Chapter 21
Blangko ang utak ko habang nasa biyahe. Paulit-ulit na nag-re-replay sa aking utak ang mga kasinungalingang nakita at nalaman ko. Iyong sa convenient store, ang picture na sinend ni Jineer, at ang chat ni Kean.
Hindi ko na kayang isantabi ang mga magdududa. Hindi ko na kayang baliwalain ang problema naming dalawa. May parte sa akin na gustong pakinggan ang mga paliwanag ni Kean ngunit mas malaking bahagi nito ang takot at pagkadismaya. Takot na baka hindi ako ang kaniyang pipiliin at pagkadismaya sa mga paliwanag na kaniyang sasabihin.
Kumirot ang dibdib ko sa isiping iyon kaya naman ipinilig ko ang aking ulo at nilibang na lamang ang sarili sa pagtingin sa bintana. Gustuhin ko mang umiyak ay wala ng luha na lumalabas pa sa mga namumugto kong mga mata.
I smiled bitterly when the sky became heavier all of the sudden. Mula rito sa bintana ay tanaw na tanaw ko ang malalaking butil ng ulan na pumapatak sa tuyong kalsada. Isa, dalawa, hanggang sa nasundan ng marami pa. Alam kong masakit ang bawat pagpatak niyon kaya naiintidihan ko ang pagka-taranta ng mga tao upang humanap ng kaniya-kaniyang masisilungan.
Nawala roon ang atensyon ko nang buhayin ng driver ang radyo at umalingawngaw sa aking tainga ang kantang Before I Let You Go ng Freestyle. Masamang tingin ang ipinukol ko sa driver.
"Nananadya ka ba, Kuya?" asik ko.
Mula sa rear mirror ay tiningnan niya 'ko at binigyan ng isang matipid na ngiti. "Para lang po mas dama ang pag e-emote, Ma'am."
Napangiwi ako sa kaniyang turan at naiiling na binalik ang mga mata ko sa bintana. Hannggang sa maihatid ako sa bahay ay pinandigan talaga ni Kuyang driver ang malulungkot na kanta kaya naman imbis na gumaan ang pakiramdam ko ay mas lalo lamang itong bumigat.
Madilim na paligid ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pinto. Halos mabingi ako sa katahimikan, iniisip ko tuloy na wala pa siya kung hindi ko lang narinig ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo. Pagod na pagod at bagsak ang balikat kong pumasok sa loob ng kwarto. Akmang bubuksan ko ang aking cabinet nang marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ni Kean na nakapatong sa ibabaw ng kama. Walang pagda-dalawang isip akong lumapit at kinuha iyon.
Buong akala ko'y mahihirapan akong buksan iyon, sa isip ko'y baka nagpalit siya ng password, ngunit nang i-type ko ang anniversary naming dalawa ay na-unlock iyon. Muntik na akong matawa nang makita ang wallpaper niya. It was the two of us and it was taken when I graduated college. Parehong malawak ang ngiti namin doon. Buhat niya ako na parang pang-bridal style. Hawak ko ang diploma ko habang suot naman niya ang aking graduation cap.
This was one of the most memorable events in my life.
Suminghot ako at agad na pinalis ang mainit na luhang lumandas sa pisngi ko.
"No, Shaeynna. Don't cry. He's probably cheating on you, remember? Think of yourself. Hindi ka pinanganak para lokohin at gawing tanga. Huwag kang marupok, Shae. Tama na, okay?" bulong na paalala sa sarili.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi habang kinakalikot ang cellphone niya. Humigpit ang hawak ko roon at nag-tiim bagang nang mapunta ako sa message at ang unang bumungad sa akin ang pangalan ni Sophia na napakaraming texts.
Sophia: Are you home?
Sophia: Kean, salamat sa paghatid. Sobrang sakit talaga ng ulo ko kanina at hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.
Sophia: And about my confession. Alam kong hindi madali para sa 'yo ang iwan ang girlfriend mo pero nandito ako para saluhin ka, Kean. Mas kaya kong patunayan na deserving ako kaysa sa kaniya. Hindi kita babaliwalain. Hinding-hindi kita isasantabi. I hope you'll think about it. Ako palagi ang nariyan para sa 'yo. . . at marami pa akong kayang isakripisyo para sa 'yo.
Sophia: I'm expecting you to choose me. Pangako ko sa 'yo na gagawin ko ang lahat. Kaya kong higitan si Shaeynna, piliin mo lang ako. You deserve someone better. . . and that's me.
Nanlalabo ang aking mga mata habang binabasa ang mga mensahe ng babae. Hindi ko ininda ang panginginig ng kamay ko sa galit lalo pa nang halughugin ko pa ang mga nauna nitong mga texts. She was sending good morning and good night messages, asking Kean if he was home. . . and it almost lost my balance as my breath hitched when I saw her text last July 17.
It was Kean and I's fourth anniversary if I'm not mistaken.
Sophia: Akala ko ba hindi ka na masaya sa kaniya? Bakit ka pa magtitiis sa babaeng iyan kung puwede mo namang hiwalayan na? Come on, Kean! Nandito pa naman ako!
Kean: What are you saying, Phia? Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo? Stop pushing yourself to me. I thought I cleared everything for you, right? I have no special feelings for you, so please, stop assuming things.
Sophia: How can I stop assuming things, huh?! Ako ang kasama mo sa tuwing hindi ka pinapansin ng girlfriend mo at nagpapakalunod siya sa trabaho. Ako 'yong sinasabihan mo ng problema. Sa akin ka humihingi ng payo. Sa akin mo inuubos ang oras mo. So tell me how I could stop assuming that we have something?!
Sophia: Oh, stupid. Of course, you are just taking for granted my feelings for you. But. . . alright! Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang magtiis muna? Just tell me when you're sad, I am here to make you happy.
Kean: No need. Save it for yourself. Thanks.
Hindi ko na nagawa pang tapusin iyon dahil sa sobrang panlalabo ng mga mata ko. Nalalasahan ko na ang sariling dugo dahil sa mariin kong pagkagat sa labi but I couldn't care less. Pakiramdam ko'y sasabog na ang aking dibdib sa sobrang bigat at sakit nito. Nabitawan ko ang cellphone ni Kean at nanghihinang inihilamos ang mga palad ko sa aking mukha na ngayo'y basang basa na ng luha.
Nasa ganoong sitwasyon ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nag-angat ako ng tingin kay Kean na abala sa pagtutuyo ng buhok gamit ang tuwalya at ngayo'y gulat na gulat sa presensya ko.
"K-Kanina ka pa—b-bakit ka umiiyak?" anito at bumalatay ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Hinagis niya ang tuwalya kung saan. Malalaki ang hakbang na lumapit sa akin ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay sinalubong ko na siya at walang pagda-dalawang isip na binigyan ng malakas na sampal sa pisngi.
Gulat at nakaawang ang kaniyang labi.
"A-Ang kapal kapal ng mukha mo, Kean!" I shouted, pushing him hard. Mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib. "Ang kapal kapal ng mukha mo!"
"W-What are you—" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang unti-unting bumaba ang paningin siya sa kaniyang cellphone at pabalik ulit sa akin. Kumunot ang kaniyang noo at agad na sunod-sunod na umiling. "It's not what you think."
"Eh, putangina! Ano pala? Ano pala dapat ang isipin ko? I-I trusted you—"
He gasped frustratedly as his trembling hand ran through his wet hair. "Pakinggan mo muna ako, please."
Walang emosyon akong nakipagtagisan ng titig sa kaniya. Ang mga mata niya'y napupuno ng mga hindi maipaliwanag na emosyon. Bumagsak muli ang balikat ko at nanghihinang umupo sa kama. Yumuko ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa aking mga mata.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi ka na pala masaya?" My voice cracked. Pilit kong nilulunok ang tila malaking bagay na nakabara sa lalamunan ko. "B-Bakit imbis na kausapin mo 'ko. . . bakit imbis na sabihin mo sa akin ang problema, mas pinili mong magsabi sa iba?"
"Shaeynna. . . hindi gan'on."
I faced him and pointed myself. "Ni minsan ba Kean. . . tinanong mo ako kung masaya pa rin ako sa relasyon na 'to?"
Tiningala ko siya. "Hindi, 'di ba? Alam mo rin sa sarili mo na may problema tayo pero wala kang ginagawa. Magkasama tayo sa bahay pero hindi ka nagsasabi, hindi ka nagsasalita."
He laughed humorlessly as he wet his lips. "Ayon na nga, Shae, eh. Magkasama tayo sa bahay pero. . . bakit pakiramdam ko hindi ko na kilala iyong nakakasama ko? Bakit para na tayong estranghero sa isa't isa?" pagputol niya sa sinasabi ko kasabay ng pagbagsak ng isang butil na luha sa kaniyang mga mata. "Naiintidihan ko. . . naiintindihan ko na pareho tayong abala sa trabaho. Naiintindihan ko pareho tayong pagod. Naiintidihan ko lahat, Shaeynna. Kasi ito na 'yon, eh. 'Yong dating mga 'sana' lang natin, nangyayari na. 'Yong dating 'pangarap' lang, natutupad na. . ."
"At masaya ako, Shae, para sa atin. At mas lalong-lalo na para sa 'yo. Pero minsan napapatanong na lang din ako kung para saan ba 'tong ginagawa natin? Bakit ba parang atat na atat tayo? Totoo pa bang masaya ako. . . o baka naman niloloko ko na lang ang sarili ko?"
"This is for our future, Kean! Akala ko ba alam mo 'yon at naiintindihan mo?"
He nodded as he silently cried. He stared at me with full of pain in his eyes. "A-alam ko naman. Naiintindihan ko. Pero, Shae, paano naman 'yong ngayon?"
Umiwas ako ng tingin at mas lalo pang lumakas ang paghikbi. Hearing those words coming from him made me shatter even more. Para akong sinampal ng salita niya at hindi makahanap ng tamang sagot bilang depensa.
"Pero hindi pa rin tama na sabihin mo iyon sa iba. Sa taong may gusto pa sa 'yo, Kean! Sinasabi pa niya na palagi siyang nariyan para sa 'yo? Bakit? Nasaan ba ako?! Kasalanan ko ba na imbis na sa akin mo sabihin, sa kaniya ka dumidiretso?! Sabagay, sa ating dalawa naman ikaw 'yong mas may malawak nang mundo! Marami ka nang kaibigan, samantalang ako? Bukod sa trabaho, ikaw lang ang mayroon ako!" sigaw ko sa pagmumukha siya.
"M-Maybe you like her! Maybe you're cheating on me! Maybe she brainwashed you! Or maybe. . . you're just waiting for me to give up so the both of you could be together!" pagpapatuloy ko pa.
"You better stop there, Shaeynna," mariin niyang wika, pilit na pinapahinahon ang boses pero ramdam ko ang kagustuhan niyang sumigaw. Suminghap siya, pumikit, at pinasadahan ng daliri ang kaniyang buhok.
Nang muling magmulat ay matapang na tingin na ang iginawad niya sa akin. Pilit ko iyong pinantayan.
"You want the truth? Do you honestly want me to tell you the truth?" namamaos niyang tanong.
Umigting ang aking panga. Muli siyang nagsalita.
"No, I don't like her. No, I'm not cheating on you. Yes, she's trying to brainwash me. And no again for your assumption that I'm just waiting for you to give up," litanya niya.
"Alam mo kung anong hinihintay ko, huh?" he asked me, but I remained crying quietly. "Ikaw."
"W-What?" I responded between my sobs.
"Sinasabi mo na mas malawak na ang mundo ko? Hindi. Napipilitan lang ako dahil sa totoo lang, hindi ko na alam pa kung saan ang lugar ko sa 'yo. O kung kailangan mo pa ba ako," he straighly answered, "Kasi pakiramdam ko, habang papalapit tayo nang papalapit sa mga pangarap natin, palayo naman tayo nang palayo sa isa't isa. . ."
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko'y binato ako ng napakalaking bato at hindi ko nagawang umilag man lang.
He chuckled bitterly as he dried his tears. "Hindi mo alam kung gaano ako ka-excited palaging umuwi rito. . . umuwi sa 'yo. Ang dami-dami kong gustong sabihin palagi sa 'yo, Shae. Ang dami-dami kong gustong i-kwento. Gusto kong sabihin sa 'yo kung gaano nakaka-stress sa trabaho, kung gaano nakakainis at nakakawalang pasensiya ang traffic, kung anong nangyari sa buong araw ko at gusto ko ring malaman iyong sa 'yo kasi ganoon tayo, 'di ba? Gano'n tayo noon, eh."
"Pero. . . pero sa t'wing umuuwi ako at nakikita ko kung gaano ka ka-abala sa mga ginagawa mo, napapaatras ako. Kinakain ako ng hiya o takot na baka makaabala ako sa ginagawa mo. Pero hindi ako nagsasalita kasi ayaw kong mas mapagod ka. Tahimik akong maghihintay sa isang gilid, aasang tatapunan mo 'ko ng tingin o maiisisingit mo 'ko sa kabila ng mga tambak mong gawain, pero nakakapagod din pala, eh. Kaya ang ginawa ko, inabala ko na lang din ang sarili ko sa pagtra-trabaho dahil hindi ko na maintindihan, Shae, hindi na kita maramdaman. Magkasama tayo pero parang ang layo layo mo."
"Kean, ano ka ba naman?! Hindi na tayo mga bata! Marami na tayong priorities sa buhay—"
"Why, Shaeynna? Am I not your priority? Hindi na ba ako parte ng buhay mo?" desperado at puno ng hinanakit niyang tanong na siyang nakapagpatigil sa akin.
You are, Kean. You are always will. Kahit kailan, kahit anong mangyari, palagi kang parte ng buhay ko, kadikit ka na ng sistema ko pero sa pagkakataong ito. . . hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung dapat pa ba kitang panghawakan o mas makakabuti kung bibitiwan na lang.
"Hindi na." Iyon ang kusang lumabas na salita sa bibig ko. Tinitigan ko siya ng buong tapang at sinigurado kong walang mababakas na kahit anong emosyon sa aking mukha. "Siguro nga tama ka. Siguro nga hindi na talaga natin kilala ang isa't-isa. Siguro hindi na rin talaga ikaw ang kailangan ko."
"You know how jealous I am with Sophia, and yet, you still chose to share our problems with her. Siguro nga may mali rin ako dahil masiyado akong nagpakalunod sa trabaho. . . pero alam mo ba kung bakit ko ginagawa 'yon?"
"Kasi pilit kong iniiwasang mag-isip ng hindi magagandang bagay tungkol sa 'yo. Kasi sa tuwing naiisip kong magkasama kayo ni Sophia sa trabaho, parang mababaliw ako. Na iniisip ko baka magpadala ka sa tukso ng mga katrabaho mo—"
"Do you think na ganiyan lang kababaw ang pagmamahal ko sa 'yo? Na sa simpleng udyok, bibigay na kaagad sa iba at makakalimutan ka? Shae, hindi ko inilaan ang buong buhay ko sa 'yo para lang ipagpalit kita sa ganiyang dahilan. Even if cheating would be the last thing I could do, I still wouldn't. I'd rather die than to cheat on you."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at dinuro siya. "I just want your assurance. Ayan lang ang hinihingi ko, pero hindi mo ibinigay sa akin. Maybe I failed you at some part, but you also failed me too."
Umiling siya at nanghihinang yumuko.
"I'm sorry. I-I should've done better. . ." his voice broke again. "Maybe I was just too focused on my own pain that I didn't even recognize yours."
"Pero, Shae, h-hindi ko siya gusto." Sunod-sunod ang ginawa niyang marahas na pag-iling. "Ni kahit kailan hindi ko siya nagustuhan. . . dahil kahit kailan hindi ka naman niya napantayan. Not even once. Not even a glimpse."
He breathe heavily as he continued speaking. "I-I just found a companion. Sa kaniya ko nailalabas lahat ng hinaing ko sa 'yo, lahat ng mga gusto kong sabihin sa 'yo, sa kaniya ko nasasabi. She was my friend back then kaya naging komportable ako nang ganoon sa kaniya. Masiyado akong nagtiwala sa kaniya at hindi ko man lang napansin na nasasaktan na pala kita. I-I'm sorry, Shae. Alam kong hindi sapat ang mga paliwanag ko sa lahat ng pagkukulang at sakit na nagawa ko sa 'yo. . ." he trailed off and bit his lower lip to stop his sobs. "A-And I will understand whatever is your decision. H-Hindi kita pipigilan kung iyon ay para sa mas ikabubuti mo."
I just stared at nothingness. This was the first time I heard him cry like a lost child. And yes, we cried like it will be the last time that we will cry together. Hindi ko alam kung anong mas masakit, iyong malaman ang lahat ng hinaing at sakit niya laban sa akin o ang malamang handa niyang tanggapin ang kahit ano mang maging desisyon ko.
"I am not asking for your instant forgiveness. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na patawarin agad ako. . . at gan'on din ako sa 'yo. I-I just want you to hear me out and thank you for letting me do that."
Nahihirapan man, sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang magsalita. Nakakatawa, sa dinami-rami naming planong dalawa, ito lang ang hindi namin inaasahan at ito lang ang aming hindi napaghandaan.
"L-Let's end this. . ." I uttered with full conviction.
Ito naman na talaga ang plano ko.
Namutawi ang nakakabingin katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakuyom ko ang aking kamao nang marahan siyang mag-angat ng tingin sa akin, mapait siyang ngumiti at tumango. Bakas pa rin ang sakit at pagkabigo sa kaniyang mukha.
"If that's what you want, I-I won't stop you. . ." Hindi ako umangal nang umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko. Pilit siyang ngumiti sa kabila ng patuloy na pagpatak ng luha. "G-Gusto mong tanggapin sa 'yo iyong offer ni Tita Brenda, 'di ba? Go for it, Shae."
My eyes widened as I felt my heart thump in a harsh way. "A-Alam mo?"
"Hmm." He nodded weakly. "Lahat sa 'yo, alam ko. . . pati ang pagkalugi ng business natin. Kaya lang naman ayaw mong tanggapin 'yong offer kasi dahil sa 'kin, 'di ba? Kaya pinipilit mo ring ibangon ang business natin kahit alam mong wala nang pag-asa ay dahil iniisip mong pinaghirapan nating dalawa iyon, 'di ba?"
"H-How did y-you. . ." Hindi ko matuloy-tuloy ang dapat sabihin. Nanginig ang labi ko. ". . . are you mad? Did you get mad?"
He knows but he didn't confront me. All this time wala akong ibang ginawa kundi ang isipin kung paano iyon ipagtatapat sa kaniya.
"I was just waiting for you to tell me."
"Kean—"
He immediately shook his head to stop me. "Go, Shae. Choose what will make you happy. Try and explore the things you wanted to do. Meet new people. It's up to you."
"Paano ka?" naiiyak kong tanong.
Natatakot ako. Natatakot akong gumawa ng mga plano na hindi siya kasama. Paano kung hindi ko pala kaya?
"Don't think about me. And besides, we both need time to reflect and to recharge. Hayaan mo akong ayusin at itama ang mga pagkakamali ko at hahayaan kitang gawin ang mga bagay na gusto mo. Kahit masakit sa akin at kahit walang kasiguraduhan na sa paglipas ng panahon ay sa 'kin ka pa rin,"
"Puwede pa rin naman nating tuparin ang mga plano natin, Shae, kahit hindi na tayo magkasama." dagdag pa niya at pilit na ngumiti.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ang pagdampi ng malambot niyang labi sa aking noo. "Do the things that will make you happy, Shae. I'm sorry for the pain I have caused you. I'm very sorry for everything. I hope when our paths cross again, we are both the better of ourselves. . ." he stopped and swallowed the lump on his throat.
I fought my urge to cry. I shouldn't cry because I'm tired of it.
"Thank you for loving me, Shaeynna. I will always pray for your happiness." He gave me one last kiss on the lips before he finally stormed out to our room.
Gusto siyang sundan at bawiin ang lahat ng mga salitang binitawan ko, ngunit pinigilan ko ang sarili. Umiyak ako nang umiyak noong gabing iyon. Marami akong napagtanto, marami akong pinagsisihan. Saksi ang apat na sulok ng kwarto naming dalawa kung gaano karaming luha ang ibinuhos ko.
We were lack of communication. We were lack of openness. Pareho kaming nagkamali. Pareho kaming nagkulang. I was too focused on our dreams and he felt neglected. I was waiting for his assurance, but he failed to give it to me. We should have known better. But sadly, we didn't see this coming.
It was already midnight when I left the house. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kaniya dahil nagkukulong lamang ito sa banyo. Nagulat pa ako nang pagkalabas ko'y naabutan ko si Jineer na bumaba mula sa taxi.
"W-What are you doing here?" mahina kong tanong at binigyan niya ako ng pilit na ngiti.
"Ihahatid kita," she answered.
"S-Sa terminal?"
She shook her head. "Sa Lucban."
"What—"
"Kean called me. Hindi ka raw niya kasi kayang ihatid, hindi raw niya kayang tingnan kang papalayo kaya tinawagan niya 'ko. And besides, gusto niyang masigurado na safe kang makakauwi sa bayan niyo kaya ihahatid na kita ro'n. Hindi ka raw kasi sanay magbyahe at baka mamaya may mambastos sa 'yo sa bus."
"Pero paano kung—"
"Paano kung pumunta o puntahan siya ni Sophia? H'wag kang mag-alala, naturuan ko na ng leksyon."
Hindi na ako nakapalag pa nang itulak niya ako papasok sa taxi. Awang ang labi ko at nakatitig lang sa kawalan hanggang sa magsimula nang umandar ang taxi. Wala sa sarili akong lumingon sa likod at mula sa bintana ay nakita ko si Kean na nakatayo sa labas ng bahay habang tinatanaw ang papalayo naming sasakyan. Magulo ang buhok nito at walang suot na sapin sa paa.
Lumunok ako at iniwas agad ang tingin.
That was the last time I saw him. Balita ko'y nag-resign na rin siya sa trabaho at bumalik na sa Lucban. Habang ako naman ay tinanggap na ang offer na trabaho ni Tita Brenda sa ibang bansa at kasalukuyan akong narito sa Manila para mag-ayos ng mga requirements ko.
Itinigil na rin nina Mommy at Daddy ang pag o-operate sa business namin dahil tuluyan na itong nalugi. Sila ang nakikipag-usap kay Kean kaya wala akong ideya sa kung anumang pinag-uusapan nila. Pinutol na namin ang kung ano mang koneksyon namin sa isa't isa dahil sa tingin namin ay iyon ang mas makakabuti.
It was hard for me. Takot na takot akong gumising sa umaga dahil pakiramdam ko'y hindi ko kaya. Na para bang malaking pagkukulang sa pagkatao ko.
But I was trying. I was trying to do everything just to get by.
We may lose each other, but the most important thing was we gained memories and lessons that we will treasure and cherish forever.
Kagaya nga ng sinabi niya, maaari pa rin naming tuparin ang mga plano namin kahit hindi na kami magkasama. O malay natin, kasama ang ibang tao na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro