Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Nine

THE GIFT

----------------------------------------------------

"Nandito si Dmitry," bulong ni Sloven kay Asja na kanyang kasayaw sa dance floor.

Hindi niya inalis ang paningin sa ginoo na naglalakad, bahagyang tumango at ngumiti ito sa mga nakakasalubong na bumabati rito. Dmitry wore a brown coat with furry collar. He looked fashionably respectable in a sense. At dahil wala naman itong natamong bugbog mula sa kanila, nakaharap pa ito ng maayos sa mga bisita ng pangulo.

"Susundan mo ba siya?" mahinang tanong ni Asja na ang paningin naman ay nakatuon kay President Liev.

"Oo," sulyap niya saglit dito bago pinihit ang dalaga nang mapapagawi na sa kanila ang mga mata ni Dmitry.

Niyuko lang ni Asja ang ulo, tila nagkukunwari na tinitingnan ang palda para iwasan ang pagtutok ng mga mata ni Dmitry dito.

Sloven eyed on the president, who sat and still enjoyed watching Vitas perform a classical opera song that the people were dancing to. Sumuksok sa ginoo ang asawa nito na si Inessa, blonde ang buhok at nakapusod na may head dress na puno ng makintab na diyamante at pulang rubies na bumagay sa pula nitong dress.

His eyes narrowed, watching her hand him over a wine glass. Nakangiting kinuha ng ginoo ang baso at nilapag lang iyon sa mesa.

Good. Hindi siya maglalasing.

"Paalis na siya, Sloven," basag ni Asja sa katahimikan sa pagitan nila.

"Saan papunta?"

Lumingon si Asja sa bandang kanan nila, saktong napatingin siya at nakita ang pagdaan ni Dmitry na hindi sila napansin dahil sa kapal ng tao sa pagitan nila. Humiwalay siya kay Asja at hinalikan ito sa likod ng kamay bago iniwanan para sumimple ng buntot sa lalaki.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot nitong coat. Nakapamulsa ang ginoo.

Siya ba ang naka-assign na pumatay sa Presidente? kunot ng kanyang noo, pero saglit lang iyon.

His expression slowly shifted, blending with the mood of the crowd. He projected a festive smile, yet eyes full of seriousness. Sumimple siya ng ayos sa kurbata habang sinusundan ito.













Samantala, humarap na si Asja at tinuon ang atensyon sa Presidente na nakuwentuhan ang asawa nito habang pinapanood si Vitas. Pinipilit ni Asja na sikilin ang excitement na magpa-picture mamaya sa paborito niyang mang-aawit dahil nasa isa silang misyon ni Sloven.

Dahan-dahang nilagpasan niya ang kapal ng tao na nagkalat sa bawat nadadaanan niya, kunwari ay namamasyal lang sa kasiyahang iyon. Pinahinto niya ang waiter at kumuha ng isang wine glass na may lamang champagne. Her eyes diverted back to the president and the wine glass on his table that contained something red in color.

"May red wine ba kayo?" tanong niya sa waiter.

"Champagne lang ang pinapa-serve sa amin ni Miss Inessa sa party na ito."

Her eyes returned on the couple, narrowing, especially on Inessa. "Oh, good. Thank you."

At iniwanan na siya ng waiter. Maingat na inangat ni Asja ang wine glass at inamoy iyon. Wala namang kakaiba roon, pero hindi rin siya uminom doon. Huminto siya sa tangka na paglapit sa mag-asawa nang maunahan ni General Dmitry. Tumayo ito sa tabi ng presidente, bahagyang yumuko para magpantay ang kanilang mga mukha.

Tila binati nito ang presidente at may inabot na isang makintab na kahon na kulay ginto na may ribbon. The president smiled uncomfortably and nodded. May kaunti pa silang pinag-usapan na tinawanan ng tatlo bago umalis si Dmitry. Nang lingunin si Sloven ay binigyan siya nito ng makahulugang tingin bago sinundan ang heneral. All at once, she knew that he wanted her to have an idea on what's inside the box that Dmitry gave.

Asja confidently approached the couple.

"Hi," upo niya malapit kay President Liev.

"Oh, hi," ngiti nito. "Nasaan si Aleksandrovich?"

"Kinailangan niyang gumamit ng banyo," ganti niya rito sabay pasada ng tingin sa gintong kahon na hawak nito. "Whoa, that looks expensive. Kanino galing?"

Makahulugan ang naging pagtitig nito sa kanya. "Sa heneral."

"Ooh, no wonder," she smiled, then glanced at Inessa. Bahid ba ng pagseselos ang nasa mga mata nito? 

Tumaas ang sulok ng mapula nitong labi. "Well, baka gusto mo na ilagay ko na ang mga regalo mo sa private suite dito," lingon nito sa asawa, "I don't think kakasya iyan sa bulsa mo."

Inabot nito ang kahon kay Inessa. "Sure," he spoke slowly. "Pero pagkalagay mo niyan, bumalik ka kaagad dito, okay?"

"Oh, sure," malapad nitong ngiti.

Inessa sexily picked up the box and pecked the president on the cheek before she left. Sinundan nila ito saglit ng tingin bago hinarap ni Asja ang ginoo.

"Do you have any clue kung ano ang laman niyon?" tanong niya rito.

"Could be an atomic bomb," sagot nito, ang mga mata ay nakatutok sa entablado at ngumiti ito para magpanggap na masaya ang pinag-uusapan nila. "Hindi siya umaalog nung inalog ko kanina ng kaunti."

"I'll find out," paalam niya rito.

"Thank you."

At prente lang ito na umupo bago nagbago ang isip at sinabayan na si Asja. Napalingon tuloy siya nang makita ang pangulo sa kanyang tabi.

"You might run out of reasons why we're following Inessa," anito sabay dukot sa itim na kahon na binigay nila kanina ni Sloven dito. He handed it to her. "Kunwari ay ipapaiwan na rin natin ang isang ito sa kwarto.

"Please, hold it," lipat niya ng tingin sa kanilang dinadaanan. "Nandiyan ang pag-self defense mo, Mr. President."

Mahina itong tumawa. "Hindi por que matanda na ako eh, minamaliit niyo na ang diskarte ko. I have a gun strapped on my leg. Si Sokolov talaga," iling nito, at pinasya na hawakan na lang ang kahon. "Ano ang laman nito?"

"Baril na naka-conceal na ballpen."

"I can't imagine."

"'Yung dulo niya, mukhang dulo lang ng ballpen, pero iyon mismo ang dulo ng bala ng baril. It has five bullets, it automatically reloads. All you have to do is press the cap to shoot it."

"And you are expecting me to unwrap it now," bukas na nito sa kahon.

Sinulyapan niya saglit ang lalaki na binuksan na ang kahon at sinuksok ang ballpen sa maliit na chest pocket sa suit nito bago naging deretso na ang tingin.

"Idadahilan mo na nahihilo ka" instruksyon sa kanya ng pangulo, "para mapapayag mo ang asawa ko na ipagamit sa iyo ang private suite. Iiwanan ka namin doon para magkaroon ka ng pagkakataon na masipat ang regalo ni Dmitry. Pero posible na nakita na niya kayong dalawa sa party na ito at inasahan na rin ang pagpunta ninyo, kaya baka may isa pa silang kasamahan na hindi pa natin naa-identify na nakapagpuslit ng regalo na magtatangka sa buhay ko... o natin."

Tumama saglit sa kanya ang matiim nitong titig bago siya inalalayan sa kamay habang inaakyat ang red-carpeted na grand stairs.

"Copy, Mr. President," ngiti niya, maingat ang mga hakbang ngunit nagmamadali tulad nito.















Samantala, sinundan ni Sloven si Dmitry hanggang sa marating na nito ang hardin sa labas ng engrandeng mansyon. Lumutang ang malamig na amoy ng mga dahon ng puno at bagong tabas na damo dahil sa kakaibang lamig sa hangin. Nagkalat ang ilang nagbabagsakan na mga dahon na siyang dahilan ng pag-crunch ng mga ito sa bawat hakbang ng ginoo.

Narinig ni Dmitry ang kanyang mga paghakbang kaya nilingon siya nito. Dmitry cocked his head to the side, spreading a very sinister grin against him.

"Markov," nakakaloko nitong titig sa kanya. "Imbitado ka pala rito."

"Huwag kang gagalaw," wika niya, dahan-dahang inaangat ang kamay na may hawak na kutsilyo, ang kadena niyon ay nakapulupot sa kanyang kamao. Bahagyang kumalansing ang nakalaylay na dulo ng tanikalang iyon na kumislap sa liwanag na tumama rito mula sa poste ng ilaw. "Dahil hawak ko ngayon ang armas na hindi ako tinaraydor."

Bumaba ang paningin nito sa hawak niyang patalim. "Ah, Markov, ano ang panama niyang talim mo sa bilis ng bala ng baril na mayroon ako ngayon?"

"Huhugutin mo pa lang ang baril mo, naibato ko na itong kutsilyo. Kakasa ka pa lang, may tarak ka na sa dibdib," taas ng sulok ng kanyang labi.

Humakbang ng kaunti ang ginoo paatras. "Wala kang mapapala sa akin ngayong gabi, Markov. Dahil kung inaakala mo na ako ang papatay sa pangulo, diyan ka nagkakamali."

"Alam ko na hindi mo siya direktang papatayin," titig niya rito, maingat ang mga galaw at mapanuri sa kung anumang gagawin ni Dmitry. "Pero huwag kang mag-alala, sa oras na ito, nakuha na ni Asja ang kahon at nailayo na iyon sa pangulo."

Tumawa ito ng mahina. "Iyon ay kung si Asja ang unang makakakuha ng kahon."

His eyes narrowed.

"Sa tingin mo ba ay para sa presidente talaga ang regalong iyon?"

His hand clutched the knife tighter. Sloven could not let down of his guard, neither lose his cool, or else he would lose control of the situation.

"Binigay mo sa presidente, hindi ba?"

"Oo," parang baliw nitong tawa. "Pero hindi para sa kanya ang regalong iyon."

At lumakas na ang halakhak nito.

Damn. Asja, he stifled a harsh breath at the thought of the woman he loves. Kung hindi para sa pangulo ang regalo, ibig sabihin, may ibang tao na magbubukas niyon. Ibang tao ang makikinabang sa laman niyon na posibleng armas o kagamitan na siyang makakatulong dito para mapatay ang presidente.

Pero kung iiwanan niya si Dmitry dito, posibleng huli na siya makarating doon at baka natakasan na siya nito. Isa pa, gaano siya kasigurado na hindi nilalansi ng taong ito? Nag-usap na sila ni Asja tungkol sa plano para sa gabing ito. Ang dalaga ang magbabantay sa pangulo at siya naman ang magmamanman sa makikilala nila na posibleng pumatay dito.

At mukhang nagkamali sila ng pag-aakala na si Dmitry ang gagawa niyon.

May isa pang tao na kasapi ng Pro-Militia na hindi pa nila nakikilala kung sino. At mukhang wala rin ang taong iyon sa larawan nila sa yate noong nagdiwang sila ng New Year's party ilang taon na ang nakakalipas.

"Huwag kang tumawa riyan," marahas niyang wika. "Kayang-kaya ni Asja ang alas ninyo."

"How can you tell?" he shrugged with a loose smile. "She may be your queen, but a queen all alone doesn't win against an ace."

"She's with a king like me," he grinned.

At mabilis na initsa ni Sloven ang kanyang kutsilyo kasama ang tanikala. Sinalo iyon sa ere at hinawakan sa hilt ngunit nakaturo na sa likuran ang talim. Winasiwas niya ang kadena at pinulupot iyon kay Dmitry na balak pang tumakbo para tumakas. He caught the other end of the chain and tugged it to pull Dmitry close.

Yumuko ang ginoo para isuot ang sarili paalis sa nakataling tanikala sa katawan nito pero sinabayan lang niya ang pagyuko nito. Binangga ni Sloven ang lalaki sa kanyang likuran at sinampa roon para mabalibag. Lumipad ito mula sa kanyang likod patungo sa ibabaw ng kanyang ulo at bumagsak sa kanyang harapan.

He immediately unlinked the knife from the chain, poked a knee on Dmitry's chest and pointed the blade at him. Mabilis itong nakagalaw at tinutukan siya ng baril. Tumama ang nguso niyon sa kanyang sikmura.

Nagsukatan sila ng tingin ng lalaking tuwang-tuwa at nakahanap ng advantage sa laban nila.

---------------------------------------------------- 

AN

Hello, everyone! <3 <3

Updated na ang #Peak! Pa-wait lang ng kaunti sa kasunod nito na chapter ;) Ita-type ko pa lang <3 <3

Love,

ANA xoxo 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro