Chapter 9
"Terrence Adrian Vidal. . . ay pak! Ang gwapo! Mukha pa lang ulam na!" Trisha giggled.
Hinampas pa nito ang balikat ko sa kilig. Pareho kaming nakadukdok sa aking cellphone habang ini-stalk si Adrian sa facebook.
Ngayong lunchbreak lang kami nagkaroon ng time para hagilapin siya sa social media at hindi naman kami nahirapan sa paghahanap sa account niya dahil mutual friend namin si Kean at idagdag pa na kilala rin siya rito sa campus dahil bukod sa pagiging consistent Dean's Lister sa kursong BS Education Major in Filipino, si Adrian din ay team captain sa soccer team na SLSU Rush Hour.
"Alam mo Shae, kung magiging teacher ko 'to, tiyak na hindi ako tatamarin sa pag-aaral. Baka nga sumali pa ako sa Buwan ng Wika! Jusko, ang sarap!"
I sipped my frappe and shook my head, laughing a bit. "Kung ano-anong sinasabi mo, Trish. Maghunos dili ka nga!"
She heaved a sigh as she stare at nothingness like there's something magical in her imagination. "Kung nasilayan ko ang mukha nito kanina, siguro pumasa ako sa quiz natin sa Man Econ." She then faced me. "I-add mo na tapos kapag inaccept ka, i-chat mo. Sunggaban mo na agad!"
"Ano bang sinasabi mo riyan?" My forehead creased in confusion but I laughed afterward. "Trisha, ibabalik ko lang itong panyo kay Adrian—"
"Adrian?"
I was cut off when Kean appeared out of nowhere. May hawak itong tray at dire-diretsong umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tumikhim ako at umayos ng upo. Makahulugan ang naging palitan ng tingin namin ni Trisha at bahagya akong umiling sa kaniya. Matapos alisin ni Kean sa tray ang mga pagkaing inorder niya ay bumaling ulit siya sa 'kin, nakakunot ang noo.
"Shae, sinong Adrian?" Curiosity was evident in his voice.
"Uhm, wala 'yon. Ano lang—"
"Shaeynna," he called me using his warning tone.
Nang lingunin ko si Trisha para humingi ng tulong ay pasimple na itong nagliligpit sa mga gamit niya. She gave me an awkward smile before pointing the exit, ready to leave me with this mad man beside me.
"Kaya mo na 'yan, sis. Babalik na 'ko sa room, mag-isa ro'n si Elo eh," she uttered in low voice then tapped my shoulder. "Good luck."
Hindi na ako nakasagot pa dahil mabilis siyang tumakbo palabas ng canteen. Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Trisha hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng panginginig ng mga kamay ko dahil sa kaba nang maramdaman na mas inilapit pa ni Kean ang katawan niya sa akin at wala nang itinirang espasyo sa pagitan naming dalawa.
"A-Ano. . . si Adrian 'yong ano. . . 'yong ano mo kasi ano eh—"
"Anong ano? Paano tayo magkakaanuhan kung puro ano ka?" he asked, getting impatient with this conversation now.
Ay wow! Siya rin naman puro ano, ah? Paano ko maipapaliwanag nang maayos sa siraulong 'to kung hindi pa nga ako nagpapaliwanag ay mukhang mangangain na siya ng tao sa galit.
Awit ka best friend, ako ang kainin mo!
"Hindi mo talaga sasabihin, Shae?"
"Ano nga kasi." Napakamot ako sa ulo at bumagsak ang parehong balikat na hudyat ng pagkatalo. "Pupuntahan ko siya sa Department niya bukas para ibalik 'tong panyo na ipinahiram niya sa akin noong isang araw."
"Panyo? Bakit nasa iyo? At sinong Adrian ba 'yan?"
"Seriously, Kean? Ano ba 'to, talkshow? Si Boy Abunda ka ba?" I groaned and rolled my eyes at him.
Nang hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig lamang sa akin ay muli akong napairap. "Si Adrian, 'yong kausap mo noon sa labas ng room ko. Iyong gwapo—"
"Psh, mas gwapo pa 'ko roon!" ungot niya at parang batang hindi pinagbigyan ng Nanay ang kaniyang itsura.
Sumandal siya sa sandalan ng upuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Kung gano'n, ako na ang magbabalik sa kaniya niyang panyo."
"Huh? H'wag na! Ako na, Kean. Kaya ko naman,"
"Edi sasamahan na lang—"
I roared a laughter and pinched his cheek. "Naku naman. Paano ako magkaka-boyfriend niyan kung ganiyan ka? Napaka-overprotective mo kaya walang nagtatangkang lumapit sa akin, eh."
"Boyfriend my ass!' He sarcastically scoffed. "Don't tell me may gusto ka ro'n? Inabutan ka lang ng panyo, crush mo na?" naasar niyang tanong.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang malawak na ngisi. Hindi ko alam kung bakit kahit anong hilatsa ng mukha niya ay ang gwapo pa rin siyang tingnan lalo na kapag naiinis siya. With his disheveled hair, brows furrowed, frowned face, and slightly parted lips, it makes my heart throbbed in so much adoration.
At dahil nga gusto ko pa siyang mas inisin ay nagpanggap akong kunwari'y nag-iisip.
I licked my lip. "Well. . . gwapo siya."
"Ako rin naman, ah!"
"Matalino," dagdag ko pa.
"Ako rin! Hindi ako nawala sa honor lists simula elementary ako!"
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagsasalita. "Tapos magaling pa sa sports."
"Magaling din ako 'no. Kung hindi mo naitatanong, palagi akong nakaka-shoot ng three points sa basketball." Pagmamalaki niya kaya naman gulat akong napatingin sa kaniya.
"T-Talaga? Hindi ko alam na naglalaro ka pala?" I answered back.
"Oo naman pero sa cellphone lang." Humagalpak siya ng tawa.
Umismid ako at kapagkuwan ay napangiti na rin. Bukod sa parents ko, isa si Kean sa dahilan kung bakit walang lalaking lumalapit sa akin at naglalakas loob.
Kasi naman, papalapit pa lang sila ay hinaharangan na kaagad ni Kean. Ang daya nga, eh! Hindi ko naman siya pinipigilan sa pambababae niya pero kapag ako, tinalo pa niya ang bodyguard kung bantayan ako.
Naku! Kapag tumanda talaga akong dalaga, kasalanan niya 'to! Buti sana kung may balak siyang asawahin ako in the future, ayos lang sa 'kin kaso hindi, eh.
Kinabukasan ay nagkaroon ako ng bakanteng oras ay naisipan ko nang ibalik kay Adrian ang panyo. Balak ko rin sanang magpasalamat sa kaniya na hindi ko nagawa noong nilapitan niya ako sa field pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng classroom ay namataan ko na si Kean na nag-aabang sa labas. Ayaw niya talaga akong payagan na puntahan si Adrian ng mag-isa.
Kahapon pa siya nagta-tantrums sa akin na gusto niya akong samahan pero panay din ang tanggi ko.
Ibibigay ko lang naman iyong panyo, magpapasalamat at aalis na. Iyon lang.
"Ayaw mo talaga akong isama?" Ngumuso siya.
"Huwag na nga. Bakit ba gusto mong sumama? May gusto ka ba kay Adrian?!" singhal ko sa kaniya kaya agad siyang lumayo sa akin at pinandilatan ako ng mga mata.
"May amats ka ba? Siyempre wala! Naninigurado lang ako!" singhal niya pabalik at kapagkuwan ay umiwas ng tingin.
My forehead knotted. "Naninigurado saan?"
"H-Huh? Wala! Sige, papasok ulit ako! Dyan ka na nga!" Tinalikuran na niya ako.
Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin habang naglalakad palayo. "Problema no'n?" I asked myself, shaking my head.
Huminga ako nang malalim bago muling nagpatuloy sa paglalakad patungo sa building ng Educ. May mga nagkalat na estudyante sa labas ng classrooms, sinusundan nila ako ng tingin kaya bahagya akong nahiya.
Lakas loob akong naghanap at nagtanong-tanong kung saan ang classroom ni Adrian. Hindi naman ako nahirapan dahil kilala nga siya sa campus.
"Si Captain ba? Naroon sa field, nag-tra-training," saad noong isang kaklase niya.
Tipid akong ngumiti at nagpasalamat. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako ng building. Pumapatak ang butil-butil na pawis sa noo ko nang makarating ako sa field.
Nanunuyo ang lalamunan ko sa uhaw dahil sa tindi ng sikat ng araw pero tiniis ko iyon lalo nang matanaw si Adrian sa gitna ng field. Nakapamewang siya habang seryosong nakikipag-usap sa coach nila. Naka-soccer outfit siya, may mababakas na kaunting putik doon. Naliligo siya sa pawis pero kahit ganoon ay mukhang mabango pa rin, magulo rin ang kaniyang buhok at bahagyang nakaawang ang labi dahil hinihingal.
His listening attentively to his coach, walang pakialam ibang mga babae na kulang na lamang ay maglupasay sa kilig. I almost lost my balance when he brushed his hair up and licked his lower lip. Ang sinag ng araw ay tumatama sa kaniyang makinis na mukha.
I gasped heavily for some air. Ang gwapo kainis! Ito na ba 'yong sinasabing Nemo ni Trisha? Nahanap ko na ba siya at mapapalitan na ang Shokoy na si Kean?
When his coach left, dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya.
"Adrian!" I called his attention.
Kunot noo siyang lumingon at inikot sa field ang paningin. Nang tumama sa akin ang kaniyang mala-tsokolateng mga mata ay bumakas ang gulat roon. Napaatras siya at hindi nakaligtas sa akin ang paggalaw ng Adam's apple niya.
Kumurap-kurap siya, tila ba hind makapaniwala. "S-Shaeynna?"
'Hi!" I smiled shyly. "Gusto ko lang ibalik itong panyo na pinahiram mo sa 'kin noong isang araw." Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang panyo at inabot iyon sa kaniya.
He held his nape and let out a manly chuckle. "Hindi ka na sana nag-abala, Ynna. Ayos lang naman kung hindi mo na ibalik."
"Hm." I shook my head. "Gusto ko rin magpasalamat. N-Nakakahiya na naabutan mo 'ko sa ganoong sitwasyon. Ang pangit ko pa namang umiyak." I laughed. "Salamat, huh?"
"Nah, it's okay." He wet his lips again. His eyes were swaying in amusement as he looked at me kaya naman bahagya akong nailang at pinamulahanan ng mukha.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Pero kasi hindi ako tumatanggap ng thank you lang. I want to have lunch with you," walang prenong aniya at napaawang ang labi ko. His grin grew even wider when he saw my reaction.
"Adrian. . ."
"Friendly lunch lang, Ynna. Iyon ay kung hindi ka busy pero kung marami kang ginagawa, okay lang. I understand."
"Okay lang—" I stopped talking as I heard a familiar voice from somewhere.
"Shae!"
I was startled when suddenly Kean appeared beside me. Nagtataas-baba pa ang dibdib nito at tumatagaktak din ang pawis sa noo. He smiled cockily at me and raised his brows. Inakbayan niya ako at hinapit papalapit sa kaniya. Nanatili akong gulat at walang maimik ni isang salita.
"Saan kayo pupunta?" he asked Adrian, smiling widely.
Adrian took a quick look at me before answering. "Friendly lunch?"
"Lunch? Uy sakto, gutom na 'ko! Sama ako!" maligayang tugon niya.
Gustuhin ko man siyang singhalan ay bahagya akong na-di-distract sa lapit ng katawan namin pati na rin nang mula sa balikat ay dahang-dahang bumaba ang kamay ni Kean sa aking baywang.
"What? Where?" I asked him, almost in a whisper.
My heart was beating so loud and my knees were trembling and that's all the fault of Kean's touch. Hindi ko kinakaya ang lapit naming dalawa lalo nang bahagya niyang pisilin niya ang baywang ko.
"Sasama ako sa inyo. Friendly lunch tayo!" he said happily and gave me a wink.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro