Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Parker 43

3RD PERSON'S POV

Lexie was quietly reading a Mystery-thriller book that she bought last saturday after their Reunion. She's at Law firm that she was working on. Quiet, sitting on her swivel chair while focusing on the book.

Attorney Altamirano

Everybody calls her that with full of authorization. Masungit sya'ng tignan kaya mailap sakanya ang mga kasamahan nya at hindi naman 'yon big deal dahil wala rin naman syang balak makipag interact sa mga ito lalo na't ang ilan sakanila ay lason. Sa pera kumakapit at hindi sa hustisya.

Pareho lang naman sila ng Law firm ni Achi at Darius pero hindi naman nya madalas kasama ang dalawa dahil partner ito sa isang case na hinahawakan 'non. Tapos na kasi sya sa huling client nya at sa awa ng diyos napanalo naman nya at hindi nauwi sa wala ang dugo't pawis at oras na iginugol nya para lang doon.

Isinara muna ni Lexie ang libro'ng kanina pa nya hawak at inilagay muna iyon sa isang tabi saka kinuha ang tumbler nya para sana uminom ng tubig pero pag bukas nya ay wala na itong laman. Napabunto'ng hininga naman sya bago tumayo at nag lakad palabas ng office nya.

Dumaretso sya sa direksyon kung nasaan ang isang Despenser. Tumayo lang sya don habang hinihintay na matapos kumuha ng tubig 'yung intern na nagulat pa ng makita nya. Mabilis ito'ng tumungo at binati sya na binati nya rin naman pabalik. Sya naman na ang sumunod na kukuha ng tubig kaya naman itinapat nya ang tumbler doon, habang hinihintay nya itong  mapuno ay narinig nya ang pinag uusapan ng ilang lawyers na nasa likod nya. Nilingon nya naman ang mga ito pero hindi sya napansin, kilala nya ang tatlo'ng abogada na 'yon, sa totoo lang vibes naman nya ang tatlo.

"Wala ng ibang lumabas sa newsfeed ko kundi sya. Kahit sa news flash sya pa rin." Dinig nya'ng sabi ni Attorney Falcon na kakilala nya.

"Grabe sobra'ng sikat nya mas sikat pa nga ata sa artista, ay balita ko kaibigan nya 'yung artista sa bago'ng new tv series, ah." Sabi naman ni Attorney Reed.

"Pero alam nyo ba? ang chismis sakin baka daw dito 'non mapili na mag trabaho or doon sa kabila 'yung marami'ng lason." Sabi din ni Attorney Hixon.

Nang mapuno ang tubig sa tumbler ni Lexie at kaagad nya itong tinakip at humarap doon sa tatlo na nabigla ng makita sya. Isa isa syang binati ng mga ito na tinanguan lang naman nya.

"She's Attorney Parker, right?" Tanong ni Lexie sakanila.

"Huh? Parker?" Tanong ni Attorney Hixon.

"Why her surname is kinda familiar? ay oo! Parker, sya 'yung transferee noon sa High school na pinapasukan ko dati. If my memory is still working she's belong to section A-3, marami lang akong naririnig sakanya 'noon lalo na 'yung in-expelled nya 'yung dalawa'ng student tapos 'yung advisor nilang traydor daw." Pag k-kwento naman ni Attorney Reed.

"Attorney Parker is a Powerful yet deadly Lawyer." Attorney Falcon slid her phone on her pocket. "No one can beat her since her first. She's such a gorgeous monster inside the courtroom! she won't go outside the court without winning any case that she was holding. I also heard na lahat ng mabibigat na kaso'ng hawak nya ay naipanalo nya lahat."

Lexie just smiled and nodded same as the two attorney's.

"She's a lawyer in france too, diba?"

"Oo pero before, ngayon kasi napag alaman kong inaral nya pala ang batas natin dito so technically dito na nya ipag papatuloy ang pag aabogada nya. Shessh! How did she become a Powerful and Fear less, Attorney? how did she win all of those biggest case she was holding in just one snap? Everyone call her "Queen of the court's" dahil sa galing nya." Mangha'ng sabi ni Attorney Hixon.

"Konti nalang talaga magiging top 1 na sya sa lahat ng magagaling na Lawyers na ina-idolize ko! pano ba maging kagaya nya? gusto ko rin maging katulad nya."

"She actually deserves the title and popularity that she have. Sa galing ba naman nya'ng 'yon."

"Gusto ko mag pasakal kay Attorney Parker sa leeg tapos ako ang mag sosorry."

"She deserves all of this. I'm so proud of her." Sabi ni Lexie kaya napatingin sakanya 'yung tatlo.

"Huh? proud? what do you mean, Attorney Altamirano?" Kunot noo'ng tanong ni Attorney Falcon.

Lexie glance at them and gave them a genuine smile.

"Attorney Parker is my best friend." Sagot ni Lexie at tinalikuran ang tatlo na nanlalaki ang mata.

"Oh shit! seryoso ba? best friends sila?"

"I can't imagine na kaibigan nya si Attorney Parker."

"Hala parang pinag-sisihan kong nag labas ng too much information."

When Lexie back on her office again she put down her tumbler on the coffee table and walk towards the glass windor on her office. She smiled when she remembered that Winter doesn't like to be a Lawyer but then she's one of the most famous Lawyer on the country.

Marami na syang naririnig na balita dahil lagi'ng ang kaibigan ang panay na binabalita sa telebisyon. Nakakausap naman nya ito minsan at nag kakamustahan tungkol sa trabaho. Even though she's now matured and famous, The Winter that they used to know is still the Winter that they really used to know.

***

WINTER

"Tahimik natin, ah?"

Binalingan ko sya ng tingin at tipid lang na ngumiti. Inaayos ko kasi 'yung documents ko na kailangan ko i sumbit sa taas para ma approved kaagad. It's been a month when i came back here at the Philippines i didn't expect na pati pala dito ay sikat ako at hahabulin ng media.

The thing that i really hate.

Suffocate na suffocate na nga ako sa france noon dahil sa laging ako ang laman ng balita pati ba naman dito sa Pilipinas. Hindi ko tuloy alam kung saan ako lulugar doon sa mismo'ng tahimik lang at walang mga interviews o kahit ano'ng mga media. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung laging pinapansin.

"Is there a reason to make a noise? as far as i know i have rights to remain silent." Sagot ko.

"Seryoso mo naman nakakatakot kana." Sabi nya at bahagya'ng lumayo sakin.

"We've been together for almost 2 months tapos di ka pa sanay?" Tanong ko at ipinasok sa back seat ang papers.

"Di lang ako sanay 'no. Kaya siguro sobrang formal ng mga kapwa mo Lawyer sayo." Sagot nya lang.

Isinara ko ang pinto sa back seat. "If you wanted to be treated in formal way then be a Professional."

"A word for today! dami ko ng natututunan sayo." Sabi nya at pumalakpak.

"Anyway, how's the case that you and Attorney Pineda's holding?" Tanong ko at sumakay sa passenger seat sya naman sa driver seat.

He put the key on the keyhole. "On-going pa rin gusto na sumuko ni Achi pero hindi naman pwede dahil masyado nyang mahal ang propesyon nya. Ang sabi ko pa naman hindi na namin patatagalin pa ang kaso pero wala tumagal nalang ng tumagal hangga'ng sa umabot na ng buwan."

"I know that both of you can accomplish the case." I motivate him.

He chuckled. "Piece of cake lang siguro sayo 'yon kung ikaw ang humawak, like parang wala pang isang buwan case closed na."

"Prosecutor Dari, I'm sort of offended." Sabi ko.

"Luh bakit? compliment kaya 'yun!"

I sigh. "Hindi porque sikat at kilala ako bilang magaling na Lawyer ay magiging mabilis lang sakin ang kaso na hawak nyo. Dari, for telling you the truth i hate the spotlight that i have now, ayoko'ng sobrang taas ng tingin sakin ng mga tao kahit alam ko sa sarili kong hindi naman ako magaling at sumakto lang na tama ang pinag-lalaban ko."

"Oh, my apology, diko knows."

"It's okay, now you know,"

Isa pa sa pinaka ayaw ko ay 'yung pati mga kaibigan ko sobrang taas ng tingin sakin na para bang insulto na rin sakanila dahil ganito lang sila at hindi sila kasing galing ko. Lexi, Achi and Darius is also part of the Law at ayoko'ng isipin nilang pare pareho lang naman kami pero bakit ako ang nangunguna.

I badly wanted to have peace and normal life again that what i used before but gezz! i can't give up my career! masyado na akong masaya dito at napamahal kaya hindi ko kayang i set a side nalang bigla para lang mag ka roon ng normal na buhay. Sabi ko pa naman dati ay wala akong balak mag abogada pero wala 'rin bigla nalang akong dinala mga paa oo sa isang malaking sikat na Law school sa france. Kainis.

Pag karating namin sa ospital ay agad kaming bumaba. Pupuntahan namin si Owen na injured daw dahil sa mission nito dahil nawala ang rope ang ginawa nya tumalon daw sa mataas na glass window ayon ang kwento sakin ni Darius. Pag pasok namin sa elevator ay agad na gumilid ang ilan sa mga nurses na nandon ang ilan pa ay nag bubulungan, i wonder kilala rin kami sa ospital na 'to.

After kausapin ni Darius ang nurse para alamin kung saan ang room ni Owen ay nag simula na rin kaming nag lakad ulit. Habang nag lalakad kami sa hallway ay panay ang lingon samin ng mga dumadaan, pasyente, nurse, doctor at kahit mga civilian na tao. Nakita naman namin si Jasper na may kausap na nurse.

"Tell them to meet me at my office. Thank you." Sabi nya at humarap samin ngumiti pa nga. "Uy! Prosecutor and Attorney, ginagawa nyo dito?"

"Babalian ka 'rin ng buto," Sagot ko.

"Harsh mo naman parang di ako naging crush." Sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

Ano daw?

"Pardon?"

"Just kidding, i know that si Owen ang pinunta nyo dito. Don't worry maliit lang naman ang fracture sa buto nya 'yun lang hindi muna sya pwede mag trabaho and also hindi pa naman ito ang dead end nya." Sabi nya lang patungkol sa kalagayan ni Owen.

"Can i go inside?" Tanong ko.

"Yes, sure." Tango ni Jasper at binalingan si Darius.

Sinimulan ko nama'ng mag lakad papunta sa tapat ng kwarto ni Owen pero narinig ko 'yung usapan ni Darius at Jasper.

"Si Ian?" Dinig kong tanong ni Dari.

"Wala. Naka leave. Nasa Subic kasama bebeloves nya." Dinig kong sagot ni Jasper.

Tuluyan nalang akong pumasok sa loob ng kwarto ni Owen na hindi na naman maipinta ang mukha. Oh he has a girlfriend na pala. May pa yakap yakap pa syang nalalaman ng gabi'ng 'yon, may pa 'don't wake me up don't wake me up pa syang nalalaman dyan 'yun naman pala may girlfriend sya. Balak pa ata akong ipasabunot sa kung sino mang girlfriend nya ngayon.

Tsk.

"Aga'ng aga lukot na lukot 'yang mukha mo, Attorney."

Pakurap kurap naman akong tumingin kay Owen na inaayos ang kumot nya gamit ang isang kamay lang dahil ang isang braso nya ay ayon ang injured. Umayos naman ako ng facial reaction at nag lakad papunta sakanya, hinila ko naman ang isang upuan at saka naupo don. I crossed my legs also my arms.

"How are you?" Pangangamusta ko.

"Ako ba o itong buto ko?" Tanong nya.

"Yung o siguro." Sagot ko.

"Okay naman kumikirot nga e pero wais 'to sisiw lang sakin." Pag-yayabang nya pa kaya napairap ako.

"Sisiw sisiw ka dyan, Ang sumbong sakin ni Himari umiyak ka daw." Sabi ko kaya umangal sya kaagad.

"Ano?! umiyak? ako umiyak? wala puro'ng false 'yan." Angal nya.

I shrugged my shoulders. "Because of your stupidity tigil trabaho ka ngayon."

"Hays, oo nga e. Nag aalangan ako kasi hindi ko manlang natapos 'yung mission." Dismayado'ng sabi nya.

"Edi bawiin mo sa susunod. Pero this time you need to take a time for the treatment para mas mapabilis ang pag galing mo and also don't skip your medication again." Sabi ko at pinandilatan sya pero tinawanan nya lang naman ako.

Last time na ospital din sya at ang ano pa 'non ay nabaril sa balikat. Dahil likas na pasaway at matigas ang ulo ni Owen hindi sya um-attend ng medication nya, katangahan nya lagi sa buhay lalo'ng lumalala. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to baka naumpog kona ulo nya.

Pumasok rin naman si Darius at may pinag-usapan sila ni Owen syempre labas na ako don at wala naman akong balak pakinggan kaya nag paalam ako sakanilang dalawa na pupunta muna sa Vending machine para kumuha ng maiinom. As usual ayon na naman ang mga bulungan at tinginan ng mga tao'ng nakakasalubong ko.

Tahimik lang akong umiinom ng in can na kape habang nag s-scroll sa news feed ko. Wala naman akong ibang mahagilap na interesting na balita dahil pulos mukha ko nalang ang nandon. Nakakainis pa 'yan sandamakmak na ang nag f-friend request, pag ako na urat na talaga mag d-deact ako bigla.

I checked my schedule wala naman akong ibang appointment at events na kailangan puntahan maliban nalang sa Kasal ng dalawa na hindi namin inakala'ng aabot talaga sa kasalan. I'm really happy for them marami'ng problema ang dumating sa relasyon nila but they still fight for it at hindi nag patinag, ngayon handa na sila sa lahat kaya mag papakasal na sila. I expected that Darius and Rai was first to get married on our Gang pero naunahan pa talaga sila ni Zeus at Lexie.

Sanaol ikakasal na, ako kasi stay single hangga'ng sa mamatay.

"Hey, why is the beautiful lady doing alone here?"

Kunot noo naman akong nag angat ng tingin sa lalaki'ng nasa harapan ko. Naka brush up ang buhok nya. naka suot pa ito ng blue polo na nakatupi ang sleeve hangga'ng sa siko nya at may dala syang paper bag. A smile curve on my lips when i recognize him.

"Yah! bakit ngayon ka lang nag pakita sakin?" Tanong ko at mabilis na niyakap sya niyakap na rin naman ako pabalik.

"Sorry i'm so busy this past few months. Inaasikaso ko kasi 'yung ilang branch ng Restaurant." Sagot nya at kumawala kami sa yakap.

"Is that for me?" Turo ko sa paper bag na hawak nya.

He awkwardly shook his head. "It's for Owen, ipupuslit ko lang sana."

"What?"

"He called me yesterday, nag papadala sya ng pagkain dito. He doesn't like the foods here it makes him vomiting daw." Bulong nya sakin kaya napabuntong hininga ako.

"Well, that's true," I agreed. "Do you want me to come with you to his room?"

He nodded. "Yeah sure, we have a lot of things to talk too."

I just giggled and started to walk with him. Binabati naman sya ng ilang doctors na nakakasalubong namin dahil kilala rin sya dito dahil na rin daw kay Ian at Jasper na walang ibang kinakain pag lunch at dinner kundi ang pagkain na puro sa Restaurant ni Kuya nabibili tapos si Kuya pa ang personally na nag d-deliver dahil malapit na sya sa dalawa.

They befriends each other when i was far with them and Kuya Winston guide and stay with them in a long long time ago.

"How is she?" I suddenly asked.

"She's...totally fine," He answered.

"Good for her,"

"You can visit her if you are ready. She's waiting for you."

"I see,"

We stopped on Owen's door room. Kuya Winston gave me a weak smile and tap my shoulder.

"She's really waiting for you to visit her. She also told me na sawang sawa na daw sya sa mukha ko. Ikaw naman daw gusto nya'ng makita kahit napaka imposible." Sabi nya kaya wala tipid lang ako'ng ngumiti.

"I'll try,"

He just nodded then he opened the door and we entered. They greet each other while me is silently sitting on the couch.

I was admitting the fact that i also misses her, actually everyday. She's still my mother after all but still i was not ready to face her, after all this years the crime that she did is still fresh in my mind. I still did to understand her because that's the thing that she wanted. Gusto nya 'yung may makakaintindi sakanya.

Salitan naman si Kuya at Papa sa pag bisita sakanya, mabuti pa nga silang dalawa nakapag move forward na samantala'ng ako naiiwan pa 'rin at hindi maka get over. Ni hindi ko rin masabi kung napatawad kona ba sya sa lahat ng kasalanan nya o napipilitan lang ako kasi kailangan.

I don't know.

Pagod naman akong nag lakad papunta sa condo ko, nakapatong sa pagitan ng braso ko ang clout ko at tangi'ng white polo nalang ang suot ko saka 'yung pants. I slid my card to open  the door, pag pasok ko napabunto'ng hininga ako at sinuot ang tsinelas. I almost screamed the top of my lungs when someone appeared on my sight.

"Bulaga!"

"Yah! do really want me to push you down this condo?!" Gulat na singhal ko sakanya habang nakahawak sa dibdib.

Nag tawanan naman sila at nag apir pa sa harapan ko sign na nag tagumpay na naman silang lahat sa pang-gugulat sakin. Simula ata ng bumalik ako dito ay wala na silang ginawa kundi ang gulatin nalang ako ng gulatin alam naman nilang nag kakape ako.

"Hulaan ko nag kape kana naman 'no?" Tanong ni Kaycee na lumapit pa sakin.

"Nag tanong ka pa e wala nama'ng araw na hindi nag kakape 'yan sya, inoras oras pa nga nya." Si Kate naman ang sumagot na nasa kitchen at may niluluto.

"What are you cooking?" Tanong ko.

"Your favorite of course," Sagot nya kaya tumango nalang ako at binalingan ng tingin ang iba na nasa sofa at nanonood.

"Dito pa talaga kayo dumayo para lang sa disney movie na 'yan?" Tanong ko.

"Bakit? ang ganda kaya ng Encanto parang si Himari mukha'ng Engkanto." Sabi ni Rai kaya mabilis syang binato ng unan ni Himari.

"Aba't bastos na 'yang bibig mo, ha!" Singhal ng pinsan.

"Pasalamat ka nga sinabi ko pang maganda e! kung pangit sinabi ko edi mas malala!"

"What the..." I didn't finish what i wanted to say.

Lexie rested her head into my shoulders. "Masanay ka na, once na mag kapamilya na sila hindi na sila magiging ganan."

"So hindi kana ganito sakin once na ikasal kayo ni Zeus?" Kunot noo'ng tanong ko.

"Ikaw nag sabi 'nan, hindi ako, ha." Sagot nya lang.

"Psh,"

"Luh ano'ng katuckseal-an 'yan?!" Bulalas ni Kaycee at lumapit samin ni Lexie. "Bakit kayo lang may sweet moments? dapat kasali rin ako!"

Napailing nalang ako ng bigla'ng tumabi sakin si Kaycee at ikinawit pa ang braso nya sa braso ko. Pina gigitnaan na tuloy nila ako'ng dalawa ngayon ni Lexie. Si Rai at Himari naman ayon nag babardagulan pa rin habang si Kate naman ay busy sa pag-luluto. She's a nutritionist kaya pinapadaan muna sakanya ang mga kinakain namin para ma check nya.

This girls really grown up as a woman but they are still a teenage girls who has a higher energy that i used to know when we we're still in high school.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro