Chapter 25
Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Everything went smoothly. Ni wala kaming pinalampas na oras at pagkakataon hanggang sa tuluyan nang bawiin sa amin si Daddy.
Malungkot. . . pero eventually ay natanggap na rin namin ng buong buo. Napaghandaan na naman namin ang bagay na iyon. Hindi man naging sapat ang isang buwan bilang pagbawi sa lahat ng pagkukulang. . . alam kong napasaya namin ng lubos si Daddy dahil hanggang sa huling hininga nito ay mayroon siyang matipid na ngiti sa labi.
It was enough for us and those happy memories with him will be forever treasured here in my heart. For sure naman ay magkasama na sila ni Sharina kung nasaan man sila ngayon. Alam kong masaya na sila kaya sapat na iyon para sa amin para maging masaya at muling ipagpatuloy ang buhay.
Kapag wala akong ginagawa ay pumupunta ako sa sementeryo para tumambay. Just like the old times. Magkatabi lamang naman ang puntod ni Daddy at Sharina. Minsan ay kasama ko si Mommy pagpunta roon pero mas madalas ay ako lamang mag-isa.
"Wala ka na bang balak bumalik ng "Australia?"
Dagli akong natigilan sa pagsimsim ng kape at nag-angat ng tingin kay Mommy na matamang nakatitig sa akin. Uminom muna ako bago sumagot.
"Hindi ko alam, Ma." I heaved a deep sigh. There's a part of me na gusto kong bumalik na muli sa ibang bansa dahil kagaya nga ng sinabi ko ay naroon na ang buhay ko. May maganda akong trabaho, maayos na tirihan, at simple ngunit masayang buhay.
I'm already content with it, but I couldn't leave my Mom. Kapag umalis ako, maiiwan siyang mag-isa. Ayaw naman niyang sumama sa akin dahil mas gusto raw niya rito at hindi ko naman siya puwedeng pilitin.
Bumaba ang mga mata ko sa aking kamay na hinawakan ni Mommy. Her soft and warm hands took all my worries and weary thoughts away. Bahagya niya iyong pinisil habang may maliit na ngiti sa labi. Sinubukan kong basahin ang kung anong emosyon sa mga mata niya ngunit ni isa'y wala akong nahagilap.
"Kung gusto mong bumalik, hindi kita pipigilan," aniya sa malambing tinig. "Huwag mo ako masiyadong kaisipin, Shaeynna. Matanda na ako at kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Gawin mo kung anong magpapasaya sa 'yo."
"Pero Mom—"
"May sarili kang buhay, anak. Hindi ka naman namin isinilang at pinalaki para lang sa pagtanda'y may mag-alaga sa amin." Tumayo na ito at humalik sa aking noo bago tuluyang umalis ng hapag-kainan.
Buong umaga kong pinag-isipan ang bagay na iyon. Sa kamakalawa na ang alis ni Tita Brenda, kasama niya ang boyfriend niyang Australiano, at tinatanong nga nila ako kung sasabay ako sa kanila o kung may plano pa ba akong bumalik doon.
It's hard for me to decide. Nagtatalo ang puso at isipan ko. Sumasakit lamang ang ulo ko sa pag-iisip kaya naman mas minabuti ko na lamang na lumabas ng bahay at pumunta sa tindahan ng longganisa na eventually ay pagmamay-ari pa rin namin ni Kean.
Araw-araw akong pumupunta roon para kumustahin ang mga empleyado at para na rin makatulong sa pagbebenta—pero ang totoo niyan ay dumadayo lamang talaga ako ng chika. Umaalis din kasi Mommy dahil madalas itong pumuntang simbahan kasama iyong Nanay ni Kean at ni Bluie.
Si Kean, okay naman kaming dalawa. Halos araw-araw itong pumupunta sa bahay at nagdadala ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon pero sa base sa mga kilos at galaw niya, mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa. Ang alam ko'y wala siya ngayon dito sa Lucban dahil lumuwas ito patungong Maynila. Tambak daw kasi ng trabaho sa firm.
Hindi ko alam kung kailan siya babalik dahil wala naman siyang sinasabi sa akin or much better kung huwag na siyang bumalik.
Dumaan muna ako sa bakery para bumili ng meryenda bago ako tuluyang nakarating sa tindahan. Malawak ang unang branch dahil narito na rin pati ang factory. Bukod kasi sa Longganisa ay nagsimula na rin naming pasukin ang paggawa at pagtitinda ng Miking Lucban at iba pang sikat na produkto rito sa aming bayan.
"Pabili nga," ani ng customer at akmang tatayo si Leslie na kumakain ng meryenda nang pigilan ko siya.
"Ako na. Kumain ka na muna," nakangiting saad ko at nagpasalamat naman ito sa akin.
Humarap ako sa customer ng may malaking ngiti sa labi na agad ding napawi at napalitan ng matinding pagkagulat.
"B-Bluie?"
"Shaeynna, long time no see!" Mukhang nagulat din siya sa prensensya ko dahil muntik pang mabitawan ang hawak niyang isang pack ng miki.
Agad akong humakbang papalapit sa kaniya at sinunggaban siya ng yakap na para bang close na close talaga kaming dalawa. Sa pagkakaalam ko'y wala siyang kwenta kausap noon. Palagi itong seryoso at tinalo pa ang test paper na walang sagot sa sobrang blangko ng ekspresyon.
"Kumusta ka?" bakas ang pagkagalak sa tono ng boses nito. Hindi naman ako agad nakasagot marahil ay sa sobrang pagkabigla.
She changed. . . a lot and for the better. Ibang iba na talaga siya sa Bluie na kilala ko noon. Bukod sa mas lalo itong gumanda, halatang nakakaangat na rin siya sa buhay ngayon.
Kumurap-kurap ako at nahihiyang tumawa. "Heto, maayos naman. Mabango pa rin naman ang hininga."
She laughed at that.
"I-Ikaw? Kumusta?"
She shrugged her shoulder, still smiling. "Doing good. Bukas ay babalik na rin kami ng Manila, bumisita lang kami nina Nanay at Tatay."
"Kami? Bakit sinong kasama mo?" My forehead creased.
She was about to speak when a beautiful woman entered the store.
"Ano na, Bluie? Kasing bigat ba ng semento 'yang longganisa at napakatagal mo?"
Bahagya akong napaatras dahil sa nakakatakot nitong presensya. Unlike Bluie, she has a hard feature. Balingkinitan ang katawan nito at bumagay sa kaniya ang pagiging morena. Salubong ang kaniyang kilay nito at mukhang palaging makikipag-away sa tono ng kaniyang boses.
"R-Rose." Pinandilatan ito ni Bluie ng mata at kinurot sa tagiliran. "Kausap ko pa kasi 'yong kinakapatid ko. Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na mauna na kayo sa bahay?"
The woman named Rose scoffed. "Pagsabihan mo 'yang asawa mo na parang mamamatay kapag nahiwalay sa 'yo." Inirapan niya ang kaibigan bago ibaling ang tingin sa akin.
I gulped when she tilted her head and scanned me from head to foot. Hindi ko alam kung matatakot o maiinsulto ako sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Awtomatikong nawala ang kaba ko nang umukit ang matamis na ngiti nito sa labi bago ilahad sa akin ang kamay. Mas lalo siyang gumaganda kapag nakangiti.
"Hi, I'm Rose." Ang kaninang masungit nitong boses ay naging maamo.
Napalunok ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "I'm Shaeynna, the owner of this store. By the way. . ." I trailed off and smiled. "Ang ganda mo."
She roared with laughter and flipped her hair confidently. "I know right."
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi ngunit kalaunan ay natawa na rin. I like her confidence.
Nakakagulat malaman na mayroon na pala silang asawa. Si Rose ay mayroon ng anak habang si Bluie naman ay tatlong buwan ng buntis. Hindi pa masiyadong halata ang kaniyang baby bump at kung titingnan mo siya sa malayo ay hindi mo mahahalatang buntis pala ito. I also met their husbands and believe me. . . sobrang guwapong mga nilalang! They all looked like a fictional character.
"Bakit kasi kailangan mo pang bumili ng Longganisa, sis? Mayroon din naman ako nito. Mahaba rin at mataba. . ." the gray-eyed guy named Miguel asked his wife dramatically.
Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang malakas. "Sabihin mo nga sa 'kin, hindi ka na ba masaya sa Longganisa ko?"
Bluie gave him a death glare. "Ikaw Miguel, tigil-tigilan mo 'ko ha! Huwag mo akong mabiro-biro nang ganiyan at baka mapaanak ako ng hindi oras dahil sa 'yo."
Miguel pouted his lips. "OA mo naman, sis. Baka naman matatae ka lang. Manganganak agad? Advance mag-isip—a-aray! Ito na nga po, tatahimik na!" naiiyak nitong saad habang sapo ang taingang piningot ni Bluie.
"Takusa ka pala, eh," The guy with an innocent face named Luke teased.
"Anong takusa?" Rose raised her brows.
"Takot sa asawa—"
Pinutol agad ni Luke ang sinasabi ni Miguel.
"Takot sa pusa! I-Iyon kasi 'yon!" He then faked a laughed before hugging her wife.
Natatawa at napapailing na lamang ako sa ka-cute-tan nila. Matagal-tagal din silang nagstay sa store. It was an unexpected catch up with Bluie plus nadagdagan pa ako ng mga bagong kakilala. I promised to them na once na napadayo ako sa Manila ay bibisatahin ko ang Café nila.
Akalain mo nga naman 'no? Noon, akala ko'y tatanda ng dalaga si Bluie. Masiyado kasi siyang mailap sa mga tao, tipid kung sumagot at animo'y palaging may sariling mundo. Pero sinong mag-aakala na sa aming dalawa, siya pa pala ang mauunang bumuo ng pamilya?
Na-kwento ni Rose at Luke ang pinagdaanan nila bago sila maging tuluyang dalawa. Hindi madali at hindi lamang simpleng kasalanan ang nagawa ni Luke but I love how Rose still manage to forgave him after all the things have done.
"It was a choice. I choose to forgive him. I choose to love him again. Dati sinasabi ko noon kay Bluie na huwag na niyang balikan si Miguel pero—tingnan mo 'ko, isa pang tanga. Bumalik din ako sa taong nagdulot ng matinding sakit sa akin. I just realized that. . . you know, we all make mistakes. Sabi pa nga nila, matapang daw ako dahil nakaya kong patawarin ang aking asawa pero ang hindi nila alam ay mas matapang si Luke dahil nakaya niyang aminin sa akin ang mga pagkakamali niya."
Hanggang sa makaalis ako sa store ay hindi nawawala ang ngiti ko sa labi. I think I fell in love with Rose's words. Kahit ngayon ko lamang siya nakilala ay pakiramdam ko'y napakarami kong napulot na aral mula sa kaniya. I wish I could meet and talk to her again someday.
Naisipan kong pumuntang sementeryo pero bago iyon ay dumaan muna ako sa convenient store para bumili ng makakain ko. Habang naglalakad papasok ng sementeryo ay natanaw ko ang pamilyar na kotse na nakaparada sa labas nito. My forehead knotted while staring on the plate number. Hindi ako sigurado kung sa kaniya ang kotseng iyon pero pamilyar talaga, eh.
"Tss, baka katulad lang? Paano 'yon mapupunta rito eh nasa Maynila iyon ngayon—" Natigilan ako sa paglalakad nang mula rito sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang pamilyar na bulto. Nakasuot pa ito ng pormal na damit habang nakasalampak sa damuhan. Nakaupo ito sa pagitan ng puntod ni Daddy at Sharina.
I was just few steps away from him. Malinaw kong nadidinig ang mga salitang binibitawan niya. Marahil ay hindi niya napapansin ang presensya ko dahil nakatalikod ito sa akin.
"Miss na miss ko na po ang anak niyo, Tito. God knows how much I miss her every day. Sa tuwing nakikita ko nga po siya, gustung-gusto ko siyang sunggaban ng yakap. . . pero hindi ko po magawa." Nabasag ang boses niya ngunit agad siyang tumikhim. "Gustung-gusto ko pong sabihin kung gaano ako ka-proud sa kaniya."
He then touched Sharina's gravestone. "Angel ko, baka naman puwede mo ulit ibulong kay God na sana maayos na kami ng Ate mo? Please naman, oh. Sige na."
And what shocked me most. . . he's now crying.
Humigpit ang kapit ko sa hawak kong softdrinks habang pinagmamasdan ang pag-taas baba ng kaniyang balikat.
"Hindi ko alam kung deserving pa ba ako sa pagmamahal ng kapatid mo. . . pero baka naman puwedeng isang chance pa? Mas aayusin ko na."
I sniffed and silently wiped the tears falling down to my cheeks. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala agad ako habang pinapakinggan siya.
Hindi ko na tinapos pang pakinggan ang mga sinasabi niya. Unti-unti na akong humakbang paatras at naglakad palayo sa kaniya.
Saksi ang sementeryong ito sa mga ngiti, tawa, luha, at pangarap naming dalawa. At ngayon, muli niyang nasaksihan ang aking pagtalikod sa lahat.
I finally made my decision. This might hurt us. This might be a big disappointment to others, but the truth is. . . hindi ko na siya muling bibigyan ng isa pang pagkakataon.
Bakit ko iyon ibibigay sa kaniya kung puwede naman kaming magsimula muli mula sa umpisa?
Oo, handa akong talikuran ang lahat. Handa akong talikuran ang nakaraan. Handa na akong muling sumugal sa kaniya at higit sa lahat. . .
Handa na akong muling mangarap kasama siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro