
MAAARI BA KITANG MAHALIN?
★★★★
maari ba kitang mahalin?
isang beses
ngunit panghabang buhay
dalawang beses,
pagtulog at paggising
tatlong beses,
agahan, tanghalian at hapunann
pang-apat kung kasama ang panghimagas
maari ba kitang mahalin?
walong beses sa isang linggo
bawat oras, minuto, bawat segundo
sa bawat pagkakamali ko, o pagkakamali mo
sa paglakasala't pagpapatawad
sa bawat pagtulak mo sa'kin palayo,
babalik ako ng paulit ulit
magtatanong, magsusumamo, mangungulit.
...maari pa rin ba kitang mahalin?
★★★★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro