Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

INTENT

----------------------------------------------------

Pagkatapos maghapunan, inilibot nga si Asja ni Sloven sa buong bahay. At tulad ng kanyang inaasahan, sa pili-piling silid nga lang siya nito dinala.

May tatlong bed room sa bahay na iyon-- ang isa ay ang kanyang tinulugan, ang ikalawa ay tila isang guest room, at ang huli ang master's bedroom.

The master's bedroom scream a lot about Sloven's personality-- cold and hard to read. Iyon ang mababakas sa puting silid na may kaunting bahid ng mint blue ang kulay.

"This is our new bedroom," pagkukuwento nito, obvious na gawa-gawa lang. "Kaninang umaga lang ako natapos sa pag-aayos ng mga gamit dito. 'Yung kwarto na tinulugan mo kagabi, iyon 'yung talagang kwarto natin, pero--" naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay at marahang pagpisil doon, "--dahil gusto natin ng mas relaxing na tulugan, gumawa tayo ng bago."

"So, bakit hindi pa nalilipat dito ang mga gamit ko?"

"Nag-away nga kasi tayo kagabi, at kaninang umaga lang ako natapos sa pag-aayos ng mga gamit dito. Hindi ko ginalaw ang mga gamit mo kasi inaasahan ko na magtatalo pa tayo pagkagising mo. Iyon pala, mawawalan ka na ng alaala."

Magaling talaga siya magpalusot, isip niya habang ginagala ang paningin sa paligid.

"Mamayang gabi, dito ba tayo matutulog?"

"Gusto mo na bang tumabi sa akin?"

Nahihimigan niya ang panunukso sa boses ng lalaki. Kaya ngayon pa lang babasagin na niya ang trip nito.

"Bago ako tumabi sa iyo, gusto ko ng ebidensya na asawa nga talaga kita."

He scoffed. "Mahirap ba talaga paniwalaan na asawa mo ako?"

"Siguro nga, nawala ang memorya ko," harap niya sa lalaki. "Pero in-tact pa rin ang common sense ko."

Sloven smirked, as if he was instantly letting her know that no matter how many questions she would decide to lay before him, he could always get away with it.

"Sure, my wife," pisil nito sa baba niya.

At hinila na siya nito papasok sa kwarto. Dinala siya ng lalaki sa drawer na nasa bed side table nito at binuksan iyon. Umupo siya sa gilid ng kama at pinanood ang paghalungkat ng lalaki. Sa loob ng drawer, may mga papel na maayos na nakasalansan. Sloven took a red plastic folder and handed it to her before sitting beside her.

Binuklat ni Asja ang folder, kunwari ay sabik na makita ang laman niyon.

Halos mag-criss-cross ang mga kilay niya nang bumungad sa kanya ang marriage certificate nila. At ang hudas, may lakas pa talaga ito ng loob na doktorin ang pirma niya!

Her real name was in the document, Vasil'yevna Kuznetsov, and Sloven's real name-- Aleksandrovich Sokolov.

He's prepared. Napaghandaan na talaga niya ang pagkikita namin.

Nanatili siyang nakatitig sa dokumento at walang nakitang mali pagdating sa mga impormasyon tungkol sa kanya tulad ng birthday at edad. May selyo pa iyon na wala siyang ideya kung paano napeke ni Sloven.

At kailan sila kinasal? Two years ago? Napalunok na lang siya at baka masira pa ang pagpapanggap niya kapag hinayaan ang sarili na magkomento.

"Convinced now?" dikit ng braso nito sa kanya at inabot ang nasa likuran ng marriage certificate. "It is also important for you to know that we are not letting everyone here in Pulau Sapi know that your real name is Vasil'yevna and I am Aleksandrovich."

"Bakit naman?" maingat niyang tanong sa lalaki. Ano kaya ang idadahilan niya?

"Kasi kilala tayo rito bilang Sloven Markov at--" pinukulan siya nito ng makahulugang titig, "--Asja Markov."

Umiwas siya ng tingin sa lalaki. Asja Markov...

"At bakit naman ibang pangalan ang gamit natin?"

"One question at a time," mahina nitong tawa. "Ayoko namang masyado kang ma-overload sa mga alaala. Ayokong lumala ang amnesia mo at ayoko rin naman na maguluhan ka sa mga maaalala mo at ipapaalala ko."

Her heart thumped when he put an emphasis on that word. Ano pa nga ba ang mga ipapaalala sa kanya ni Sloven. Ngayon pa lang ay tila may kilabot nang gumagapang sa kanyang katawan.

Huwag lang talaga nito mabanggit-banggit ang ayaw na niyang maalala pa!

Inibabaw na ng lalaki ang photoshopped nilang wedding picture kaya dinampot niya iyon para titigan nang mabuti. There must be some flaw in it to serve as proof that it was edited.

It looked legit but it had to be photoshopped! Kailan pa siya ikinasal sa lalaking ito? Hindi pa!

"So..." higa ng lalaki sa kama kaya medyo nahatak nito ang kanyang kamay, "magkatabi tayong matutulog mamayang gabi at may usapan tayo na kapag pinasyal kita sa buong bahay..."

He trailed off, gusto pa yata ng lalaki siya ang magdugtong sa sasabihin nito.

"Iyon ay kung nasa mood ako," mataray niyang sulyap dito bago sinara ang pulang folder at pinatong iyon sa dibdib ng nakahigang lalaki. "At pwede mo na bang alisin itong pagkakaposas mo sa akin? Pakiramdam ko kasi pinoposasan mo ako dahil bihag mo ako, hindi dahil sa asawa mo ako."

Tumaas lang ang sulok ng labi ng lalaki.












***












Tahimik na nakatayo si Sloven sa tabi ni Asja habang nagluluto na ito ng hapunan. Kailangan niyang panoorin ang pagluluto nito dahil baka haluan pa iyon ng babae ng lason at ikamatay niya.

So far, Sloven was riding along with the woman's amnesia drama. At humahanga talaga siya sa haba ng pasensya nito. Sinubukan na kasi niya ang lahat ng paraan para pasabugin ang babae sa galit sa kanya pero walang tumatalab.

He knew Asja. Madaling mag-init ang ulo nito kapag nadedehado na sa sitwasyon, pero mukhang nagbago na ang dalaga sa ganoong aspeto. Mas tumaas-taas na ang tolerance nito at nakakapagtimpi na. Hindi siya tanga para hindi maisip na nandito ang babae sa ngalan ng Russia, para dakipin ang kalaban nito-- siya.

Ang hindi lang maunawaan ni Sloven, ay bakit hina-hunting pa rin siya ng Russia, ng GRU o ng sinumang nag-utos sa GRU na magpadala ng mga tao o espiya nito para gulangan siya at maibalik doon? Kilala niya ang mga opisyal at nakatataas doon, kung lumipas na ang maraming taon, hindi na mag-aabala pa ang mga ito na hanapin siya lalo at hindi na rin naman niya ginagambala ang mga ito.

Iyon ang impormasyon na gusto niyang malaman mula kay Asja kaya mas pinili niya na buhayin ito kaysa tuluyang patayin.

After all, he was not some psychopath who wanted to just kill someone with his own hands without a strong and valid reason. Okay, he may seem like a psycho before. Pero nagkaroon na siya ng ganoong pagkakamali noon kaya natuto na siya.

Bukod doon, gusto lang niyang makita kung paano magtrabaho si Asja.

He wanted to see if she ever improved as a spy.

Years ago, the woman confessed her hate for him for being overpraised. Iniisip pa nito na may hitsura lang talaga siya kaya niya nagagawa ng maayos ang kanyang mga misyon at hindi iyon dahil sa magaling siya o anupaman.

Asja always thought that he didn't deserved being the so-called best spy of GRU, the Russian James Bond, the real life Stierlitz.

Dahil alam niya na may inggit o galit ito sa kanya, isa iyon sa mga basehan ni Sloven kung bakit parang hindi maganda ang rason ng pagpunta ng babae sa tinataguan niya rito sa Pulau Sapi.

At hindi rin niya malaman kung bakit gusto siyang kunin at ibalik sa Russia ng mga ito. May mga detalye na hindi pa malinaw sa kanya. Tulad nung narinig niya na sinabi ng babae sa tila kausap nito sa suot na earpiece kagabi.

Siguraduhin mo lang na hindi niya malalaman na iba ang balak nating gawin kay Sloven, maliwanag?

Oo, nagtatago na siya noon sa mga batuhan nung makita niyang nagtanggal ng saplot ang babae at naligo saglit sa dagat. He could still clearly recall how the silvery moonlight touched her olive skin, flawless and breathtaking. Her curves slowly sunk on the cold waters as he watched her wet herself. Pakiramdam ni Sloven ay mga kamay niya ang tubig na humagod sa kurba ng katawan nito at dumulas sa balat nito. At nung gumapang na ito papunta sa pampang, para itong isang tigre na dahan-dahang humahakbang patungo sa huhulihing biktima... maingat, may indak ang bawat paggalaw ng balakang, mula sa matambok na puwitan hanggang sa mga braso. Her breasts swayed slightly, nipples were obviously hard and erect.

Oh, fuck, now that's a woman you'd gladly fuck.

At nang matapos na sa pag-alala sa gabing iyon, nagulat siya nang masalubong ang naniningkit na mga mata ni Asja.

"Ano ang ngini-ngiti-ngiti mo riyan? Baliw ka ba?" mataray nitong tanong.

"Nothing," ekis niya ng mga braso pero dahil nahihila niya ang nakaposas na kamay ng babae, binatak iyon nito para maipagpatuloy na ang pagluluto.

Nagnakaw siya ng sulyap sa dalaga. She was still beautiful, headstrong and defiant.

Now he began wondering why GRU chose to send her to get him.

Buhay pa rin ba para sa mga ito ang isyu nila noon ni Asja?

----------------------------------------------------

RUSSIAN INFLUENCE:

** Russian names use the suffixes like - yevna and -ich. These are properly called patronymics. Patronymics are suffixes attached on names that came from one's ancestors, grandparent or parent ( on the paternal side). Matronymic naman ang tawag pag based sa maternal side. Now, I don't know if may matronymics sa Russia, but most of the names are patronymic.

Once a name is based on an ancestor, nilalagyan siya ng suffix sa dulo tulad ng -yevna ni Asja at -ovich ni Sloven.

-ovich, -evich , -ich at -ici ang ginagamit para sa mga lalaki, tulad ng name ni Sloven na Aleksandrovich (Aleksandrov + ich = son of Aleksandrov)

-yevna, -ovna at -ichna naman ang suffix kung babae, tulad ng name ni Asja na Vasil'yevna (Vasiliy + yevna = Vasiliy's daughter)

Hindi lang Russia ang gumagamit ng ganitong mga patronymic o matronymic. Maging ang mga taga-China, England, Somalia at iba pa.

Source: Wikipedia (Patronymic)

** Stierlitz is a Russian spy who leads in the Russian tv series Seventeen Moments of Spring. Vyacheslav Tikhonov, the actor who played for the role, is one of Russian women's top 10 sex symbols.

Source: RBTH.com - https://www.rbth.com/arts/2017/05/15/soviet-sex-symbols_762664

----------------------------------------------------

AN

See you all bukas para sa panibagong chapter! <3 <3 8PM pa rin ;)

Love,

ANA xoxo

P.S. May kasunod pa to na chapter ;) <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro