Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"What do you want when you grow up?" tanong ko sa aking bunsong kapatid na si Sharina habang pinapanood siyang gamutin ang sugat ko sa tuhod. Seryosong-seryoso siya na ginagawa na animo'y isang napakalaking operasyon at napakalubha ng natamo kong sugat mula sa pagkakahulog sa hagdan sa school.

"Hmm. . ." Tumingala siya, bahagyang nag-isip. "Bata pa ako para mag-isip ng ganiyan pero parang gusto kong maging psychiatrist," aniya at muling yumuko para idampi ang bulak na may betadine sa aking tuhod.

"Wow! Psychiatrist? Bakit?"

She shrugged her shoulders. "I want to help people dealing with mental issues and such. Also, gusto ko ring mag-raise ng awareness about mental health. Iyong iba kasi ginagawang biro ang bagay na 'yon without knowing na maraming nakikipaglaban at maraming naaapektuhan. . ." she trailed off. Itinuro niya iyong kapit-bahay naming nakatambay sa labas ng bahay at masayang nakikipagkwentuhan sa mga ka-barkada niya.

"Look at her, Ate. Tumatawa siya pero gaano tayo kasiguradong masaya talaga siya?" she asked, still looking at the woman.

Maging ako ay nakatingin din sa babae. Inoobserbahan ko ang bawat kilos at galaw nito ngunit wala naman akong nakikitang mali o kakaiba.

"She looks. . . fine," I muttered in a slow pace.

"She looks fine, yes, because mental issues have no visible symptoms. No runny rose, just a head full of darkness. No fever or rash, no fractures or sprains, just a longing for something unable to explain." She smiled bitterly.

There's an emotion I couldn't name in her eyes or maybe I'm just hallucinating things. . . so I just shrugged it away.

Tila isang napakalaking bangungot sa akin ang lahat. Literal na nayanig ang aking mundo at habang tinatahak ko ang aming bahay ay ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. My knees were trembling in fear. Malamig ang simoy ng hangin ngunit tumutulo ang butil-butil na pawis sa aking noo. Ang aking dibdib ay kumakalabog sa kaba. Pilit kong isinasaksak sa kokote ko na hindi iyon totoo; na nananaginip lamang ako at isa itong malaking bangungot.

Ilang beses kong sinampal ang aking sarili upang matauhan ngunit gayon na lamang ang panlalamig ng kamay ko nang makarating ako sa bahay na pinapalibutan ng mga tao. Mula rito sa labas ay dinig na dinig ko ang malakas na hagulhol ni Mommy at Daddy.

I clenched my fists as I heard their voices. Malalaki ang hakbang ko patungo sa loob ng bahay ngunit hindi ko pa man tuluyang naaabot ang pinto ay sinalubong ako ng mga kalalakihang nakasuot ng uniporme at buhat nila ang isang bangkay na nakabalot sa puting tela.

Umawang ang aking labi at tila bigla akong kinapos ng hininga. Muntik na akong matumba ngunit agad akong nasalo ni Kean. Gusto ko iyong habulin at siguraduhin kung iyon nga ang kapatid ko kaso hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa. Nang subukan kong igalaw ang mga paa ay niyakap ako ni Kean mula sa likod.

"Dito ka lang," aniya sa mahinang boses.

Mariin akong napapikit kasabay ng matihimik na pagbagsak ng mga luha ko. Ang mahihina kong hikbi ay palakas nang palakas habang tumatagal.

"Excuse me, Ma'am,"

Marahan kong binuksan ang aking mga mata at walang buhay na tiningnan ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Ang uniporme nitong suot ay katulad noong kumuha sa bangkay ng kapatid ko.

He gave me a faint yet warm smile and handed me a yellow folded paper.

"I found this letter above her study table. Ibibigay ko sana sa Mommy mo but she fainted so. . ." he explained and gave it to me.

"Salamat." Kean answered. Tumango lang ang lalaki at naglakad na patungo sa kaniyang kotse.

Yumuko ako at tinitigan lamang iyong papel na nasa kamay ko.

"Gusto mo bang basahin?" he asked and I shook my head.

"Hindi pa ako handa," malamig kong tugon at nanghihinang humakbang papasok sa loob ng bahay.

Tatlong araw ang itinagal ng lamay at sa tatlong araw na iyon ay wala akong kinausap o kinibo man lamang. Mom tried to lift up our feelings. There were times that she was the one who initiates the conversation, kung anu-anong bagay ang tinatanong niya sa 'kin, pinipilit niyang maging normal ang lahat kahit kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod, sakit, at halu-halong emosyon.

Pinipilit niyang iparamdam na okay lang and which is iyon 'yong hindi ko kayang gawin. Habang lumalapit siya ay walang pagdadalawang-isip akong humahakbang paatras, ni hindi ko nga siya magawang tingnan sa mata.

Her presence was deadly suffocating me. Kapag nariyan siya sa paligid ko ay hindi ko maiwasang magalit at sisihin siya kung bakit nagawa iyon ng kapatid ko at kung bakit kami humantong sa ganito.

"Are you sure na kaya mo na mag-isa?" Kean tucked my hair behind my ear without leaving his soft gaze at me.

I nodded in response. "Yeah, you don't have to worry about me. Besides, ilang araw ka na ring pagod at puyat kaya kailangan mo na ring magpahinga." A weary smile formed into my lips. Bakas ang pagtutol at pagdadalawang-isip sa mga mata nito ngunit wala nang nagawa pa kundi ang tumango at bumuntong hininga.

"Alright," he replied, "but if you need anything or if you want someone to talk to, don't hesitate to call me."

He kissed my forehead and bid his goodbye. Matahimik ko siyang tinanaw habang naglalakad siya pababa ng hagdan at palabas ng bahay namin. Mula rito sa labas ng kwarto ay dinig na dinig ko ang sigawan at pag-aaway nina Mommy at Daddy sa kusina.

They're pointing their fingers at each other again.

Nagtuturuan sila kung sino ang mas may kasalanan at kung sino ang mayroong pagkukulang. Hindi na naman kailangan pang pagtalunan ang bagay na iyon dahil pare-pareho lamang kami.

Lahat kami ay may kasalanan. Lahat kami ay nagkulang.

Mapait akong ngumiti nang hindi sinasadyang dumapo ang mga mata ko sa kwarto ng kapatid ko at bago pa man ako tuluyang maiyak ay pumasok na ako sa aking silid. Pagod akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.

I miss her. I miss everything about her. Kung sana lamang ay may nagawa ako para sa kaniya, kung sana noong una pa lamang ay nalaman ko nang mayroong siyang matinding pinagdadaanan.

I thought she was okay. Hindi siya nawawalan ng malawak na ngisi sa labi. Alam niya kung paano makikisama sa mga tao sa paligid niya. Idagdag pa iyong tawa niyang abot hanggang kanto. Kung titingnan mo siya ay para siyang normal at masayahing taong walang tinatagong kahit anong lungkot sa kalooban niya.

But little did I know that she was smiling to hide her injured soul, that those laughs and jolly personality were just an act so people wouldn't notice how broken she was.

It took me one week before I open her letter. Sa tuwing sinusubukan kong itong buksan ay palagi akong nabibigo, instead I am ended up crying. Nanginginig ang kamay ko habang marahang binubuksan ang sulat. Wala pa man ay unti-unti nang nanlalabo at nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko.

When I successfully opened the letter, seeing her familiar penmanship triggered my unshed tears. Sunud-sunod ang ginawa kong pag-iling habang tinutupi muli ang papel dahil hindi ko kaya. . . hindi ko pa rin kayang basahin. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya at wala man lamang akong nagawa upang sagipin siya. Mas lalo lamang akong kinakain ng guilt at umuusbong ang matinding paninisi ko kina Mommy at Daddy.

"You can do it, baby," mahinang pag-aalo sa akin ni Kean na nakaupo sa likuran ko, dahilan para mas lalong manikip ang dibdib ko at lumakas ang aking paghagulhol.

I was catching breathe. Mabilis na nagtataas-baba ang dibdib ko. Kinuha sa akin ni Kean ang papel at binuksan muli iyon.

"You are free to cry while reading her letter, Shae. Nandito lang naman ako, hindi kita pababayaan. Kapag masiyado nang masakit, yakapin mo 'ko. Pangako, dito lang ako. Hmm?" His brown eyes stared at mine.

I can see my reflection within it and I looked so devastated. I then tiredly closed my eyes when I felt his fingers brushing my hair.

It helped me go back to my senses. My shaky system calmed down as I stared back at him. It was hypnotizing me so before I could even speak, I found myself nodding and reading the letter.

Dear Ate,

Sorry for leaving you too early. Pinangako ko pa naman sa inyo na sa diploma niyo makikita ang pangalan ko but it turns out na sa lapida pala. Sorry if I let myself drown in the darkness but believe me, I tried. I tried everything to save myself.

Sa loob ng mahabang panahon, maraming beses kong sinubukan ang lumaban. Sinubukan kong sagipin ang sarili ko kasabay ng pagsubok kong abutin ang standards nina Mommy para sa 'kin pero imbis na makaahon ay pakiramdam ko'y mas lalo akong lumulubog.

Ate, hindi ko na kaya. I tried to do my best. I tried to be enough pero hindi talaga, eh. Palagi akong kulang. Habang tumatagal, mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita ang mga disappointed na mata ng mga tao sa paligid ko. Nahihiya ako pero kinakaya ko pa rin kasi nandiyan ka. Ikaw lang ang bukod tanging naniwala at naniniwala sa 'kin.

Ate, huwag kang umiyak, ah. Wala man ako sa tabi mo. . . gusto kong malaman mong masaya na ako kung nasaan man ako. Masaya na ako rito. Wala na akong expectation na dapat abutin. Hindi na ako mahihirapang magpanggap na masaya at ayos lang ang lahat. Malaya na akong maging ako. Wala nang disappointments.

Palagi kitang babantayan at gagabayan. Maging matatag ka, Ate. Kahit wala na ako sa tabi mo, palagi pa rin akong naka-suporta sa 'yo. Tuparin mo ang mga pangarap mo at palagi mong piliin kung saan ka sasaya. Mahal na mahal kita, Ate Shaeynna.

And for you Mommy, you're still the best Mom for me. Sorry if I always disappoint you and I'm sorry for not being like Ate, if I am not smart enough like her. Di 'ba, I asked you what I will do to make you proud and you answered, kapag nawala na 'ko.

Ito na 'yon, My. Wala na po ako.

And can I ask you a question again?

By any chance, did I make you proud now?

Always and truly,

Sharina

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro