Chapter 3
If I only have the guts to tell him that I love him, then I'll gladly do it. Natatakot ako sa maaari niyang maging reaksyon o sabihin sa 'kin. Baka kapag umamin ako ay doon na rin magtapos ang pagkakaibigan namin.
Hindi ko ba maintindihan sa lalaking 'yon kung bakit panay ang tingin at lingon sa iba kung narito lamang naman ako sa isang tabi–naghihintay na mapansin niya.
"Ihahatid kita sa room mo, h'wag kang mag-alala. Patingin nga ng sched mo?"
Ipinakita ko kay Kean ang cellphone ko kung saan ginawa kong wallpaper ang class schedules ko.
Today is our first day of class and I'm kinda nervous. Nagkalat ang mga estudyante sa campus. Buhay na buhay ang paligid at kitang-kita ko sa mata ng mga nakakasalubong ko ang excitement, kaba, at saya.
"Alam mo Go, hindi mo naman na ako kailangang ihatid pa sa room. Puwede naman akong magtanong tanong na lang, eh," saad ko at tinuro iyong mga guys na nagkukumpulan sa isang gilid kaya napasimangot siya.
"Sa isang building lang naman tayo pupunta, Shae. At saka, bakit ka pa magtatanong sa iba kung nandito naman ako?" he fired back, annoyance was evident in his voice.
My mouth fell open as my heart was beating rapidly. Tila may mga paru-parong nagliliparan loob ng aking tiyan dahil sa sobra at labis na kilig. I bit my lip to suppress my smile. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakasimangot ito at salubong na salubong ang makapal niyang kilay.
He looked pissed but I couldn't deny the fact that it makes him more attractive.
Nakasuot ito ng puting polo uniform na bukas ang dalawang butones kaya tanaw ko ang panloob niyang puting sando sa loob. Pinaresan niya iyon ng black fitted slacks at black shoes. Idagdag pa ang magulo niyang buhok ay mas lalong nakadagdag sa kaniyang kagwapuhan.
I pouted my lips.
Hindi nakakaligtas sa tainga ko ang mahihinang tili at pasimpleng kilig ng mga kababaihang nakakasalubong at nakakapansin kay Kean. Sa tangkad ba naman niya na iyon, talagang kahit sino'y mapapansin siya.
"Sabay tayo mamayang uwian? Tambay tayo sa bahay. Hintayin na lang kita," he said when we reached my classroom.
"Kean, four o'clock pa ang labas ko. . ." pagtutol ko pero agad ko ring natikom ang aking bibig nang mapansin ang mataman niyang titig sa 'kin. "Pero sige. Siguro naman wala pang klase ngayon since first day pa lang naman di 'ba? Anong oras ba ang labas mo?"
"Two o'clock,"
"Ano?!" My eyes widened. "Huwag na akong hintayin! Pupunta na lang ako sa bahay niyo―"
"Hintayin na kita, Shae. Pumasok ka na sa loob. It's almost time, I need to go," pagputol niya sa sinasabi ko at literal na napaawang ang labi ko. Aalma pa sana ako kaso tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin.
I clutched my chest 'coz my heart was thumping rapidly again. I closed my eyes, took a deep breath, and shook my head in an aggressive way.
"Masiyado na yatang malalim ang pagkakahulog mo sa bestfriend mo, Shaeynna. Umayos ka, hindi maganda iyan," I told myself in mind.
I was so flabbergasted when I saw my friend, Trisha, in the same room. Hindi naman ako na-orient na magka-blockmates pala kami. Madalang kasi kaming mag-usap lalo na sa mga chats and calls because we're both busy in life. Kaya naman nang magkita kami sa loob ng classroom ay sinamantala na namin ang pagkakataon para makapag-usap. We silently talked and laughed about some stuffs. Kahit nakakatawa ang mga kinu-kwento niya ay pinipigilan ko ang humagalpak ng tawa.
I remain composed.
I need to be prim and proper, that's what my Mom always reminded me.
Kailangan daw na maganda ang reputasyon ko sa school dahil marami ang humahanga sa akin kaya kahit hindi komportable at hindi naman talaga ako ganito ay sinusunod ko na lamang siya.
In all honesty, I am only free to be me when I'm with Kean.
"I know you'll pursue Accountancy but I wasn't informed that we're block mates. Hindi kasi tayo nakakapag-usap lately." I laughed.
"Kasama rin natin dito sa Eloisa. Gaga ka!"
Natigil kami sa pag-uusap at napaayos pa ng upo nang dire-diretsong pumasok sa room ang Professor. She was holding a folder in her right hand and a marker in her other hand. She walked gracefully towards the teacher's table. She put her things above it and fixed her eyeglasses. I almost shivered in nervousness because her presence was truly screaming authority and professionalism.
If I am not mistaken, I think she's already in her 50's. The wrinkles on her forehead are completely visible. She then cleared her throat and roamed her eyes all over the room.
"Nakakatakot siya 'no?" bulong ni Trisha na nakaupo sa aking tabi.
I nodded slowly and gulped.
My breath hitched when our gaze met. She raised her eyebrows before pointing her finger at me.
"You, stand up," she commanded.
Napalunok akong muli at kahit nanginginig ang mga tuhod sa kaba ay pinilit ko pa ring tumayo.
"What are the steps of the accounting cycle?"
"M-Ma'am?" gulat kong tanong.
Nagsalubong ang kaniyang kilay bago mapanuyang ngumisi. "I won't repeat the question, Miss. Simple lang ang tanong ko. . . kung hindi mo kayang sagutin, it's okay. You can drop this subject or shift course, it's your choice. If you don't have any knowledge about this course, you don't deserve to be here."
My eyes widened as I felt my cheeks burning in so much shame. Wala akong ideya kung sa akin lamang niya iyon sinasabi o para sa aming lahat. Grabe, unang araw pero parang ayaw ko na agad!
"Ma'am, I will answer. I know the answer po." I did my best to calm myself and I even cleared my throat. "T-The steps of the accounting cycle are journalizing, posting, trial balance, adjustment entries, adjusted trial balance, financial statements, closing entries, post-closing entries, and reversing entries."
The side of her lips lifted as she nodded at me. "Okay, very good."
I was about to sit when she stopped me.
"Who told you to sit, Miss? We're not done—"
Naputol ang sasabihin niya nang mayroong pumasok sa classroom at maangas na naglakad patungo sa upuan niya.
Gulat na gulat ako nang makita ko siya, kahit si Trisha na nasa tabi ko ay napasinghap. Ni tila wala itong nakikitang ibang tao sa kaniyang harapan at dire-diretsong umupo sa katabi ni Trisha.
Damn, Eloisa. Ang pasaway!
"Good morning, Ma'am. Sorry, I'm late," tamad nitong usal bago bumaling sa katabi.
Tiningnan lamang siya ng Professor namin at pinagtaasan ng kilay pagkatapos ay bumaling na ulit sa akin. She motioned me to sit down.
"Maupo ka na kaya muna, Miss. I'm gonna introduce myself first."
I sighed in relief and stretched my arms. Mabagal ang paggalaw ng orasan, sa loob ng tatlong oras ay pinaulanan na agad kami ng lectures. Kaya naman nang lumabas na si Mrs. Nilooban, saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Pigil na pigil ang hininga ko kanina sa kadahilanang baka matawag na naman niya 'ko.
"Aray ko! Ebarg ka naman! Sinabi ko na nga't puyat ako kagabi kaya late ako!"
Lumingon ako kay Eloisa nang malakas itong sumigaw habang hinihimas ang ulo niyang binutakan ni Trisha. Nanliliit ang mga mata nito at akmang babatukan pa ulit itong si Eloisa pero agad ko na siyang pinigilan.
"Tama na 'yan!" pag-awat ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Trisha.
"Ayan! Ayan ka na naman sa pangungunsinti mo sa kaibigan natin kaya hindi tumitino 'yan, eh," reklamo niya sa'kin.
Si Eloisa naman ay kumapit sa braso ko at nagpapaawang ngumuso. "Grabe ka naman sa'kin, Trish. Matino pa naman ako! Inform kita kapag hindi na!"
"Aba't—"
Bahagya akong natawa at napailing na lamang sa pagiging aso't pusa nilang dalawa. They are my elementary friends, grade five to be exact. Madalas akong i-bully ni Trisha dahil sa height ko, noong nagpaulan kasi ng height si Lord ay natutulog yata ako tapos noong nagpaulan naman siya ng kagandahan ay hindi ko rin nasalo dahil nasa lang langit ako, nagdo-donate. Huh! Madalas din akong paringgan ng sipsip ni Trisha because I'm always a teacher's pet tapos umabot na kami sa point na sobrang napikon ako sa kaniya at nagsabunutan kami sa field then dumating si Eloisa kasama ang mga guy friends niya at nakipagpustahan ng pera kung sinong unang iiyak sa aming dalawa ni Trisha, pumapalakpak pa siya noon, and because of that stupidity, pare-pareho kaming pinatawag sa Guidance Office...
And that's how our friendship started.
Luckily, we survived the first day of being a college student May mga Professor na hindi sumipot, may Prof din na after ng introduction ay umalis na, at mayroon ding dalawang matandang Professor na nagsimula na kaagad ng lecture.
Habang naglalakad palabas ng classroom ay inakbayan ako ni Eloisa. "Tara? Kain tayo. Libre mo 'ko!"
"Aba hoy—"
Tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang isa pa niyang kamay pagkatapos ay tinawag si Trisha na nasa loob pa rin ng room at abala sa paglalagay ng make-up.
"Trisha! Bilisan mo riyan! Food trip daw tayo, libre ni Shaeynna!" she shouted happily.
Napalingon tuloy sa amin iyong ibang estudyanteng nakatambay sa corridor. Siniko ko siya at sinaway.
"Eloisa, 'yang bunganga mo nga! Para kang ulaga riyan at saka, hoy! Wala akong sinasabi na ililibre ko kayo, ah! Hindi ako sasama, hinihintay na ako ni Kean! Tatambay kami sa kanila!"
She glanced at me and scoffed. "Puro ka Kean, 'teh! Hindi ka naman mahal no'n!"
Sasagot pa sana ako kaso naunahan ako ng isang baritonong boses mula sa likuran namin.
"Who told you I don't love her?"
Pareho kami ni Eloisa na natigilan sa aming kinatatayuan. Nanlalaki ang mga mata namin at sabay pang napalunok.
My knees were trembling as my heartbeat fastened.
Dahan-dahan kong nilingon ang bestfriend kong nakasandal sa railings. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa magkabilang bulsa niya, ang isang strap ng bag ay nakasabit sa kanang balikat, bahagyang hinahangin ang kaniyang buhok at bumabagsak iyon sa kaniyang noo.
He brushed it up using his fingers and licked his lips.
Tumayo siya nang tuwid at marahang lumakad patungo sa akin.
"T-Talaga? Love mo 'ko, Kean?" nauutal at mahina kong tanong, ngunit sapat na iyon para marinig niya.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Eloisa sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
She then bit her lip and looked away to suppress her laugh
Habang ako'y ramdam ang pag-iinit ng pisngi at buong mukha ko.
Shit! Ito na ba 'yon? Magco-confess na siya sa 'kin? Aaminin na ba niyang sa dinami-dami ng mga babaeng kaniyang nakilala at naging girlfriend ay ako pala talaga na bestfriend ang mahal niya?
Oh my gosh! Oh my gosh! I think I'm gonna faint—
"What?" Kean creased his forehead and let out a low chuckle. "Of course, Shaeynna. I love you as a friend."
A beaming smile on my lips slowly faded.
Natatawa niyang pinitik ang noo ko bago umiling."Tara na! Sumama na rin kayo sa amin, Eloisa. Food trip tayo sa bahay! Ako na ang manlilibre sa inyo," ani Kean at nauna nang maglakad palayo.
Naiwan akong tulala sa kawalan. Ang pag-asa, kilig at saya kong nararamdaman kanina ay biglang naglaho na parang bula. Bwisit! As a friend lang pala! Akala ko naman magle-level up na kami!
"Ano, friend? Tara na?" nakangising saad sa akin ni Trisha pagkalabas niya ng room kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Talagang in-emphasize pa niya iyong salitang friend, huh?
Ano? Nang-aasar lang?
"Mga kupal kayo 'no?" nanggigigil kong saad at doon na sila tuluyang humagalpak ng tawa ni Eloisa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro