Chapter 13
Trigger Warning
Suminghot siya at agad pinaalis ang butil ng luha na lumandas sa pisngi niya.
I remained shock and unable to move my feet. Ramdam ko ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Pilit kong pinapalakas ang tuhod kong nanginginig sa kaba at halo-halong emosyon. I can feel my hands trembling in goddamn nervousness. Ilang beses kong sinubukan na ibuka ang aking bibig upang magsalita ngunit wala akong mahagilap ni isang salita.
Did he just confess his feelings or I am just hallucinating? That's impossible!
"Prank ba 'yan? Nakakatawa, ah." I awkwardly laughed. Nang mapansin kong hindi siya natawa at natuwa man lamang sa sinabi ko ay unti-unting naglaho ang pekeng ngiti ko sa labi.
His face remained unreadable but his eyes were showing too many emotions. Umigting ang panga nito bago basain ang kaniyang pang-ibabang labi at suklayin ang itim niyang buhok gamit ang mga daliri. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-atras nang marahang humakbang ang mga paa niya papalapit sa akin.
Nahugot ko ang aking hininga nang maramdaman ang pagtama ng aking likod sa malamig na pader. My heart pumped wildly. Lalo na nang ipatong nito ang kamay niya sa pader, sa parteng ibabaw ng aking ulo. He cornered me and God knows how I took all my strength and courage just to push him away, but I couldn't.
Literal na kinakain ng matinding kaba ang lakas na mayroon ako. Hindi ko kayang tagalan ang mataman ngunit marahas niyang titig kaya pilit kong iniwas ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y kaunti na lamang ay mahuhulog na ang aking panty.
Hindi ko na kaya. Baka kapag tinitigan ko pa siya nang mas matagal ay tuluyan na itong mahulog!
"Hindi mo ba alam kung ilang baldeng lakas ng loob ang inipon ko para magtapat sa 'yo tapos tatawanan mo lang ako, hmm?"
He lifted my chin up, pilit na pinagtatagpo ang mga mata namin. I did all my best to avert his gaze but he didn't let me.
"I-I. . ." I stuttered.
His manly chuckles filled my ears. "I?"
"I do?" naguguluhan at hindi siguradong tugon ko, dahilan para malaglag ang kaniyang panga bago bumunghalit ng napakalakas na tawa.
Umirap ako at sinubukan siyang itulak palayo ngunit mabilis niyang nahawakan ang aking mga kamay.
He bit his lower lip, stopping himself from laughing. Nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit mas lalo lamang humigpit ang mainit niyang palad sa pagkakahawak niya rito.
"Seryoso ako, Shae," wika niya, "Ilang beses kong inakala na wala lang itong nararamdaman ko para sa 'yo. Ilang beses kong binalewala pero. . . tangina! Wala, eh. Habang tumatagal, lalong lumalala."
"P-Pero bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Because I'm afraid. . . I'm afraid that this feeling might ruin our friendship," nahihirapang tugon niya at nagpakawala ng isang pagak na tawa. "But now, I'm willing to take the risk. I'll risk everything. Bahala na kung anong mangyari. Basta ang mahalaga ay susugal ako, Shae."
"Susugal ako sa 'yo." dagdag pa niya.
We both stared at each other. He gently put my hands above his chiseled chest and I almost lost my balance when I felt his heartbeat pumping rapidly. I couldn't explain what exact feeling I'm feeling right now. Everything feels surreal. Hindi pa rin mag-sink-in sa utak ko ang lahat ng sinasabi niya ngunit habang tumatagal ay pabilis NA nang pabilis ang pagkalabog ng aking puso.
Natatakot akong kumurap dahil baka mamaya'y hindi naman pala ito totoo. Natatakot akong magtanong dahil baka mamaya ay binibiro lamang niya ako.
Lumalamlam ang mga mata niya nang pasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko, tila kinakabisado at nang bumaba ito sa aking labi ay bahagya niyang itinabingi ang kaniyang ulo.
Nanuyo ang aking lalamunan nang marahan niyang basain ang kaniyang mapula at malambot niyang labi.
He leaned closer to me and before our lips touched, we heard a familiar voice roaring with rage.
"You're such a disappointment, Sharina!" It was Mom's voice.
Mabilis kong itinulak palayo si Kean. Nagkatinginan kaming dalawa bago nagmamadaling tumakbo pababa ng hagdan. Habang papalapit kami nang papalapit sa direksyon kung saan nagmumula ang ingay ay mas lalong lumalakas at lumilinaw ang sigawan. Naabutan namin si Sharina na nakayuko at walang kibo habang patuloy naman sa panenermon si Mommy at dinuro-duro pa siya.
"I told you to study! Mag-aral ka nang mag-aral! Wala akong pakialam kung mabaliw ka na basta ang mahalaga ay maging matalino ka kagaya ng Ate mo!" Buong pwersa siyang itinulak ni Mommy dahilan para mapaupo ang kapatid ko sa sahig. "Pero anong ginawa mo, huh?! Naabutan kitang nakatambay sa labas ng bahay! Ayos lang sana kung hindi ka bobo kagaya ng ate mo!"
"Mom. . ." mariing saway ko kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao.
Tiningala ko si Kean para humingi ng tulong gamit ang mga mata. Umiigting ang panga niya at bakas ang matinding awa habang nakatingin sa kapatid ko.
"N-Nagpapahinga lang ako, My. I've been studying all day in my room—"
"I don't care! Wala akong pakialam kung ano pang dahilan mo! Hiyang hiya na ako sa ibang tao, Sharina! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na mayroon akong bobong anak! Kung alam ko lang na magiging ganito pala kahina ang utak ng anak ko, sana pinalaglag na lang kita!" humahangos nitong sigaw.
"Mom, that's too much! Huwag mo namang pagsalitaan ng ganiyan ang kapatid ko!" sigaw ko pabalik ngunit pinalisikan lamang niya ako ng tingin.
Nagtatagis ang bagang nito at madilim ang mga mata. Lumuhod siya sa harapan ng kapatid ko at dinuro-duro nito ang noo ni Sharina. "Alam mo sana hindi na lang kita naging anak, eh. Sana iba na lang at hindi 'yong kagaya mo."
"W-What will I do to make you proud, Mom?" Sharina suddenly asked in a low voice. Her tears were falling nonstop, her lips were quivering as she cried. Pain, sadness, and tiredness were evident in her eyes.
Nahihirapan akong lumunok dahil tila mayroong nakabara sa aking lalamunan. Hindi ko napigilan ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Pinaghalong awa, sakit, at inis sa sarili ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin ako sa kapatid kong labis na nasasaktan.
Mommy tilted his head and laughed sarcastically. "What will make me proud, huh? Mawala ka sa buhay ko. Be gone, Sharina. Iyon ay baka sakaling matuwa pa ako sa 'yo."
"Mommy, stop it! Sumosobra ka na!" My voice roared in the whole house. Akmang lalapitan ko ang kapatid ko ngunit mabilis itong tumayo at humihikbing tumakbo palabas ng bahay.
"Sharina!" pagtawag ko sa kaniya at susundan na sana siya nang mayroong humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako.
I looked at Kean. He shook his head at me and smiled a bit. "Ako na ang bahala sa kaniya. I'll make her safe. J-Just go and talk to your Mom. . ."
Nang sulyapan namin ang pwesto ni Mommy ay wala na ito roon. Pumasok na ito sa kwarto niya na parang walang nangyari kaya napabuntong hininga ako.
Kean held my hand tightly as he gave me a reassuring smile. "I'll go now." He kissed my forehead before leaving.
Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Nanghihina akong napaupo sa sahig at inihilamos ang dalawang palad sa mukha ko. For the nth time, hindi ko na naman na-proktetahan ang kapatid ko. I was such a useless, cowardly, and a good for nothing sister.
Sinubukan kong katukin ang pinto ng kwarto ni Mommy ngunit pinapaalis lamang niya ako dahil wala na raw siyang oras para makipag-usap pa sa akin. Bagsak ang balikat kong bumalik sa kwarto.
I was very thankful to Kean because he was true to his words. He made my sister safe. Kasalukuyang nananatili ang kapatid ko sa bahay nina Kean at doon na ako tuluyang nakahinga nang maluwag.
Sa loob ng dalawang linggo ay araw-araw ko siyang dinadalaw doon pagkatapos ng klase at masaya ako dahil mukhang okay at masaya naman siya roon. Okay lang naman sa parents ni Kean na doon muna siya magstay pansalamantala. Ilang beses din siyang pinuntahan doon ni Mommy at Daddy para sunduin ngunit paulit-ulit lamang siyang tumatanggi.
Mabuti na lamang ay nariyan si Kean at ang pamilya niya para sa amin. They treated us like a family. Ni hindi nila pinaramdam sa akin at sa kapatid ko na iba kami sa kanila. Minsan nga ay hindi ko na maiwasang mainggit sa samahang mayroon sila kasi ang hirap ng pakiramdam na kompleto nga kayo pero hindi naman kayo masaya. Na dapat ay sila ang papawi ng pagod na nararamdaman mo ngunit hindi naman ganoon ang nangyayari.
I heaved a deep sigh and smiled bitterly.
"Ate?"
"Hmm?"
Today is Friday. Dito ako nagdesisyong matulog sa bahay nina Kean para makasama ang kapatid ko. I've been very busy these past few days kaya simpleng pagdaan at pagdalaw lamang ang nagagawa ko. Marami pa rin akong nakabinbing gawain ngunit nagdesisyon akong ilaan ang araw na ito para makasama ang kapatid ko.
"Are you. . . proud of me?" she asked using a low tone but those words were completely clear from my ears.
Pareho kaming nakahiga sa malambot na kama at nakatitig sa kulay puting kisame. Tulog na ang mga tao sa buong bahay at tanging tunog at ugong na lamang ng electric fan ang maririnig sa buong paligid.
"Bakit mo naman naitanong 'yan? Siyempre oo naman 'no!"
She smiled widely. "Talaga? Kahit na bobo ako?"
Tumagilid ako. Ginamit kong unan ang isa kong braso bago pitikin ang noo niya. "Gaga ka! Hindi ka bobo, okay?"
Her eyes twinkled as she laughed. Hindi ko maiwasang mapangiti at mapatitig sa kaniya dahil maraming nagsasabi na magkamukhang-magkamuha raw kami lalo na kapag tumatawa o hindi kaya'y ngumingiti. . . which is totoo naman talaga.
"Ano ka ba? Tanggap ko na 'yon, matagal na."
"Hindi nga kasi, Sharina! H'wag mong sabihin 'yan!" I hissed and she rolled her eyes.
"E'di okay hindi na. Ito naman, G na G kaagad!" natatawang aniya bago magpakawala ng malalim na buntong hininga.
A small smile left in her lips as she remained staring at the ceiling habang ako'y hindi inaalis ang mga mata sa kaniya.
I don't know what's happening but my heart hurts awfully while staring at her.
Hindi ko magawang alisin sa kaniya ang mga mata ko, na animo'y ito na ba ang huling pagkakataong makikita ko siya. I am remembering every inch of her face. With her upturned deep-set eyes, long eyelashes, pointed nose and heart-shaped lips, every inch of her face screams perfectness.
"Ate Ynna. . . ako ang magiging pinakamasaya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo. Kahit hindi na tayo magkasama. . . palagi pa rin kitang babantayan at aalagaan. You're the best Ate in the world!"
I got teary-eyed with what she had said. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at sincerity niya habang sinasabi niya iyon pero hindi ko maiwasan ang magtaka. Suminghap ako at kinunotan siya ng noo.
"Why are you telling me this?" I asked, confused.
Her eyes and lips were smiling genuinely at me when our eyes met.
"Wala lang. You know, deep talks?" She roared with laughter again but I didn't.
Nang mapansin siyang hindi ako natawa ay ngumuso siya at yumakap sa akin. Pilit siyang nagsusumiksik sa leeg ko bago paulit-ulit na hinahalikan ang pisngi ko.
"I hope in another life, you're still my Ate. And I hope for another life. . . I'll make them proud."
That's her last word before dozing off to sleep.
But I should have known better. . .
It was raining cats and dogs outside. Nakaabang ako rito sa labas ng classroom namin habang hinihintay si Kean at ang pagtila ng malakas na ulan. Pumunta kasi siya sa library para ibalik iyong librong hiniram niya, hindi na niya ako pinasama pa dahil baka mabasa lang ako ng ulan.
I was tapping my foot on the ground while looking at my ticking wristwatch. I sighed and brushed my hair using my fingers.
Kailangan pa rin naming dumaan sa Dunkin' Donut dahil nag-request sa akin si Sharina na ibili ko raw siya niyon. Punong puno ng excitement ang puso ko dahil sa wakas ay naisipan na rin niyang umuwi sa bahay. Nahihiya na raw kasi siya kina Kean at saka namimiss na raw niya iyong room niya. Siyempre hindi ko naman siya pinigilan. Noong sabihin nga niya iyon ay halos magtatalon ako sa tuwa, eh.
Natigilan ako sa pag-iisip at bahagyang napatalon sa gulat nang tumunog ang phone ko. I took it out from my pocket and my forehead creased when I saw my Mom's number which is very unusual for me. Never naman siyang tumawag sa akin except na lang kung mayroon siyang iuutos or emergency.
My lips twitched when suddenly my heart begins to beat rapidly for unknown reason. Umihip ang malakas na hangin at nasundan ng nakakatakot na kulog at kidlat.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa braso sa hindi malamang kadahilanan. I was just staring at my phone hanggang sa tumigil ang tawag ngunit wala pang isang minute ay nag-ring muli ang cellphone ko.
My hands were trembling as I clicked the answer button.
"Hello, Mom?"
"S-Shaeynna. . ." she muttered between her sobs.
Shock crossed my face, leaving my mouth slightly open.
"M-Mom? W-What's happening? B-Bakit ka umiiyak?" Imbis na sagutin ako ay mas lalo lamang lumakas ang paghagulhol niya na siyang nagdulot ng matinding kaba sa 'kin. Nagsimula nang manubig ang mga mata ko nang hindi pa rin siya sumagot sa ilang beses kong pag-uulit sa tanong.
"M-Mom. . . what the hell is happening?!"
"A-A-Ang kapatid mo. . ."
"Anong nangyari sa kapatid ko?" Tila hangin ang salitang lumabas mula sa bibig ko.
"Shaeynna. . . wala na siya!" she cried.
I blinked and tried to process everything she said. I can feel my heart throbbing in pain as a tear fell down from my eye silently.
"W-What do you mean n-na wala na siya, Mommy? D-Did she left our house again—"
"She's dead, Shaeynna! Wala na ang kapatid mo! Kaya please. . . please umuwi ka na. Kailangan ka namin dito!"
That's when I felt like my world suddenly stopped from rotating. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak ng aking mundo. Ang puso ko'y unti-unting nadudurog ngunit mayroon pa ring katiting na pag-asa na hindi totoo ang lahat nang ito. . . but everything shattered into pieces when I got home.
At the age of sixteen, she left us. She was gone.
I didn't save her. . . again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro