Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

All my life I've been dreaming and wishing that my first kiss will be something romantic kagaya noong napapanood ko sa mga movie.

I thought it would be under the mistletoe, under the rain, in the cinema or even inside the dark room but I was wrong. Akalain mo ba namang sa sementeryo pa nangyari ang first kiss ko at ang masaklap pa ay mayroong nakahuli sa amin. Nakakahiya! Hindi ko tuloy alam kung makakaya ko pang bumalik doon. Mukhang hindi na yata. Wala na akong mukhang maihaharap sa Lola ni Kean. Mabuti na lamang ay hindi siya bumangon mula sa hukay para sakalin at kurutin kami sa singit dalawa.

I bit my lip to suppress my smile. In fairness, ang sarap niyang humalik, huh?

My cheeks were burning and red like a tomato when I remembered that night. Magkahalong kilig at hiya ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang tukaang iyon. Walang imikan kaming dalawa hanggang sa maihatid niya ako sa bahay.

Hindi rin ako makatingin nang tuwid kahit na nararamdaman ko ang mataman niyang titig sa 'kin.

After that night, alam kong may nag-iba sa aming dalawa. Iyong paraan ng palitan ng tingin sa isa't isa at iyong closeness naming dalawa, it became more deeper and meaningful than before.

I could feel the wordless connection between us.

Napasabunot ako sa aking buhok bago kinikilig na gumulong sa aking kama, hindi nawawala ang malawak na ngisi sa labi. Kapag talagang naaalala ko ang pangyayaring iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko'y lumulutang ako sa ere at awtomatikong nangingiti ako na parang baliw.

Bumangon ako't napagdesisyunan na lamang na magpatugtog sa radyo ngunit agad ding nabura ang ngiti sa labi ko nang bumungad sa akin ang pamilyar at sikat na kanta.

Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiwi habang pinapakinggan ang lyrics. Hindi ko alam kung anong mayroon ngayong araw na ito na para bang sinasadya akong inisin ng tadhana dahil halos ng lyrics na naririnig ko mula sa kanta ay para bang pinapatamaan ako.

Kaya naman sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang patayin ang ang radyo at marahas na bumuga ng hangin.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo at nagdesisyong buksan ang tv, baka sakaling may matino pa akong movie na mapanood. Nang bumukas ang tv ay nakangiti akong umupo sa sofa, prente kong itinaas ang paa ko sa lamesa. Bumungad sa akin ang palabas nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Nasa medyo gitnang part na kaya nanghinayang ako. Sayang, mukhang maganda pa naman pero hindi ko nasimulan.

At kung tinatamaan nga naman ng lintik ay sakto pa talaga iyon sa parte na kung saan nagco-confess na ang bidang babae sa kaniyang best friend.

I muttered under my breath as I watched them throwing their heavy and heartbreaking lines.

Dahil doon ay mas lalo lamang lumala ang frustrations na nararadaman ko magmula kanina pa.

Seriously? Bestfriend na naman?! Talaga bang sinasadya akong pagtulungan ng panahon at tadhana?! I messed up my hair and groaned.

Pinatay ko ang tv at pabagsak na inihagis ang remote sa sofa. Makapag-advance study na nga lang!

Time flies like a snap of a finger. Fortunately, I survived the first semester. Makukuha ko na rin ang inaasam kong mahabang tulog! Sobrang puyat at pagtitiis ang ginawa ko nitong mga nagdaang araw.

May mga gabing naiiyak na lamang ako sa isang tabi sa sobrang stress at naisipan ko na ring sumuko o di kaya'y magshift sa ibang course, but of course, Mom didn't let me. Idagdag pa iyong araw-araw na pressure na binibigay sa amin ng parents ko, dahilan para mas piliin na lamang namin ni Sharina na magkulong sa kaniya-kaniyang kwarto kapag nasa bahay sina Mommy. Saka lamang kami nakakahinga nang maluwag kapag wala silang dalawa.

"Sharina, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay, huh? H'wag kang aalis. Pupunta lang akong school, tatapusin ko clearance ko. Babalik din ako agad," I said while tying the lace of my shoes.

She lazily nodded her head at walang imik na muling ibinalik ang atensiyon sa tv. These past few days ay napansin ko ang kakaiba niyang kinikilos. Something's off with her. I could sense it. Pero sa tuwing tatanungin naman siya kung anong problema ay palaging 'wala' ang isinasagot niya. Kapag pinipilit ko naman siyang sumagot nang maayos ay nagagalit siya at basta na lang akong tatalikuran.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pala-pulsuhan niyang nakabalot na naman sa panyo. Tiim bagang ko iyong tinitigan at nang mapansin niyang nakatitig ako roon ay agad niyang itinago sa kaniyang likuran.

"A-Alis ka na, 'teh. Para makabalik ka na rin agad," aniya, hindi makatingin sa 'kin.

My lips formed into a thin line as I nodded. Ginulo ko ang kaniyang buhok bago tuluyang magpaalam. Sumakay ako ng tricycle patungong SLSU. I

I am wearing a simple white v-neck shirt tucked-in in my denim skirt. It was paired by white sneakers. Naka-pink na sling bag lang ako at iniwang nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok. Habang naglalakad papunta sa aming building ay nakasalubong ko ang grupo ni Terrence. Adrian wants me to call him that, so I did.

Nagngitian kaming dalawa.

He then bit his lower lip while his whole face became red, blushing.

"Si Cap, kinikilig!" biro sa kaniya ng mga kaibigan niya.

Nahihiya ngunit natatawa niya itong sinaway. Dire-diretso lamang ang lakad ko dahil kanina pa ako hinihintay nina Eloisa at Trisha. Paniguradong umuusok na ang ilong ng mga iyon sa galit.

Habang inaabangan ang Professor namin sa Math of Investment sa labas ng faculty room ay inabala ko ang sarili ko sa phone.

Ka-chat ko si Kean ngayon at inaaya niya akong kumain mamaya pagkatapos nitong clearance. Narito rin siya ngayon sa school kasama ang ilan niyang ka-blockmates dahil may dalawa pa silang subject na hindi napipirmahan ng Prof. Nang matapos kami sa clearance ay nakahinga na ako nang maluwag. Finally! Makakalabas na kami ni Kean ko! Inilabas ko ang phone ko upang i-chat siya na tapos na ako at hihintayin ko na lamang siya sa student's lounge.

"Hindi na kita masasamahan dito, Shae. May trabaho pa ako," ani Eloisa kaya tumango ako.

"Okay lang 'yon, ano ka ba? Kaya ko na ang sarili ko. Padating na rin naman si Kean." I gave her a reassuring smile.

"Ako rin, Shae. Sasamahan ko kasi si Mama mag-grocery. Kanina pa niya ako hinihintay," malungkot na usal naman ni Trish.

I chuckled and shook my head. "Okay lang talaga. Sige na, mauna na kayo. Enjoy the Christmas break and the sembreak!"

They nodded and waved their hands as they finally bid their goodbyes.

Nakangiti ko silang tinanaw palayo. I checked my phone again but still, I've still got no message from that guy. Nagkibit balikat ako at nagdesisyon na mag-restroom na lamang muna. Dadaan na rin ako sa room nina Kean to check on him.

Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang ingay mula sa room nila. Kaya naman pala, eh. Mukha yatang nagkakatuwaan pa sila roon. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lalong lumalakas at lumilinaw ang mga boses. May ilan pang nakikisilip at nakikichismis mula sa katabing room nila, ang mga ngiti'y animo'y kinikilig.

"Sagutin mo na kasi Kean..." dinig ko ang malutong na halakhak ng isang lalaki at mga tilian ng mga kababaihan.

My forehead knotted in confusion.

Naintriga ako kaya naman bahagya akong sumilip sa loob at mas lalo nga akong napuno ng pagtataka nang makita si Kean at isang magandang babae na nakatayo sa gitna habang napapalibutan ng mga kaklase nila. All of them were smiling widely, may ilan pang may hawak na cellphone at kumukuha ng video.

"Sige na, Kean! Ilang skyflakes din ang kinain niyang si Sophia para pampalakas ng loob at makapag-confess sa 'yo 'no," saad pa ng isang babae.

Nahihiyang yumuko ang babaeng tinawag nila ng Sophia. Namumula pa ang mukha at tainga nito habang si Kean naman ay may malaking ngisi lamang sa labi. He licked his lower lip and ran his fingers through his hair that made other girls gasped.

"Kahit isang date lang, Keith Angelo. S-Sana mapagbigyan mo ako," Sophia said shyly, medyo nanginginig pa ang boses nito marahil ay sa labis na hiya at kaba.

Napalunok ako dahil sa hindi maipaliwanag na kirot sa dibdib. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay mauubusan ako na ako ng hininga rito sa kinatatayuan ko.

Everyone's anticipating Kean's answer. . . and that everyone includes me. May kaunting kirot akong naramdaman sa aking dibdib ngunit binalewala ko iyon. I know and I am confident that Kean would truly say no. Kilala ko ang lalaking iyon. Kung mayroon man siyang kinaaayawan sa isang babae ay iyon ang babae ang gumagawa ng first move.

I clenched my fist as I saw how his eyes glistened in amusement. The side of his lips rose and in a slow yet gentle movement, he nodded his head.

It made the crowd cheer like they've won the game. Tila mayroong sumuntok sa aking dibdib kasabay ng pagbagsak ng balikat. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang sulok ng aking mga mata.

I suddenly felt suffocated in that place kaya kahit nanghihina ang mga tuhod ay pinilit kong inihakbang ang mga paa ko paatras at unti-unti nang naglakad palayo.

I thought that there was something between us. He freaking kissed me! That's why I thought he liked me and we were trying to step up to the next level.

Bago pa man tumulo nang tuluyan ang mga luha ko ay mayroong humigit sa pala-pulsuhan ko at walang imik na kinaladkad ako palabas ng building namin.

"A-Adrian." My voice broke.

"It's Terrence for you, Ynna." He gave me a quick look.

Hindi na ako nakapalag pa nang tuluyan na kaming malakabas ng campus. Tumawid kami sa kalsada at pumasok kami sa Café Florentina. Ibinuka ko ang aking bibig para magtanong ngunit agad ko rin iyong maitikom nang makita ang seryoso nitong mukha. Salubong ang kaniyang kilay at umiigting ang panga. Dumiretso kami sa counter at inabala ang kaniyang sarili sa pagtingin sa menu.

"What do you like to eat?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.

My eyes widened and shook my head. "H-Hindi na. . . s-si Kean—"

"Accountant student ka di 'ba?" he cut me off.

I nodded my head, confused.

"So, you know what's the golden rule in Accounting?"

I bit my lower lip and asked him in a low voice. "W-What?"

"Don't assume unless otherwise stated," he uttered and pinched my cheeks. "You should apply it in your own life, Shaeynna. I bet Kean never said he likes you nor he loves you. Ikaw lang itong nag-assume, right? Well, that's what you get when you're assuming too much." He laughed and pushed his tongue against his cheeks.

I remained still.

He tsk-ed and scoffed. "Too bad. Sometimes we create our own heartbreaks through expectation," dagdag pa niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya

I couldn't look at him because he was right.

I was guilty.

I expected that Kean and I would have something. . . now, I am hurting because of my own expectations. Do not assume unless otherwise stated. From now on, I'll take note of that.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro