Epilogue
When did I realize that I love her? I don't exactly remember.
Siguro noong unang beses ko siyang masilayan at makilala sa sementeryo?
Kaarawan iyon ng paborito kong Lola na yumao na. I was in grade seven that time. Hindi ako nakasama sa pagdalaw ng mga magulang ko sa puntod dahil nasa klase pa ako no'n, kaya naman nagdesisyon ako na pagkatapos na lamang ng klase pumunta.
Sanay na naman akong mag-isa at hindi rin naman ako naniniwala sa mga multo. Para lamang iyon sa mga mahihinang nilalang!
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng kalangitan nang pumunta ako roon sa sementeryo, dala ang isang bugkos ng rosas, pati na rin ang kandila at posporo—at siyempre, hindi ko rin nakalimutang dalhin ang paborito ng Lola ko.
Ang isang pakete ng sigarilyo.
Malawak ang ngiti ko sa labi habang naglalakad patungo sa puntod, ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting naglaho nang matanaw ang isang babaeng nakaputing bestida habang nakaupo sa tabi ng puntod ni Lola. Hindi ko masiyadong maaninag ang kaniyang mukha dahil nakayuko ito habang umuuga ang dalawa niyang balikat.
At ganoon na lamang ang panininindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan dahil ang malakas na pag-iyak nito'y parang ume-echo sa buong palagid.
Napaatras ako kasabay ng marahas na paglunok.
"T-Tangina multo ba 'yon?" bulong ko sa aking sarili at pakiramdam ko'y maiihi na ako sa aking pantalon.
Mabuti na lamang ay palagi akong may baon na rosary sa wallet. Dali-dali ko iyong inilabas at habang naglalakad papalapit sa puntod ni Lola ay nakatapat ang rosaryo sa multo, sinabayan ko pa iyon ng dasal para sa mga kaluluwa.
"Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May their souls and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen. O Lord—"
"What the hell are you doing?"
Natigilan ako sa ginagawa nang mag-angat ng tingin sa akin ang multo. Ay shet, ang ganda naman—shut the fuck up, Kean! Multo 'yan, hindi kayo talo! Saka mo na diskartehan kapag multo ka na rin!
"M-Multo. . ." I muttered and pointed at her using my index finger.
Nangingintab ang matambok niyang pisngi dahil sa luha. Ilang beses akong napalunok at muntikan pang matulala sa kaniya.
"Hindi ako multo! Ibaba mo nga 'yang rosary mo!"
Doon ako biglang natauhan. Unti-unting bumaba ang kamay kong may hawak na rosaryo matapos no'n ay hindi na naman akong muling nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mataman ko lamang na pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw niya.
I watched her dry her tears using the back of her hands. Gustuhin ko man siyang abutan ng panyo ay nagdadalawang isip ako.
Paano pala kung multo talaga siya at madala niya sa kabilang buhay ang panyo ko kapag nagkataon?
"Sa 'yo ba 'to?"
I went back to my senses when her sweet voice lingered in my ears. Sinundan ko ang hintuturo niyang nakaturo sa lapida.
Napasimangot ako.
"Sa tingin mo ba sa 'kin 'yan? Mukha ba akong patay? Basahin mo nga 'yong pangalan, oh! Belinda Suarez! Mukha bang ako si Belinda?" masungit na litanya ko at namilog naman ang mga mata niya.
"Bakit ka galit? Nagtatanong lang ako. Malay ko ba kung sa iyo 'yan at lumabas ka lang dahil naiinip ka na sa loob?"
Funny, but that was our friendship started. She was in sixth grade that time. Lumayas siya sa bahay nila dahil napagalitan siya ng Mommy niya. Wala siyang ibang mapuntahan kaya naman pumasok siya sa sementeryo at doon na lamang siya umiyak nang umiyak.
Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Kapag umiiyak ang kapatid ko, nabwi-bwisit ako pero kapag siya. . . ewan ko. Hindi ko maintidihan.
Ganoon ang naging scenario pagkalipas ng ilang araw, buwan, at hindi na namin namamalayan na taon na pala ang inabot ng pagkakaibigan namin.
Akalain mo 'yon!
Palagi kaming magkasamang dalawa at kulang na lang daw ay magkapalit na kami ng mukha. Madalas kaming magkwentuhan kahit na walang ka-kwenta kwentang bagay.
"Umutot ako kanina sa room apat na beses," kwento ko sa kaniya habang kumakain ako ng popcorn dito sa bahay.
Kakagaling lamang naming dalawa sa school at dito na kami agad sa bahay dumiretso.
"Talaga? Dapat ginawa mo nang lima. Nahiya ka pa, eh." She laughed.
Bumaba ang tingin ko sa kinakain niyang brownies bago ngumisi. "Eh kasi 'yong panglima tae na—"
"Kadiri ka naman! Alam mong kumakain 'yong tao, eh!" singhal niya sa akin sabay bato ng throw pillow na agad ko namang naiwasan.
"Huh? Tao ka pala?" pang-aasar ko pa at humagalpak ako ng tawa.
Habang patagal nang patagal ay nararamdaman kong higit pa sa pagkakaibigan na ang tingin ko sa kaniya. Bigla akong kinabahan at kinain ng takot. Tangina, hindi pa naman ako magaling magtago ng nararamdaman. Kapag nalaman niya 'to, tiyak na masisira ang pagkakaibigan naming dalawa at ayaw kong mangyari iyon.
Hindi baleng habang buhay na lamang kaming magkaibigan basta dito lang siya sa tabi ko. Inilihim ko ang nararamdaman ko hanggang college. Kung kani-kanino ako nakikipag-date para lamang mabaling sa iba ang atensyon ko—nagbabaka sakaling mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya ngunit hindi eh.
Sa tuwing lumalabas ako kasama ang ibang babae, siya pa rin ang naiisip ko. Hinahanap ko pa rin ang katangian niya sa ibang babae.
"Favorite 'to ni Shae," I absentmindedly said while staring at the food menu. Nagulat ako nang pabagsak na ibinaba ng ka-date ko ang menu na hawak niya.
"You know what, Keith. Naiinis na 'ko. Kanina ka pa Shae nang Shae, eh wala naman dito 'yong tao!"
"Sorry Jessica—"
"Ashley! Ashley ang pangalan ko!" She groaned in frustration and stood up. "Let's stop this date. Humanap ka na lang ng iba."
I yawned and nodded my head. "Sige, bye." Muli kong ibinalik ang tingin ko sa menu.
Kakain pa rin naman ako kahit umalis ka. Hindi mo naman dala ang pinggan. Gutom na ako at saka dadalhan ko rin ng pasalubong si Shae. Nang maramdaman kong hindi pa rin umaalis ang babae sa harapan ko ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"W-What?" I grunted out.
"Are you not going to. . . stop me, Keith?"
I shook my head slowly as a sarcastic smile formed into my lips. "Gusto mo bang ihatid kita palabas?" Akmang tatayo na ako ngunit isang malutong na singhal ang inabot ko mula sa kaniya.
Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan siyang magmartsa palabas ng mall.
Hindi mabilang sa mga daliri ko kung ilang babae na ba ang naka-date ko at lahat ng iyon ay palpak naman. Minsan nga ay sinasama ko si Shae para makita kung ano bang magiging reaksyon niya ngunit bigo ako.
Ang hirap niyang basahin.
Hindi ko alam kung iyong ginagawa ba niya para sa akin ay may kahulugan na o sadyang ako lang ang nagbibigay kahulugan sa lahat ng bagay.
Nang hindi ko na talaga makayanan pang ilihim ay ipinagtapat ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya ngunit matapos ang pagtatapat na iyon ay pansamantala ko munang isinantabi ang nararamdaman ko dahil sa isang napakahalagang tao.
"Kuya, take care of her. Palagi mong iparamdam sa kaniya na masaya ka sa bawat achievements niya. Huwag na huwag mong ipaparamdam sa kaniya na nakaka-disappoint siya because it's not true, okay?" Sharina reminded me.
Tumigil ako sa pagsusuklay sa kaniyang buhok at mula sa salamin na nasa harapan namin ay tinitigan ko siya. "Why are you telling me this?"
She just smiled a little and shrugged her shoulders. "Because I trust you. . . I trust your love for her."
Iyon ang huling pag-uusap namin ni Sharina bago siya tuluyang mawala.
Masakit. Masakit para sa akin dahil tinuring ko na rin siyang parang kapatid ngunit hindi ko iyon ipinakita kay Shaeynna.
Kailangan niya ng masasandalan. Kailangan niya ng lakas. Kailangan niya 'ko kaya hindi ito ang tamang oras para ipakita ko ang pagiging mahina.
I was there during her darkest time. Sinamahan ko siyang malugmok at hanggang sa muling pagbangon ay kasama pa rin niya ako.
Slowly, everything was getting better. Nagtayo kami ng negosyo gamit ang sariling ipon. Naging kaming dalawa.
Nakapagtapos ng college at parehong nakapasa bilang isang Certified Public Accountant.
Nagkaroon ng magandang career.
At habang patuloy na inaabot namin ang mga pangarap, gano'n din ang unti-unti naming paglayo sa isa't isa. Dahil sa pareho kaming pagod at abala sa trabaho ay nawawalan na kami ng komunikasyong dalawa. Sa tuwing umuuwi ako sa apartment, palagi ko siyang nadadatnan na abala pa rin sa trabaho at kung minsan naman ay maaga siyang natutulog.
My heart suddenly missed the old us. Iyong tipong kahit walang kakwenta-kwentang bagay ay pinag-uusapan at pinagtatalunan naming dalawa. Kung puwede ko nga lang ibalik ang panahon. Kung puwede ko nga lang ipagdamot si Shae sa malawak na mundo.
Kasi habang patagal nang patagal, natatakot na ako. Hindi ko na makita sa kaniya iyong Shaeynna na minahal ko. Na sa sobrang focus niya sa kinabukasan, pakiramdam ko'y nakakalimutan na niya ako.
"Malungkot ka na naman. Gusto mo ba ng makakausap?"
Ngumiti ako kay Sophia at umiling. She was one of my blockmates way back in college. Mabait siya at palagi talagang shoulder to cry on ng mga kaklase namin noon because she was a good listener.
Ngayon ay nasa iisang kompanya kaming dalawa. At alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin. Wala naman kasi talaga akong pakialam. . . pero hindi ko alam na nasasaktan ko na pala si Shaeynna. Masiyado akong nakampante na alam na niyang mahal ko siya. I failed to give her the assurance.
Si Sophia ang palaging nariyan sa tuwing kailangan ko ng makakausap. Si Sophia ang nariyan sa tuwing may mga bagay akong nais tanungin kay Shae ngunit hindi ako makasingit sa oras niya. Kapag kasama ko si Sophia, hindi ko maiwasang makita sa kaniya iyong dating Shaeynna.
Pero kahit anong gawin ko, wala akong maramdamang kakaiba. Alam kong malayong-malayo pa rin si Sophia sa aking nobya. Walang pagtibok ng puso. Pagkalagot ng hininga. Wala akong maramdamang kapayapaan at saya.
Ibang-iba sa kung paano koi yon maramdaman kay Shaeyyna.
Bukod pala sa madalang na pag-uusap namin ni Shaeynna, mayroon na rin siyang mga bagay na nililihim sa akin na kung hindi pa sasabihin sa akin ng mga nasa paligid niya, hindi ko pa malalaman.
"Kean, pagsabihan mo naman 'yang girlfriend mo. Sayang ang opportunity rito sa Australia," her Tita Brenda informed from the other line. Tinawagan niya ako sa messenger para i-convince si Shae na tanggapin na ang offer.
"T-Tita—"
"Alam mo kasi Kean, nakikita kong gusto talaga ng pamangkin kong tanggapin ang offer kaso nga lang iniisip ka niya. Ikaw ang humahadlang sa mga pangarap niya kaya alam kong ikaw din ang makakakumbinsi sa kaniya."
Nanatiling awang ang labi ko't walang namutawi kahit isang salita.
Bukod doon ay nalaman ko rin ang unti-unting pagkalugi ng aming negosyo. Alam 'yon ni Shae ngunit hindi niya sinabi sa akin.
Bakit hindi na naman niya sinabi sa akin?
"Choose me Kean. Iwan mo na si Shaeynna. Hindi ka niya kayang pahalagahan. Choose me instead dahil pinapangako ko sa 'yo kaya ko siyang higitan."
And before she could kissed me, I pushed her away. It was full of force. I didn't mean it.
"Stop it, Sophia," I said with full of disgust. "Magkaroon ka naman ng kaunting respeto sa sarili mo."
"Pero nararamdaman ko, Kean. Nararamdaman ko na gusto mo rin ako! Bakit ba kasi hindi na lang ako?!"
"Simply because you're not her. You're not Shaeynna. At nagsisisi akong pinagkatiwalaan kita. . ." Umigting ang panga ko. "Alam kong sinasadya mo rin kaming guluhin pero pasensiya dahil hindi mo mabibilog ang ulo ko. Sophia, nirerespeto kita bilang isang kaibigan at kakilala, pero sa susunod na pagsalitaan mo ng hindi maganda si Shaeynna, baka tuluyan ko nang makalimutang babae ka."
Iyo nang huling salitang binitiwan ko sa kaniya. Alam ko rin kasing siya ang may pakana ng pagkulong sa amin sa kwarto noong team building. At naiisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni Shae, nasasaktan na ako. Buong gabing 'yon ay pinagnilay-nilayan ko ang mga nangyayari sa relasyon namin ni Shaeynna. Wala akong pakialam kay Sophia na pilit na inihahain ang sarili sa akin. Gusto kong sabihin na magmumukha na siyang tanga pero mas pinili ko na lang ang manahimik.
Maling-mali talaga na sumama ako sa team building na 'to. Kung sana'y nanatili na lang ako sa bahay at mas piniling bumawi sa nobya ko. Kung sana'y siya na lang ang kasama ko sa apat na sulok ng kwarto na 'to.
Pero nang komprontahin niya ako, pareho na kaming sumabog. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong maglabas ng hinaing. Pinakinggan niya ako. At pinakinggan ko rin siya. Siguro ang hindi ko lang matanggap ay ang magawa niya akong pagdudahan na niloloko ko siya.
Kung alam lang niya na sa bawat paglabas ko ng pinto ng bahay, siya pa rin ang iniisip ko. At sa tuwing uuwi ako pagkagaling sa mahaba at nakakapagod na trabaho, siya agad ang gustong nakikita ko.
Ngunit ayaw kong maging makasarili. Kung gusto na niyang bumitiw, kung hindi na siya masaya, kung gusto niyang makalaya. . . sino ako para ipagdamot iyon sa kaniya?
God knows how much I want to stop her. How much I want to beg on my knees. . . but I didn''.
Dahil alam kong sa panahong iyon, kailangan namin ng oras para sa sarili namin. I let her do the things she wanted to do. Malaya na niyang magagawa ang mga bagay na noon ay hindi niya magawa dahil iniisip niya ako.
Habang ako'y nag-resign ako sa trabaho at pinilit na isinalba ang negosyo namin ni Shaeynna. Hindi ko man nagawang isalba ang relasyon namin. . . kahit ito lang. Kahit ito lang dahil mahalaga para sa amin ito. At kahit papaano, bilang pambawi na rin sa lahat ng naging pagkukulang ko.
Sa loob ng tatlong taon, sinubukan kong maging mas mabuting tao. Hindi ko man maitatama ang mga maling nagawa ko, pinangako ko sa aking sarili na sa pagbalik ni Shaeynna ay mas karapat-dapat na ako para sa pagmamahal niya.
Kahit walang kasiguraduhan. Kahit hindi ko alam kung mayroon pang babalikan.
Simula nang i-activate niya ang mga social media accounts niya, walang humpay ang ginawa kong pag-u-update sa kaniya tungkol sa mga achievements ko sa buhay.
Kahit hindi niya si-ne-seen, okay lang. Naiintindihan ko at palagi kong pipiliin ang intindihin siya.
"Kuya! Alam mo na ba na babalik na si Ate Shae sa Australia?" usal ni Marian.
Nabuga ko ang iniinom kong kape sa mukha ng Tatay ko ngunit hindi ko pinansin ang masamang tingin na pinukol niya sa akin.
"A-Ano? Wala siyang sinasabi sa akin! H-Hindi ko alam 'yon!" Mabilis akong tumayo at kinuha ang susi ng kotse ko. Natataranta ako at hindi malaman ang gagawin habang ang kapatid ko'y nakasunod lamang sa akin.
"Bilisan mo, Kuya! Paalis na sila!" nagmamadali niyang singhal.
Hindi ko na nagawa pang makapagpalit ng damit. Naka-boxer lamang ako at puting sando habang magulo pa ang aking buhok. Kakagising ko lang! Sa sobrang pagkataranta ko ay tinakbo ko na lamang ang distansya ng bahay namin sa kanila. Magkaiba pa yata ang suot kong tsinelas habang hawak ko pa ang susi ng kotse ko.
Nangilid ang luha ko nang makita si Shaeynna na nilalagay ang pink niyang maleta sa compartment ng sasakyan. Mas binilisan ko ang pagtakbo at nang akmang papasok na ito sa loob ng sasakyan ay agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan.
Gulat na gulat siya nang makita ako at pinasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Kean, bakit ganiyan ang itsura mo?"
Imbis na sagutin siya ay unti-unti akong lumuhod, puno ng pagsusumamo ang mukha ko at nagsisimula ng magbagsakan ang mga luha sa mata.
"Shaeynna, huwag ka nang umalis. Huwag mo naman na a-akong iwan." I begged and bit my lip to stop myself from crying.
"Kean—"
"Handa kong ipakita sa 'yo na nagbago na talaga ako. Kung kailangan kitang ligawan ulit, sige, walang problema! Basta dito ka lang. . ."
"Kean—"
"Dito ka lang, Shae. Please?"
"Keith Angelo, ano bang sinasabi mo? Tumayo ka nga." Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ang braso ko patayo. Saka ko lamang napansin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao.
"Shae kasi. . ."
"Ano bang sinasabi mo riyan? Hindi naman ako aalis," iritadong aniya at tila tumigil naman mundo ko sa narinig.
H-Hindi siya aalis?
Eh bakit. . .
"Ihahatid lang namin sina Tita Brenda sa airport." Bahagya pang pumiyok ang boses niya, halatang nagpipigil ng malakas na pagtawa.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkalaglag ng aking mga panga. Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko sa sobrang kahihiyan. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay kagat nito ang pang-ibabang labi niya, nagpipigil ng tawa.
"A-Ano?! K-Kung ganoon. . . b-bakit nakita kitang isinilid sa compartment ang maleta mo?" I asked, almost a whisper.
"Hindi 'yon sa akin. Tulad lang kaming dalawa dahil magkasabay naming binili iyon noong nasa Australia pa kami. Buy one, take one. Ngayon ang flight nila pabalik doon at hindi ako kasama."
Umawang ang aking labi at hindi nakapagsalita.
"Kung ganoon—"
"Sino bang nagsabi sa 'yo niyan?" At tuluyan na nga niyang hindi napigilan ang matawa.
Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at nang makita ko ang pamilya kong humahagalpak sa isang sulok ay parang biglang nandilim ang paningin ko kasabay ng panghihina ng tuhod.
Pati ang Mommy ni Shaeynna, ang Tita at boyfriend nito, maging ang ilang kapitbahay na nanonood ay tumatawa na nang malakas.
Tuluyan nang nanlambot ang aking tuhod at pakiramdam ko'y ano mang oras ay maaari akong mahimatay sa labis na pagkapahiya.
Tanginang kahihiyan!
"Tumayo ka nga. Halika na sa loob ng bahay!" singhal niya habang tumatawa pa rin.
Lumingon ito sa Mommy niya at mayroong sinenyas. Nanatili akong nakayuko hanggang sa abutin nito ang kamay ko upang itayong muli ako.
"It's a prank, Kuya!" sigaw ni Marian at muling humagalpak ng tawa.
Sinamaan ko ito ng tingin at akmang aambahan ng kutos ngunit hinila na ako ni Shaeynna papasok sa loob ng kaniyang bahay.
Bumaba ang tingin ko sa magkasalikop naming kamay at wala sa sarili akong napangiti nang malawak.
Sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga patay ay mayroong dalawang pusong nabuhay.
Hindi ako perpekto ngunit sa loob ng mahabang araw, buwan, at taon na hindi tayo magkasama ay marami akong natutunan at napagtanto. Matinding sakit man ang idinulot ko, hindi man ako naging perpekto, ngunit handa kong ialay ang habangbuhay upang itama at bumawi sa mga pagkakamali ko.
Shaeynna C. Heli, ngayong hawak na kita, hindi na kita muling bibitawan at papakawalan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro