Chapter 20
"You didn't tell me about Sophia," bungad ko sa kaniya pagkarating na pagkarating namin sa apartment.
Binuhay niya ang ilaw bago lumingon sa akin. "Hindi naman 'yon mahalaga," tugon niya at naglakad na patungo sa kwarto.
Napangisi ako at sinundan siya. "Hindi rin alam ng mga katrabaho mo na may girlfriend ka?"
Naabutan ko siyang naghuhubad na ng kaniyang polo. Narinig ko rin ang pagbuntonghininga niya. "I was there to work, Shae, hindi para ikwento ang buhay ko sa kanila."
"I know, but at least you should tell them, right? So they know how to set boundaries," usal ko pa at pabagsak akong umupo sa kama. "Nakakabastos lang kasi na alam naman nilang nando'n ako pero nirereto ka pa nila sa iba. Ganiyang mga kaibigan ba ang gusto mong samahan?"
"They're not my friends. They're just my colleagues. At sa tingin mo ba hindi ako nainis sa ginawa nila? Kaya nga ako nag-ayang umuwi na, 'di ba?"
"Aba, malay ko!" I laughed sarcastically. "Baka ginawa mo lang 'yon kasi nando'n ako."
Umingos siya at inis akong hinarap pagkatapos magpalit ng damit. "Saan ba patungo 'tong usapan na 'to, Shae? Pag-aawayan pa ba natin 'to?" pagod niyang wika.
Matagal akong tumitig sa kaniya bago hindi makapaniwalang umiling. Valid naman siguro ang nararamdaman ko, 'di ba? May karapatan naman siguro akong mainis o magtampo sa mga bagay na hindi niya sinasabi sa akin tapos malalaman ko sa iba? I knew his reputation back then. Alam ko kung gaano siya kaloko at mapaglaro pagdating sa mga babae.
At hindi ako nakikipag-away sa kaniya.
"I just need an assurance from you, Keith Angelo. Gusto ko lang bigyan mo ako ng rason para mapanatag ang loob ko. Mahirap bang gawin 'yon?" dismayado kong tugon at agad na rumehistro ang pagsisisi sa kaniyang mukha.
Tumayo ako at sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit mabilis akong umiwas at lumabas ng kwarto.
"Shae. . ." he called me, but I didn't bother to give him a glance.
Sinadya kong tagalan ang pananatili sa loob ng banyo. I was expecting him to follow me there like what he usually do, but I ended up getting disappointed.
Nakaupo lang ako r'on. Nag-iisip nang malalim at nagmumuni-muni. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Sophia at kung paano siya tumingin kay Kean. Isama na rin ang mga binitiwang kataga ng mga katrabaho niya.
Sa unang pagkakataon, bigla akong nanibago sa mundo kung nasaan si Kean. Parang lawak-lawak ng ginagalawan niya, samantalang ako ay nakakulong pa rin sa mundong ginawa naming dalawa. O baka sadyang hindi lang talaga ako sanay.
Pagpasok ko ng kwarto, mahimbing na ang tulog ni Kean. Ilang saglit ko pa siyang tinitigan hanggang bumuntonghininga ako at humiga na sa kaniyang tabi. Naglagay ako ng unan sa pagitan naming dalawa. At natulog akong nakatalikod din sa kaniya.
Nagising akong wala na siya sa aking tabi. Malinis na ang parte ng higaan niya at mayroon din siyang iniwang pagkain sa lamesa kasama ng isang maliit na sulat.
I'm sorry for making you upset last night. I hope we can talk about it better this time. Ayaw ko nang matulog na may tampuhan tayo, Shae. Let's talk about this, and let me make it up for you.
- Kean
Napangisi ako at napailing. Kinain ko rin ang pagkaing inihanda niya para sa akin. Naging maayos na ulit kami pagkatapos ng maliit na pagtatalong iyon. Pinangako naming babawi kami sa isa't isa, ngunit iyon nga lang ay mas lalo akong naging abala sa trabaho. Kapag mas ginalingan ko, may posibilidad na ma-promote ako agad. Mas lalaki ang sahod. At mas mapapabilis ang pagtupad sa mga pangarap namin ni Kean.
Isinantabi ko ang lahat ng bagay. . . at hindi ko sinasadyang pati na rin siya.
We celebrated our fourth-year anniversary last July 17. It well went, though. Kumain kami sa isang fine dining restaurant na pina-reserve niya. Tahimik lang kami habang kumakain. Kung sa ibang pagkakataon, baka ang ingay-ingay na naming dalawa. Ang dami-dami na naming nakwento sa isa't-isa, o di kaya'y mga pinagtalunang walang kwentang bagay.
But this time, it was different. Nararamdaman kong pareho kaming may gustong sabihin, pero pareho lang din kaming nagpapakiramdaman lang.
Humikab ako. Pinutol niya ang katahimikan.
"Where do you want to go after this?" he asked slowly.
I yawned again and glanced at my wristwatch. Alas-otso pa lang ng gabi pero ramdam na ramdam ko na agad ang pagod sa aking katawan. Parang bibigay na rin ang mga mata ko dahil sa labis na antok.
"Puwede bang. . ." I trailed off and looked at him wearily. ". . . umuwi na tayo pagkatapos?"
Shocked glistened on his eyes, but he still managed to nod his head. "S-Sige."
I gave him a shy smile as I reached for his hand and squeezed it. "I'm really sorry, Kean. I know that this is our special day, pero sobrang pagod lang talaga sa trabaho. Gusto ko na talagang magpahinga."
He gave me a reassuring grin as he nodded his head. "It's fine. I understand, okay? Marami pa namang susunod."
"I'm sorry—"
He hushed me. "I said its fine, love."
Matagal ko siyang tinitigan, pilit na binabasa ang kung ano sa kaniyang mga mata, ngunit sa huli ay nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga.
"Let's finish our food so we can go home now," sambit niya ulit bago ibinalik ang tingin sa kaniyang pagkain.
Hindi naman naging big deal iyon. Bumalik kami sa kaniya-kaniyang gawain pagkatapos. We were both excelling with our career, I must say. . . pero minsan ay palihim kong pinakikiramdaman kung may pagbabago ba sa kaniya o sa relasyon namin.
"Okay pa naman tayo, 'di ba? Wala namang. . . nagbago?" mahinang tanong ko isang beses habang nakahiga kami sa kama.
Hindi ko na alam kung kailan ba kami huling nag-usap na magkatabi. Minsan, pagkagaling sa trabaho ay naaabutan ko na siyang natutulog. O di kaya'y umuuwi siya na ako naman ang tulog. Gigising siya na wala ako sa tabi niya. At gan'on din ako sa kaniya.
Antok siyang nagmulat ng mga mata bago umiling sa akin. "Wala naman. Bakit mo natanong?"
I smiled bitterly. "Wala naman. Gusto ko lang kwentuhan mo ako tungkol sa trabaho mo. Tagal na rin kasi n'ong huli—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang paglingon ko sa kaniya ay tulog na siya at humihilik pa.
Pagak na lamang akong natawa.
We're fine, right? Gusto kong paniwalain ang sarili kong walang mali, ngunit hanggang kailan? Kasi kahit hindi man namin aminin sa isa't isa, alam kong tila ba mayroong pader na humaharang sa pagitan naming dalawa, at sa bawat araw na lumilipas ay pataas iyon nang pataas. Habang tumatagal ay mas lalong lumalayo ang loob namin sa isa't isa pero pilit kong tinatatak sa isipan ko na okay lamang kami.
Or maybe we were just both exhausted. Maybe we were just busy doing our best for our future.
Napahilot ako sa aking sentido habang problemadong nakatingin sa financial statements ng business namin ni Kean, sinend ito sa akin ni Mommy kani-kanila lang.
Bukod pala sa relasyon namin, at stake na rin ang negosyo namin. Dumami kasi bigla ang competitors at mas tinatangkilik ang mga iyon ngayon. Ilang buwan ko na ring pinoproblema ang pababa na pababa naming sales. We already cut some of expenses, wala kaming ibang choice kundi ang magbawas muna ng tauhan sa pagbabaka-sakaling masalba pa ito. . . but now, seeing these financial statements, mukhang nawawalan na ako ng pag-asa. Kahit anong pagbabawas ang gawin namin, the liabilities were still exceeding over than assets, and this is not a good sign. Baka kapag lumala pa ay tuluyan na kaming hindi makabangon at ipasara na lang ang negosyo which is iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.
Sayang naman ang pinaghirapan namin at isa pa, Kean doesn't know about this. Hindi ko sinasabi sa kaniya dahil ayaw ko siyang mas lalong ma-stress.
I can resolve this on my own, I think. Maybe I should think of new and fresh strategies. I want to know our competitor's weakness or maybe I need to think about the innovation of our product. Baka nauumay na ang mga consumers namin dahil wala nang bago.
I groaned and shut my eyes tightly. Napapagod na akong mag-isip. Gusto ko na lamang mahiga at matulog pero hindi pa puwede. Kean isn't home yet at hinihintay ko rin ang pagtawag ni Mommy. We will talk regarding this problem.
Sa dami-dami ng aking iniisip, hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Minasahe ko ang aking sentido nang maramdaman ang pagkirot nito. Nasa ganoong sitwasyon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Kean na mayroong malaking ngisi sa labi.
Kahit lumipas na ang maghapon ay mukha pa rin siyang fresh at mabango. He was drop dead gorgeous with his white basic tee and maong jeans. Mas lalo siyang guma-gwapo kapag magulo ang kulay itim nitong buhok at kapag kumikislap ang kulay tsokolate niyang mga mata.
Tumayo ako at sinalubong siya. "Hey, ginabi ka yata?" Kinuha ko ang backpack na nakasukbit sa isang balikat pati na rin ang dala niyang take-out na pagkain mula sa isang kilalang fast-food chain.
"Nag-overtime ako, babe, at saka ang hassle ng traffic!" Sumimangot siya, naglalambing na hinapit ako papalapit sa kaniya at niyakap. "Hay, finally! I'm home!" aniya na siyang nakapagpangiti nang malawak sa akin.
Ipinagkibit balikat ko ang amoy na pambabaeng pabango na nasinghot ko sa damit niya. Though, I'm positive that that was not mine.
Binalot ng sakit at lungkot ang puso ko ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kaniya. "Bakit ang saya mo yata?" I asked, smiling, but I know it was not a genuine one like I used to.
Nagbibihis na siya sa kwarto habang ako naman ay nililigpit ang mga gamit kong nakapatong sa lamesa. Nang lumabas ito sa kwarto ay saka lamang siya sumangot, kulang na lamang ay mapunit ang kaniyang labi at kuminang ang mapuputi niyang ngipin sa lawak ng kaniyang ngiti.
"I have something to tell you, babe," excited na aniya.
I raised my brows, showing my interest. "Talaga? Ano 'yon? Good news ba 'yan?"
"Yes! Guess what? I got promoted—"
"Wait." I cut him off when my phone rang. It was Mommy.
Nagmamadali kong dinampot iyon sa lamesa at pinindot ang answer button. "Hello, My?" Nilingon ko si Kean at sinenyasan na lalabas lang ako saglit.
I saw pain crossed his eyes, but he still managed to give me a small smile. "Sige, huwag kang magtatagal masiyado ro'n ah. Malamig na sa labas at saka baka kagatin ka ng lamok." paalala niya, tumango lang ako at lumabas na ng bahay.
Matagal-tagal din ang inabot ng pag-uusap namin ni Mommy. Umabot na sa punto na inabutan na ako ni Kean ng hoodie para hindi ako malamigan. Mom and I talked about our plan para sa business, nabanggit din niya sa akin na naka-confine si Daddy sa hospital ngayon dahil tumaas ang blood pressure nito. Pinaghalong kaba, pag-aalala, at stress ang nararamdaman ko. As much as I wanted to go home, I knew I couldn't.
Nakahain na ang pagkain sa mesa nang bumalik ako sa loob ng bahay. Ngumiti lang si Kean sa akin at hindi naman nagtanong tungkol sa pinag-usapan namin ni Mommy kaya hanggang sa matapos kaming kumain ay wala kaming pag-uusap na naganap sa aming dalawa.
Tanging tunog lamang ng kubyertos ang bumabasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.
My head was full of plenty of thoughts ngunit agad din iyong nawala nang may maalala ako. Oo nga pala, mayroon nga palang sinasabi kanina si Kean. Hindi ko naman iyon masiyadong naintindihan dahil biglang nag-ring ang phone ko.
"Babe?" untag ko at agad din naman siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"Why?"
Napakamot ako sa ulo. "Sorry, 'di ba mayroon kang sinasabi kanina, ano nga ulit 'yon?" tanong ko at natigilan naman siya.
Mataman ko siyang pinagmasdan, hinihintay ang kaniyang sasabihin, ngunit tanging pagkagat sa labi at bahagyang pag-iling lamang ang natanggap kong sagot mula sa kaniya.
"W-Wala 'yon, babe. Uhm, nothing important." He smiled but it didn't reach his eyes. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano iyon. Kumunot ang aking noo at natawa siya nang mapansin iyon. "Seryoso, babe. Wala lang 'yon pero magpapaalam nga pala sana ako."
Napatuwid ako ng upo sa sinabi niya. "Magpapaalam s-saan?"
Hindi kaagad siya sumagot. Nakataas ang kilay ko siyang pinanood na kunin ang tissue na nakapatong sa tabi ng kaniyang pinggan at napasinghap pa ako sa gulat nang punasan niya ang gilid ng aking labi.
"Ang kalat mo kumain." He chuckled and licked his lower lips. "Magpapaalam sana ako kasi mayroon kaming team building sa isang beach resort sa Batangas. A-Ano. . . three days and two nights iyon."
Nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi ko magawang sumagot kaagad. Hindi naman sa ayaw ko siyang payagan, of course hindi puwedeng wala siya roon, pero sa tuwing naiisip ko na naroon din si Sophia, tila nahihirapan akong huminga at hindi ako mapakali.
Negative thoughts flashed in my mind. Full and clouded of too many what ifs. Maraming puwedeng magbago sa loob ng ilang araw but then. . . I found myself sighing and nodding my head at him.
Nakanguso ako habang nag-s-scroll sa timeline ni Kean sa facebook. Ngayon ko lang ulit ito nabisita at ngayon ko lang din nakita iyong mga pictures na naka-tag sa kaniya. Halos sa lahat ng pictures nila ng mga ka-officemate niya ay katabi niya si Sophia. Bahagyang sumama rin ang loob ko nang malaman kong na-promote pala siya sa trabaho, kung hindi ko pa makikita sa post ni John Paul ay hindi ko pa malalaman.
It was been three days since he went to Batangas at ngayong araw ang balik nila. Good thing, hindi naman siya nakakalimot mag-update sa akin kaya kahit papaano'y nababawasan ang kaba ko bukod doon ay binabantayan din siya ni Jineer, siya ang mata ko sa opisina nila.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'yon. May tiwala ako kay Kean. . . pero simula noong makilala ko ang mga katrabaho niya ay hindi na ako makapamte.
"Birthday ni Sir James, kakain daw tayo mamaya ng dinner at alam mo 'yong mas exciting? Libre niya!" Caryl cheered and clapped her hands. "Sama tayo, huh?"
"Nah!" I shook my head. "Ngayon ang uwi ni Kean, eh. Kakain daw kaming dinner sa labas."
Parang bata siyang ngumuso at kumapit sa braso ko. "Sige na. . . sumama ka na, Ynna. Kapag hindi ka sumama, hindi na rin ako sasama!"
I laughed with her cuteness. "Puwede ka namang sumama, Ryl."
"Ayoko. Gusto ko kasama kita," anito at ngisi lang ang naisagot ko.
Bumitaw siya sa akin nang mag-ring ang cellphone ko. Nang silipin ko kung sino iyong tumatawag ay nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Sumandal lang ako sa aking swivel chair at pinanood iyong mag-ring hanggang sa tuluyang mamatay.
It was my auntie Brenda. Sa ibang bansa siya naninirahan at matagal na niya akong pinipilit na sumunod sa kaniya dahil mayroon siyang Accounting Firm doon. Mas malawak ang opportunity at mas malaki ang kita. I am tempted with her offer but I keep on declining it.
I couldn't leave my life here. And even if I could, I still wouldn't. Gustong-gusto ko pero iniisip ko pa lang na magkakalayo kami ni Kean. . . hindi ko yata kaya. Dito lang ako.
"Alam mo ba Shae, naging boyfriend ko rin iyong childhood bestfriend ko. . ." Napatingin ako kay Caryl na abala sa pagtitipa sa kaniyang computer. Magkatabi lang ang cubicle namin kaya malaya kaming nakakapag-usap.
"Oh? I didn't know that," gulat kong saad.
"Hindi ko naman pinapaalam kahit kanino. You see, sa 'yo ko pa lang sasabihin ito," natatawang tugon niya. Bumuntonghininga siya at tamad na sumandal sa swivel chair habang ako naman ay nakatingin lang sa pinaglalaruan kong ballpen. "Just like you and your boyfriend, marami rin kaming plano. Sa lahat ng plano ko, palagi siyang kasama. It's so fulfilling to see na pareho niyong naaabot ang mga pangarap niyo nang magkasama. . . but you know what's painful?"
"W-What?"
"Na habang inaabot namin ang mga pangarap namin, mas lalo kaming lumalayo sa isa't isa." I could sense the bitterness in her voice. Hindi ko alam pero parang sinuntok ang puso ko sa narinig. "Kapag pala pumasok na kayo sa reyalidad ng buhay, mas lalawak ang mundo mo. Marami kang makikilalang tao at ma-re-realize mo na may mga bagay ka pa palang hindi natutuklasan. Doon ka sasampalin ng reyalidad na may mga bagay pa lang mas magpapasaya sa 'yo na higit pa sa kasiyahan na nararamdaman mo ngayon."
"I-I don't get it." I bit my lower lip.
"Kagaya namin, masiyado rin kayong nakulong ni Kean sa isa't isa. Hindi mo ba napapansin, Shae? Malawak na ang mundo ni Kean ngayon samantalang ikaw. . . nakakulong pa rin sa kaniya."
That hit me hard. Hindi ako nakailag sa pag-atake niya. Gustuhin ko mang kontrahin at ipagtanggol ang sarili ko, hindi ko rin itatanggi na totoo iyon.
Anong magagawa ko? Nasanay na 'kong palaging nariyan si Kean. Nakadikit na siya sa sistema ko.
"Shae, matanong nga kita. Anong plano mo sa buhay?"
Taka ko siyang tiningnan pero sinagot din naman agad. "Siyempre, gusto kong yumaman kasama si Kean, makapag-travel kasama si Kean, bumuo ng pamilya kasama si—"
"Hindi 'yon. What I mean is. . . ikaw. You. Plano mo para sa sarili mo? Iyong hindi kasama si Kean."
Natigilan ako at napaawang ang labi.
Ano nga bang plano ko?
Kumurap-kurap ako at bahagyang napaisip. Sa totoo lang, hindi ko alam. Sa lahat kasi ng plano ko ay kasama ko si Kean. Kung may plano man ako para sa sarili ko ay iyon ay iyong subukan ang opportunity na inaalok sa akin ni Tita Brenda sa ibang bansa pero hindi ko nga kasi puwedeng iwan si Kean.
"Tang ina." Caryl poured out a light chuckle as she raised her brows at me. "Nakikita ko talaga ang sarili ko sa 'yo. Iyong tipo na palaging pipiliin ang pagmamahal kaysa sa career. Jusko, danas ko na 'yan."
"Talaga? Kasi sa totoo lang, Caryl, nate-tempt ako ro'n sa offer ni Tita Brenda, eh. It's a big opportunity for me. Minsan lang iyon dadaan sa buhay ko pero. . ." I stopped. It feels illegal to continue my words.
"Pero si Kean? Paano si Kean? Nakakarindi!" Ngumiwi siya at kinalikot ang tainga. "Ganiyan din ako noon at pinagsisisihan ko na iyon ngayon, sa totoo lang. Hirap na hirap pa ako noon kung anong pipiliin ko, iyong taong mahal ko ba o 'yong magandang career na nag-aabang sa akin sa Australia."
"T-Then, what did you choose?" My eyes glued at Caryl, anticipating her answer.
She smirked and tsk-ed. "Obvious naman, 'di ba? Kung nasa Australia ako, e'di sana masaya akong nakikipaglaro ngayon sa mga Kangaroo roon." Then suddenly her playful smirked vanished, napalitan iyon ng malungkot at mapait na ngiti. "I chose him. . . but sadly, he still left me."
"What the—"
"He chose to pursue his dreams . . . but not with me."
Naging matinding palaisipan sa akin ang sinabi ni Caryl. Buong maghapon itong bumagabag sa akin kaya hindi ko magawang makapag-focus sa trabaho. Mas lalong dumami ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Paano nga kung mas piliin ko si Kean pero sa huli ay hindi ako ang piliin niya? What if in the end he would choose to pursue his career and left me? How about our futures, our plans? How about me?
Para na akong mababaliw. Idagdag pa na hindi nag-re-reply sa mga text ko si Kean kaya hindi ko alam kung tuloy pa ba iyong dinner naming dalawa. Sinubukan kong tawagan si Jineer pero unattended din ang phone nito. Hanggang sa mag-out ako sa trabaho, wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kaniya kaya nagdesisyon akong sumama na lang sa mga katrabaho ko.
Sayang din naman kasi. Madalang pa sa patak ng ulan manlibre si Sir James kaya susulitin ko na. Kumain kami sa isang kilalang restaurant pagkatapos ay dumiretso kami sa bar. VIP room ang kinuha ni Sir James para exclusive lamang ito para sa amin. Inuman, kantahan, at tawanan ang bumuhay sa apat na sulok ng kwartong iyon.
Ngunit hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumulyap sa cellphone ko, nag-aabang at nagbabakasali sa text niya ngunit ilang beses na rin akong binigo nito. Nang makaramdam ng paninikip ng dibdib ay nagpaalam akong magpapahangin lang sa labas. Caryl insisted to go with me, which I respectfully declined. Susubukan ko rin kasing tawagan si Kean, dapat kanina pa siya nakauwi.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako sa bar. Agad nanuot sa balat ko ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Hindi kagaya sa probinsya, kuliglig ang bumubuo sa malalim na gabi. Dito sa Maynila, maitim na usok at nakakabinging busina ng mga sasakyan kasama na rin ang mga taong abala sa pakikipag-unahan na makasakay sa jeep at ibang tao na may kaniya-kaniyang trip sa buhay.
I sighed as I took my phone out from my pocket. I dialed Kean's number again for the nth time. Nakapamewang ako at bahagyang pumapadyak ang isang paa sa sahig. Pinapanood ko ang mga matutuling sasakyan na dumadaan sa aking harapan.
Hindi sinasadyang mapagawi ang tingin ko sa pamilyar na pigurang lumabas mula sa convenient store sa tapat. Bahagya pang nanliit ang mga mata ko, naninigurado kung tama ba ang nakikita ko.
"Kean?" I murmured to myself. Pinatay ko ang tawag at akmang tatawirin ang abalang kalsada upang lapitang siya ngunit natigilan ako at tila natuod sa kinatatayuan ko nang kasunod nitong lumabas ang isang babaeng mala-anghel sa ganda, si Sophia.
Nang magtama ang paningin nila ay nakita ko ang pagkislap sa mata ni Kean. . . kislap na tanging sa akin ko lamang noon nakikita. Nasapo ko ang aking dibdib nang maramdaman ang paninikip nito. Unti-unti kong naramdaman ang pagkadurog ng dibdib ko sa sakit. . . ngunit hindi pa yata nakuntento ang tadhana dahil mula rito sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang marahang paghawak ni Sophia sa kaniyang kamay bago siya pumara ng taxi. May maliit na tiyansa sa akin na umaasang aalisin ni Kean ang pagkakahawak na iyon. . . ngunit hindi niya ginawa. Parang wala lang sa kaniya at hindi man lang siya nagulat. Na para bang sanay na siyang madalas siyang hawakan ng gan'on.
Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama pa ang paningin namin ng babae, bumakas ang gulat sa mukha nito ngunit agad ding nakabawi dahil sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi bago tuluyang pumasok sa loob ng taxi.
Nanatili akong nakatanga at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko kahit na nawala na sila sa paningin ko. Sa kabila ng panlalabo ng mga mata at panginginig ng buong katawan ay nagawa ko pa ring buksan ang cellphone ko nang tumunog iyon.
I received chats from messenger. One from Kean and one from Jineer. Una kong binuksan ay ang kay Jineer.
Jineer: Sorry kakagising ko lang. Pagkauwi kasi naming kaninang tanghali ay nakatulog agada ko. Btw, hindi mo magugustuhan 'tong ibabalita sa 'yo. Pinagtripan na naman sila ng mga kasamahan namin. Ni-lock nila sa iisang kwarto si Sophia at Kean buong gabi. Kita ko rin namang uncomfortable si Kean. Tumitingin siya sa akin para humingi ng tulong, pero in the end, sinabihan lang kami ng killjoy ng mga walangya. Mukha kasing gustong-gusto ni Sophia kaya mas lalo pa silang inuudyok sa isa't isa. Wala akong ideya kung anong nangyari sa loob pero ang alam ko'y kinaumagahan na sila pinalabas doon.
Jineer: Ay wait, may i-se-send ako sa 'yong picture. Tingnan mo.
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tapang para buksan ang si-nend niyang larawan. Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang paghikbi. Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusuring mabuti ang larawan.
It was Sophia trying to kiss Kean near the seashore.
Jineer: I don't know the whole story, but ang narinig ko kay Sophia na pinagyayabang niya ay nagconfess daw ulit siya kay Kean. Nararamdaman daw kasi niyang mutual na ang feelings nila. And she also said na willing na raw si Kean na i-give up ang relationship nyo.
Kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa samo't-saring emosyon ay kasunod kong binuksan ang mensahe ni Kean. Martir na kung martir. Para isang bagsakan na lang ang sakit. At kung kailangang tapusin. . . tatapusin ko.
If Kean really did cheat on me. . . I wouldn't forgive him. Until the end. . . even until my last breathe. Ituturing ko siyang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko.
Kean: Babe, saan ka? Puntahan kita.
I laughed sarcastically and typed my reply despite my shaking hands.
Shaeynna: Magkita na lang tayo sa bahay. Pauwi na 'ko, mag-uusap tayo.
I turned off my phone after that. Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa mga kasamahan ko. Wala sa sarili akong sumakay sa taxi na tumigil sa aking harapan. Matapos kong sabihin sa driver ang lugar ay nanghihina akong sumandal sa malambot na sandalan ng upuan at hinayaang umagos ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa pagpatak.
Posible pala. . . posible pala na ang taong itinuturing mong tahanan at pahinga ay siya rin ang magpaparamdam ng matinding pagod sa iyo. Bahala na kung anong mangyari. Basta ang alam ko lang, gusto ko nang tapusin 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro