Chapter 23
Hindi madali ang magsimula ulit. Napakabagal ng proseso at nakakainip. Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung kaya pa ba? O kung hanggang kailan pa kaya ako magiging ganito?
May mga pagkakataon na madalas ko pa ring mabanggit ang pangalan niya.
Kapag natatakot.
"Ah, ipis! Kean, may ipis! Bilisan mo! Patayin mo, please!" tili ko, ngunit agad ding natigilan nang mapansin ang nagtatakang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa kwarto.
"W-Who's Kean?" tanong ng isang babaeng foreigner.
Napaawang ang labi ko at mabilis na kumukarap-kurap. Natatawa naman si Tita Brenda habang naiiling sa akin.
"Uhm, t-the cockroach. I named him Kean. . . and I'm gonna kill him." Mabilis akong yumuko at pinagpapalo ng tsinelas ang kawawang ipis.
Kapag masaya.
"Minsan lang kita sa mga pasyalan dito. Minsan lang din kasi tayo hindi masiyadong abala sa trabaho," saad ni Tita habang kumakain kami sa isang sikat na restaurant.
Wala sa sarili akong tumango-tango habang ninanamnam ang pagkain. "Sayang nga, Tita, eh. Kung nandito si Kean, tiyak na magugustuhan niya—"
I stopped again when I realized it.
Tita Brenda chuckled. "Miss mo na? Okay lang, naiintindihan kita. Ganiyan talaga sa una. Nasanay ka, eh."
O kahit sa tuwing kinakabahan, nalulungkot, o nag-iisa. . . naiisip ko siya. . . hanggang sa natuto na ako at nakaya ko na.
Kung mayroon man akong napagtanto, iyon ay hindi naman pala mali na piliin muna ang pangarap kaysa pagmamahal. Hindi pala talunan ang tawag sa mga taong piniling palayain ang minamahal para sundin ang totoong ikakasaya ng puso. Akala ko noon nakakatakot ang pagiging mag-isa. Akala ko malungkot ngunit hindi pala.
Kapag mag-isa ka, roon mo mas makikilala ang sarili mo. Doon mo mas makikilala nang mas malalim kung ano ka, sino ka, kung anong kakayahan mo, at anong mga bagay na hindi mo kayang gawin nang mag-isa. At ang kasiyahan ay nakadepende lamang sa 'yo, sa sarili mo mismo. Na totoong masaya ring makakilala ng iba't ibang klase ng tao. Totoong malawak nga ang mundo, na hindi dapat iyon umiikot sa iisang tao lamang.
"Happy 27th birthday, Shaeynna!" My friends shouted in unison.
"Thank you," I said, feeling overwhelmed with their surprise party celebration for me.
Itinaas namin ang aming mga shot glass na may lamang alak at pinagbangga iyon. Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang gumuhit ang init ng alak sa aking lalamunan. Sumabog ang malakas at buhay na buhay na musika at sinabayan ko iyon ng pag-indak ng aking baywang.
I feel so young and free tonight!
Sumayaw ako nang sumayaw hanggang sa lumalim na ang gabi at nakaramdam na ako ng pagod at pananakit ng paa. Bumalik ako sa couch at inabala na lamang ang sarili sa pag-inom ng alak at pakikipagkwentuhan sa mga kasamahan ko.
Sa totoo lamang ay wala akong balak na i-celebrate ang birthday ko kasama ang ibang tao. I didn't plan this party. Ang plano ko lang ay ang matulog pagkauwi galing sa trabaho. Hindi na ako interesado pa sa mga paggimik na ganiyan, kaso wala na akong nagawa kanina nang kaladkarin ako ng mga katrabaho ko papunta rito sa bar. Filipino o di kaya'y Fil-Am ang lahi ng mga kasama ko sa work na kalauna'y naging kaibigan ko na rin naman. Hindi ko rin naman sila puwedeng tanggihan dahil mismong si Tita Brenda ko na ang nagpumilit na sumama ako rito.
"You should get a boyfriend, Shaeynna. Ilang taon na lang, mawawala na ang edad mo sa bilang ng kalendaryo," ani Tita Brenda na sinang-ayun naman ng mga kasama ko.
"By now, dapat nagse-settle ka na at nagpla-planong magkaanak. Wala ka na naman sigurong problema. CPA ka, may maayos ka nang career at paniguradong malaki na rin ang ipon mo," sabat ng isang katrabaho ko.
"Ewan ko nga ba rito sa isang 'to, may mga gusto namang manligaw at magpakitang-gilas sa kaniya, kaso palaging tinatanggihan. Sinubukan ko na rin siyang i-set up sa mga kaibigan kong foreigner kaso wala ring nangyari." Umiling si Tita.
"Eh, baka naman kasi hindi pa nakaka-move on doon sa ex-boyfriend slash ex bestfriend niya?" nang-uuyam na batos naman ng isa ko pang ka-trabaho at agad akong umiling.
"H-Hindi, ah!" Umiwas ako ng tingin sa kanila at tinungga na lamang ang alak na laman sa aking baso.
I'm starting to get uncomfortable with the topic. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay iyong tatanungin ako kung kailan ako magkakaroon ng boyfriend. Kesyo kailan ako magkakaroon ng asawa, o kailan ako magkakaroon ng anak. Naririndi na ako sa palagi nilang tinatanong.
Kailangan ko na raw mag-settle down para mapatunayan at masabi ko na talagang successful ako—which is in my own perspective, hindi naman dapat gawing requirements ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak para masabing successful sa buhay, because for me, as long as you're happy, as long as you're content. . . then you are successful.
Ang pagkakaroon ng asawa at anak ay hindi requirements, it is a choice. May anak ka man o wala, may asawa ka man o wala, babae ka pa rin. Hindi lamang sa bagay na iyon nasusukat ang pagiging isang matagumpay na babae.
Napabuntonghininga na lamang ako nang hindi pa rin sila natitigil sa pag-iintriga sa buhay ko pati ang isa kong katrabaho na nananahimik sa isang gilid ay nadamay na rin.
"Aysus! Kung ayaw mo naman, dito ka na lang kay Nathan." Itinuro ni Tita Brenda ang lalaking nakaupo sa tapat kong couch at muntik pang mabulunan sa iniinom niyang alak.
"Tita naman. . ." nahihiyang anito at napakamot sa batok.
"Bakit? Single ka naman, single rin itong pamangkin ko, at isa pa. . ." she trailed off and smiled playfully. "Bagay kayo."
Nagkatinginan kami ni Nathan at ngumisi sa isa't isa.
Well, Nathan is a good catch and he also has a nice personality. Fil-Am siya at nagtapos ng pag-aaral sa isang prestihiyong paaralan sa Manila at mahigit limang taon na siyang nagtra-trabaho rito sa Australia. Marami ngang nagkakagusto sa kaniya sa trabaho namin ngunit hindi ko maintindihan sa lalaking ito kung bakit sa akin pa nagkagusto.
Too bad dahil hindi ko siya type.
We're good friends, though. Ni hindi nga ako nakaramdam ng awkwardness matapos niyang mag-confess siya sa akin. Mahiyain siya kapag sa harap ng maraming tao ngunit sobrang mapang-asar niya pagdating sa akin. May pagkakataon pang madalas niya akong abalahin sa mga gawain ko para lamang magtanong tungkol sa mga outfit niya. He sucks when it comes to it.
I couldn't help myself but to remember someone.
It's been three years since I left the Philippines. Iyong hiwalayan namin ang huling pagkikita naming dalawa. I wasn't expecting him to see before I left, but yeah. . . parang ganoon na nga. Hindi ko yata mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik ng tingin sa entrance ng airport noon dahil nagba-baka sakali akong hahabulin niya 'ko kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula.
However, in the end, I just laughed mentally because it didn't happen. No one came and run after me. No one showed up. Hanggang sa makalapag na ang eroplanong sinasakyan ko rito sa Australia, wala man lamang akong narinig o natanggap ni isang salita mula sa kaniya.
Ano pa nga bang ine-expect ko, 'di ba? Wala na kami pero bakit umaasa pa rin ako? Bakit kahit ang sakit sakit pa rin ng nangyari sa amin ay hinahanap ko pa rin ang presensya niya?
That's why I've decided to cut all the communications I have in the Philippines. I decided to deactivate all my social media accounts. Mas nag-focus ako sa aking trabaho, sa pagtra-travel, sa pagmo-move on, at sa paghahanap ng kapayapaan para sa aking sarili.
May mga gabing umiiyak ako, malungkot, o di kaya'y nasasaktan pa rin sa nangyari. . . and I just let myself.
I just let myself to grieve and accept all the shits happened. Hindi ko pinilit, hindi ko minadali. Basta nagising na lamang ako na isang araw na magaan na ang dibdib. I finally found my inner peace and I think I am ready to try again.
Dalawang taon din ang itinagal bago masabing okay na ako. Inactivate kong muli ang mga social media accounts ko at nagulat na lamang ako nang biglang mag-pop up sa notification ang mensahe mula kay Kean.
Simpleng kumustahan lamang iyon hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang pagpapadala niya ng mensahe at larawan sa akin about sa mga achievements na hindi ko naman masiyadong na-re-reply-an. Nalaman kong nagtayo pala siya ng sariling accounting firm, hindi pa iyon ganoong kalakihan ngunit maayos at maganda naman ang takbo nito.
Nabigla rin ako nang malaman na hindi pala niya tuluyang ipinasara ang negosyo naming dalawa bagkus ay pinagsikapan niya itong ibangon at ngayo'y may tatlo na itong branch at supplier na rin ng isang kilalang restaurant.
I'm more than proud. Hindi ko inakalang magiging ganito ang kakahantungan ng paghihiwalay naming dalawa. Ang buong akala ko'y natalo kami sa sugal na pinasok namin ngunit hindi pala.Dahil sa pagkakahiwalay namin, maraming bagay na nangyari na wala sa plano naming dalawa at doon palang. . . panalo na.
"Ikaw ba Shaeynna ay wala pang balak bumalik ng Pilipinas? Kahit bakasyon lang?" tanong sa akin ni Nathan nang isang araw na ayain niya akong kumain ng dinner sa labas pagkatapos ng trabaho.
Nag-isip ako saglit bago umiling. "Wala pa siguro? At saka, nandito na rin ang buhay ko eh. Kung uuwi man ako sa Pinas, pagbalik ko rito ay isasama ko na sina Mommy at Daddy." I answered.
Wala pa.
Wala pa sana talaga. . . kung hindi lang ako nakatanggap ng masamang mensahe mula kay Mommy kaya naman noong gabing iyon ay walang pagda-dalawang isip akong lumipad pabalik sa Pilipinas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro