Chapter 8
Hindi kami magkasabay ngayon ni Kean pagpasok sa school. Wala raw kasi silang professor ngayong umaga kaya mamayang hapon pa sya papasok. Sinabi naman niya sa akin na ihahatid niya ''ko kaso ako na mismo ang tumanggi sa alok niyang iyon.
Alam ko rin naman kasing busy siya at palaging kulang sa tulog nitong mga nagdaang araw kaya mas maganda kung magpapahinga na lamang muna siya. Ayaw pa niya noong una kaso wala na siyang nagawa. I can handle myself naman, siya lang talaga 'tong masiyadong overreacting.
Inaantok pa ako nang lumabas ako ng kwarto. Nakasukbit ang isang strap ng bag ko sa balikat habang hawak ang dalawang makakapal na libro. Kagaya ni Kean ay puyat din ako dahil nag-advance reading na ako ng tatlong lessons. Dapat palaging handa sa giyera 'no. Mahirap pumasok kapag hindi prepared. May mga Prof kasi na hindi magpaparamdam ng ilang araw o linggo tapos pagbalik biglang may pa-exam or quiz na ganap.
Habang pababa sa hagdan ay naririnig ko ang nakakarinding sigaw at sermon ni Mommy mula sa salas. Bumuntonghininga ako at umiling. Narinig ko rin ang boses ni Daddy na pilit siyang pinapakalma pero ayaw niya talagang paawat. Tinalo pa niya si Gloc9 sa galing at bilis niya sa pagra-rap.
"You failed your exams and quizzes, Sharina! And also, your teacher told me na hindi rin maganda ang mga performances mo sa school. Sa tingin mo ba matutuwa ako rito, huh? Nakakahiya! Ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao? Ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala natin? Bakit hindi ka gumaya sa Ate—"
"Mom, stop it." Tumiim ang bagang ko habang nakatingin sa kapatid kong nakaupo sa sofa. Nakayuko ito at umuuga ang balikat dahil sa matinding pag-iyak.
Nanlilisik ang mga matang lumingon sa akin si Mommy. "Stop it? No way! Paano titino iyang kapatid mo kung panay ang pangungunsinti mo riyan sa kaniya? She failed, Shaeynna! Sinong magulang ang matutuwa ro'n, huh?" Her raging voice thundered the whole house.
Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib nito at mababakas sa mukha ang matinding galit at pagkadismaya. I pursed my lips and let out a tired sigh. Hindi ko siya sinagot bagkus ay nilapitan ang test papers na nakapatong sa table. Ibinaba ko muna ang hawak kong libro bago isa-isang tiningnan ang scores ng kapatid ko.
"Fifty over seventy? Twenty over twenty-five? Ninety over one hundred?" I licked my lower lip before giving my Mother a cold stare. "She passed, Mom."
She scoffed and looked at me with disbelief. "Shaeynna, you know me. Hindi sapat sa akin ang basta pumasa lang. She should get a perfect score. Do your best to get the perfect score—"
Pinigilan ko ang mapairap sa mga salita niya kaya bago pa ako makapagbitiw ng mga katagang pagsisisihan ko lang sa huli ay pinutol ko na ang sinasabi niya.
"We'll take note of that, Mom. Kailangan na naming umalis, baka ma-late pa kami."
I gave her a weak smile.
Dinampot ko na ang aking libro na nakapatong sa table saka hinila palabas ng bahay ang kapatid kong patuloy pa rin sa pag-hagulhol.
Nagngingitngit at naninikip ang dibdib ko sa galit. Gusto kong sagutin si Mommy. Gusto kong ipaintindi sa kaniya ang mga bagay-bagay ngunit pinigilan ko ang aking sarili at sa huli ay nilukok ko na lamang ang mga salitang nais kong isatinig.
"A-Ate, hindi mo na ako kailangang ihatid sa school. Okay lang—"
"I insist, Sharina," I cut her off using my cold voice.
Wala na akong pakialam kung ma-late man o hindi ako makapasok sa first class ko. My sister was more important than anything else. She needs me right now. Hindi ko siya puwedeng iwanan sa ganitong estado dahil tiyak na hindi ako mapapakali.
Napakunot ang noo ko nang tumigil siya sa paglalakad. Sinubukan niyang tanggalin ang magkasalikop naming kamay pero mas hinigpitan ko ang kapit doon. Pagod niyang binagsak ang ulo niya bago nagpakawala ng malalim na bumuntonghininga.
"What's the matter, Sha?" I walked towards her, confused.
Ang galit na nararamdaman ko ay natunaw at napalitan ng matinding awa.
My dark round eyes turned soft as I stared at her. I then slowly lifted her chin to meet my eyes.
When our gaze met, I couldn't fathom all the emotions that were visible on her face. It was all too rough and difficult to bear.
Dama ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko nang may pumatak na isang butil ng luha mula sa mga kaniyang mga mata.
"Ate. . . I-I disappointed them. I always disappoint them. Masama na ba akong anak?" Her voice cracked as her cheeks started to get wet from her hot tears.
Napaawang ang aking labi kasabay ng matinding kirot sa aking puso. Pakiramdam ko'y naubusan ako ng hininga sa tanong niya at nahihirapan akong lunukin sa kung ano mang nakabara sa lalamunan. Nanginginig ang mga kamay kong sinapo ang isa niyang pisngi at sunud-sunod na umiling sa kaniya.
Pansamantala kong nakalimutan na nasa gilid pala kami ng kalsada at maraming mga mata ang nakakakita sa amin. That was just the least thing I wanna think about right now.
"Hindi." I shook my head aggressively. "H'wag mong isipin 'yan, hm? Kahit kailan huwag mong iisipin 'yan. . ."
"You're doing great in school. You're doing great as a daughter, and you're doing great in everything, Sharina. Okay? Kung ano man ang sinabi ni Mommy sa 'yo, hindi totoo 'yon. Sa akin ka makinig. Sa akin ka lang maniwala."
Bumalik sa normal ang kaniyang paghinga. Nang unti-unti siyang tumango at kumalma ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Wala kaming imikang dalawa hanggang sa maihatid ko siya sa kaniyang school. Nawalan na ako ng gana noong umagang iyon kaya imbis na pumasok sa klase ay tumambay na lamang muna ako sa gitna ng field. Luckily, walang masiyadong nagkalat na estudyante dahil halos lahat ay mayroong klase.
Pagod at pasalampak akong umupo sa damuhan. Tumingala ako at tumulala sa mapayapa't kalmadong ulap. Kung anong ikinagaan at ikinaaliwalas ng langit ay iyon naman ang ikinabigat at ikinagulo ng aking puso.
Obviously, my sister is my weakness. Kaya kong tiisin ang lahat ng pressure at expectations na ibinabato sa akin ng magulang ko, medyo sanay na rin kasi ako. Pero ang mas hindi ko kakayanin ay ang makita si Sharina ay nakakaranas din ng ganoon.
Ang sakit para sa akin na wala akong magawa. Ako ang ate pero wala akong kwenta.
A great sob escaped from my mouth as I covered my face using my shaking hands. Wala akong pakialam kung magmukha man akong tanga para sa ibang tao. . . basta ang mahalaga sa 'kin ay mailabas 'tong nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Humahapdi na ang aking mga mata at nakakaramdam na rin ng panunuyo ng lalamunan.
"Here," ani ng baritonong boses.
Suminghap ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha sa mata ko. I bit my lip to suppress my sobs. Mula sa makintab na black shoes ay dahan-dahang umangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Puno ng pag-aalala ang mala-kulay tsokolate niyang mga mata pero kumikinang iyon dahil sa araw na tumatama sa kaniyang mukha. Kumurap-kurap ako nang makita ang nakalahad niyang panyo sa 'kin.
He seems familiar. I think I saw him somewhere, hindi ko lamang maalala kung saan.
Nang mapansin niyang wala akong balak kunin ang kaniyang panyo ay dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. I was stunned when he slowly raised his hand and wiped away my tears with his handkerchief. Malamyos at puno ng pag-iingat niyang ginawa iyon na hindi humihiwalay ang tsokalate niyang mata sa akin.
Nanatili lamang akong tulala at walang masabi hanggang sa matapos siya. Tipid niya akong nginitian, ipinatong sa kamay ko ang panyo bago dahan-dahang tumayo.
"Stop crying, Shaeynna. You're more beautiful when you smile. . ."
Tinuro ko ang aking sarili. "K-Kilala mo 'ko?" mahina at nagtataka kong tanong.
He chuckled and wet his lips as he nodded his head. "Of course. We've met before, don't we?"
My brows furrowed, still confused. "Huh?"
"I gotta go. May klase pa ako, eh," aniya at tumalikod na.
Naiwan akong tulala at nagtataka sa papalayong bulto ng lalaki pero nagulat ako nang bigla siyang humarap at muling nagtagpo ang mga paningin namin.
"In case you'll find and thank me for wiping your tears away, puntahan mo lang ako sa Department namin. I am Adrian, a 3rd-year student from BS Education,"
My heart skipped a bit as I watched him walk away from me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro