Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

I feel like I lost one of my feet. Ang hirap bumangon. Ang hirap tumayo. My wonderful life suddenly turned into a worst nightmare.

My sister died and because of that, madalas nang mag-away at magkasakitan sina Mommy at Daddy. They were pointing their fingers to each other at nang mapagod. . . they decided to end their relationship. Dad left the house with his things at wala na kaming naging balita sa kaniya. Nang subukan siyang puntahan sa trabaho ni Mommy ay wala na rin ito roon at nag-resign na.

Simula rin noong araw na iyon ay hindi na rin kami nag-usap ni Mommy. Inabala niya ang sarili niya sa trabaho. Umuuwi lang siya kapag tulog na ako at bago pa sumapit ang liwanag ay aalis na rin siya, leaving my allowance above the table.

Mas naging doble at triple ang sakit para sa akin dahil pakiramdam ko'y unti-unti nang nawawala sa akin ang lahat. Kung kailan sobrang kailangan namin ang isa't isa saka pa nila naisip na maghiwalay ng landas.

I didn't just lose my sister; I lost my parents too. I lost the family that I have and not just that, I almost failed the second semester.

Nakakahiya mang aminin na iyong almost perfect at role model na student noon ay talunan at muntik pang bumagsak ngayon. Good thing my Professors understand my situation right now. They gave me another chance and also my friends helped me recover from my studies.

Kagaya na lang ngayon, imbis na nagbabakasyon na sila sa kani-kanilang bahay dahil tapos na ang school year ay mas pinili pa nila akong samahan at tulungan sa mga requirements na kailangan kong ihabol para hindi maging incomplete or magka-problema sa mga subjects lalo na sa major subjects.

"Nandito kami nakatambay sa students lounge. Nasaan ka na ba? Ang tagal mo!" nakasimangot kong singhal kay Kean na patawa-tawa lang sa kabilang linya.

"Otw na 'ko! Chill ka lang!"

"Otw? Eh, bakit may naririnig akong lagaslas ng tubig—"

"Kaya nga! Otw means on the water!" Humalakhak siya, dahilan para wagas akong mapairap. "Oh, sige na! Ibababa ko na 'to! May gagawin pa ako."

"A-Anong gagawin mo?" My forehead knotted; a hint of curiosity was evident in my voice.

Geez, why can I imagine his annoying and teasing smirk right now? I shut my eyes tightly when I heard his deep and manly chuckle.

"Secret," aniya sa tila nang-aakit at malisyoso na tinig. It was husky and almost a whisper; sending shivers down my spine.

"Hmm, gusto mong malaman?"

Tumikhim ako at napatuwid ng upo nang maramdaman ang biglaang panunuyo ng lalamunan ko. Pasimple kong tiningnan si Eloisa at Trisha na abala sa pagkwe-kwentuhan sa harapan ko.

"Ano nga—"

"Kain kang gulaman," he cut me off and ended the call while laughing so hard.

Napapailing na lamang ako habang ibinababa ang cellphone. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking iyon, iisipin kong may amats siya. . . but still, thankful pa rin ako sa kaniya dahil never niya akong iniwan noong mga panahong down na down ako at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na nag-confess siya ng feelings sa akin. I don't know if it was true since hindi pa ulit namin napapag-usapan ang bagay na iyon.

Gustuhin ko mang kiligin pero sa tingin ko'y hindi pa iyon ang tamang panahon para roon. I'm still mourning my sister's death. Kung totoo man ang sinasabi ni Kean na mahal niya ako, alam kong makakapaghintay siya at maiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Mukhang matatagalan pa ang lalaking kaya inabala ko muna ang sarili ko sa mga dapat kong gawin. Panay ang kwentuhan at tawanan ni Eloisa at Trisha samantalang ang utak ko'y lumilipad na naman kung saan. Pilit nila akong sinasabay sa usapan ngunit agad din akong nawawala.

These past few days, I'm starting to lose interest with activities and hobbies I usually do at kahit kakagising ko lamang, pakiramdam ko'y pagod na pagod pa ako kahit wala naman akong ginagawa buong araw. Hirap na hirap akong matulog o kung minsan naman ay halos maghapon at magdamag akong natutulog.

Every time I wake up, emptiness slowly creeps into my soul. It feels like there's a weight on my chest. Ang bigat. Ang bigat-bigat.

Iyong tipo na kahit napapalibutan naman ako ng mga taong nagmamahal sa akin, pakiramdam ko'y may kulang pa rin. Pakiramdam mo ay mag-isa ako at walang nakakaintindi sa kung ano man ang nararamdaman ko. Na kahit subukan mong ibuka ang bibig ko para magbukas ng saloobin sa ibang tao, hindi ko magawa. Tila may pumipigil sa akin dahil natatakot akong baka mahusgahan, mapagtawanan at hindi maintindihan ng mga taong nasa paligid ko, so I was left with no choice but to step back and drown myself into darkness. . .

Because in darkness, you're the only one who can hear your sobs. You're the only one who can hear your screaming thoughts.

I'm aware of what's happening to me. In the darkness, it's where my demons hide. . . and I need to save myself before it's too late.

"Eloisa, puwede ba akong makitira sa inyo?" I suddenly asked out of nowhere kaya naman nasamid siya sa iniinom niyang juice. Maging si Trisha na kanina pa abala sa paglalagay ng kaniyang make-up sa mukha ay nagulat din sa tanong ko.

They both gave me a scrutinized look as well as confusion written on their faces.

"What? Ano bang sinasabi mo?" Eloisa asked with her forehead creased.

"May problema ba sa bahay niyo, Ynna? Do you want to talk about it?" ani Trisha na bakas ang pag-aalala sa boses.

I was startled with to her question for a second. Hirap akong ibuka ang aking bibig para sumagot ng oo o hindi. Nakalimutan kong wala nga pala silang alam sa mga nangyayari ngayon sa bahay, ang tanging alam lang nila ay namatay ang kapatid ko at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. But they don't have any idea na naghiwalay na rin ang parents ko at hindi rin kami nagkikibuan ni Mommy.

She sighed and nodded. "It's okay. Hindi ka naman namin pipilitin mag-kwento."

"Yes, we're always here for you, girl. . . but I think hindi magandang idea na mag-stay ka sa bahay," alanganing tugon ni Eloisa kaya mapait akong ngumiti at tumango. I heard her heaved sigh. "Alam mo naman ang sitwasyon sa bahay namin. Hindi maganda ang atmosphere roon! Baka imbis na ma-relax ka, mas lalo ka lang ma-stress at isa pa, may part-time job ako sa gabi."

I weakly nodded my head in response and gave her a reassuring smile. "Okay lang, Elo. I understand."

She pointed to Trisha. "Try mo rito kina Trisha o kaya naman kina Kean? Oo, tama! Kina Kean nga! Sigurado naman akong—"

"Nah, nahihiya na kasi ako kay Kean. Sa tingin ko'y masiyado na akong pabigat sa kaniya. He stays with me since Sharina passed away. Marami na siyang naaantalang gawain dahil sa akin—"

"Who told you that? You're never been a burden to me."

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Kean na sumulpot mula sa kung saan.

He was wearing a black hoodie paired with beige khaki shorts and white sneakers.

He looked attractive with his casual outfit. To be honest, kahit basahan yata ang isuot niya ay bagay na bagay sa kaniya. Hindi man kasing well-toned ang kaniyang katawan kagaya ng mga fictional characters sa wattpad o kaya ay sa pocket books ay masasabi kong may laban pa rin talaga siya kung tutuusin.

Sakto lang kasi built ng katawan niya. Hindi siya sobrang payat at hindi rin naman siya mataba.

Napasinghap ako nang manuot sa ilong ko ang kaniyang matapang na panlalaking pabango. Versace Eros, iyon 'yong perfume na madalas kong i-regalo sa kaniya. It smells like a fresh mint leaves with a mixture of Italian lemon zest and green apple.

"Nakakahiya na kasi talaga sa 'yo." Nahihiya akong yumuko.

I heard him tsk-ed. Mas lalo pa niyang inilapit ang kaniyang sarili sa akin, muntik na nga akong mapatalon sa gulat nang makaramdam ako ng kuryete sa simpleng pagdidikit ng braso namin. Mas lalo pang nagwala ang dibdib ko nang maingat niyang hinawakan ang aking baba at iharap ang mukha ko sa kaniya.

"Hey! Huwag kang mahiya, okay? Kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa akin. . . sa amin." Napangiti ako at tila mayroong mga kamay na humaplos sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung para saan; kung sa lambing ba ng boses niya o sa mga binitiwan niyang salita.

"Don't let yourself drown into darkness. Look for the light, Shae, but if you see nothing. . . then be your own light," dagdag pa niya at mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang unti-unti nitong inilapit ang kaniyang labi papalapit sa akin.

I closed my eyes tightly and pouted my lips, waiting for his kiss. . . pero ilang segundo na ang lumipas ay wala akong naramdamang pagdampi sa aking labi. Nang idilat ko ang isang mata ko ay halos lumubog ako sa kinauupuan ko nang makita ang mga kaibigan kong tila nanghuhusga at nandidiri ang tingin sa akin.

Agad kong minulat nang maayos ang mata ko at nilingon sa gilid ko si Kean na kagat ang kaniyang pang-ibabang labi, nagpipigil ng tawa.

Oh my gosh, nakakahiya! Nag-assume na naman ako!

"Kean! Bwisit ka talaga kahit kailan!" I groaned as I stomped my feet in annoyance. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro