Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"Congratulations!" My parents greeted me when I went off the stage.

Dad handed me a bouquet of roses while Mom kissed my cheeks side by side.

"You did excellent, Shae! But I'll be expecting your best in college." Mommy gave me a weary smile. "But nonetheless, we're proud of you."

"Thank you, Mommy and Daddy. Para sa inyo 'to." Hinubad ko ang limang medalya na nakasabit sa aking leeg at ibinigay iyon sa kanilang dalawa.

I graduated as the valedictorian of our batch. Everyone was genuinely happy for me, lalo na ang parents ko. Well of course, ginawa ko naman ang lahat ng ito para sa kanila. I want them to be proud of me, but if someone asks me right now if I'm happy, I definitely answer it with, "Okay lang."

Okay lang dahil simula naman noong bata pa ako ay hindi na ako nawala sa list of honors kaya hindi na ako nagugulat o nakakaramdam ng kung anong excitement every time na umaakyat ako sa stage para kunin at isuot ang mga medalya.

Oo nga't pinaghirapan ko ang lahat ng iyon pero nakakaumay din, eh. Parang wala nang bago. Wala nang excitement.

Hindi ko naman 'yon ginagawa para sa sarili ko. Sa totoo lang ay ayos lang sa akin kung wala man akong matanggap na medalya or kung hindi ako kasali sa honor all list. The only important thing for me was to learn and just enjoy my life. 'Yon lang naman.

Pero siyempre, I need to do this because of the high expectations of my parents and other people that surround me. Ang ayoko sa lahat ay na-di-disappoint ko ang mga tao sa paligid ko.

"Ga, nag-make-up ka?" Kean asked. He tilted his head a bit while looking at me from head to foot. His brown eyes were shining beautifully.

I nodded proudly at him.

"Yes, Go! Ang ganda ko 'no? 'Yan ang tinatawag na gandang hindi mo inakala!" pagyayabang ko pa sa kaniya.

He cringed his nose like he was really disgusted with my words. "Gandang ikaw lang ang naniniwala kamo."

Buong pwersa ko siyang hinampas sa balikat ngunit kaagad naman niya iyong naiwasan. Nagawa pang tumawa nang malakas ng loko!

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi mo pa nga ako binabati riyan, nang aasar ka na!" singhal ko.

He mimicked me. "Bakit naman kita babatiin, eh hindi naman masarap 'yong shanghai niyo at saka, birthday mo ba, ha? Birthday mo?" singhal niya pabalik sa akin habang punong puno ng pagkain ang bunganga.

Umingos ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Kadiri talaga! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang maisip kung bakit naging bestfriend ko 'tong siraulong ito. Ang gwapo sana kaso ang balahura lang ng pag-uugali.

Nalukot ang aking mukha ko Tumayo ako at nagpamewang sa harapan niya. Tumingala siya sa akin na animo'y isang inosenteng bata.

"Graduation ko kaya, Kean! Hindi mo nga man lang ako binati ng congratulations tapos ikaw pa ang kauna-unahang humipak sa mga handa ko kanina lalo na ro'n sa shanghai, tapos sasabihin mo hindi masarap?!"

"Weh? Share mo lang? Galit ka na niyan? Hina mo naman?!" pang aasar na naman niya.

Umirap ako at tinalikuran siya. Nagdadabog akong bumalik sa loob ng bahay para asikasuhin ang iba pa naming mga bisita. Ayaw kong masira ang araw ko dahil sa isang 'yon kaya mabuti pang umalis na lang.

Medyo marami rin ang taong dumalo sa handaang ginawa namin. At halos doon ay kamag-anak ni Mommy at Daddy. Narito rin ang mga kaibigan nila at ilan naming mga kapitbahay.

Wala pang ilang minuto ay hindi rin ako nakatiis. Sumilip ako sa bintana para malaman kung ano na ang ginagawa ni Kean dahil hindi niya 'ko sinundan dito sa loob. Nang makita ko siyang nakikipagkwentuhan sa bunso kong kapatid na si Sharina ay ipinagkibit balikat ko na lamang at bumalik na sa ginagawa.

Sa aming magkakaibigan ay si Kean ang pinaka-close ko ever since. Siguro dahil na rin sa magkalapit lang ang bahay naming dalawa kaya siya ang mas madali ko siyang nalalapitan.

"Anong plano mo sa college?" one of my auntie's asked.

"Nag-entrance exam na po ako sa SLSU kaso hindi pa po lumalabas ang result eh," I answered.

"Gan'on ba? Ano namang kinuha mong kurso?"

"Accountancy po."

Mas matanda sa akin si Kean ng isang taon at kapareho ng kurso ni Kean ang kinuha ko. Bata pa lamang kami ay pangarap na talaga namin ang magtrabaho sa bangko o kahit sa opisina. Noon ay naguguluhan pa kami kung anong kurso ba talaga ang dapat at gusto naming kunin.

Then as the time goes by, na-realize namin pareho na gusto naming na maging Accountant, dala na rin siguro ng udyok sa akin ni Mommy na iyon ang kunin kong kurso kaya pinilit ko iyong gustuhin.

Alam ko kasing kahit anong gawin ko ay doon at doon pa rin ako babagsak.

Sa isang State University kung nasaan ang ugok kong best friend napiling mag-aral. Dito lamang din iyon sa bayan namin, hindi ko na kinakailangang lumayo dahil hindi rin naman ako papayagan. Walking distance lang din kaya sobrang convenient para sa akin. May motor naman si Kean kaya paniguradong hindi naman ako pababayaan n'on.

"Wait kinakabahan ako," I nervously said and held my chest.

Tila sumisikip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ngayon ire-release ang mga pangalan ng pumasa sa entrance exam at in-announce na rin ng SLSU na nakapost na iyon sa website nila kaya agad kong tinawagan si Kean para papuntahin siya rito sa bahay.

Naabala ko pa yata ang pagtulog niya. Ang loko, hindi man lang nag-abalang magbihis. Pumunta talaga siya rito sa bahay na naka-muscle tee at boxer lang. Sanay na naman akong nakikita siyang nakagan'on kaya walang problema sa akin.

"Bilisan mo na kasi! Paano natin malalaman kung nakapasa ka kung hindi mo titingnan?!" saad niya gamit ang naiinis na tono at sinamahan pa ng pagkamot sa ulo.

I glared at him. "Paano kung hindi ako pumasa ha?!"

"Aba eh 'di problema mo na 'yon,"

I stomped my feet in annoyance as I threw tantrums at him. "Kean naman!"

Binuksan ko na ang website. Pareho kaming titig na titig sa laptop at kulang na lang ay idikit namin doon sa screen ang pagmumukha naming dalawa.

I slowly scrolled the names, secretly praying na sana ay pumasa ako. Marahas akong lumunok at agad kong hinanap ang surname ko sa hanay ng letter H. Nanlaki ang mga mata ko at suminghap nang makita ang aking pangalan.

"Oh my gosh!" I explained as my hand landed on my parted lips.

Heli, Shaeynna C.

Tumili ako at tumalon sa tuwa.

"Congrats!" Kean laughed. Mukhang hindi na siya nagulat na makita roon ang pangalan ko kaya tumigil ako sa kakatalon at nakapamewang na humarap sa kaniya. "B-Bakit?"

"Ba't hindi ka nabigla na pumasa ako?"

"Huh? Required bang mabigla?" inosenteng tanong niya.

Nang panliitan ko siya ng mga mata ay napatakip siya sa bibig niya na animo'y nagulat at madramang humawak sa dibdib niya.

"OMG, besh! Pumasa ka!" Tumili siya nang malakas ngunit hindi naman maipapagkailang scripted at fake iyon.

"Itigil mo nga 'yan. Mukha kang tanga!"

Pabagsak akong umupo sa sofa at tumitig muli sa laptop. I just couldn' believe that I passed. Sobrang taas kasi ng standards sa eskwelahang iyon. Marami akong kakilala na matatalino ngunit hindi pinalad na pumasa.

"Oh my gosh, talaga! Hindi ako makapaniwala!"

Kean ruffled my hair as he continued to pour out a soft laugh.

"Ako rin, hindi makapaniwala. Siguro may anumalya kang ginawa 'no? Akalain mo 'yon–"

"Shut up, Go! Don't ruin my mood, puwede ba?"

He pursed his lips and shrugged his shoulders. Hinintay ko muna ang sarili kong kumalma. Hindi rin naman nagtagal ay tumayo na rin si Kean at nagpaalam.

"Babalik ako mamayang gabi dito. Maligo ka at magbihis ng maayos ha? Kakain tayo sa labas. Ice-celebrate natin 'yan,"

My eyes widened as I nodded my head. Pinanood ko siyang sumakay sa kaniyang motor. Bumusina siya at sinuklian ko naman iyon ng kaway. Ibinalita ko na rin iyon kina Mommy at Daddy. As usual, hindi naman sila nagulat. Para ngang sure na sure sila na papasa talaga ako r'on.

Nang sumapit nga ang gabi ay sinundo ako ni Kean sa bahay. Pumunta kami sa Café Florentina, malapit lamang iyon sa SLSU kaya noong mapasulyap ako roon kanina ay hindi ko naiwasang kiligin ng bongga.

We ate and talked about random stuffs. Kinuwento sa akin ni Kean kung gaano ka-stressful ang college life kaya hindi ko mapigilang kabahan. It will be a big adjustment for me. New people, new surroundings. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa buhay kolehiyo but there's a part me na medyo nati-thrill sa kung anong maaaring mangyari.

And, I know Kean would be there for me naman so siguro hindi ko kailangan mag-worry nang sobra.

"Masaya pa rin ba sa college?" tanong ko.

Nandito na kami ngayon sa 7/11. Katabi lang din naman 'to ng Café Florentina. Since gabi na nga at malamig pa ang simoy ng hangin, naisipan naming magkape at tumambay dito sa labas ng convenient store.

Ganito lang kasimple ang buhay namin. Aral, gala, tambay, o di kaya'y food trip kasama ang mga kaibigan. Sumimsim muna siya sa kape bago sumagot. "Masaya naman pero siyempre, hindi na masyadong kasing level ng saya noong nasa High School. Sa College kasi, mas focus na talaga sa acads, eh."

"Tss, huwag ka ngang kabahan diyan. Hindi naman kita pababayaan doon 'noh," he added.

"Sure ka?"

"Oo naman, Ga! Wala ka bang tiwala sa'kin?" Itinuro niya ang kaniyang mukha. "Itong gwapong mukhang 'to, hindi mo pinagkakatiwalaan?" aniya at dismayadong umiling.

Gwapo ka naman talaga para sa 'kin, eh. Siyempre mahal kita kaya kahit ikaw na ang pinakapangit sa mata ng iba, gwapo ka pa rin para sa akin "no! Pero siyempre hindi ko sasabihin 'yon.

Palihim akong ngumiti.

I raised the cup of my coffee. "Go, let's cheer for this! Tiwala lang, magiging CPA tayo!"

He chuckled and raised his cup too.

"Yes Ga, magiging CPA tayo!" Puno ng determinasyon na pag-uulit niya.

"GaGoals!" sigaw namin pareho bago magkatinginan at sabay na tumawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro