Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Parker 32

WINTER

What is special day for today? well nothing's special for this day. Today is just another normal day for me as a girl with full of lies and troublesome life.

I'm not okay and i'm sure of that. Xiamara was placed by Winston for being a CEO of PKER Holdings. His son is now running the company and i can't do anything but just to pity him. She didn't even care about his son because she just care and crave for money. She didn't even think that his son is sick and suffering it could be worse if he stress out about company and school.

Pano ako tutulong kung wala na talaga akong maitutulong?

Nakalumbaba akong nakasimangot hangga'ng sa may makita akong raspberry cupcake na ipinatong sa table ko. Inangat ko naman ang tingin ko sa taong nag patong non. I automatically smiled when i saw his eyes, he smiled back.

"Are you not in the mood?" He asked and sit beside me.

"Slight lang," I answered and unwrapped the paper cup in cupcake.

"You should be happy for today, why not in the mood?" Tanong nya ulit at kumagat sa cupcake nya.

"Wala lang may naalala lang kasi ako." Sagot ko at kumagat sa cupcake. "Bukas pa ako sasaya."

"I see," He said.

I was busy eating my cupcake when i noticed that he leaned closer to me and wrapped his both shoulders into mine and give me his warm hugs. I smiled and hug him back with my free hand, i tapped his back.

"You must be stress out because of many thing's, let me hug you so at least i can less your stress." He whispered while caressed my hair. "I can be your power saver too, so make sure that you're getting full charge."

I chuckled and hit his back. "Oo na, dami sinasabi e."

"I'm serious, okay? don't stress yourself out it can make me stress too."

"So ganyan ka ma in love?" Natatawang tanong ko at kumawala na sa yakap. "Full charge,"

"Yes, any problem with that po?" He asked. I just smiled at him.

"Wala naman po just asking lang po." Sagot ko at tinap ang pisngi nya.

Everyone is still not here maybe they are still there in the cafeteria since lunch break naman na. Hindi lang talaga ako sumama dahil wala ako sa mood, kaso pasaway 'tong si Ian at sinamahan pa ako since sakto daw na pinag baon sya ni Tita Eirish ng raspberry cupcake hati daw kaming dalawa. I appreciate his mom's effort and also him i appreciate him a lot.

When me and Ian are still eating we heard our friends voice outside. We looked at each other, Ian stood up and walk towards his chair and sit there and put the headphone on his ears again.

"Umabot na lunch break wala pa rin 'yung new advisor natin." I heard it from Rai.

"Uy, basta kapag pogi alam nyo na." I heard from Kaycee.

"Bawal kaya 'yan, Teacher-student relationship." I heard from Owen.

"Mamamo bawal walang bawal bawal pag dating sakin." Kaycee fire back.

"Stop it guys okay? isa ka pa Kaycee hindi kaya maganda ang makipag relasyon sa advisor." Saway ni Kate.

"Jowa'ng jowa ata 'yan." Lexie added.

"Oh! naiwan pala 'tong dalawa!" Achi said while pointing at me and Ian.

Kaycee, Rai, Kate and Lexie wave their hands on me and smiled i also did the same then they walk towards me. The girls are now in my side when the boys are there fooling around with Ian's side. Rai sit beside me and Kaycee did too, Kate and Lexie are sitting on Owen's chair and Kaycee before when she's still not in good terms with Kate.

"Ano sabi 'nung shadow mo? pogi daw ba 'yung hinire nya?" Bungad kaagad ni Kaycee.

"I don't know wala rin kasing sinasabi sakin e." Sagot ko at uminom ng tubig.

"What if matanda na pala 'yon pero pogi, What will you do, Kaycee?" Tanong ni Kate.

"Edi ano pa ba? edi Papa de espasol." Sagot ni Kaycee.

"Papa de asukal 'yon, Tanga." Sabi ni Lexie.

"Cute mo naman po, Kaycee. Matanda ang nais. 'Yun oh idol." Walang kwentang sabi ni Rai.

Mag sasalita na sana ako pero may baritonong boses na pumigil sakin. Daretso syang pumasok sa loob ng room at tuwid na tumayo sa harapan namin. Natigilan naman kaming lahat.

"I'm Gabriel Jeegan, the new advisor of your section A-3."

***

Panay ang pag baling ng tingin ko sa New advisor namin na hinire ng Shadow ko. Kung i d-describe sya ay masyado syang strikto at masungit pero may side naman syang palabiro base din sa actions ng pag tuturo nya kanina. May katandaan na rin ito at medyo kulubot na ang mukha may puti na rin ang buhok. Malayo'ng malayo sya kay Nathan.

And i think this is the kind of advisor that we all want, Vibes din sila ni Ian at Achi dahil medyo hindi nalalayo ang ugali ng mga ito sakanya.

"What are you looking at, Ms Parker?"

Napakurap kurap ako. "P-po?"

"Do you have something to ask?" Tanong nya at inayos ang suot na salamin.

"N-none po," Sagot ko at nag iwas ng tingin.

Mariin akong napapikit at mahinang minura ang sarili dahil feeling ko napahiya ako don. Sino ba naman kasing tanga ang tititigan 'yung advisor tapos wala naman palang itatanong na may connect sa lesson. Muli kong ibinalik ang tingin sakanya pero nahuli ko syang nakatingin rin sakin, napaiwas nalang ulit ako ng tingin at umakto na nakikipag usap kay Owen.

"Medyo pahirap ang method sa math ngayon, alam mo ba sagot?" Kunyaring pag kausap ko kay Owen.

Taka naman na napalingon sakin 'tong isa. "Ano'ng pinag-sasabi mo? Ano'ng method sa math? Nasa science tayo, oy."

"S-science? ay oo nga, science pala."

"Wag mo nga ako kausapin, tingin palang ng isa pinapatay na ako sa kaloob looban ko."

"Huh?"

May tinuro sya kaya nilingon ko. "Kita mo 'yang sama ng tingin nya? pinapatay na ako nan sa isip nya."

Awkward naman akong natawa at ibinaling nalang sa notes ang atensyon. Nilingon ko naman si Ian na bumalik na ulit sa pag susulat pag katapos nyang samaan ng tingin si Owen dahil masyado itong malapit sakin. I forgot na pinag selosan nya pala noon si Owen but Owen confirmed that he doesn't like me.

After ng class namin ay nag tipon tipon ang lahat sa table ko hindi ko naman alam kung bakit akala mo naman may isang chismis na kailangan pag usapan. Pero ewan din baka ang pag chismisan nila ay 'yung si Sir Gabriel.

"Saan ba tayo kakain?" Tanong ni Darius.

Kakain? maybe i'm wrong for thinking that it was about chika?

"Kakain? nag plano kayo ng di ko alam?" Tanong ko.

Kunot noo silang napatingin sakin.

"Hindi mo alam o nakalimutan mo lang?" Tanong ni Lexie.

"Ang alin ba? wala naman kayong sinasabi sakin na kakain tayo, ah?" Patanong na sagot ko.

Natawa si Kate at Kaycee.

"Nakalimutan nya nga ata mga vebs." Umiiling na sabi ni Kaycee.

"Ang ano ba kasi? enlighten me please." I said and rolled my eyes.

"Sindihan nyo daw sino may lighter sainyo?" Tanong ni Owen.

"Ay ako wala ako nyan." Sagot ni Achi.

"Same, me too wala ako nyan." Sagot ni Darius.

"Ikaw, Ian?"

Umiling 'yung isa. "None, i don't smoke."

"Mga sabog talaga kahit kailan." Sabi ni Kate.

"How can the birthday girl forgot her own birthday, huh?" Tanong ni Zeus at nakapamewang pa.

Kumunot pa ang noo ko sa una dahil hindi ko na gets but then my mouth form 'O' when i realized that today is my birthday. I'm turning 19 years old today! gezz how on earth did i forgot about this day? i thought it was going to be my normal days.

"Hala, oo nga pala!" I exclaimed.

"Yieeee! 19 kana!" Rai and Kaycee giggled.

"See? she didn't even forget, Lexie's birthday but now she forgot her own birthday and that's, Winter." Achi said while shooking his head.

"Seryoso nga nakalimutan ko talaga'ng birthday ko ngayon, shocks! ganon na ba talaga ako ka lutang buong araw?" Tanong ko pero tinawanan lang nila ako.

"Saan nyo ba kasi gusto kumain? gutom na ako e." Reklamo ni Darius.

"Oo nga ako din," Si Owen pa.

"Kami rin gutom na." Sabi pa ni Kaycee at hinimas ang tyan nya.

"Parang gusto ko ng isaw, betamax, barbeque and etc." Sabi ni Kate.

"Ay ako din! gusto ko 'yan, kayo ba?" Tanong ni  Rai. Tumango ang lahat.

"It that okay to you?" Tanong sakin ni Ian.

"Oo naman! nakain kaya ako 'non, libre ko na since birthday ko naman tapos ano mag Halo-halo tayo." Suggest ko pa.

"Ay g ako! gusto ko 'yan, ano tara na?"

"Taralets!"

"Train train chu chu!"

"Isaw! Isaw! Isaw!"

"Halo-halo! Halo-halo!"

Natatawa akong pinanood na maunang lumabas ng classroom sina Kaycee, Rai at Darius na excited na excited kumain dahil sa ming lahat sila ang pinaka gutom talaga. Pasimple pang umakbay si Darius kay Rai. Nakasunod sakanila si Lexie at Zeus tapos si Kate na tumakbo papunta kay Owen kasama si Achi. Pinauna ko naman muna si Ian kaya nasa likod nya ako.

Sandali akong napatingin kay Sir Gabriel na may hinahanap sa bag nya. Lalampasan kona sana sya para makalabas ako ng room kaso narinig ko syang nag salita.

"Ms Parker?" Tawag nya sakin.

Lumingon ako. "Yes po, Sir Gabriel?"

He walks towards me and handed me a white box. "Happy birthday,"

"How did you know that today is my birthday?" Kunot noo'ng tanong ko.

As far as i remember wala ng ibang nakakalam kung kailan ang birthday ko maliban sa pamilya ko, ako at sa mga kaibigan ko. Oh i don't think my family would remember that today is my birthday. Pinag masdan ko sya ng mabuti i'm not sure if i caught him off guard but i saw his eyes moving around.

Is he going to lie?

Bakit ang bilis lang para sakin na basahin ang mga mata nya?

"Well, shadow told me about this. So i prefer my simple gift for you. Here, accept this." Sagot nya at tipid na ngumiti.

Pinaningkitan ko sya ng mata pero mabilis ko rin itong pinawi at nginitian sya tapos tinanggap ko 'yung maliit na box na regalo nya daw.

"Thank you po, I appreciate this. Sir."

"Enjoy your day with your friends. Hmm you should go, your boyfriend is waiting for you."

Napalingon ako kay Ian na nasandal sa pintuan habang pinapanood kami ni Sir Gabriel. Ngumiti sya kay Sir Gabriel kaya ganon din ang ginawa ni Sir sakanya. After that iniwan na namin don si Sir at sumunod na kami sa mga kaibigan namin na nauna na.

Tinitigan ko naman ang puting box na hawak ko. Gusto ko sya silipin pero mamaya nalang pag uwi ko baka mamaya explosive device 'to tapos saktong pag bukas ko biglang sumabog. Kasama ko pa naman si Ian mas maganda kung ako nalang mag isa sasabog.

***

"Darius, tikman mo masarap oh."

"Tikim nga, luh oo nga."

"Shutangina respeto sa single."

Tumatawa akong napatakip sa bibig ko habang hawak sa isang kamay ang stick ng isaw na kanina ko pa kinakain. Nasa iisang mahabang lamesa kaming lahat, sa isang dulo si Owen tapos sa isang dulo naman si Kate tapos sa harap namin si Rai at Darius na nag susubuan tapos katabi nila si Lexie at Zeus na nag tatawanan din. Si Achi naman nasa tapat ni Ian tapos si Kaycee nasa isang tabi ko dahil si Ian ay nasa kanan ko.

"Sakit naman nila sa mata." Sabi ni Kaycee.

Tumango ako. "Agree,"

"Agree agree, Isa pa kayo." Sabi nya at nakasimangot na kumagat sa betamax.

Tumawa nalang ako at hinarap si Ian na tahimik na kumakain. Binuksan ko naman 'yung coke na para sakanya tapos pinainom ko sya. May kamay naman sya pero ako talaga 'tong bigla nalang ginawa 'yon. Napatingin samin ang lahat pero hindi ko nalang pinansin 'yon at tinawanan ko nalang.

Marami pa kaming pinag kwentuhan ang ilan naman don ay mga embarrassing moments na naalala pa namin noo'ng elementary palang kaming lahat. Syempre ang pinaka laugh trip na kwento ay 'yung kay Achi at Zeus.

"Eto may kwento ako sainyo." Sabi ni Darius kaya itinuon namin ang atensyon sakanya.

"Oh sige ano 'yon?" Tanong ko.

"Make sure na maayos 'yan, ha." Sabi ni Lexie.

"I remember when my first time being drunk, i want to share kasi why not diba? so ayon nga nalasing ako 'non tapos ang naalala ko umuwi ako sa isang bahay tas umakyat ata ako sa bintana kasi baka mahuli ako ni mommy. Tapos gago! pag gising ko katabi ko na si Achi mag kayakap pa kami tangina!" Kwento ni Darius kaya napuno ng halakhakan ang table namin.

"Naaalala ko 'yan, tapos alam nyo ba? umuungol si Darius parang gago e. Sa gulat ko naitulak ko sya pababa sa kama ko, tarantado maling bahay ang nauwian ni gago." Tumatawa na dagdag ni Achi.

"Ay eto naalala ko naman 'yung pumunta kami sa spa salon ni Rai, 'yung mag papa nail polish kami. Sabi ni Rai don sa babae "yung neil foolish na blue po" tapos tawa ako ng tawa kasi gago ano'ng neil foolish?" Kwento rin ni Lexie.

"Pano pa naman akong parang gago na farm lang ng farm noo'ng bago pa lang ako sa Ml? tapos minsan susugod pa sa lima." Sabi ni Kaycee.

"Ako nga nag regen sabay recall e, oh diba ang bonak lang?" Sabi ni Kate at napakamot sa ulo.

"Ropolyo daw sabi ni Lexie." Sabi ni Achi kaya naalala ko 'yon.

"Ian, ikaw? wala ka bang i s-share?" Tanong ko sa katabi ko.

Natigilan sya at tinignan kaming lahat.

"Do i need to?" Tanong nya, tumango kami. "Okay i share one, don't make fun of it okay? nakakahiya. I went to Darius mom's café and i ordered some cappuccino, but since i'm still not stable for ordering by my self, i said to their barista that I'm ordering one kapusino like what the heck was that? Kapusino? saa'ng lupalop ng mundo ko ba nakuha 'yon?" Kwento nya at napatanga nalang ako dahil dare daretso syang nag tagalog sa dulo.

"K-kapusino?" Nakatanga na tanong ni Darius.

"Yes, Dari. Kapusino." Sagot ni Ian.

Humagalpak ng tawa ang lahat at napahampas pa sa lamesa dahil sa tawa. Napapikit nalang din ako habang sapo sapo ang tyan ko dahil sa katatawa.

"Kapusino pala 'yon! Akala ko kapusipon!" Sabi ni Owen.

"Tangina! kapusipon!" Si Kaycee na muntik pa mabulunan sa kinakain.

"Akala ko din kapusino pronounce don e." Sabi ni Zeus.

"Uy, bakit ang lt takte naiiyak ako sa kabobohan nyo." Sabi ni Rai.

"Actually tuturuan namin kayo kung pano maging bobo sa lahat ng oras." Sabi ko at tumango ang lahat.

"Bobo ampota, Hahahaha." Sabi naman ni Kate.

"Kapusino by Ian Gomez." Sabi ni Achi.

"Pano nalang pala 'yung frappe na naging freyp tapos 'yung machiatto na naging machatuh." Sabi ni Darius.

"Pero guys sa totoo lang 'yung pronounce ko sa raspberry dati ay resberry." Dagdag ko pa kaya nag tawanan na naman sila.

"Pota, ayoko na talaga!" Halos maiiyak na sabi ni Kaycee.

"Bakit ko ba kayo naging kaibigan?" Kunot noo'ng tanong ni Zeus.

"I guess that's the most idiotic thing that we all did before." Tumatawa na sabi ni Ian.

Umiling nalang ako habang tumatawa pa rin. Marami pa kaming pinag kwentuhan at hindi pa 'yon don natatapos, napuno ng saya at katatawanan ang table namin hangga'ng sa matapos kami at mag desisyon ng umuwi dahil madilim na.

Sumabay pauwi si Rai kay Darius kasama nila Owen at Kaycee na nakikigulo lang sa dalawa. Si Achi naman nauna na dahil may pag uusapan daw sila ng mommy nya sabi sakin ni Ian may annulment daw kasi na magaganap sa mommy ni Achi at sa step dad nito. Si Kate naman may sariling sasakyan kaya bumyahe ng mag isa si Zeus at Lexie ayon mag kasama ulit dahil ihahatid sya ni Zeus. Syempre ako nandito sa passenger seat ng kotse ni Ian.

Nasa tapat na kami ngayon ng boarding house na tinutuluyan ko pero hindi pa rin ako nakakababa hangga'ng ngayon. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan hangga'ng sa sya na ang unang bumasag nito.

"Happy birthday, Winter." Bati nya kaya napalingon ako sakanya.

I smiled at him. "Thank you,"

"I have a gift for you, here."

"Ano 'yun?"

May kinuha sya sa pocket ng pants nya at inabot ito sakin. Nang tignan ko naman ay isa itong kulay black na maliit na box, dahan dahan ko itong binuksan at halos manlaki ang mata ko ng makita kung ano ang laman nito. Bigla akong napaangat ng tingin sakanya.

"A diamond ring?" I asked.

He nodded. "Yes,"

"Don't tell me..." I stop at the moment.

"That's my gift. If you wear that ring it means you're staying with me for the rest of our life. If you don't then i think that's a no." Sabi nya kaya napabuntong hininga ako.

"Ian..." I uttured his name.

"I'm giving you the assurance that you're the only one that i want to be with until we grow old and turn our hairs into gray. 10 years from now if i still see you wearing this ring then i'm going to marry you no matter what." He genuinely smiled at me after he say those words.

I didn't say any words and i just kiss him, he kissed me back and pulled me into a hug. I hug him too. Then i let him go and left him inside his car without saying any words.

Patakbo akong pumunta sa boarding room ko at mabilis na pumasok sa loob at in-lock ito. Napasandal ako sa pintuan habang nakatitig sa maliit na box na hawak ko pa rin hangga'ng ngayon. Wala sa sariling tumulo ang luha ko dahil napaka imposible ng mangyayari na gusto nya.

I wanted to tell him that i can't accept his proposal because i know that i will leave him sooner or later. I will leave them, I will say good bye to them again. I really wanted to tell them that i was going to leave them and i'm not even sure if i would cameback again.

Sigurado'ng sigurado na talaga sakin kahit hindi naman dapat. Alam kong masasaktan lang sya kapag nalaman nya'ng aalis rin ako at hindi ko kayang manatili sa tabi nya habang buhay kahit na gustuhin ko pang manatiling kasama sya at ang iba ay hindi ko magagawa. I didn't deserve him, Siguro may iba nama'ng nakalaan talaga sakanya at hindi ako 'yon.

"I'm sorry, Ian..." I murmured.

Tumayo ako sa pag kakaupo sa sahig at dumaretso sa loob ng kwarto ko. Ipinatong ko ang bag sa kama at binuksan ito para ilagay don ang singsing pero nakuha naman bigla ng isang puting box ang atensyon ko. Ito 'yung regalo sakin ni Sir Gabriel kanina.

Kinuha ko ito at tinignan na mabuti, napakagat pa ako sa labi bago ko ito binuksan. Natutop ako sa kinauupuan ko at hindi ko nagawa'ng gumalaw dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako pwede'ng mag kamali, hindi'ng hindi ako pwede'ng mag kamali sa nakikita ko ngayon.

Kinuha ko ang hair clip na punong puno ng diamonds at may symbol na WMP sa gilid it was my name's initial. Muling tumulo ang luha ko habang nanginginig.

"Imposible paano'ng napunta sakanya 'to?"

Hindi ako pwede'ng mag kamali, matagal ng panahon na wala sakin ang hair clip na 'to dahil isinama ko ito sa libing ni Papa noo'ng inilibing na sya at bata pa ako ng mga panahon na 'yon. Hindi ako pwede'ng mag kamali dahil itong ito talaga 'yon.

Hindi kaya...

Papa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro