Chapter 22
Two days before I left, Eloisa and Trisha secretly prepared for my Despedida Party. Ilang mga piling kakilala, kaibigan, at kamag-anak lamang ang naroon. Kean's family was there too but hindi ni isang beses ay hindi nila nabanggit si Kean sa akin. I thought he would come, though. Hindi naman ako nag-e-expect na pupunta siya after all what happened to us. Walang nakakaalam kung paano at bakit kami naghiwalay. Basta ang alam lang nilang lahat ay tapos na kami.
Hindi ko rin sigurado kung kaya ko ba siyang makita at kung makita ko man siya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
"You're spacing out again. Okay ka lang?" Inakbayan ako ni Terrence at tipid akong tumango.
"May iniisip lang," sagot ko.
Pinanood namin ang unti-unting pagkalagas ng mga bisita.
Habang lumalalim ang gabi ay pabawas nang pabawas ang mga tao hanggang sa kaming magkakaibigan na lang ang natira. Dumiretso kami sa kwarto dahil dito sila magpapalipas ng gabi. Madalang kaming magkasama-sama dahil abala na rin sila sa sari-sarili nilang buhay ngunit nakakatuwa na naglaan talaga sila ng oras para sa akin.
Si Trisha ay isang ganap na rin na Accountant. Si Eloisa ay sales lady sa mall dahil hindi naman nito natapos ang pag-aaral, at si Terrence Adrian naman, bilang isang teacher.
"Terrence, pagkatapos ng inuman ay lumabas ka ng kwarto ha? Doon ka matutulog sa sofa. Baka mamaya gapangin mo pa 'yang mga dalaga," ani Daddy kay Terrence at binigyan pa ito ng masamang tingin.
Hindi naman nagpatinag ang lalaki at umaktong nasusuka pa sa sinabi ni Daddy. "Excuse me lang Tito 'no. Correction lang po, lalabas po talaga mamaya dahil baka gapangin nila ako. Ano namang laban ko sa mga 'yan? Isa lang ako, tatlo sila–aray! Palagi niyo na lang akong sinasaktan! Ayaw ko na sa samahang ito, I quit!" Akmang magwa-walkout siya nang higitin ni Trisha ang collar ng damit nito.
"Huwag kang maarte, Adrian! Tatadyakan kita!" singhal ni Trisha at pinandilatan ito ng mata. Mukha namang natakot ang siraulong si Terrence dahil natahimik ito.
"Sasamahan ko na lang ang mga bata sa taas," sabi naman ni Mommy. "Mauna ka nang magpahinga."
Bumuntonghininga si Daddy at nagpapa-cute na ngumuso. Dala ni Eloisa at Trisha ay alak habang yakap naman ni Terrence ang mga chips na pulutan.
"Aba 'teh, anong dala mo? Anong ambag mo? Baka gusto mong mahiya sa amin," asik ni Eloisa kaya naman inirapan ko siya.
"Ganda at chika lang ang afford ko, eh. Sorry." I roared with laughter.
Noong una'y puro masasayang kwentuhan pa ang pinag-uusapan namin hanggang sa lumalim na ito nang lumalim. Kung kanina ay iniiwasan naming pag-usapan ang tungkol sa amin ni Kean, ngayon naman ay tanong na sila nang tanong kaya wala na akong choice kundi ang i-kwento sa kanila ang nangyari sa amin. . . sa relasyon namin at hindi na nga ako nagulat nang matapos kong sabihin ang lahat ay pinaulanan nila ng mura at sumpa si Sophia na para bang kaharap nila ito. Kung hindi pa sila papakalmahin ni Mommy ay hindi pa sila titigil.
"Gano'n yata talaga 'no? Minsan, sa sobrang focus natin sa kamalian at pagkukulang ng isang tao. . . hindi na natin napapansin at namamalayan ang sarili nating kamalian at pagkukulang," Eloisa said that made my brows furrowed.
"What do you mean, Eloisa?"
Matagal siyang tumitig sa akin bago umayos ng upo sa sahig at bumuntong hininga. "Wala akong pinapanigan sa inyo, ah. Pareho kayong may mali. Pareho kayong may pagkukulang ngunit ang napapansin mo lang ay ang sa kaniya at ang napapansin lamang niya ay ang sa 'yo."
"So, you're telling us na si Shaeynna lang ang may kasalanan?" Trisha scoffed as she shook her head disappointedly.
"Nope. . ." Eloisa shook her head. "Obviously, may mali rin si Kean pero 'di ba nabanggit niya kay Ynna na nakahanap siya ng companion doon kay–sino nga 'yon? Agatha?"
"Sophia. Gago," Terrence corrected him.
"Sophia nga! Bingi ka ba?!"
"Ang sabi mo Agatha!"
"Imagination mo lang 'yon! Lasing ka na kaya umuwi ka na, girls talk 'to!" singhal nito kay Terrence na ngumisi nang nakakaasar.
"Ah talaga? Girl ka pala?" bawi nito kaya naman mas lalong napikon si Eloisa.
Akmang ibabato nito ang hawak nitong bote ng beer kung hindi lang namin siya pinigilan. Huminga siya nang malalim at muling umayos ng upo. "Pero ito, totoo na. Sa susunod na papasok kayo sa relasyon, huwag niyong kakalimutan ang tatlong bagay na sasabihin ko—trust, respect, and communication. Iyan ang bumubuo at nagpapatibay sa pagmamahal, mga sis. Kapag may isang nawala riyan, doon mo mararamdaman ang pagkukulang."
"Without communication, there's no relationship. Without respect, there is no love. Without trust, there is no reason to continue," she added.
"And when communication starts to fade, everything else follows." Napalingon ako kay Mommy nang magsalita siya. Nang magtama ang mga mata namin ay binigyan niya ako ng isang tipid ngunit sinserong ngiti.
"Iyan din ang naging problema namin noon ng Daddy mo, anak. Kilala niyo naman ako, 'di ba? Perfectionist akong tao, mataas ang standards ko, at ayaw ko sa lahat ay nabibigo at natatalo. Gusto kong may mapatunayan ako sa buhay. Marami akong plano noon na gusto kong matupad kaya naman nagpursigi ako sa pagtra-trabaho. Little did I know, nababalewala ko na pala ang Daddy mo. . ." She then looked at me. "Hindi ko napapansin na nawawalan na pala ako ng oras sa kaniya. Marami na pala akong bagay na hindi alam sa kaniya. I thought it was okay. I thought we were okay. . ."
"But unlike Kean, he really did cheating on me. And I got disappointed. I got mad. I was hurt. . . but then, I didn't confront him. Mas inabala ko ang sarili ko sa pagtra-trabaho. Palagi kong binabantayan ang bawat kilos niya. Doon na rin nagsimulang mas lumabo ang relasyon namin. I was waiting for him to ask me what's wrong, but he didn't. I have a choice to confront him, to ask him if the rumor was true, but just like him, I didn't. Ang nasa isip ko no'n, bakit naman siya magche-cheat sa akin? Mahal ako niyan, eh. Pinaniwala ko ang sarili ko na okay lang kami. Walang mali sa amin. But when I found out that na talagang niloloko niya 'ko, nagalit ako. Sobrang galit na galit ako."
"When we confronted each other, doon ko lang din nalaman lahat ng hinaing at pagkukulang ko. I was to focus with my career that I almost forget him. Hindi ko iyon napapansin noong una. Kung hindi pa niya sasabihin sa akin, hindi ko pa malalaman. And he admitted his mistakes too." She humorlessly laughed while shaking her head. "He found a companion. Nakahanap siya ng taong willing makinig sa lahat ng hinaing niya. Nakahanap siya ng taong sa tingin niya'y makakaintindi sa kaniya. Nakahanap siya ng kausap at karamay na hindi na niya nararamdaman sa akin. . ."
"Akala ko noong una, basta mahal niyo ang isa't isa, okay na. Pang-habambuhay na. . . pero hindi pala. Hindi pala ganoon. At iyong sinabi ni Eloisa, totoo 'yon. Madali talaga para sa atin ang makita ang kamalian at pagkukulang ng ibang tao pero kapag sa sarili natin, hirap na hirap tayo."
"Pero Tita, bakit mo binalikan si Tito? You got cheated on, right? I mean, ang sabi mo, you're disappointed, you're mad, and you got hurt, kung ganoon pala bakit binalikan mo pa siya?" tanong ni Terrence at ngumiti sa kaniya sa Mommy.
Lumibot ang tingin nito sa aming lahat bago sumagot. "Because I love him, pero hindi ko sinasabi na kapag niloko kayo, balikan nyo rin. No, desisyon ko 'to. Desisyon kong sumugal ulit sa panibago at huling pagkakataon. If you decided not give them a chance, then it's your choice too. Hindi natin puwedeng husgahan 'yong mga taong tuluyan nang bumibitiw. At hindi rin natin puwedeng husgahan ang mga taong pinipili pang magbigay ng tiyansa."
"At mga anak, ito ang palagi nyong tatandaan. You can't love without getting disappointed. You can't love without being or getting hurt. Habang nandito tayo sa mundo, paulit-ulit tayong masasaktan. Paulit-ulit tayong madi-disappoint. Part of loving is not just about trust, it is not just about communication and respect, it is also the reality of being disappointed."
"Ay kung ganoon pala, hindi na lang ako magmamahal. Puwede naman 'yon Tita, 'no?" Terrence cracked a joke.
Mula sa pagiging seryoso ay nagpakawala kami ng malakas na tawa dahil sa sinabi niya.
Mommy chuckled and tapped Terrence's shoulder. "Of course not, Adrian. Everything in this world is limited, blemished and imperfect. . . and it is also the way we love."
"Then what should I do, Mom? Patawarin ko si Kean? Balikan ko siya na para bang wala lang nangyari? Na parang hindi kami nagkasakitan? Kasi sabi mo gano'n ang pagmamahal, 'di ba?" naguguluhan at sunud-sunod kong tanong kasi sa totoo lang hindi ko pa rin talaga maintindihan ang dapat kong gawin.
Matipid na ngiti ang isinukli sa akin ng aking ina. Marahan siyang lumapit sa akin si Mommy at sinuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri. "Nah, the first thing you need to do is to accept."
"Accept the fact that part of loving is being disappointed by our beloved and you need to be honest, you need to admit that we also disappointed those people who loved us. You need to accept that you have hurt and you have blemished the love of those who love you."
"Mommy. . ."
"Then after that, grieve. Iiyak mo, magpakalayo-layo ka, gawin mo kung anong gusto mong gawin, basta ang mahalaga ay bumangon ka. Pagbangon mo, you can try again. Subukan mo ulit ang magmahal, then you'll get disappointed again, you'll grieve again, then you'll try again. That's the cycle of life, Shaeynna. That is how we love."
The conversation ended with her warm hug. Itinatak ko sa utak ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Mommy. Pakiramdam ko'y naliwanagan at gumaan ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan niya.
Acceptance. Grieve. Try again.
Bago ako tuluyang umalis ng Pilipinas ay bumisita muna ako sa kapatid ko sa sementeryo. Hindi ko alam kung masaya ba siya sa mga desisyong ginawa at gagawin ko pero ang hinihiling ko lang ay sana'y gabayan niya ako. Gabayan niya si Kean. I want him to accept his mistakes too, I want him to grieve, and I want him to try again. At sana kapag dumating ang araw na tuluyan na naming nakalimutan ang lahat, na kapag tuluyan nang naghilom ang sakit na nararamdaman, sa muling pagtatagpo ng landas namin ay pareho na kaming buo. Hangad ko ang tunay na kasiyahan para sa kaniya, para sa akin.
At kung sa huli ay hindi na ako, tatanggapin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro