Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

"Ginawa mo 'yon? Punyemas nakakahiya ka!" Inihilamos ni Trisha ang pareho niyang palad sa kaniyang mukha at hindi pa rin makapaniwalang tumitig sa akin.

"Teh kung totoo man 'yan, ako na ang nahihiya para sa 'yo. Jusko, ang rupok ha!" dagdag pa nitong si Eloisa na prenteng nakahiga sa kama ko.

Sarkastiko akong tumingin sa kanila at tumawa. "Wow! Coming from you pa talaga, ah? Eh, sino kaya 'tong umiiyak kagabi dahil magkaaway sila ng boyfriend niya? Panay pa ang hingi ng advice sa amin na kahit isa ay wala namang sinunod."

Napasimangot si Trisha. Dumakot siya sa kinakain niyang chips at ibinato iyon kay Eloisa.

"Oo nga naman! Isa ka pa! Pahingi-hingi ka pa ng advice! Ang sabi mo kagabi makikipag-break ka na tapos minention ka lang yata sa memes, biglang okay na. Nakakaloka ka,"

Eloisa made a face and rolled her eyes. Iyong chips na binato sa kaniya ni Trisha ay kinain niya.

"Excuse me! Okay na kami kasi nakapag-usap na kami nang maayos. At saka, ano naman kung marupok ako, eh jowa ko naman 'yon?" I glared at her when she pointed her finger at me. "Iyang si Shaeynna ang pagsabihan mo, Trish! Masiyadong nakakahiya ang mga pinaggagawa sa buhay!"

Napabuntong hininga na lamang ako at pabagsak na humiga sa tabi ni Eloisa. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa tuwing naaalala ko ang nakakahiyang pangyayari iyon ay gustong-gusto kong sabunutan at i-untog ang aking ulo sa pader.

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang mangyari iyon pero para sa akin ay parang kahapon lang ang lahat. Matapos noong gabing iyon ay hindi na muna ako nagparamdam kay Kean.

Panay ang pangungulit at panunuyo niya sa akin dahil sa pag-aakalang galit ako sa kaniya pero ang totoo kasi niyan ay hindi ko lamang alam kung paano ko siya haharapin. Gusto kong magpakain sa lupa sa labis na kahihiyan!

Ngayon lamang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para i-kwento kina Trisha ang pangyayaring iyon at hindi na ako nabigla nang kahit sila mismo ay gusto rin akong tirisin dahil sa sobrang karupukan ko.

Kung sila nga na pinagkwentuhan ko lamang ay labis nang nahiya sa ginawa ko. . . paano pa kaya ako na mismong gumawa ng kalokohan na iyon?

Supposed to be ay mag-re-review kami nina Trisha at Eloisa kaya nag-decide kaming mag-sleepover dito bahay but it turned out na puro chika at kabaliwan lamang ang nagawa namin. Muntik pa kaming ma-late sa klase kinabukasan dahil nakalimutan naming mag-set ng alarm. Buti na lamang ay early bird si Eloisa kaya siya ang gumising sa amin.

"How's your study, Shaeynna?" tanong ni Daddy habang kumakain kami ng breakfast.

Si Mommy naman ay nakaupo sa gilid niya sa bandang kanan. Katabi niya ang kapatid kong si Sharina na tahimik lang na kumakain at nakikinig sa usapan namin. Ako naman ay sa kaliwa at katabi ko sina Trisha at Eloisa na tahimik ngunit nakikiramdam.

"Doing fine, Dad," I simply answered.

Mom stopped on her track and glanced at me while raising her eyebrows. "Fine lang, anak? You should be doing your best, Ynna. Hindi puwede sa akin iyong fine lang."

"Let her, hon. Malaki na ang anak natin kaya alam na niya ang mga priorities niya. Kailan ka ba binigo ng anak mo?" usal naman ni Daddy kay Mommy kaya napabuntonghininga ito.

"Ang sa'kin lang naman, Carlito, why would you settle for less, if you can do your best like Kean. Isn't he?" She then faced me again. "Dapat gan'on ka rin, Shae."

I swallowed the lump on my throat and nodded my head like a puppet. Akala ko ay doon na magtatapos ang usapang iyon ngunit nagulat ako nang magsalita ang nakakabata kong kapatid.

"Mom, iba naman si Kuya Kean kay Ate Shae. Huwag mo silang i-compare." Makahulugang tumingin sa akin si Sharina at kumindat.

I gave her a small smile. At dahil sa pagsagot ni Sharina kay Mommy ay siya naman ang pinagbalingan ng mga magulang ko. I felt bad because wala akong magawa, hindi ko kayang sagutin sina Mommy. Kung mayroon mang malakas ang loob na kontrahin ang sinasabi ng aming magulang, walang duda na si Sharina iyon.

Mommy is a CPA-Lawyer while Dad is an Engineer. Ang sabi sa akin ni Daddy noon ay grade conscious daw silang dalawa ni Mommy ever since they were a teenager. They always aim to be the best among the best. Hindi sila pumapayag na basta pasado lang, hindi sila pumapayag sa 'okay' lang kaya kahit sa aming mga anak nila ay dala pa rin nila iyong ganoong attitude.

"Pressure amputa!" Eloisa tsk-ed and shook her head.

Siniko naman siya ni Trisha at pinandilatan ng mga mata. Nanatili naman akong nakatitig sa kawalan at ilang beses na ngang nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Mommy at Daddy kapag nalaman nila na bumagsak ako sa dalawang quiz at ang masaklap, major subjects pa.

"Bakit? Totoo naman, ah? Pine-pressure naman talaga nila itong kaibigan natin. Ano bang akala nila, huh? Anak ni Luca Pacioli itong si Shaeynna?" maangas niyang tanong bago kumagat sa apple na hawak niya.

"Makapagsalita 'to! Pine-pressure ka rin naman ng parents mo, ah?" Trisha chuckled.

"Huh! Hindi 'no! Iyong parents ni Shaeynna, pine-pressure siyang maging perfect student at maging perfect daughter. Eh ako, napre-pressure ako sa mga responsibilidad ko bilang panganay. Magkaiba 'yon," mahabang litanya niya.

Napailing na lamang ako sa sagutan nilang dalawa. Tumulala ulit ako sa kawalan dahil wala akong ganang kumain ng lunch.

Sa totoo lamang ay bumibigat ang aking dibdib sa mga sinasabi ni Mommy. Hindi ako makapag-aral nang maayos. Hindi ko ma-enjoy ang kursong kinuha ko at pati na rin ang pagiging estudyante ko dahil lang kinakailangan kong maging mabuti at pepekto sa harap man o hindi ng mga magulang ko.

Bakit ba kasi hindi na lamang nila tanggapin ko kung ano 'yong totoong ako at kung hanggang saan lamang ang kaya kong gawin?

Why can't they just support me instead of pressuring me with things I don't have any control over?

Napakurap-kurap ako at bumalik sa ulirat nang may maglapag ng pagkain sa lamesang nasa harapan ko. Ang dalawa kong maingay na kaibigan ay biglang natahimik. Bumaba ang tingin ko ro'n at awtomatikong kumalam ang sikmura nang makita ang paborito kong ulam na caldereta at may kasama pang dalawang kanin.

"Masiyadong malalim naman 'yang iniisip mo. Kumain ka nga!" saad ng baritonong boses.

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Muntikan na akong mapahawak sa garter ng panty ko nang makita ang nakangising si Kean.

My heart thumped wildly inside my chest for unknown reasons.

Kaasar ah! Bakit ba kapag nakikita ko 'tong lalaking ito ay hindi nagiging normal ang tibok ng puso ko?

I smelled his manly perfume as he sat beside me.

Tumikhim ang dalawa kong kupal na kaibigan at niligpit ang gamit nila. May nakakalokong ngisi sa labi pa nang tumigin sila sa akin.

"CR lang ako," Trisha said, grinning like a complete idiot.

"Sama ako!" Tumayo rin si Eloisa at nagmamadali silang lumabas ng canteen.

Ngumiwi ako't sunud-sunod na umiling. Ang dalawang iyon talaga! Ang sarap tirisin!

"Kumain ka, Shae,"

Muli akong napalingon kay Kean at nang magtama ang paningin naming ay agad nag-init ang aking mukha. Mas mabilis pa sa alas kwatro akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Jusko! Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako!

His deeply chuckle filled my ears. Humalumbaba siya at pilit na hinuhuli ang mga mata ko. Bakas na bakas ang pagkamangha at pagkaaliw sa kaniyang mukha.

"Galit ka pa rin ba sa akin, hmm? Sorry na nga, hindi ba? Hindi na kita aasarin ng ganoon. Promise"

I took a quick look at him.

Tumikhim ako at nagsimula ng galawin ang pagkaing ibinigay niya sa akin. Kinuha ko ang tinidor at akmang tutusukin iyong karne nang ilayo niya iyong pinggan. Imbis na 'yong karne ang matusok ko ay tumama iyon sa table.

Naglingunan tuloy sa amin iyong ibang estudyante at bahagya akong nahiya. Tumikhim ako at nanlilisik ang mga matang bumaling kay Kean na ngayo'y nagpipigil na naman ng tawa.

I gave him a death glare kaya naman tumikhim siya at pilit na nag-seryoso ang mukha.

"Hindi ka na talaga nakakatuwa, ah. Nanggigigil na 'ko sa 'yo," mariin kong saad.

"Paano 'yong gigil? Tingin nga?" pang-uuyam pa niya kaya hindi ko na napigilang hampasin ang kaniyang balikat.

"Kean!" I shouted in anger.

Umalingawngaw ang malagong niyang tawa sa buong canteen. Namumula ang kaniyang mukha at kumikislap ang mga mata sa sobrang tuwa kahit na sinusuntok ko ang kaniyang braso sa sobrang inis. Nang kumalma siya ay nanggigigil niyang pinisil ang mga pisngi ko.

"Such a cutie. . ."

Tinampal ko ang kaniyang kamay at halos hindi pa rin maipinta ang aking mukha.

"Sorry na nga, okay? Hindi ko na uulitin 'yon, promise." Itinaas pa niya ang isa niyang kamay at parang batang nangangako.

I heaved a deep sigh.

Akmang iiwas na ulit ako ng tingin pero hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. My breath hitched as my eyes widened when his soft lips landed on my forehead. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro