Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Being an Accountancy student was quite burdensome.

Isang linggo pa lamang ang nakakalipas magmula noong magsimula ang college life ko pero 'yong stress na nararamdaman ko as of this moment ay parang limang taon na akong nag-aaral.

Totoo pala talaga 'yong kasabihan na dapat mabilis kang mag-move on kapag nasa college ka na. Ang sabi pa ng Professor namin ay mayroon daw walong steps ang accounting cycle pero para sa akin ay tatlo lang.

Discussion, Quiz and Move on.

Nang humarap si Mrs. Nilooban sa white board para magsulat ay sinulyapan ko si Eloisa na nakasubsob sa arm desk at mahinang humihilik. Iyong iba naming kaklase ay napapatingin at nahihirapan ng magpigil ng tawa dahil sa kaniya. Mabuti na lamang ay nasa pinaka-likod at sulok kami nakapwesto. Hindi kami masiyadong napapansin.

"Shae, takpan mo 'yong bunganga," bulong sa 'kin ni Trisha at pasimple niya 'kong inabutan ng packaging tape.

Kinuha ko iyon mula sa kaniya at nagtatakang tinitigan.

"Anong gagawin ko rito, Trish?"

"I-tape mo 'yong bibig. Ay wait! Ito, gunting. . ." Binuksan niya ang kaniyang bag at hinalughog doon ang gamit.

"S-Seryoso ka? Ite-tape ko ang bunganga ni Elo? Hindi kaya magalit siya sa atin—"

"Oh edi kung ayaw mo naman, takpan mo na lang iyong ilong." She frowned. "Basta kahit ano! Iyong hindi maririnig ni Ma'am Nilabasan!"

"Nilooban, Trish," pagtatama ko sa kaniya at ngumiwi.

She smirked at me. "Mas gusto ko 'yong nilabasan, eh. Paki mo? Sige na, i-tape mo na 'yang bunganga ni Elo!"

Napakamot na lamang ako sa ulo at sinunod ang utos ng kaibigan. Hindi ko maiwasang mapalunok nang marahas habang maingat na nilalagyan ng tape ang bunganga ni Eloisa. Ang mahirap sa babaeng 'to, masiyadong tulog mantika.

Kahit yata kaladkarin ko na palabas ay hindi pa rin siya magigising. Pigil na pigil ang tawa ng mga kaklase ko. Hanggang sumapit ang lunchbreak ay hindi pa rin nagigising si Elo. Nasa labas na iyong ibang taga-kabilang section na kasunod na gagamit nitong room pero nagtatalo ang isip ko kung gigisingin ko ba siya o hindi.

Ngunit sa huli ay naisipan kong gawin ang nauuna. Akmang gigisingin ko na siya pero pinigilan ako ng tumatawang si Trisha.

"H-H'wag mong gisingin. Tara na!" Humalakhak siya.

"Sira ka ba?! Paano kung—"

"Tara na, Shae! Gutom na ako at nasa labas na rin si Kean mo! Hayaan mo 'yang si Elo. Hindi mo na 'yan kailangang gisingin dahil kusa 'yang magigising."

Wala na akong nagawa at nagpatianod na lamang nang hilahin niya 'ko palabas palabas ng silid.

My lips formed a big smile when I saw Kean waiting outside our classroom. May kausap itong mga lalaki kaya hindi niya siguro napansin ang paglabas ko.

"Shae, sa Van and Hyla's tayo kakain, hindi ba? Una na 'ko roon. Gutom na talaga ako, ih,"

"Oh sige, susunod kami ni Kean."

Matapos niyang magpaalam sa akin ay nilapitan ko na si Kean na abala pa rin sa pakikipag-usap. Kung hindi pa ako titikhim nang malakas ay hindi pa niya ako mapapansin. I noticed how his brown eyes twinkled when he saw me.

Gustuhin ko mang akbayan siya katulad ng madalas kong gawin ay hindi ko magawa kasi maraming estudyante ngayong nagkalat sa corridor.

I need to remain composed.

I need act like I am a fuckin' prim and proper.

Malawak ang ngiti niya nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Heto na naman ang mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko at ang kuryenteng dumadaloy sa aking dugo ko sa tuwing nagdidikit ang katawan namin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at ginulo ang aking buhok.

He then faced his guy friends na halos lahat sila ay nakatitig sa akin.

"Oh paano? Una na kami. Gutom na itong tsikiting ko, eh." Kean chuckled, which made me frown.

Padabog kong inalis ang braso niya sa aking balikat. "Excuse me? Sinong tsikiting? Walang tsikiting dito 'no!" Lukot na lukot na ang mukha ko sa sobrang inis.

He roared with deep laughter as he pinched my both cheeks.

"Hmm? Okay, whatever you say." Kibit balikat niya.

Pilit kong inaalis ang mga kamay niya sa akin pero tumatawa lamang siya at tila natutuwa pa sa tuwing napipikon ako.

Natigil lang kaming dalawa dahil sa isang malalim na tikhim.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa bestfriend mo, Keith?"Ang malawak na ngiti sa labi ni Kean ay nawala. Binitawan niya ang aking pisngi at walang emosyong hinarap iyong isang gwapong lalaki na may kulay tsokolateng mga mata.

Kean's jaw clenched as he shook his head.

"Why do you want to know her, Adrian?" walang bakas ng tuwa ang boses ni Kean.

The other guy laughed. "Wala lang. Masama bang ipakilala mo kami sa magandang dilag na kasama mo?"

Sa apat na lalaking kausap ni Kean ay napansin ko na iyong may kulay tsokolateng mga mata lamang ang mayroong itsura sa kanila. Adrian yata ang pangalan. The rest na kasama niya ay sakto lamang naman ang pagmumukha. Hindi ka-gwapuhan pero hindi rin naman pangit.

Tumikhim ako at kinagat ang aking labi nang mapansin na hindi humihiwalay ang mga mata sa akin ng lalaki. Mukhang napansin din iyon ni Kean kaya tuluyan nang nawala ang kislap sa mga mata at napalitan iyon ng pagkairita.

"She's Shaeynna, my best friend," Kean introduced me to his friends, wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha, magkasalubong ang kilay at bahagyang umiigting ang panga.

Nang akmang ilalahad sa 'kin ni Adrian ang kamay niya ay tinabig iyon ni Kean. Napasinghap ako sa gulat at pasimple siyang kinurot sa tagiliran.

Adrian smirked at that. Amusement and humor were evident in his eyes. Tila natutuwa at nawiwili siya sa nakikita.

"Bawal ba makipag-shake hands?" tanong niya kay Kean kaya mas lalong napasimangot itong isa.

He then faced me with an amusing grin on his lips. "Hi Shae, I'm—"

"Shaeynna, not Shae," Kean cut him off.

Adrian raised his both hands as if he was surrendering. "Okay, chill. Shaeynna, I am Adrian."

"Nice meeting you, Adrian." I gave him a small smile.

Kita ko pang natameme siya kasabay ng pamumula ng kaniyang tainga pero agad ding nawala ang mga mata ko sa kaniya nang magpakilala rin sa akin iyong tatlo niyang kasama.

"Mga bwisit kayo talaga! Hindi niyo man lang ako ginising, huh?! Alam niyo bang hiyang hiya ako na natulog lang ako saglit tapos pagmulat ko ibang tao na 'yong nasa loob ng classroom natin. Mga punyemas kayo! Nilagyan niyo pa ng tape bibig ko!" Nanggigigil niyang litanya at nang akmang hahampasin niya kami ng bag ay pinitik ni Kean ang tainga niya.

"Sige! Subukan mong hampasin si Shae! Bubugbugin ko boyfriend mo," pabirong banta ni Kean kay Eloisa.

"Aba teka! Paano naman ako, Kean? Bakit si Shae lang? Hindi mo 'ko ipagtatanggol?" Nakasimangot na reklamo ng isa pa naming kaibigan.

Humarap si Kean kay Eloisa habang nakaturo kay Trisha. "Ayan! Si Trisha ang hampasin mo! Huwag si Shae!"


"Aba't tarantado ka, ah!" Inambahan ni Trisha ng suntok si Kean kaya agad akong tumayo at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Tama na nga! Para na naman kayong mga ulaga riyan! Nandito tayo kina Kean para mag-movie marathon, hindi para magsuntukan!"

Nakakainis naman! Kanina ko pa hindi maintindihan 'tong pinapanood namin dahil sa ingay nitong tatlo. Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng time para makapag-movie-marathon at makapag-food trip. Kahit tambak pa kami ng mga assignments ay naisipan pa rin naming magganito. Tutulungan naman ako ni Kean sa assignments at pinag-a-advance study na rin niya 'ko para incase na magkaroon ng surprise quiz or recitations ay handa ako at mayroon akong isasagot.

Matapos naming magliwaliw sa saglit na oras ay umalis na rin sina Eloisa at Trisha. Naiwan kami ni Kean at nagdesisyon kaming lumabas sa bakuran nila para roon mag-aral at magsagot ng assignment. Mayroon kasi silang maliit na kubo para tambayan o di kaya'y pag magkaaway daw ang parents niya ay dito raw sa kubo natutulog si Tito Norman–iyong Tatay niya.

From here, we can clearly see the night sky and shining stars from above. Ang malamig na hangin ay humahampas sa aking mukha at dumadampi sa aking balat.

Binitawan ko ang hawak kong ballpen at sumandal sa sandalan ng upuan. Pinagkrus ang mga braso ko sa may dibdib at tinitigan si Kean na abala sa pagbabasa sa librong hawak niya. May hawak pa siyang highlighter na blue para i-highlight iyong mahahalagang words or sentences sa binabasa niya.

Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Kung mayroon man akong isang bagay na hinahangaan sa kaniya ay iyong pagiging matiyaga at masipag niya pagdating sa pag-aaral.

Makikita talaga sa kaniya na desidido talaga siyang maabot ang mga pangarap niya. Like what he has always said, he will reach his goals whatever it takes.

At sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob at tinatamad sa pag-aaral ay palagi niyang pinapaalala sa akin ang mga katagang, 'Ang tulog madali 'yang bawiin pero iyong bagsak mong grades, mahirap na muling ayusin,'

He motivates me. He inspires me. He keeps me going. Sa tuwing natatakot ako ay palagi siyang nariyan para tanggalin ang takot ko.

Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob ay palagi siyang nariyan sa tabi ko para ipaalala kung bakit hindi ko kailangang panghinaan. Hindi man siya masiyadong vocal pagdating sa mga nais niyang sabihin. . . pero basta, nararamdaman ko na lamang iyon.

Kaya sinong hindi mahuhulog sa kaniya, huh? Paano ako hindi mahuhulog sa kaniya?

"Baka matunaw ako niyan. . ." He sheepishly smirked when our eyes met.

Napakurap-kurap ako at agad nag-iwas ng tingin sa kaniya. Shemay! Ang tagal ko pa lang tumitig sa kaniya. Natataranta kong kinuha ko ang aking notebook at bahagyang ipinaypay sa nag-iinit kong mukha.

Tatawa-tawa siyang sumulyap sa akin.

"Huy baka nai-inlove ka na sa 'kin, ah! Sabihin mo lang!" He roared with laughter.

Matagal na 'kong in love sa 'yo, gunggong.

Umakto akong parang nandidiri at binato siya ng takip ng ballpen. "A-Ang kapal mo naman! Asa kang mangyayari iyon!"

Nang-uuyam ang mga ngiti niya sa labi na labis kong ikinasar lalo. Isinara niya ang hawak niyang libro at napasinghap ako nang biglaang niyang ilapit ang kaniyang mukha akin.

My eyes widened with his sudden action. Siguradong kaunting maling galaw ko lamang ay mahahalikan ko na siya. Tila naging bato ako sa kinauupuan ko at halos pigilan ko ang paghinga. My heart was throbbing so fast.

"Talaga lang, huh? Hindi ka mafa-fall sa 'kin?" His deep yet mesmerizing voice lingered in my ears.

"N-Never talaga!" I stuttered but still managed to answer.

Matunog siyang ngumisi at itinagilid ang kaniyang ulo. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakikipagtitigan sa akin.

Gustuhin ko man siyang itulak palayo dahil sa takot na baka marinig niya ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ko magawa.

Para akong nawalan ng lakas at mas lalo pang nanuyo ang lalamunan ko nang mula sa mga mata ko ay dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking labi.

He licked his lips and slowly leaned closer to me.

Oh my gosh! Hahalikan niya 'ko! Siya ang magiging first kiss ko!

Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa matinding kaba. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at ngumuso.

Ilang segundo akong naghintay ng paglalapat ng labi namin ngunit minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong maramdaman. Kumunot ang aking noo. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata. Gan'on na lamang ang hiya at pag-usok ng ilong ko nang makita si Kean na nakabalik na sa dati niyang pwesto at nagbabasa na ulit ng libro. Nakayuko ito at umuuga ang balikat dahil sa mga impit niyang pagtawa.

Para akong sasabog sa sobrang inis at pagkapahiya! Nang mag-angat siya ng tingin sa akin at nakita niya ang pamumula ng buong mukha ko ay doon na siya tuluyang humagalpak ng tawa. Nagluluha na ang mga mata niya at halos ay maglupasay na sa sahig.

"Happy ka, Kean? Happy ka?" nanggagalaiti kong saad at mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya.

"Ikaw, ah! N-Never pala, huh?"

"Ewan ko sa 'yo! Bwisit!" Nagmamadali kong isinilid ang mga gamit ko sa bag at nag-walk out.

Shit! Nakakahiya ka, Shaeynna! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro