Chapter 12
Tama iyong sinabi ni Terrence. Nakakainis dahil aminado akong masiyado akong naging assuming na mayroong something sa amin ni Kean. For heaven's sake, Shaeynna! It was just a kiss! Ni wala ngang sinabi sa'yo iyong tao na gusto ka niya or whatever. . . ikaw lang 'tong gaga na nag-assume ng bongga.
Kung talaga mang gusto ako ni Kean, edi sana noon pa, hindi ba?
Ang buong semestral break ay inilaan ko lamang kasama ang pamilya ko. We celebrate our Christmas in Tagaytay at ang New Year naman ay sa bahay ng grandparents ko sa Sariaya, Quezon.
Ilang beses akong sinubukang puntahan ni Kean sa bahay ngunit panay naman ang tago at iwas ko. As much as possible, ayaw ko munang makita at makasama siya. Gusto ko munang magmove-on kahit papaano, kahit kaunti lamang. Gusto kong subukan na mabawasan kahit kaunti man lang iyong nararamdaman ko para sa kaniya pero alam ko namang malabo pa sa imposibleng mangyari iyon.
Kung noon ay isang text, tawag, or chat lamang niya sa akin sa tuwing kailangan niya 'ko ay agad akong susulpot sa harapan niya, ngayon ay hindi na. Pinipilit kong huwag nang maging marupok.
Jusko! Tama na siguro iyong ilang taon na palagi ko siyang inuuna sa kabila ng lahat ng mga ginagawa ko. Unti-unti ko nang tinatanggap na baka hanggang pagiging magkaibigan lamang talaga kaming dalawa. At isa pa, mayroon ding kumakalat na balita sa campus na nagkakamabutihan na raw sila noong ka-blockmates niyang si Sophia. Iyong nag-aya ng date sa kaniya.
Akala ko noong una ay pagbibigyan lamang niyong babae pero nitong sembreak ay nababalitaan kong madalas na silang magkasama at lumabas dalawa.
"Matutunaw na 'yang ice cream mo," ani Terrence kaya napabalik ako sa ulirat.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago ibinaba ang tingin sa ice cream kong unti-unti na ngang natutunaw. Kasalukyan kaming nakatambay dito sa plaza. Kakauwi lamang niya galing Pangasinan at dumiretso agad siya sa bahay para yayain akong gumala at kumain. Hindi naman na ako nakatanggi dahil inip na inip na rin naman ako sa bahay.
Tahimik kong nilantakan ang vanilla ice cream ko. Mula sa peripheral vision ay kita ko ang matamang titig sa akin ni Terrence. Mukha siyang shunga na natatawa at naiiling habang pinapanood akong kumain.
I frowned and smacked his arms. "Ano bang problema mo? Ba't mo 'ko pinagtatawanan, huh?"
"Wala naman. Ang cute mo lang kasi kumain," nakangising sagot niya at mayroong dinukot sa bulsa ng kaniyang brown na khaki short.
Umangat ang kamay nito at at napasinghap naman ako nang unti-unting dumampi ang hawak nitong panyo sa gilid ng labi ko.
"Ang kalat mo naman sumubo!" asik niya kaya bigla akong nasamid sa sarili kong laway.
Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa buong mukha ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Punyemas! Bakit pakiramdam ko ay double meaning iyon?
He bit his lip, suppressing his laugh. Tumingin ako sa hawak kong ice cream pabalik sa kaniya at nang magsalubong ang mga mata namin ay humagalpak siya ng tawa.
"Hala siya! Green minded ka, girl?"
"Bwisit ka talaga, Terrence!" Binato ko siya ng aking tsinelas nang tumakbo ito palayo sa akin.
Gabi na nang magdesisyon akong umuwi. Dumaan pa kasi kami sa bahay nina Terrence para manood ng isang movie. Mom knows him naman kaya hindi siya nag-aalala kung saan man ako magpunta. These past few weeks kasi ay si Terrence ang madalas kong kasama. Imbis na magmukmok sa bahay ay palagi niya akong dinadala kung saan para ma-divert naman ang atensyon ko sa ibang bagay. I didn't complain, though. He was a good friend to me. Masarap din siyang kasama kahit na may pagka-pilyo minsan.
"Salamat sa paghatid, Terrence. Ingat ka." I gave him a soft smile.
Matagal siyang tumitig sa akin na tila ba minememorya ang bawat detalye ng mukha ko. He pushed his tongue against his cheeks and nodded his head slowly. Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang itim na buhok at nagulo iyon nang humampas ang panggabing hangin.
I laughed a little.
"Thank you rin, Ynna. You always make me happy. . . next time ulit?"
I was about to say yes when someone coughed from behind. Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Kean na nakasandal sa gate at walang mababakas na kahit anong ekspresyon sa mukha habang papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Magkakrus pa ang mga braso nito sa kaniyang dibdib.
Anong ginagawa niyan dito?
I noticed how his jaw clenched when Terrence walked towards him and tapped his shoulder.
"Pre, nandito ka pala? Gabi na, ah?" tanong ni Terrence, "Hinatid ko lang 'tong si Ynna pero pauwi na rin ako. Gusto mo sabay na tayo?"
Kean licked his lower lip, lazily shaking his head. Umayos siya ng tayo at humakbang papalapit sa akin. Inakbayan niya ako at hinapit papalapit sa kaniya. My lips protruded as I felt the shortage of my breath when our skin touched.
"Hindi na. Mauna ka na, pre. May kailangan pa kaming pag-usapan ni Shae," malamig na tugon ni Kean.
Kumunot ang noo ko at sinubukang tanggalin ang pagkakaakbay niya sa akin ngunit mas lalo lamang niya akong hinapit papalapit sa kaniya.
"Uhm. . . a-ano. . . -t-tama si Terrence. Gabi na kaya umuwi ka na rin. S-Saka na lang tayo mag-usap." I stuttered.
Terrence puffed his cheeks and looked away. Siguro'y pinagtatawanan na naman ng lokong ito ang itsura ko, palagi na lang.
"Sige, una na 'ko," saad ni Terrence at tumango siya sa akin. "Labas ulit tayo bukas—"
"Sige na, pre. Uwi ka na! Uulan na, oh!" Bahagyang itinulak ni Kean si Terrence sa balikat.
Malutong na tumawa si Terrence bago nangi-ngiting umiling, tumalikod at naglakad palayo. Napasimangot ako nang tumingala ako sa langit at nakitang punung-puno iyon ng bituin.
Ganiyan ba ang uulan?! Epal talaga!
Imbis na magreklamo at singhalan siya sa pagiging pakialamero niya ay tahimik ko na lamang na tinanaw ang papalayong bulto ng lalaki.
Namayani ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Tanging pagaspas ng malamig na hangin at tunog ng kuliglig ang maririnig na ingay sa paligid. Ang maliwanag na bilog na buwan ang nagsisilbing tanglaw sa madilim at mapayapang gabi.
"So, close na pala talaga kayong dalawa? You call him Terrence, huh?" Pagbasag niya sa katahimikan.
There's a hint of bitterness and unknown emotion in his voice. Kung ano man iyon ay sisiguraduhin kong hindi na muli ako magpapadala sa kaniya!
Stop na. Tama na. Hindi na ako marupok!
Umirap ang mga mata ko sa ere at padabog na inalis ang braso niyang nakadantay sa balikat ko. I crossed my arms and shot up my brows after hearing his question.
"Eh ano naman ngayon kung close kami?" Sinadya kong banggain ang balikat niya nang lampasan ko siya.
Mabibigat ang hakbang ng paa ko habang naglalakad papasok ng bahay. Hindi maipinta ang mukha ko at nagsisimula na akong lamunin ng inis. Sinubukan niya akong hawakan ngunit agad ko iyong iwinaksi.
"Shae. . . h-hindi naman gano'n,"
Biglang umamo ang kaniyang boses.
"Good evening ate—"
Nang makapasok kami sa bahay ay sinalubong kami ng nakangiting si Sharina ngunit nang makita niya ang hilatsa ng mukha ko ay agad siyang napaatras at nawala ang ngiti sa kaniyang labi. She then cleared her throat and looked meaningfully at Kean.
"S-Sa labas muna ako ate, huh? A-Ano kasi. . . masiyadong mabanas dito," paalam niya at hindi pa man ako nakakasagot ay kumaripas na siya ng takbo palabas ng bahay.
Ngumiwi ako at napailing na lamang. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa hagdan ngunit ramdam ko pa rin ang pagsunod sa akin nitong epal na lalaki sa likuran ko. Mukha siyang maamong bata na pinapagalitan ng nanay.
"Shae—"
"Umuwi ka na nga, Kean. Magpapahinga na ako!" singhal ko sa kaniya.
"Hindi ako uuwi, mag-uusap pa tayo!" Ngumuso siya at sunud-sunod na umiling. "Ano bang problema natin, Shae? Bakit iniiwasan mo 'ko? D-Did I do something wrong?" Marahan niya akong hinawakan sa braso at hinigit paharap sa kaniya.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya kaya naman hinawakan niya ang baba ko at pilit na ibiniling ang mukha ko para matitigan ko siya sa mga mata.
When our gaze collided, I felt like my knees were trembling.
My heart was skipping a beat and the walls that I'd been building were slowly melting. I could see the unclear emotions in his eyes; a mixture of sadness, pain, bitterness—hindi ko sure. Ayaw ko na lamang mag-assume dahil baka mamaya ay nami-misinterpret ko lamang pala iyon.
"Kean. . ." I sighed. Nahihirapan akong mag-explain. "Wala naman sigurong masama kung sumama at lumabas ako kasama ang ibang lalaki, 'di ba? I mean, oo, matagal na tayong magbest-friend pero hindi naman puwedeng sa 'yo lang iikot ang mundo ko. May sarili rin akong buhay at saka. . ." Tumikhim ako at binasa ang aking labi dahil nakakailang ang titig na ibinibigay niya sa 'kin. Mas lalo pa akong nanigas sa kinatatayuan ko nang mula sa baba ay bumaba ang kamay niya patungo sa aking baywang.
A squeeze in my waist sent a tingling sensation to my system. "At saka ano, Shaeynna? Hmm?"
"At saka. . ."
He suddenly pushed me against the wall. Napaawang ang labi ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. I tried to utter some words pero tila napipi ako't naubusan ng mga salitang sasabihin. Naging blangko ang utak ko at bigla akong nataranta nang ipatong niya ang isa niyang kamay sa pader, sa ibabaw ng ulo ko. "At saka natatae na ako! Tumabi ka nga!"
Buong pwersa ko siyang itinulak palayo sa akin at tumakbo papasok sa aking kwarto. I slammed the door, leaving him dumbfounded there. Sumandal ako sa likod ng pinto at wala sa sariling napahawak sa aking dibdib na kumakalabog ngayon ng sobrang bilis.
Jusmiyo, marimar! Muntik ko nang masabi na 'at saka nagmo-move on na ako sa 'yo" mabuti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko't nakaisip ng maganda ngunit nakakadiring alibi!
Nang kumalma ang puso ko ay saka lamang ako nagdesisyong lumabas ng kwarto. I was silently praying na umalis na si—
"Okay ka na, Shae?"
Napatalon ako sa gulat nang makita si Kean na nakasandal sa pader. Umayos ito ng tayo. Awang ang labi kong tumitig sa kaniya habang papalapit siya sa 'kin.
"A-Akala ko nakaalis ka na?" mahina at gulat kong tanong.
His jaw clenched as his brown eyes turned dark. "You know me, Shaeynna. Hindi ako aalis dito sa bahay niyo hangga't hindi tayo okay at hindi tayo nakakapag-usap ng maayos. Wala akong pakialam kahit na makulitan ka pa sa 'kin at dito na ako magpalipas ng gabi—"
"Okay naman tayo, Kean." I faked a laugh. "Promise, okay tayo. S-Sadyang ano lang. . . busy lang ako."
He mockingly scoffed. "Busy with what? With that guy?"
Mariin akong pumikit at ginulo ang aking buhok. Hindi ko na talaga alam kung saan na patungo itong usapan namin. Masiyado nang nakakatakot ang bilis ng tibok ng akong puso.
Kaya naman nang magmulat ako ay punong-puno ng samo't saring emosyon ang aking mga mata.
"Eh ano naman ngayon sa 'yo kung lumabas ako kasama si Terrence? Single siya, single din ako. Hindi ba puwedeng maging masaya ka na lang para sa 'kin—"
"Hindi. . ." he cut me off and bowed his head. He looked exasperate pero kagaya nga nang sinabi ko, ayaw ko mag-assume.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. "Seriously, Kean? Bestfriend mo ako pero hindi mo ako magawang masuportahan—"
"Kasi nagseselos ako!" sigaw niya na nakapagpatigil sa akin.
Kumurap-kurap ako. Did I hear him right o baka naman mali lamang ang nadinig ko o nag-iilusyon lang ako?
"W-What. . ."
"Nagseselos ako, Shae. Hindi ko alam kung bakit. I-I don't want to feel this way pero naiisip ko pa lang na may kasama kang iba. . . nasasaktan na ako." His voice cracked. Nang mag-angat siya ng mga tingin ay saka ko lamang napansin ang pamumula ng kaniyang mga mata at bahagyang kumislap iyon sa nagbabadyang luha dahilan para tuluya nang malaglag ang panga ko.
"P-Paano. . ."
"I'm in love with you, Shae. I just kept it to myself because I couldn't stand to lose you but I also realized that I don't want us to stay friends." Unexpectedly, a tear fell from his eye and it made my damn heart beat rapidly. "I want something more than that."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro