Chapter 19
"I told you, babe. Look, you made it!" Kean exclaimed, smiling from ear to ear.
Suminghot ako at pinunasan ang luhang patuloy na lumalandas sa aking pisngi. "N-No, Kean. We made it." I shook my head and pouted my lips.
"Uh-huh." Halos mapunit na ang labi niya sa sobrang lawak ng ngiti. He reached for my hand and pulled me closer to his bare chest. "I made it because of you, Shae. We made it because we have each other. Ewan ko ba. . . kapag kasama kita, pakiramdam ko'y posible ang lahat ng bagay."
"Tang ina ang korni ko," natatawang dagdag niya, nahihiyang yumuko at humawak sa batok.
I poured out a hearty laugh too. Pinulupot ko ang mga braso ko sa kaniyang baywang upang yakapin siya nang mahigpit. Nangingiti kong isinandal ang gilid ng aking ulo sa kaniyang dibdib. Mariin kong pinikit ang aking mga mata habang pinapakinggan ang bawat kalabog ng dibdib nito.
"Parang dati pangarap lang natin 'to, eh. Ngayon, unti-unti nang natutupad lahat." Tumikhim ako nang maramdaman ang pagbabara ng lalamunan ko at pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
"At marami pa tayong pangarap na tutuparin natin ng magkasama, Shae." Pinaulanan niya ng sunud-sunod na halik ang aking noo bago ako kabigin muli papalapit sa kaniya at yakapin nang mahigpit.
I just love this man so much. . . hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Iniisip ko pa lang nasasaktan na 'ko. Nababaliw na ako. But I know it won't happen. Sigurado na kami sa isa't isa at sini-sigurado na rin namin ang magiging kinabukasan naming dalawa.
Masayang masaya sina Mommy at Daddy nang ibalita ko sa kanila na nakapasa ako sa board exam. Agad nila akong sinabihan na umuwi para makapag-celebrate kaso sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa kompanya na pinag-applyan ko at kinukuha nila ako bilang bahagi ng Accounting Department.
I attended several interviews bago ako tuluyang matanggap doon sa kompanya. And there, I met my workmate, Caryl. She's an Accounting Clerk at siya rin ang madalas kong ka-kwentuhan at kasama tuwing lunch break. Actually, mababait naman lahat ng mga kasamahan ko sa Department. Noong unang araw ko nga sa trabaho ay dama ko ang buong puso nilang pagtanggap sa 'kin at dahil medyo nangangapa pa nga ako sa mga gawain ay matiyaga nila akong tinuturuan at tinutulungan.
It's kinda stressful, though. Ibang iba na nga talaga kapag natapos ka sa pag-aaral at pumasok ka na sa reyalidad ng buhay. Kung noon ay gusto ko na agad makatapos ng pag-aaral para makapag-trabaho na, ngayon naman ay gusto ko na lamang bumalik na lang sa mga panahong tanging problema ko lang ay kung paano ko maitatawid nang maayos ang bawat semester.
I heaved a deep sigh. I suddenly missed being a student. Adulting sucks. Iyong tipong nagtra-trabaho ka na lang yata para magbayad ng mga bills.
I became busy with my work, too. Minsan, pagkauwi ko sa bahay ay nakakatulog na rin ako kaagad. At kung minsan, pagkagising ko, ay agad na rin akong umaalis para pumasok.
Hindi na nga kami masiyadong nakakapag-usap ni Kean at madalang na rin kung magkita kami sa bahay. Abala ako sa sarili kong trabaho at abala rin siya sa kaniya. Pero kahit gano'n ay naiintindihan pa rin naman ang isa't isa. Sa sobrang dami naming pangarap para sa future at gusto ko lahat iyon ay matupad.
However, was it really wrong to set aside your present just to accomplish what you want to be and what you want to have in the future?
"Babe? Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong nang makita si Kean na nakatambay at nakikipag-kwentuhan sa guard ng company namin.
"Good evening, Ma'am," pagbati ng guard sa akin at sinuklian ko naman siya ng ngiti.
Umayos ng tayo si Kean at humakbang papalapit sa akin habang nirorolyo hanggang siko ang manggas ng puting polo niya. He crouched a little and gave me a soft kiss on my lips. I don't even know what to react. Nanatili akong tuod sa aking kinatatayuan. Gulat. Naguguluhan. Dahil ito ang unang beses na puntahan o sunduin niya ako mula sa pinag-tra-trabahuhan ko.
Simula kasi nang makapasa ako sa board exam ay pareho na kaming naging abala sa kaniya-kaniyang trabaho. Sabay pa rin naman kami minsan na kumakain ng hapunan ngunit pagkatapos no'n ay nakakatulog na kaagad kami sa sobrang pagod at dahil na rin siguro maaga kami kung gumising kinabukasan. Ni wala na nga kaming oras para makapag-usap o makapag-kwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa amin araw-araw.
And that's okay. Hindi kami nagrereklamo sa isa't isa dahil alam naman namin na lahat ng ito ay para rin sa kinabukasan naming dalawa.
"Nakalimutan mo? Di 'ba may usapan tayong isasama kita sa birthday ng ka-trabaho ko? You agreed last night," malambing na aniya at nasapo ko naman ang noo ko.
"Oo nga pala! Sorry babe, nawala sa isip ko. Medyo nakaka-stress kasi ang tambak ng trabaho ngayon,"
"Ganoon ba?" He sounded very concerned as his soft and callous hand gently touched my back. "Then, you should rest. Huwag na tayong pumunta. I-te-text ko na lang—"
"Oh, no, no! Pumunta na tayo. Don't worry about me, I'm fine." I plastered a reassuring smile on my face.
Ilang saglit pa itong tumitig sa akin na tila ba sinusuri ang mukha ko bago bumuntong hininga at tumango. "You sure?" May bahid ng pag-aalinlangan pa rin sa kaniyang boses.
I nodded my head in response. "Yes. . . at saka para makatipid na rin tayo sa pagkain, 'di ba?"
Amusement filled his eyes as he stared at me. Umawang ang labi nito para magsalita ngunit hindi niya iyon natuloy kaya sabay kaming natawa.
"Hay nako, tara na nga! Gutom na gutom na 'ko! Baka sa sobrang gutom ko, ikaw pa ang makain ko! Rawr!" I leaned closer and made a roar sound with hand gestures. Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya. Nauna na akong maglakad at pumara ng taxi.
Dumadagundong na musika at pinaghalong usok ng sigarilyo at alak ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa bar kung saan ginaganap ang birthday ng ka-trabaho niya. This is the first time I went to a place like this! Kaya naman pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang nililibot ang mga mata sa abala at nakakasulasok na paligid.
Bahagya pa akong napapikit nang tumama sa akin ang nakakahilong malikot na ilaw. Muntik pa akong masagi noong isang lalaki, mabuti na lamang ay agad na hinapit ni Kean ang baywang ko papalapit sa kaniya.
I smacked his arm. "Ikaw naman! Hindi mo sinasabi sa 'kin na sa ganitong lugar pala tayo pupunta! Tingnan mo nga 'tong suot ko, oh!" I pointed to myself.
Shit, I'm still wearing my office attire!
He chuckled. "Aarte ka pa riyan! Ang mahalaga'y may damit!"
"As if naman na papayagan mo 'kong pumunta rito ng walang damit 'no!" I rolled my eyes.
"Tangina, siyempre hindi." He leaned closer to my ears and whispered sensually. "I am the only one who can see what's underneath your clothes, babe."
The way he said those words made me shiver down my spine. Humagikhik ako at hinampas siyang muli sa braso. "Ang landi mo talaga."
Nanatili ang malawak kong ngiti hanggang sa makarating kami sa isang semi-circle na couch.
"Kean!" Sinalubong kami ng isang lalaking mukhang may tama na dahil namumula na ang buong mukha at leeg nito. "Mabuti dumating ka pa! Akala ko talkshit ka na naman, eh!"
Kean brushed his hair using his fingers, laughing. "Sinabi ko namang sasama ako, dude. Sinundo ko lang ang girlfriend ko," anito at doon na ako tuluyang binalingan ng lalaking kausap niya.
He looked amused while scanning me from head to foot. "W-Wow! Hindi mo naman sinabi sa amin na may girlfriend ka na pala! Akala ko pa naman may pag-asa kayo ni—" Kean punched his shoulder, cutting him off.
Oh? So, Kean didn't tell them that he has a girlfriend? At may pag-asa kanino? Naguguluhan ako at gustuhin ko mang i-kunot ang noo ko ay hindi ko magawa. I remained smiling, though to be honest, I'm frowning inside of my head.
"Aray ko naman! Birthday na birthday ko, sinasaktan mo ako!" He glared at Kean then smiled at me afterwards. "I'm John Paul. Birthday ko ngayon. Batiin mo naman ako." anito sa akin na sinamahan pa ng pagpapa-cute.
"Oh, happy birthday," I shyly said, still smiling.
"John Paul, tigilan mo ang pagpa-pa-cute sa girlfriend ko, ah. Kahit anong gawin mo mukha kang puwet," nakasimangot na saad ni Kean kaya nawala ang ngiti sa labi ni John Paul.
"Alam mo. . . sana hindi ka na lang pumunta," sarkastikong tugon ni John Paul at nagtawanan kami.
Kean introduced me to his other workmates. Mabilis silang makagaanan ng loob at mabait din silang lahat. And as usual, gulat na gulat din sila nang makilala ako. I was right, hindi talaga nila alam na may girlfriend si Kean samantalang alam halos lahat ng mga ka-trabaho ko na may boyfriend na ako.
That information made me somehow lose my energy and appetite. In all honesty, I don't freaking know what to think or what I should feel.
Kinakahiya ba niya 'ko? Dapat na ba akong magtampo?
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago lumabi. Palihim kong sinampal ang sarili bago sunud-sunod na umiling.
That was too immature and childish move, Shae. Maybe Kean has his own reason. . . or maybe none. Baka masiyado lang talaga akong nasanay na kilala ako ng mga tao sa paligid niya noong mag-best friend pa lang kami.
In the end, I shrugged all those thoughts away.
Maingay ang paligid ngunit mas nangingibabaw ang ingay ng isip ko. Nangangati man ang dila kong tanungin si Kean ay nagdadalawang isip ako't natatakot sa maaari niyang isagot.
I shouldn't feel this way, right? But I don't freaking know why I feel like there's something wrong that I couldn't even point out.
"Ang tahimik mo, ah. Okay ka lang?" Mula sa baso ng alak ay nag-angat ako ng tingin kay Jineer, isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Kean.
Naupo ito sa tabi ko habang nagpupunas ng pawis. Kakabalik lamang niya galing sa dancefloor.
Ako lamang ang naiwan dito sa couch dahil ang mga lalaki ay naroon nakatambay sa bar counter. Ayaw pa sana akong iwan ni Kean dito ngunit pinilit ko na siyang sumama sa mga kaibigan niya. Ayaw ko namang isipin ng mga kasamahan niya na nililimitahan ko ang kasiyahan ng boyfriend ko. He should enjoy his life too. Hindi ko naman siya pinagbabawalan.
I gave her a small smile. "Okay naman. Medyo pagod lang sa trabaho." Pinanood ko siyang magsalin ng alak sa kaniyang baso.
"Alam mo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang may girlfriend na 'yang si Kean. Wala naman kasi 'yang sinasabi sa amin. Madalas lang na tahimik at pangiti-ngiti. Kay Sophia lang niya nilalabas ang kadaldalan niya." She laughed a bit, shaking her head.
Natigilan ako at awtomatikong tumaas ang aking kilay. "Sophia?"
Tumango siya habang sumisimsim ng alak sa baso. Nang ibaba niya iyon sa lamesa ay ibinaling na niya ang buong katawan niya sa akin.
"Oo. Iyong isa naming ka-workmate. Hindi mo ba kilala? Kasi ang sabi sa amin ni Kean, magkakilala raw sila dahil classmate sila noong college."
Mas lumalim ang gatla sa noo ko habang hinahalukay sa isipan ang pangalang Sophia. Nahihirapan akong alalahanin iyon dahil sa dami ba naman ng naging babae ni Kean noon.
I then gasped and snapped my fingers when I remembered the beautiful girl who asked Kean for a date. Sa pagkakatanda ko ay first year college ako noon at nang pumunta ako sa classroom nila ay ang scenario na iyon ang naabutan ko.
Tila may mabigat na bakal ang bumagsak sa aking dibdib lalo na nang sabihin sa akin ni Jineer kung gaano sila kalapit na dalawa. Libu-libong karayom ang tumutusok sa aking puso habang pinapakinggan ang sinasabi ng babaeng aking katabi. Gusto ko mang takpan ang tainga ko para hindi na ako mas lalo pang masaktan ay hindi ko magawa. Tila tuluyan na akong nawalan ng lakas na gumalaw pa. Ngunit kahit gano'n ay pinigilan ko ang pagsabog ng nararamdaman dahil marami pa akong gustong malaman. Alam kong marami pa akong dapat malaman.
"Medyo close kasi kami noon ni Sophia pero nang tumagal, hindi na masiyado. Mas madalas na siyang bumuntot kay Kean at saka. . ." She leaned closer to me. "Ma-attitude siya. Mukha lang anghel pero nasa loob ang kulo."
Marahas akong napalunok. "G-Ganoon ba? Siguro ay mas komportable lang siyang kasama si Kean dahil ayon nga magkaklase sila noon," pagtatanggol ko pa.
She crossed her arms then rolled her eyes afterwards. "I bet you don't know everything, right? Hay naku! Kung alam mo lang kung gaano sila kalapit dalawa! Alam mo bang madalas silang mapagkamalang may something. Sa tuwing inaasar sila ng mga ka-trabaho namin, tumatawa lang si Sophia at umiiling."
Hindi ako sumagot. Mataman ko lang na pinagmasdan ang kilos niya. Bumuntonghininga siya at padabog na kinuha ang baso at nilagok ang laman noon.
"Wala naman akong problema riyan sa boyfriend mo. . . it's just that nagulat lang talaga ako na may long-time girlfriend nap ala siya."
Tumikhim ako upang pakalmahin ang naghu-hurumentado kong sistema. Nang lingunin ko ang bar counter ay naroon pa rin si Kean, abalang nakikipag-usap sa mga lalaking ka-trabaho.
Nagulat na lamang ako nang biglang hampasin ni Jineer ang braso ko na para bang sobrang close na naming dalawa.
"Oh, she's here! Akala ko ba hindi siya sasama?" bulalas niya at naguguluhan akong tumingin sa kaniya.
"Huh? Sino?" Itinuro niya ang isang direskyon gamit ang kaniyang nguso. Kunot noo kong sinundan iyon ng tingin at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ang pamilyar at mala-anghel sa ganda na babaeng sumulpot na lang bigla sa entrance ng bar.
Nagsusumigaw ang kumpiyansa sa kaniya. Halos lahat ng lalaking nadadaanan niya at tumitigil at napapalingon sa kaniyang direksyon. Her cleavage was a bit exposed. Wearing her strapless red satin dress, ang tela nito ay sumasang-ayon sa hubog ng katawan ng kaniyang katawan at pinaresan pa niya iyon ng medyo may kataasang stiletto.
Hindi sinasadyang pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Kung ikukumpara, malayong-malayo ako sa kaniya. Idagdag pa na mukha akong tangang naka-office attire pa rin.
Tahimik ko siyang sinundan ng tingin nang dumaan siya sa harapan namin ni Jineer. Dumiretso siya sa bar counter kung nasaan sina Kean. Agad na nagsigawan sina John Paul nang mapansin ang pagdating niya. Pero nanatili ang mga mata ko kay Kean na walang pakialam at tinanguan lang si Sophia.
"Kean, ang sexy ni Sophia, oh! Sayang naman kung hindi mo tititigan," dinig ko pang kantyaw ng isang lalaki na sinundan ng malakas na hiyawan.
"Huwag nyo ngang asarin si Kean. . ." nahihiyang wika ni Sophia at pasimpleng hinaplos sa balikat ang boyfriend ko.
Umarko ang aking kilay at napatuwid ako ng upo. Samantalang umigting naman ang panga ni Kean kasabay ng pagdilim ng kaniyang mga mata. Pasimple siyang lumayo sa hawak ng babae.
"May girlfriend ako, pre. Nakakabastos. Tantanan nyo nga pang-aasar sa amin ni Sophia," malamig na wika ni Kean at sumulyap sa akin.
I swallowed the lump in my throat as I looked away.
"Tingnan mo nga. Wala man lang ginagawa si Sophia para matigil ang asaran. Gustong-gusto pa nga," bulong sa akin ni Jineer at sabay ulit kaming bumaling sa direksyon nila.
"Dude, ngayon lang namin nakilala ang girlfriend mo. Eh, si Sophia, matagal na naming kilala. At saka biruan lang naman 'to. Depende na sa 'yo kung seseryosohin mo," nakangising sambit ni John Paul at nagtingin sila ni Sophia.
Umiling si Kean at tumayo na. "Bahala nga kayo. Uuwi na kami ng nobya ko. Salamat sa pag-imbita."
"Kasama mo siya?" tanong ni Sophia.
Tumango si Kean at tinuro kung nasaan ako. Kita ko ang pagkawala ng gana sa mata ng babae nang magtama ang paningin namin. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Napansin kong na-concious siya r'on kaya agad siyang nag-iwas.
Tumayo na rin ako nang tuluyan nang makalapit sa akin si Kean. Agad niya akong hinapit papalapit sa kaniya at dinampian ng halik sa noo.
"Uwi na tayo." He grabbed my waist.
I nodded and smiled sweetly. "Hmm. . . mas mabuti pa nga."
Kean smiled back. Sabay kaming lumabas ng bar. Nang nasa bukana na kami, muli kong nilingon si Sophia. Nahuli ko ang bigo niyang mga matang nakasunod sa amin.
No, girl. I trust my boyfriend and I will trust him even more. Not because I needed to, but because my love for him is greater than my doubts.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro