Chapter 18
"Balak mo bang pumasok sa review center or kaya mo nang magreview mag-isa?" Dad asked.
"Hmm, gusto ko po sanang pumasok sa review center. Doon sa pinasukan din ni Kean noon. May nilaan naman na akong pera para talaga sa board exam ko," magalang na sagot ko at nangingiting tumango si Mommy.
"Okay. If that's what you want. Saan mo naman balak tumuloy kapag naroon ka na?" dagdag na tanong pa ni Mommy at bahagya akong naisip.
Hindi ako sure kung papayagan nila ako rito sa sasabihin ko pero siguro naman, 'di ba? Nasa tamang edad na naman ako at alam ko naman ang mga priorities ko so. . . I swallowed hard and gave them a cute smile.
"Doon po sana sa apartment kung saan tumutuloy si Kean?"
"Huh? No—" Agad kong pinutol ang pag-alma niya.
"It will be an advantage for me, Dad! Malapit lang iyon sa review center na papasukan ko tapos puwede pa akong matulungan ni Kean sa pag-re-review."
Alam kong hindi talaga sila papayag sa desisyong iyon kaya inunahan ko na agad ng paliwanag. Besides, wala na rin naman silang magagawa dahil desido na talaga ako sa plano kong ito. Sa makalawa ay luluwas na ako patungong Manila.
I know it'll be hard for me. Lumaki ako sa probinsya at hindi ko masiyadong alam ang pasikot-sikot sa Maynila, but I know Kean will be there for me naman.
"Bakit naman biglaan yata ang pag-alis mo? Wala ka bang plano na magpahinga muna kahit ilang buwan lang? Diretso review kaagad?"
Inirapan ko si Terrence na kausap ko sa skype ngayon. Isa na siya ngayong teacher sa pampublikong paaralan dito lang din sa bayan namin. Magka-skype kami kasi. . . wala lang. Trip lang namin.
"Sasabay kasi ako sa pagluwas ni Kean. You see, may trabaho rin si Kean sa Manila. Nag-leave lang siya dahil sa graduation ko. Sinabi ko na nga sa kaniyang mauna na siya pero hindi ako pinayagan. Sabay na lang daw kami." I shook my head, smiling.
Ilang taon na rin kami ni Kean pero parang teenager pa rin iyong kilig ko hanggang ngayon. Wala namang nagbago sa aming dalawa bukod sa mas naging mature kami individually at pati relationship namin ay nag-mature na rin. The first year of being in a relationship with him, I must say that it was dreadfully toxic. Ang hirap pala kapag sobrang kilalang kilala niyo na ang isa't isa at alam niyo na ang lahat ng baho at kalokohan niyo. Akala nga namin noong una ay hindi kami magwo-work, na baka hindi effective sa amin iyong bestfriend turned into lovers. . . pero siyempre, hindi kami papayag.
Ipinilit at inilaban talaga namin. Pareho kaming nag-adjust at ngayon ay almost four years na kaming dalawa. Gano'n kabilis ang panahon.
Magkasama naming hinarap ang at tinapos ang madugong college life. Pinagsabay naming dalawa ang pag-aaral at pagnenegosyo.
Idagdag pa na ngayon nga ay magkasama pa rin naming haharapin ang totoong hamon ng buhay. Dati ay nangangarap lamang kami nang gising, ini-imagine ang mga bagay na gusto naming mangyari sa hinaharap but now. . . it's already happening. CPA na ang boyfriend ko at nagtra-trabaho na rin siya sa isang accounting firm sa Manila at ako? Malapit na.
And I know my angel in heaven was very proud of us. . .
Inalis ko ang ilang pirasong dahon na tumatabon sa puntod ng kapatid ko. Marahan kong ipinatong ang mamahaling bulaklak sa ibabaw noon. Sumilay ang matamis at malawak na ngisi sa aking labi nang masilayan ko ang nakaukit na pangalan sa maputi at malamig na lapidang nasa harapan ko.
"Hi, my beautiful sister!" I smirked and flipped my hair. "But of course, mas maganda pa rin ako."
Umihip ang malakas na hangin kaya naman nagkatinginan kami ni Kean at sabay na natawa. Naiiling siyang inalalayan akong umupo sa tabi ng puntod ng kapatid ko pagkatapos ay umupo naman siya sa kabilang bahagi.
"Actually sis, dumaan lang talaga kami rito bago kami lumuwas ng Manila. Medyo matatagalan pa ako bago makabalik dito dahil baka after kong mag-take ng board exam ay doon na rin ako maghanap ng trabaho. . ." pagku-kwento ko sa kapatid kong pangit at nang mag-angat ako ng tingin kay Kean ay nahuli ko itong titig na titig sa akin.
My heart hammered inside my chest when our gaze met. Tila mayroong nagsisiliparan na mga paro-paro sa loob ng tiyan ko. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang pagngiti at mabilis na iniwas agad ang tingin.
His deep and manly chuckled filled my ears.
"Sharina, itong Ate mo hanggang ngayon patay na patay pa rin sa 'kin," pagyayabang niya.
"Ang kapal ng mukha mo 'no?" Sumimangot ako at inirapan siya. Nang ibalik ko ang tingin sa kapatid ko ay saka lang ulit ako ngumiti. "Ayon nga. . . like I was saying, magiging busy si Ate pero promise ko, pagdalaw ko ulit sa 'yo, CPA na 'ko! Well, iyong business namin ay sina Mommy at Daddy muna ang magha-handle for the mean time so no worries."
Halos isang oras din kaming tumambay sa sementeryo bago magpasyang umalis. Magaan ang loob ko at hindi maipaliwag ang sayang nararamdaman ko habang nasa biyahe kami patungong Maynila. Wala pa kaming sariling sasakyan ni Kean kaya commute lamang kaming dalawa pero alam ko namang mangyayari rin 'yon kapag nakaipon na kami. Sa ngayon ay marami pa kaming mga bagay at gastuhin na dapat asikasuhin.
Hindi gaanong kalakihan ang apartment na tinutuluyan ni Kean pero enough na ito para sa aming dalawa. Pansamantala lang naman lahat ng ito dahil nagpla-plano na rin kaming magpatayo ng bahay naming dalawa. Mayroon na kaming pera na nakalaan talaga para sa bagay na iyon at nagmula pa iyon sa mga kinikita namin sa negosyo.
You see, sobrang dami naming planong dalawa. Bahay, kotse, pagpapalago ng business, at marami pang iba. At napag-usapan nga rin namin na at the age of twenty-eight, mag-se-settle down na kaming dalawa. Noon pa man, noong hindi pa kami, sa lahat ng plano ko ay kasama na siya. Wala yatang bagay na gusto kong gawin na hindi siya kasama.
Our future together was perfectly planned. We thoroughly planned for it and those dreams were the main reason why we are striving to look forward and become more successful in life.
I reviewed for months. Minsan kahit naliligo ako, naglilinis ng bahay, naglalaba at kahit natutulog pa ay dala-dala ko ang mga reviewer ko. Tuwing gabi, pagkauwi galing sa trabaho ni Kean ay tinutulungan niya ako at paulit-ulit na pinapaalala ang mga dapat at hindi dapat gawin before or during the exam. Lahat ng sinasabi niya ay tinatatak ko sa aking utak. Napakalaki ng tiwala ko sa kaniya pagdating sa ganitong bagay dahil siya itong may experience na.
Kalagitnaan ng May nang mag-take ako ng board exam. Hindi kagaya noon na walong subjects, ngayon ay anim na lang. The exam will be lasted for three days. Dalawang subjects lang kada araw at ang coverage ng exams ay Auditing, Management Advisory Services, Financial Accounting and Reporting, Advanced Financial Accounting and Reporting, Taxation and Regulatory Framework for Business Transactions.
Para akong sumubok sa matinding giyera noong mga araw na iyon. Bugbog na bugbog ang aking utak at gusto ko na lamang maiyak sa pinaghalo-halong kaba at pressure.
It took one week when the PRC released the results.
"Kinakabahan ako, wait lang! Ayaw k-kong buksan 'yong site!" Nanginginig ang boses ko sa kaba habang mahigpit ang yakap sa laptop ko.
"Bakit na naman? Kanina ka pa, ah! Kukutusan na kita!" naiinis na saad sa akin ni Kean.
Ngumuso ako at napakamot sa ulo. Tanging boxer lang ang suot nito at magulo pa ang buhok. It's almost three am in the morning. Nasa kalagitnaan siya ng masarap na pagtulog nang gisingin ko siya dahil nag-post na ang PRC na ni-release na nila ang results. Kahit antok na antok pa siya ay kinaladkad ko na siya palabas ng kwarto.
"Babe, paano kung bagsak ako? What if I didn't make it—"
"What if you did?" he cut me off and licked his lower lip. Umawang ang labi ko, bakas pa rin ang kaba at pag-aalangan kaya naman bumuntong hininga siya at sinenyasang lumapit ako sa kaniya.
Nang hindi gumalaw ang mga paa ko ay siya na mismo ang humila sa akin at pinaupo ako sa hita niya. I almost shiver when I felt his hot breathing on my neck.
"Let's check the website now, hmm?" aniya sa malambing ngunit napapaos na tinig.
"B-But—"
"Trust me, babe. Whether you passed or you failed, I'm proud of you. You did your best. . . and that was enough."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro