Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Dalawang linggo na lamang ang natitira at pasukan na. Ang buong bakasyon ay inilaan ko lamang sa mga gawaing bahay, pag-gala at pag-tambay kung saan-saan kasama si Kean. Hindi rin mawawala ang pag a-advance study dahil gusto ni Mommy at Daddy na mapanatili akong nasa top kahit nasa kolehiyo na ako kaya naman kahit nakakatamad at ang sakit sa ulo ng pagbabasa ay pinag-tya-tyagaan ko.

I don't want to disappoint her. I couldn't disappoint them.

Bumuntonghininga ako at isinarado ang librong aking binabasa.

I need a break!

Feeling ko mababaliw na 'ko rito sa bahay kung puro aral na lamang ang gagawin ko sa buong maghapon at magdamag!

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa study table bago naligo, nag-ayos at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at naabutan ko roon si Mommy na naglalagay sa tupperware ng ulam na niluto niya, mayroon sigurong pagbibigyan ng kaniyang nilutong putahe.

"Are you done studying, anak?" she asked as she gave me a quick glance.

Tamad akong kumuha ng baso at tubig sa ref. Uminom muna ako r'on bago sagutin ang kaniyang tanong.


"Uh, not yet, Mom. Marami pa po akong dapat basahin at pag-aralan pero medyo sumasakit na kasi ang ulo kaya nag-decide muna akong magpahinga. I've been studying for the whole day pati kahapon―"

"You should study more, Shaeynna. Malapit na ang pasukan. Always remember na hindi ka puwede mawala sa top, okay? Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak at iba nating kakilala kung mawawala ka sa honor lists? Naku! Nakakahiya 'yon!"

I heaved a deep breath as I nodded my head.

"Yes, Mom." A faint smile formed on my lips.

Hindi na ako nag-balak pang magsalita ng kahit ano dahil alam ko namang kahit ano namang sabihin ko, hindi niya ako pinapakinggan.

"Ay oo nga pala! Tapos ko nang igayak iyong ulam na niluto ko para sa mga Hidalgo, puwede mo ba 'tong dalhin doon?"

"Sige po, Ma." Tumayo ako at kinuha sa lamesa iyong tupperware na may lamang Afritada.

I checked myself in the mirror before heading outside our house. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay hinabol ako ni Mommy para sa isang mahalagang bilin.

"Shaeynna, huwag mong kakalimutan 'yong tupperware ko, huh? Sabihin mo kay Kumare o kay Bluie na ilipat niya sa pinggan tapos ibalik sa atin agad ang tupperware. Okay lang kahit hindi na hugasan basta maibalik lang," istriktong paalala niya, dahilan para bahagya akong matawa.


"Opo, My,' tanging tugon ko bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo.

Labis akong nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay nakalanghap din ako ng sariwang hangin. Halos ilang araw din akong nakakulong sa bahay dahil abala nga ako sa pag-aaral at hindi rin nagpaparamdam ang magaling kong matalik na kaibigan na si Kean. Naku! Busy na naman siguro iyon sa girlfriend niya!

Well, it was fine for me, though. Ayaw ko rin naman ng isasama niya ako sa mga dates nila para gawing third wheel or taga-picture sa kanilang dalawa. Nagmumukha lang akong masokista at isa pa, masiyadong masakit sa mata ang gan'ong scenario!

"Ang ganda mo talaga, Shaeynna," saad ng lalaking nakatambay sa kanto namin kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Tipid akong ngumisi at ikinumpas ang kamay sa ere. "Hoy ano ka ba, maliit na bagay! Pero salamat, ah? Ikaw rin!"

Umukit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi kasabay ng pagkinang ng mga mata. "Anong ako rin? Gwapo ako?"

"Hindi! Maganda ka rin." I chuckled.

Narinig ko pa ang pag-ungot niya r'on ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang pinipigilan ang pagtawa. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot sa tuwing naglalakad ako mag-isa.

I always feel safe, to be honest.

Bukod kasi sa maliit lang ang bayan namin ay halos magkakakilala rin ang mga tao. Kaya nga sanay na ako sa tuwing pinupuna ako ng mga tambay dahil hindi naman iyon nakakabastos para sa akin.

Ni kahit minsan ay hindi ko pinangarap na umalis sa probinsyang ito. I am completely content here. With the cold breeze of wind that makes your skin shiver, a few tourist destinations such as Kamay ni Hesus, Batis Aramin Resort, Villa Elma Farm and-so-on, it all makes me love and appreciate the simplicity of our place.

Dumarami na rin ang mga itinatayong establishments, maging mga fast-food chains ay mayroon na rin na ang estilo ay tila makalumang panahon. Those walls, the cement, even the ceilings, and everything else were antiques. It all remains untouched.

Kahit saan ako lumingon ay mayroon kang makikitang mga restaurants o kahit anong tindahan ng mga pagkain. Kaya nga noong high school pa lang kami nina Kean ay madalas kaming maglakad pauwi sa bahay at bago pa man kami makarating ay ubos na ang pera namin dahil bawat madaanan na pagkaing natitipuhan ay hindi namin pinalampas.

I smiled while reminiscing about those joyful memories. Ang simple lamang ng buhay namin pero masaya. Natigil lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang marating ko ang bahay ng mga Hidalgo. Sarado ang pinto at bintana nito kaya kahit anong gawin kong pag aninag sa loob ay hindi ko makita.

Ilang beses akong kumatok sa kanilang pinto ngunit wala pa ring sumasagot.

"Baka naman walang tao. . ." bulong ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa ulam na dala ko. "Kapag walang sumagot o nagbukas ng pinto, dadalhin kita kina Kean, huh?"

Kinuyom ko ang aking kamao bago muling magpaulan ng sunud-sunod na katok. Wala sana akong balak tumigil ngunit biglang bumukas ang pinto at sa kasamaang palad ay tumama ang nakakuyom kong kamao sa ilong ng babaeng ngayon ay masama ang tingin sa akin.

"Aray ko!" Sapo niya ang kaniyang ilong.

My lips parted as I watched her groan in pain.

Agad akong nataranta. Hindi ko malaman ang gagawin. Kaya sa huli ay nahihiya akong yumuko at napakamot sa ulo.

"Pasensiya na, Bluie! Akala ko walang tao." I laughed awkwardly and held my nape.

Napangiwi siya sa aking tugon at nanlilisik pa rin ang mga mata sa akin. "Ano bang kailangan mo, huh?" masungit niyang tanong.

Napakurap ako at itinaas ang hawak kong ulam. I smiled widely at her.

"Pinapabigay ni Mommy!"

She sighed and nodded. Inabot ko sa kaniya ang tupperware at kinuha naman niya iyon sa akin. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Salamat walang emosyon niyang sagot at tinalikuran ako.

Iniwan niyang bukas ang pinto kaya naman sumunod ako sa kaniya papasok sa loob ng bahay.

Natigilan siya sa paglalakad at puno ng pagtataka akong nilingon.

"Bakit ka sumunod sa 'kin? Pinapasok ba kita?" she asked.

Suminghap ako at nanlaki ang mga mata sa kaniya. Nakakahiya! Hindi niya ba ako pinapapasok?

"Ay bawal bang pumasok?"

"Hindi? Kasi akala ko nagdala ka lang ng ulam?"

My forehead knotted, then shook my head. I awkwardly laughed again and pointed to the tupperware.

"K-Kailangan ko kasing kunin si Bunso." Tinuro ko iyong tupperware.

Nagsalubong ang kaniyang kilay, ngunit kalaunan ay dahan-dahang tumango. "Ah, okay. Hintayin mo na lang ako riyan." Itinuro niya ang sofa.

Nangingiti akong sinundan siya ng tingin at bahagya pang nailing. Ang sungit talaga ng isang 'yon! Buti na lamang ay sanay na ako.

Inilibot ko ang mga mata sa loob ng kanilang bahay. Hindi man ito kalakihan ay malinis naman, maaliwalas sa pakiramdam, at hindi masakit sa mata ang pagkakaayos ng mga gamit.

Hidalgo was our family friend. Best friend ng Mommy ko ang Mommy Bluie since elementary at nang makapag-asawa ang mga ito ay naging magkaibigan na rin ang Daddy ko at Daddy ni Bluie.

Solong anak si Bluie at kasing edad ko lamang siya. Iyon nga lang ay hindi kami masyadong close na dalawa pero okay naman kami. She's not interested in making friends, though. She preferred to be alone oftentimes. Tahimik din siya at kung kakausapin naman ay isang tanong, isang sagot lamang pero. . . alam kong may kaibaitan siyang taglay.

Maraming nagkakagusto sa kaniya noon na mula sa iba't ibang batch pero wala naman siyang pakialam.

Hindi na ako magtataka kung tatanda siyang dalaga.

"Balita ko sa Laguna ka mag-aaral?"

"Ah, yes," tipid niyang sagot, abala sa kaniyang cell phone.

Ngumuso ako at in-imagine ang sarili na kunwari ay malayo ako sa mga magulang ko. Hindi ko yata kaya iyon!

"Ayos 'yon. Malay mo, doon mo na pala mahanap ang the one mo," nangingisi kong udyok, "Ang lalaking kakatok at magpapalambot sa matigas mong puso. Ang lalaking kakalembang sa kweba mo―"

"Oh, shut up Ms. Prim and Proper kuno! Umuwi ka na nga!" Pagtataboy pa nito sa akin.

I cringed at my nose, feeling disgusted with what she had said. "Excuse me, I'm not Ms. Prim and Proper! Sa school lang 'yon!"

Umangat ang sulok ng labi niya bago nagkibit balikat.

"K."

Kung anu-ano pang tinanong ko sa kaniya at noong malapit na akong maubusan ng tanong ay nagpasiya na 'kong umalis.

Naisipan ko ring dumaan kina Kean since malapit lang naman ang bahay nila rito, mga tatlo o apat na kanto lang.

Nang makarating ako sa bahay nila ay agad kong namataan ang bunso niyang kapatid na si Marian na kumakain ng dingdong sa labas.

"Pst! Marian!" I waved my hand while grinning from ear to ear.

Nanlaki ang mga mata niya nang ako'y makita. Sumigaw siya at tinakbo ang distansiya namin para yakapin ako.

"Ate Ynna! Bakit ngayon ka lang nagpunta dito, huh?"

Binuksan niya ang gate at pumasok ako sa loob. Ginulo ko ang buhok niya kaya napasimangot siya at sinamaan ako ng tingin.

"Pasensiya na, busy ako, eh. Kuya mo?" tanong ko.

"Nandoon sa loob. Pumasok ka na lang,"

I nodded my head. "Bakit nariyan ka sa labas?"

Ngumiwi siya at mas lalong sumimangot ang magandang mukha.

"Mainit kasi sa loob, ate. Eh si Kuya naman ay epal. Ayaw buksan 'yong electric fan dahil baka raw mapagod. Dito na lang daw ako sa labas para fresh air," sumbong niya sa akin.

"Ngi, 'yong Kuya mo talaga ang corny! Palibhasa'y hindi yata masaya sa buhay niya kaya dinadamay ka. O siya, papasok na ako sa loob ha?" Pinangkitan ko siya ng mga mata at tinuro ang pwesto niya. "Ikaw, diyan ka lang. Huwag kang lalayo. Pumasok ka na rin sa loob."

Tumalikod na ako at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi na ako kumakatok pa kasi kilala na naman ako ng buong pamilya ni Kean maging iba pa nilang kamag-anak. Minsan pa nga ay napapagkamalan akong girlfriend at gan'on din naman siya sa amin. Ka-close rin niya ang parents ko at lalo naman ang aking nakakabatang kapatid na si Sharina.

Ang totoo nga niyan ay gustong-gusto nila si Kean para sa 'kin pero iyon nga lang ay hindi naman ako gusto ni Kean para sa kaniya.

Kumalabog ang dibdib ko sa saya nang makita si Kean na tutok na tutok sa pinapanood niyang action movie sa tv. Nakanganga pa siya at nabitin sa ere ang pagsubo sa kinakain niyang chichirya. Hindi niya 'ko nilingon dahil mukhang hindi niya yata naramdaman man lang ang presensya ko.

Psh, ganoon ba talaga ka-intense 'yong pinapanood niya?

Napangisi ako nang makita iyong remote sa gilid ngunit medyo malayo sa kaniya. Lumuhod ako at gumapang patungo r'on.

Napahagikhik nang makuha ko iyon. Nagtago ako sa likod ng sofa na inuupuan niya.

Grabe, mukha akong tanga sa ginagawa kong 'to tapos hindi pa rin niya nararamdaman ang presensya ko!

"Gago ka, huwag mong babarilin! Kakampi mo 'yan!"

Bahagya akong napaigktad dahil sigaw niya. Kalaunan ay tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pagtawa. "Ay tanga! Huwag sabi! Huwag! Pagsisisihan mo!" dagdag pang atungal niya.

Nakapikit ang isa niyang mata at humigpit ang hawak sa chichirya. Kinagat ko ang labi ko at lumingon doon sa tv. Nang akmang babarilin na noong lalaki iyong isang lalaki sa palabas ay hinanda ko na 'yong remote. Kasabay nang pagkalabit sa baril ay ang pagkamatay ng tv.

"What the fuck?!" Napatayo si Kean habang nanlalaki ang mga mata at awang ang labi.

At dahil doon ay hindi ko na nga napigilan ang paghalakhak. Tumayo ako at itinuro iyong mukha niya, patuloy pa rin sa pagtawa habang hawak ang tiyan ko.

Habang siya naman ay umuusok na ang ilong at nagpipigil ng inis sa akin. Busangot na busangot ang mukha nito at kulang na lang ay sumabog na sa labis na pagtitimpi.

"Shae! Anong ginawa mo?!" Ginulo niya ang buhok at inis na nagpapadyak na parang bata.

Inabot ko sa kaniya iyong remote at padabog naman niya iyong kinuha sa akin. Nang buksan niya muli ang tv ay tapos na ang palabas kaya mas lalo akong humagalpak.

Grabe, ang epic ng itsura niya!

Umikot ako at umupo sa sofa. Kahit masama ang mood niya ay tumabi pa rin siya sa akin. Magka-krus ang braso sa dibdib at hindi talaga maipinta ang kaniyang pagmumukha.

Nang kumalma ako sa pagtawa ay kinuha ko ang chichirya niyang nakapatong sa table at walang paalam na kinain iyon.

"Galit ka ba, Kean?" Sinundot ko ang kaniyang pisngi pero tanging irap lang sinagot niya sa 'kin. "Wow! Ilang araw kitang hindi nakita tapos ngayon iirap-irapan mo lang ako?" Madrama akong bumuntonghininga at ngumuso. "Hindi mo man lang ako na-miss? Sabagay, ganiyan ka naman. Porke't may girlfriend ka na, kina-kalimutan mo na—"

"Wala na akong girlfriend," pagputol niya sa sinasabi ko.

Nasamid ako sa kinakain at gulat na napatingin sa kaniya.

"S-Seryoso?"

Dama ko ang pagdiriwang ng mga lamang-loob ko dahil sa sinabi niya. Nabuhayan ako lalo ng dugo pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong mapangiti nang malawak.

"Oo nga. Noong isang araw pa." He heaved a soft sigh.

Pinagkrus ko ang aking mga hita at saka umayos ng pagkakaupo. "Bakit naman? Akala ko pa naman magtatagal kayong dalawa. Alam mo 'yon, maganda naman siya, mukha rin naman siyang mabait—"

"Eh basta, ewan ko ba," problemadong aniya at napatingin ako sa mapupula niyang labi nang basain niya iyon.

Parang bigla akong nawala sa sarili. I watched his lips move while he was talking. "Alam mo 'yon? Mayroon akong hinahanap, eh. Kapag magkasama kami, nabo-bore ako. Iyong mga gusto niyang gawin, hindi ko trip. Iyong mga gusto kong gawin, hindi rin naman niya trip. Gusto ko 'yong kagaya mo. . . 'yong kagaya ng samahan natin, hindi boring tapos nagkakasundo pa tayo."


"Edi ako jowain mo," wala sa sarili kong saad.

"H-Huh?"

Natigilan ako at napakurap-kurap.

I shifted my seat and looked away. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko dahil sa sobrang kaba at hiya.

"I-I mean. . . ako. . . marami akong kilala na puwede mong jowain," palusot ko pa ngunit hindi pa rin makatingin ng diretso sa kaniya.

Tinabingi niya ang kaniyang ulo bago umiling at tumawa. "Akala ko kung ano na ang sinasabi mo. Nabibingi na yata ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro