Chapter Nine
BACKFIRE
----------------------------------------------------
Nang bumalik na ang ulirat ay napapiksi si Asja sa kanyang pagkakahiga. Kabadong minulat niya ang mga mata at ginala ang paningin sa paligid. Ang dahilan ng kanyang kaba ay ang katotohanan na nakaidlip na pala siya nang hindi nalalaman kung natagpuan na ba siya ni Sloven.
I could have died! nanghihilakbot na dagdag pa ng kanyang isip.
Sinilip niya ang balikat na nabaril ni Klavdiya at nakita na may nakatapal ng gauze doon. Medyo namumula rin iyon, hudyat na nagdurugo pa ang sugat niya nang matapalan ng gauze na pinadaan pa sa ilalim ng kanyang braso para maayos na mailagay iyon.
Kakapain na sana niya ang sugat nang makarinig ng pagkalansing kasabay ng paglimita sa galaw ng kanyang kamay. Naramdaman ni Asja ang malamig at matigas na bakal sa sumayad sa pulsuhan ng kaliwa niyang kamay kaya nilingon niya iyon at nakumpirmang nakaposas nga ang isa niyang kamay sa header ng kama.
Just as I thought, sa ganito mauuwi sa oras na makita ako ni Sloven, maingat na tingin niya sa paligid. Kapag nagpakita na siya, itutuloy-tuloy ko na ang pagpapanggap na nawalan ako ng memorya. Kung magkakamali man ako at madudulas na may naaalala, madali kong maidadahilan na unti-unti na bumabalik ang alaala ko. Pwede ko rin i-rason sa kanya na napadpad ako sa isla dahil nahuli ako ng mga kalaban sa huli kong misyon. Hinubaran, binaril at tinapon sa dagat.
That made-up story convinced Asja and shifted her focus on her surroundings.
Nasa loob siya ng puting silid na may malaking salaming pader. Bahagya niyang nasisilip ang mapunong tanawin sa labas dahil medyo sinasayaw ng naka-fan setting na airconditioner ang puti at manipis na mga kurtinang tumatakip doon. Kumunot ang noo niya dahil hindi mawarian ni Asja kung pasikat pa lang ba ang araw o palubog na dahil sa ma-kahel na kulay ng liwanag na sumisirit mula sa mga siwang ng dahon at tangkay ng mga puno.
Malambot ang kama na gawa sa brass na kinulayan ng puti ang frame at ginto ang mga poste. Purong puti at asul ang bedsheets at punda ng mga unan. There was also a canopy overhead that convinced Asja why Klavdiya came up with the silly idea that Sloven could give her a life like a queen.
Classic Sloven, she thought, remembering way back in GRU when she was still an amateur.
Kilala si Sloven hindi lang sa galing nito sa trabaho at sa dami ng mga babaeng umaaligid sa lalaki. He was also known for his exquisite fashion sense that never compromised his manliness.
Asja found herself rolling her eyes at that thought. Now she remembered why she hated Sloven so much.
Well, there is another reason.
Pero bago pa niya balikan ang alaalang iyon, narinig na niya ang pag-click ng seradura ng pinto.
Pumasok na sa silid si Sloven, tila hindi nagulat nang makita na may malay na siya. His eyes were steely blue and still held that fierce penetrating gaze. Walang imik na minasdan siya ng lalaki bago ito tumigil sa gilid ng kama at pinatong doon ang isa nitong paa.
Nakasuot ng gray na drawstring jogging pants ang lalaki at puting scoop neck na bahagyang nagpapasilip sa malapad nitong dibdib na may sleeves na yumayakap sa magandang hulma ng biceps nito.
Medyo may pinagbago nga ang lalaki, nadagdagan ito ng laman at mas nagmukhang matigas. Marahil dahil sa hindi na ito nage-espiya. Spies, in her opinion, really tend to have a slimmer figure in order to be flexible enough to escape sticky situations.
Nang mapasadahan na ang lalaki ang tingin, siya naman ang naasiwa dahil sa matiim nitong pagtitig. Hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa kanya nang itungtong na nito ang siko sa binti ng paang nakapatong sa kama.
Doon na niya naisipan na simulan ang pagpapanggap.
"S-Sino ka? Nasaan ako?" bahagyang nilukot niya ang sariling mukha, umakto na naguguluhan. "At ano itong nasa kamay ko?" galaw niya sa nakaposas na kamay. "B-Bakit... Bakit ako nandito? Sino ka?"
Pinilit niya na isiksik ang sarili pataas ng kama kaya medyo tumalilis ang kanyang kumot. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na sa ilalim ng comforter ay nakahubad pa pala siya!
Hinablot niya pataas ang kumot para mas takpan ang dibdib.
Tumuwid na ang katawan ni Sloven, ngumit nakapatong pa rin ang paa sa kama.
"You don't remember me?" anito sa mababang tono, tila napapantastikuhang gilid ng mukha nito.
Nilikot ni Asja ang mga mata, kunwari ay naguguluhan. "No... I..." she lowered her head and glanced at her wound. "Bakit may benda ako? What happened?"
Then she threw a helpless stare at him. "Wala akong maalala..."
Sloven lowered his head and nodded. Nanatiling nakayuko ang ulo ng lalaki nang bigyan siya nito ng pataas na sulyap.
"We had an argument last night, my wife."
Wife?
Wife? echo ulit ng utak niya.
"At," patuloy nito, tila nasa malalim nang pag-iisip, seryoso at medyo dramatic na ang pananalita, "ayaw mo akong tumabi sa iyo kaya sa kabilang kwarto ako natulog dahil sa sobrang galit mo sa akin. Pero alam mo naman ako... hindi kita matiis. Kahit anong gawin ko, wala akong kapasidad na isipin na matutulog ang mahal ko na galit na galit sa akin, kaya tsinek kita rito sa kwarto natin kagabi.
"Gusto ko nang makipagbati, pero wala ka sa kwarto mo. Halos mabaliw-baliw ako kakahanap sa iyo--"
Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig mula sa lalaki. Kung totoo ngang may amnesia siya, baka paniwalang-paniwala na siya sa mga pinagsasabi nito! He acted flawlessly, telling her that lie as if it was what really happened.
"--hanggang sa nakita kita sa tabing dagat. Nakahubo't hubad at lumalangoy sa ilalim ng liwanag ng buwan. You are a sight to behold, my wife. All of a sudden, my worries were gone. Naisip ko na marahil, lumangoy-langoy ka muna para magpalamig ng ulo.
I was about to take my clothes off too. I was about to join you. Pero nakita ko na tinatangay ka ng alon. Hindi ka masyadong sumigaw, marahil dahil may naiinom ka ng tubig. Dali-dali akong tumakbo para tulungan ka. Nang marating ang buhanginan, doon ko na lang nakita ang nagkalat na mga bote ng vodka. Lasing ka pala nung lumangoy ka.
But anyways--" he threw a glance at her, and for some reason, his eyes sparked with a knowing look, "--I managed to swim and get a hold of you. Sa lakas ng alon kagabi, nasugatan ang balikat mo nung mabangga kita sa batuhan."
Halos manginig-nginig si Asja habang pinapanood ang lalaki na humahabla ng imbentong kwento na para bang natural na iyon para rito.
Isa ka talagang sinungaling!nagpupuyos na pagwawala ng kanyang damdamin, pero kailangan ni Asja na magpigil at huwag ipahalata iyon. Nasimulan na niya ang pagpapanggap at alam niya na marahil ay ganoon ang paraan ng lalaki para madulas siiya at kontrahin ito para masira ang ginagawa niyang pagkukunwari.
So, she immediately decided to calm herself. Asja would never let this man blow her cover. She would never let him win, just like what she had always sworn to her self from the very first time they've met at GRU.
"And... And I am your wife?" pagkukuwestiyon niya sa lalaki.
He gave her a sidelong glance, a hint of mischief made his blue eyes sparkle. Tila nagpipigil lang ito ng ngiti.
"Yes," he answered breathlessly.
Dumapa na ito sa kama na nakatukod ang mga kamay at gumapang papunta sa kanya.
"Kung asawa mo ako, bakit ako nakaposas? Hindi ganito ang tamang pagtrato sa isang babae kung asawa mo siya, 'di ba?"
"Baka magising ka na naman at maglasing at magpalunod sa dagat. Sa tingin mo ba, kakayanin ko kapag natuluyan ka?" tila may pagsusumamo sa mga mata nito.
Malaking effort sa parte ni Asja na pigilan na paikutin ang mga mata. Ito ba? Sa mga ganitong estilo ba ni Sloven nakuha ang loob ni Klavdiya? Hindi siya makapaniwala na ang dali palang madala ng babaeng iyon. Pareho naman silang naging mga bayaran noon.
He inched closer, already leaning over her body before he lifted a hand to grab her chin and planted a soft kiss on her lips.
To her shock, she began mumbling, "Hindi pwedeng maging asawa mo ako--"
Natigilan na lang siya nang magpakawala ito ng mahinang tawa. Mula sa pagsusumamo sa mga mata ng lalaki kanina, mabilis iyong napalitan ng mga titig na nagbabadya ng panganib.
"Maybe I should prove it," matiim nitong titig deretso ng katawan nito, kaya naman nakatukod na lang ang mga binti nito sa magkabilang gilid ng kanyang katawan.
Hinatak na nito ang suot na scoop neck pahubad na siyang gumulat lalo sa kanya.
"Hindi! Hindi!" panlalaki niya ng mga mata rito. Napakaeskandaloso talaga ng nilalang na kaharap niya!
"I am an impatient, man, my wife," hilig nito ng ulo sa kanan. "If you lost your memories, I'll make you remember everything right away. Gusto mo ba na idetalye ko na kung paano tayo magniig?"
"Huwag na! Oo na! Naniniwala na ako!" her cuffed hand balled into a fist.
She didn't want to see this bastard naked. Bumabalik lang sa kanya ang nangyari noong nasa GRU pa sila pareho. That irritating incident!
Pero wala na, nahubad na nito ang damit kaya naman tumambad na sa kanya ang malapad nitong dibdib at ilang row ng abs na maayos na magkakahanay at siksik.
"Why panic?" hilig ng ulo nito sa kaliwa naman habang nagtatanong sa tila dismayado na tono. "I always strip naked in front of you. Then we will fuck. We always do that, my wife. At least, once a day, everyday." At tumaas na ang gilid ng labi nito sa isang nakakalokong ngisi. "Sometimes in this bed--" hagod ng isa nitong kamay sa espasyo ng kama sa tabi nila. "Sometimes on a tree. Sometimes in the river. Minsan, sa damuhang nakalatag sa bubong. Sometimes a quickie, sometimes oral, sometmes three hours of non-stop trading places. It may be so hard to believe, but we really have sex everywhere in this island. You're such a high maintenance, wild thing."
Damang-dama na ni Asja ang pamumula ng mga pisngi, at marahil ang kanyang buong mukha ay namumula na sa mga pinagsasasabi nito. Paano na lang pala kung totoo ngang nagka-amnesia siya at bumagsak sa mga kamay ng hayop na ito?
Pinasya niya na ibahin na lang ang usapan. "Gusto ko nang kumain. Pwede na ba ako magluto?"
Siya na ang magluluto, baka mamaya ay kung anu-ano pa ang pakainin sa kanya ng lalaki at matulad siya kay Klavdiya.
"Nakalimutan mo ako,pero ang mga recipe mo, tanda mo pa," seryoso na nitong wika habang sinusuot ulit ang scoop neck nitong shirt.
Umalis na ito sa ibabaw niya at nilabas ang susi na nasa bulsa ng jogging pants nito. He removed the handcuff from the bed's header, placed it around his wrist and locked it.
"Bakit?" kuwestiyon niya sa lalaki.
"May amnesia ka," taas ng sulok ng mga labi nito, ngunit hindi na umabot sa mga mata ang ngising iyon. "Mahirap na kapag nawala ka sa paningin ko, baka kung saan-saan ka na maligaw."
Umiwas na lang siya ng tingin dito. Mukhang mas pinahirapan ko pa ang sarili ko. But at least, hindi ako iiinterrogate nitong si Sloven kung bakit ako nandito. Kahit papaano ay wala siyang maidadahilan para gisahin ako at kulitin tungkol sa GRU.
Hinarap na siya ng lalaki para alalayan sa pagbangon.
Babangon na sana siya nang maalala na wala pa pala siyang suot.
"Teka lang, wala pa akong suot!" pigil niya sa tangka nito na ibangon siya.
----------------------------------------------------
AN:
Hello, everyone! I hope you enjoyed the new chapter!
May isa pang chapter ;)
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro