Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Four

ABDUCTION

----------------------------------------------------

Naka-loudspeaker ang cellphone ni Sloven nung umagang iyon habang abala si Asja sa pagtitimpla ng kape sa hotel na kanilang tinutuluyan. Maliit lang ang silid kaya halos nasa iisang kwarto lang ang kama, kusina at hapag-kainan. 

Na-check na namin ang profile ng mga taong pinapa-research niyo sa amin kagabi, wika ni Boris sa kabilang linya, nandito na ang profile nila Ivanov, Dmitry, Vitaliy, Feliks at Anya.

Saktong paglingon ni Asja ay siyang tapon sa kanya ng matalim na titig ni Sloven.

"Ano?" tanong niya sa lalaki.

"Iniisip mo talaga na involved ang kapatid ko rito?"

"I am not," depensa ni Asja sa sarili. Totoo nga na naginging madamdamin ang lalaki kapag ang kapatid na nito ang nadadamay, kita niya ang paglukot ng mukha nito sa iritasyon. "Kailangan lang natin mag-research tungkol sa kapatid mo para malaman ang involvement niya kay Ivanov."

"She's Ivanov's lover, happy?" he gritted before turning his back on her. "Boris, ituloy mo."

At frustrated na nasuklay ng lalaki pataas ang buhok nito. Napayuko na lang si Asja at tinapos na lang ang pagtitimpla. Kaninang umaga pa kasi tila hindi maganda ang mood ni Sloven. Kinakabahan tuloy siya dahil pakiramdam ni Asja ay may kinalaman ang mood ng lalaki sa mga sinabi nito kagabi.

...may gagamitin silang espiya para isakatuparan ang mga balak nila  

What do you think?

Pakiramdam niya ay pinagdududahan siya ng lalaki. Sino pa nga ba kasi ang agent na malapit kay Feliks? Siya lang naman dahil ang lalaki ang tumayong handler niya 'di ba? He had been giving her calculating stares this morning.

Binitbit na niya ang mga cup ng kape at nilapit ang isa kay Sloven. Hindi siya nito nilingon, inabala lang ng binata ang sarili sa pagta-type sa cellphone nito ng mga datos na sinasabi ni Boris sa cellphone.

Unahin natin si Anya, ani Boris. She was 18 when she was... raped, right?

"I know," Sloven muttered. Nakita ni Asja ang bahagyang pag nginig ng kamay nito.

Ilang buwan bago mangyari iyon, buwan ng Setyembre, sa pagbubukas ng bagong academic year sa Moscow State University, bumungad na ang protesta ng ilang mga estudyante roon. It was a protest in demand for a more disciplined policy in the university-- something military-like.

Sloven's eyes narrowed. "Don't tell me, involved diyan ang kapatid ko."

She's involved.

"Shit," sapo nito sa noo.

Natigil lang ang protesta dahil pinadala sila sa Dean's office.

Napabuntong-hininga lang si Sloven at nahilamos ng kamay ang mukha, kaya naisip ni Asja na siya na lang ang magtutuloy sa pagkausap kay Boris. She tapped Sloven's arm and gestured for him to drink some coffee. Sinunod naman iyon ng binata.

"Boris, ano sa tingin mo ang motibasyon nila para gawin ang ganoong klase ng protesta?"

Ang sabi sa school paper na nag-feature niyon, nagsama-sama lahat ng mga biktima ng diskriminasyon at pambu-bully sa university na iyon para mag-demand ng mas mahigpit na pagpapalakad at policy laban sa mga estudyante na nambibiktima. Napapansin kasi nila na sa kasalukuyang administrasyon ng university ay tila naisasawalambahala ang mga reklamo na may kinalaman doon.

"Kung may nang-aapi man kay Anya," baba ni Sloven sa hawak nitong cup, "nagsumbong na siya sa akin. At maayos naman siyang nakakauwi ng bahay."

Well, Boss, she's your sister. Maybe there is a sense of duty in her to protect other people. Hindi nga nakakapagtaka na magkapatid kayo.

Nilingon ni Asja ang binata, naghalo ang pride at lungkot sa asul nitong mga mata. Isang pigil na ngiti ang namutawi sa mga labi.

After that incident, Anya was seen in a cafe talking to Ivanov.

"Sino ang nagsabi niyan?" tanong ni Asja.

Isa sa mga kaibigan noon ni Anya na ngayon ay sa University na iyon nagta-trabaho. Siya ang nakausap namin sa library, habang iniisa-isa ang mga school paper noon.

"Natural lang ba na nagkikita sila Anya at Ivanov?" lingon ni Asja kay Sloven.

"I don't mind it before," mahina nitong wika. "Dahil si Ivanov noon ang nagpresenta na pag-aralin si Anya, para lang pumayag ako na magpalipat mula sa militar sa GRU."

"Si Ivanov ang kumumbinsi sa iyo na talikuran ang pagiging Lieutenant at maging agent ng GRU?"

Nakatitig lang si Sloven sa cellphone. "Hindi na niya ako kailangang kumbinsihin. Matapos ang mga dinanas ko noong Russo-Georgian War, mas gugustuhin ko pa na maging espiya kaysa ilagay ang isang paa ko sa hukay sa kakasali sa mga giyera na iyan."

"Pareho lang iyon!" panlalaki niya ng mga mata kay Sloven.

"At least, sa pag-eespiya mas malaki ang tsansa ko na mabuhay," titig nito sa kanya.

Itutuloy ko pa ba ang pagrereport o magtatalo muna kayo riyan? tila naiinip na singit ni Boris mula sa kabilang linya.

"Ituloy mo," ani Sloven bago uminom ulit ng kape.

"So, nagkita si Anya at Ivanov pagkatapos ng protesta na iyon? At hindi na naulit pa ang protesta?"

Hindi na, ani Boris. Pero napapadalas ang pagkikita ni Ivanov at Anya. Nagkaroon noon ng pagtataka ang kaibigan niya na baka sinangguni ni Anya kay Ivanov ang tungkol sa protesta na iyon.

"So, may posibilidad na nagkampihan sila," konklusyon  ni Asja na siyang dahilan ng matalim na pagsulyap sa kanya ni Sloven.

Hindi posibilidad. Iyon nga yata ang talagang nangyari.

"What about Dmitry? Vitaliy? At si Feliks?"

Dmitry. Si Dmitry--

"He's an asshole," Sloven muttered. "Isa iyang gagong iyan sa mga bumubugbog sa akin sa boarding house, eh!" baba na nito sa hawak na tasa. "Sabi na nga ba at walang gagawing magaling iyan!"

"Let Boris report," pisil ni Asja sa braso ng lalaki na napatingala na lang.

Dmitry had been a Major in the armed forces for a long time. Tahimik ang naging pamamahala niya. Wala masyadong naging mga news report tungkol sa kanya, o mga event sa bansa na na-highlight ang partisipasyon niya.

"Maingat ang naging galaw pala niya," tango ni Asja bago humigop ng kape.

We can safely say that. He remained single. Wala nang mga magulang, walang kilalang mga kamag-anak.

"No wonder he's not scared," Sloven muttered. "He has nothing to lose. Continue."

"May proof ba tayo ng involvement ni Dmitry sa grupo nila Ivanov?" dagdag ni  Asja.

May picture siya sa isang New Year party sa isang yate na naglalayag sa Moskva river. At kasama kayong dalawa sa larawan.

"I remember," Asja exhaled.

"Sino-sino kami na nasa yate na iyon?"

"I-send mo na lang kaya sa amin 'yung picture?" suhestiyon ni Asja kaya napatingin sa kanya si Sloven. "Sa tingin ko makakatulong iyon. Kung naroon si Ivanov, si Anya, si Vitaliy, si Feliks at si Dmitry na involved sa kasong ito. Malamang na kasama rin sa party na iyon ang iba pang kasabwat."

Mahinang tumawa si Boris. Whew, imagine the two of you in that yacht full of sharks.

"Anya is not one of them," Sloven seethed. Tumayo na ito at pabalagsak na sinara ang pinto sa banyo nang mapasok iyon.

Binalik ni Asja ang atensyon kay Boris. "Pasensya na," angat niya sa cellphone. "May pinagdadaanan lang si Sloven."

Ipapadala ko sa inyo ang mga address nila, patuloy ni Boris. At kung may plano na kayo--

Siya namang labas ni Sloven mula sa banyo. Tila naghilamos lang ito. Nakasabit na sa balikat ng binata ang towel.

"Boris, call up your men and plan to abduct Dmitry," utos nito. "Si Bruno naman, abisuhan mo na kidnapin si Vitaliy." Pagkatapos ay nilingon nito si Asja. "Ikaw naman ang aasahan ko na dadakip kay Feliks--"

"Ako?"

"Dahil mas kilala mo si Feliks," matiim nitong titig sa kanya. "Alam mo kung ano ang kahinaan niya."

At binaling na nito ang panginin sa cellphone. "Sila pa lang ang sigurado tayo na involved kaya sila ang dadakipin natin. May abandonadong ospital sa Hovrino."

Napapalatak ng mura si Boris. Not that place again!

"Again?" naguguluhan niyang lingon kay Sloven.

Tumaas na ang sulok ng labi nito sa isang ngisi. "Kakailanganin namin ang schedule at routine ng mga taong iyan sa isang araw. Doon tayo magbabase kung kailan sila dadakipin at anong oras at paano. Maliwanag?"

Yes, Boss.

Inagaw na sa kanya ni Sloven ang cellphone at pinatay iyon.

"Kidnapping?" tayo niya. "Oh, really?"

"It's all part of the job," lingon sa kanya ni Sloven. "Hindi naman natin sila pwedeng imbitahan sa labas para magkape-kape at tanungin tungkol sa mga balak nila, hindi ba?"

"At ano iyong ospital sa Hovrino?"

"Oh that?" punas pa nito sa mukha gamit ang towel na nakasabit sa balikat nito. "Hovrinskaya Hospital ang tinutukoy ko kanina, also known as The Umbrella."

Her eyes widened. Nai-imagine na ni Asja ang hitsura ng ospital na napapaligiran ng mga puno na siyang nagpapadilim sa mga anino nito sa gabi. Ilang taon nang abandonado ang ospital na iyon na hindi na natapos ang konstruksyon. Hindi pa iyon napupuntahan o napapasok ni Asja pero alam na niya mula sa mga kwento-kwento na pinagtataguan daw iyon ng mga satanista, mga patay na tao at hayop doon at may kaso ng suicide na naganap sa lugar na iyon.

Creep slithered on her skin like chill, resulting to her goosebumps, her throat drying and her heart pounding double the intensity.

"Bakit natin sila dadalhin doon?"

"Bakit hindi?" lapit sa kanya ng binata. Wickedness shone in his eyes, dark intent in his tone. "This is the dark side of espionage, Asja, when you have to torture people for information."

Napapiksi siya nang maramdaman ang paghawak nito sa kanyang braso.

"Don't worry," he leaned in closer. "We won't resort to killing. I don't kill unless it is a necessity," wika nito sa mabagal at mababang tono, tila may kalakip na pagbabanta. 

"May mga umiikot na mga pulis doon dahil bawal nang pasukin ang lugar na iyon--"

"That makes it easier for us to hide from the prying eyes of the civilians," he grinned, releasing her. "At least, hindi na tayo mag-aalala kung may maligaw na inosenteng tao sa lugar na iyon. May mga pasaway kasi na naghahanap ng adventure at sa Umbrella pa napipiling pumunta."

Pinanood niya ang paglakad ng lalaki papunta sa tabi ng kama. Nilabas nito ang bag para mamili ng susuoting damit.

"Paano tayo makakapasok doon?"

"May inayos kaming drainage papasok doon," ngisi nito.

Napayakap si Asja sa sarili. Hindi mawala-wala sa kanyang isip ang nakakakilabot na posibleng maging hitsura ng lugar na iyon, ang posibleng nakakasulasok nitong amoy, ang kadiliman doon... at paano kung may mga gumagala ngang mga multo sa gusaling iyon?

Inangat ni Sloven ang mga mata. He seemed amused by her fear-stricken eyes, but that only lasted for a while. His smile was slowly replaced by dead-seriousness. Mas tumiim ang pagkakatitig sa kanya ng binata bago ito tumayo para lapitan siya.

Nagulat siya nang hatakin siya nito para ikulong sa mga bisig ng lalaki. He held her so close to him, an embrace so tight she could not hardly breathe. Sloven lowered his head to whisper in her ear.

"We'll just scare the truth out of their mouth," he murmured. "And you don't have to be scared, I'll be there with you. Or you can leave the interrogation to me and Bruno. Pwede na kayong umalis ni Boris pagkadala sa mga tarantadong iyon sa Hovrinskaya."

"No," she breathed in deeply. "Gusto ko rin marinig ang mga sasabihin nila."

She slowly calmed down as Sloven stroked her back, a touch of assurance that everything will be alright. Inisa-isa ni Asja sa isip ang plano-- sila Boris ang dadakip kay Dmitry, si Bruno kay Vitaliy at siya naman kay Feliks.

Kung ganoon, sino ang dadakipin ni Sloven?













----------------------------------------------------  













General Dmitry just left his office. Tinatahak na nito ang basement parking lot-- matamlay ang lugar, purong kulay grey ang mga pader at ang sahig. Mangilan-ngilan na lang ang mga kotse roon at tila may pagkamalamya pa ang liwanag mula sa puting mga flourescent bulbs na nagsisilbing mga ilaw doon. Suot ng ginoo ang itim na trench coat na maganda ang pagkakahakab sa matipunong katawan. He pressed a button on his car remote and heard his Bentley's beeping. Nang makita ang pag-blink ng ilaw ng sasakyan ay nilapitan iyon ng lalaki at binuksan ang pinto.

Napahinto ang heneral nang makarinig ng mga hakbang. Pag-angat ng tingin ay nakita nito ang tila pamilyar na pigura na palapit. Nakasuot si Boris ng brown na mabalahibong sumbrero at brown na trench coat. His lips spread into a wide grin. Amusement was in Dmitry's eyes, upon recalling his years in the military college. Mas bata sa kanya si Boris nung nakasama ito sa isang boarding room. The memory of catching Boris sneaking into his drawer of briefs made the general feel highly entitled.

Hinarap nito ang papalapit na lalaki.

"Do I know you?" nanunukat na tanong ni Dmitry.

Boris bit his lower lip and with no hesitation, reached for the general's crotch and began stroking.

"This knows me," danger sparked in Boris' eyes, feeling the man slowly growing, getting hard beneath his pants.













----------------------------------------------------  













Nakailang mura si Vitaliy nang madatnan na may butas ang gulong ng sasakyan nito. Kakalabas lang ng lalaki mula sa opisina sa headquarters ng Russian Air Force na matatagpuan din sa Moscow, Russia. Nang maipa-tow na ang sasakyan ay nilisan na nito ang ground parking sa tapat ng gusali at hinigpitan ang pagkakatali ng suot na trench coat na itim at tinawid pa ang waiting shed. 

Kapansin-pansin ang tila pangingitim ng asul na langit, nagbabadya na ang gabi ay palalim na. Kumutitap ang mga ilaw mula sa gusali ng Russian Air Force nang tanawin iyon ng ginoong nakarating na sa mismong waiting shed.

Doon tumayo ang lalaki at nilabas ang cellphone para magpa-book ng taxi online, pero hindi na natuloy pa dahil sa paghinto ng isang taxi sa tapat ng shed.

The window rolled down, revealing a non-smiling, bald driver-- Bruno.

Titig lang ang binigay nito pero nakuha ng colonel-general na inaalok ito ng taxi driver na sumakay kaya naman binulsa na nito ang cellphone at binuksan ang pinto sa passenger seat.













----------------------------------------------------    













Meanwhile, Asja sucked in a deep breath as she casually walked on the dark hallways of GRU, the heels of her boots tapped sharp with secured and precise steps. Alam niya na mahilig mag-overtime si Feliks kaya pinalagay na lang ni Asja na madadatnan pa rin ang lalaki sa ganito kaalanganin na oras.

She wore her catsuit and painted her lips in dark, luscious red. Nung naghiwalay sila ni Sloven, she saw disapproval in his eyes with her look, but let her leave to do her task anyway. Mataas ang pagkakaponytail ng kanyang itim na buhok at mababa ang pagkakabukas ng zipper ng kanyang suit sa bandang dibdib. Asja was definitely on her killer look indeed.

Muntikan na niyang malagpasan ang opisina ng hepe ng GRU. Nasanay kasi siya na si Sir Gregori ang nasa loob niyon.  Hinarap niya iyon at kinatok bago alertong pumasok.

Nang madatnan na nakaupo sa swivel chair si Feliks na nakataas ang mga paa ay sinara na niya ang pinto. Kapwa sila nagsukatan ng tingin, pero ang kaseryosohan niya ay sinuklian lang ng lalaki ng pag ngisi.

"Kamusta?" bati nito.

Nung huli silang nagkita ni Feliks, walang nagbago kay Asja. Pero mula nang malaman niya ang katotohanan, naging ibang tao siya.

She stood proudly in front of him.

"Are you expecting me to catch Sloven Markov without any superior equipment?" she grinned at him.

"Kukwestiyunin ka niya kung bakit may dala kang mga gadgets," titig ng lalaki sa kanya.

Nilibot ni Asja ang mga mata sa paligid. Maingat sa mga CCTV na maaaring makahagip sa kanya. Pero tulad nga ng inasahan na niya noon pa, malamang ay hindi nagpalagay ng CCTV dito si Feliks. Ayaw naman siguro nito na may makaalam na may mga kasabwat itong opisyal para gibain ang gobyerno.

"Now he won't," ngiti niya rito. "He trusts me so much, Feliks."

Nanunukat pa rin ang titig nito. "Is your loyalty still for me, Asja?"

"Why question my loyalty?" hakbang niya palapit dito. Her hips swayed, her steps were like a predator's-- calculated yet smooth.

"I am just making sure," angat nito ng mga mata nang marating na niya ang dulo ng mesa nito.

Matapos ang matagal-tagal na titigan ay nakaramdam si Asja ng presensya sa kanyang likuran. He stood still, giving Feliks a look, trying to conceal her real intention.

To kidnap him.

Ngayong alam na niya ang buong katotohanan, at may malakas siyang back-up sa katauhan ni Sloven, wala nang kinatatakutan pa si Asja sa kanyang handler.

He threatened to end her career, to make her the state's most wanted criminal if she did not follow his orders... saglit na bumalik ang alaala niyon sa kanyang isip.



Nang makatakbo paalis sa helipad na iyon ng hotel sa Kota Kinabalu, nagmamadaling tinahak niya ang hagdan pababa. Siyang sulpot ng mga lalaking nakaitim na suit para harangin siya. Asja took a step back and was followed by Feliks and his men, cornering her with no where to go.

Naramdaman na lang niya ang malamig na pagtutok ng nguso ng baril sa kanyang batok.

"May choice ka, Asja. Huhulihin mo si Sloven Markov para sa amin? O babalik kang bangkay sa Russia?"

"Ipaliwanag mo ang mga nangyayari sa akin!" she gritted.

"Gregori and Sloven... they are enemies of the state. At dahil alaga ka ni Gregori, damay ka na rin sa mga gustong ipahuli para malitis, para magbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa balak ng dalawang iyon sa pagnakaw ng RSF."

"Lulubayan niyo na ba ako kapag nahuli ko na para sa inyo si Sloven?"

Mahinang tawa ang sinagot nito. Gusto niyang lingunin ang lalaki, pero hindi magawa dahil sa nakatutok na baril sa kanyang batok.



Iyon ay sa pag-aakala na marahil ay malaki nga ang atraso ni Sloven sa GRU. Inisip niya na baka nagkukunwari o umaarte lang si Feliks sa harap ng mga kasamahan nito para palabasin na kriminal ang tingin nito sa kanya. Her mind had been baffled, so confused with what the real story could be, what could be each one's real intention?

Noong una, nangako siya sa sarili na hindi niya sinunod ang utos ni Feliks para sa Russia.

Hindi niya iyon gagawin para sa GRU.

Hindi para kay Sir Gregori.

Hindi rin para kay Sloven.

Ginawa niya iyon para iligtas ang sarili mula kay Feliks. Matapos lang ni Asja ang paghuli kay Sloven, tuluyan na niyang iiwanan ang Russia, puputulin ang anumang koneksyon kay Gregori at kakalimutan ang lahat.

She was hurt to think that Sloven and Gregori had diabolical plans against Russia.

But a part of her didn't want to believe that Gregori could be that evil. Kaya mas pinili niya na pakisamahan si Sloven, ang obserbahan ito, pag-aralan at alamin ang katotohanan.

Ngunit ang katotohanan pala ay iba sa kanyang inakala.

And she was a fool for believing what Feliks said while she was in the middle of that tensed situation.

Hindi niya lubos maisip na ngayon ay lumalaban na siya para sa lalaking kanyang mahal, para sa mga tapat nitong tauhan na si Boris at Bruno, para sa kanyang tagapagligtas na si Sir Gregori, para sa kasalukuyang gobyerno na dapat pasalamatan sa mapayapa na takbo ng buhay sa Russia.

Narinig niya ang pagtapik ng sapatos sa sahig mula sa kanyang likuran. Mabilis na hinablot ni Asja ang nakataas na mga paa ni Feliks sa mesa at hinila ang lalaki papunta sa kanya sabay yuko pababa para puntiryahin ng sweep kick ang nasa kanyang likuran. 

Tinalunan lang nito ang kanyang sweep kick kaya mas binilisan pa ni Asja ang galaw.

Nahila na niya si Feliks pakaladkad sa desk nito. Bumagsak ito sa kanyang harapan, paupo at sinamantala iyon ni Asja para patamaan ng gilid ng kanyang kamay sa leeg. Nawalan agad ito ng malay, at sinamantala iyon ni Asja para mahugot ang baril sa kanyang boots at maitutok iyon sa tauhan ni Feliks na nasa kanyang likuran.

Saktong pagtalon ng tauhang iyon para iwasan ang kanyang sweep kick ay bumagsak ito sa sahig, nakaposisyon na tila naka-knight sit sabay bato sa kanya ng kutsilyo na nakakabit sa kadena na siyang pumulupot sa nguso ng kanyang baril hanggang sa kanyang braso. Isang batak nito ay nahila na ang braso niya pababa, ang nguso ng baril ay dumiin patutok sa sahig.

Asja tried to catch her breath as she watched the knife dangle beneath her arm.

Pag-angat niya ng mga mata, doon lang naaninagan ni Asja ang mukha ng lalaki mula sa liwanag na sumingit sa bahagyang bukas na blinds sa madilim na opisinang iyon.

She found herself staring back into Sloven's blue eyes.

---------------------------------------------------- 

AN

Hello, readers!

Ang aga ng UD ngayon, kasi may lakad ako this afternoon at baka gabihin ako ;) Gumaganda na kasi ang panahon, kaya gala mode na hahaha! XD

Happy 15th sa lahat! At Eid Mubarak sa ating mga Muslim nating readers dito sa #Peak ;) <3

Enjoy reading! 

Love,

ANA xoxo 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro