa lugar ito!" pabulong nitong pagda-drama. "Wala talagang awa si Boss! Bakit pati tayo kailangang ma-torture para makapag-torture siya ng ibang tao!"
Inignora lang ito ni Bruno na humalukipkip lang at nasa malayo na ang tingin.
Asja found Sloven sitting on top of a plight of unfinished stairs. May katabi itong bote ng mineral water na medyo bawas na. Maingat na umupo siya sa tabi ng lalaki. Her hand rubbed the side of his arm, hoping that would comfort him a bit. Inangat nito ang isang kamay para ipatong sa kanyang kamay na siyang pumigil sa paggalaw niyon sa braso nito.
Sloven let out a sigh.
"Looks like, some wounds don't heal."
"For a moment," he lowered his eyes, "I hated Anya, without knowing she loved me more than I could love her."
Naluluhang niyakap niya ito. "Huwag mo nang sukatin kung gaano kalaki ang pagmamahal na binigay niyo sa isa't isa."
Napayuko ito. "May mga pagkukulang din naman kasi ako, Asja. I always think about the future, kakaisip ko sa kanyang kinabukasan, halos hindi na kami nagkikita. Minsan, umaabot ng mga taon. Kakaisip ko sa kinabukasan niya, ni hindi ko man lang nalubos-lubos ang mga panahon na buhay pa siya, kung ano ang ngayon at na makakasama ko siya. Kung alam ko lang na sa hinaharap ay hindi ko siya makakasama, pinagpalit ko na sana iyon para sa mas mahabang panahon na makakasama ko siya."
Siyang kawala ng mahina nitong hagulgol. Siyang patak ng mga luha nito.
Nilunok ni Asja ang emosyon na umaahon sa kanyang dibdib. Sa ganitong oras ay dapat na maging mas matatag siya. Sloven needed a shoulder to lean on right now, and they would only stumble if she did not make herself sturdy enough for him to lean on.
"First," she breathed out, "you have to accept the fact that she's already gone. Umalis siya dahil ayaw na niyang pahirapan ka, pero dahil sa mga dinaranas mo ngayon, parang napunta lang sa wala ang pagsasakripisyo ni Anya sa sarili niyang buhay para sa iyo."
Tila natigilan ito.
"Iyon ba ang gusto mo? Na mapunta sa wala ang lahat ng kinimkim niyang takot? Na mapunta sa wala ang lahat ng sinakripisyo niya para sa iyo?"
Sloven gently shook his head, placing it on top of her head. Nanatili lang siyang nakasandal sa balikat ng lalaki.
"Then, slowly let go. It is not easy, that's why take it slowly, but let go... one finger at a time, until you have finally released all the pain," pikit niya para pigilan ang mga luha na tila nagpupumilit na manulas pababa sa kanyang mga pisngi.
"Bakit mo ako iniwanan kanina? Natu-turn off ka ba kasi hindi naman pala ako ganoon ka-the best?" mahina na nitong tawa.
"Umalis ako dahil ayokong masaktan. Sa panahon na mahina ang isa, dapat maging malakas ang isa para sa kanya."
He nodded and kissed the top of her head.
"Si Dmitry... alam mo na may trauma siya..." mahina niyang wika. "He hates being touched intimately, sexually... it freezes him... it makes him feel vulnerable."
"Yes," buntong-hininga nito. "Kaya kinailangan ni Boris na hipu-hipuin siya sa kadiliman ng silid na iyon, to let his imagination play, to flashback on his unpleasant memories. Now, tell me, I am so cruel for torturing someone that way, right?"
"At si Vitaliy... paulit-ulit mo na pinarinig sa kanya ang voice record ng boses ni Anya," her hand caressed on his arm as she hugged it.
"May third eye daw siya," mahina nitong wika. "Kaya pinalabas ko na minumulto siya ni Anya."
"At si Feliks... camera lang ang pina-set-up mo sa amin sa silid na iyon."
"Dahil ang kinatatakutan lang niya ay ang madiskubre ng ibang tao kung sino siya," mahina nitong wika. "Ang kinatatakutan niya ay ang malaman ng mga anak niya ang kasamaang pinaggagagawa niya."
"Pero hindi mo pa sinasabi sa kanya na may camera sa silid na iyon na nagre-record."
"Hindi ko na nagawa pang sabihin. At mabuti na rin iyon, at least, sinabi na niya ang lahat-lahat."
"Pero bakit kaya ganoon niya kadaling inamin ang lahat?"
"He wanted to turn things around, I guess," layo sa kanya ni Sloven para titigan siya sa mga mata. "Dahil ayaw niyang malaman ng kanyang mga anak na involved siya sa ganitong kaitim na mga plano, he's suiciding. He's telling everything right now in hopes that I will kill him after obtaining that information."
Nanghihilakbot siya sa realisasyon na iyon.
"He'd rather die and not know how the shame would affect everyone, than live and be discovered soon anyway... and die everyday in shame."
Napayuko siya ng kaunti. "Magaling ka rin talagang bumasa ng mga tao."
"Not all the time, especially you," haplos nito sa kanyang mukha ng kamay nito na tinanggalan na ng knuckles. "My heart knows everything about you, but my mind could not understand anything. It seems to be always what I won't understand, but I am glad that I don't understand."
Tipid na ngiti lang ang sinagot niya sa lalaki.
"Because if I understand it, I know it will be boring," mahina nitong tawa. "This feeling always excites me about you, Asja. I can live with this kind of scary excitement for the rest of my life with you."
At sinalubong na niya ang madamdaming titig ng asul nitong mga mata. No ghost in that haunted place could definitely touch or interrupt this short sweet moment they have right now.
----------------------------------------------------
AN
Good evening, ladies and gentlemen!
Ito na ang UD for this day ng #Peak! And heeeey, hahaha ang aga ng UD ngayon no? hahaha XD
Enjoy reading, and read the next chapter para sa grand party kung saan invited ang lahat.
(Ako na ang mahilig sa grand parties!)
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro