Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Parker 24

WINTER

"How's the investigation?"

May sinabi sya sakin na sya'ng ikinainis ko at sunod sunod na pinaputok ng pinaputok ang baril. Halos masira na ang papel kung nasaan ang target. Inis kong ibinaba ang baril at tinanggal ang nakakabit sa tenga ko tapos pinatay ko ang tawag.

Useless.

Nandito ako ngayon sa shooting range dahil na i-istress ako masyado this past few weeks. Ang pag take namin ng special exam, at kung ano ano pa. Hindi na rin nga ako nakapunta sa laban nila Ian ngayon sa Baseball nag rason pa ako na sumama na naman ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit. Ayoko naman pumunta don ng salubong na salubong ang kilay.

I'm just wearing a sports bra and a leggings and for the shoes is boots. Nakakainis pa nyan pawisan na ako pati kilikili ko basa na. Kainis talaga.

Kinuha ko naman ang jacket ko ganon rin ang paper bag kung nasaan ang wig ko, isinuot ko ito at lumabas na ako. Gusto ko pumunta sa bahay may kailangan ako kunin don na napaka importante'ng bagay. May kailangan rin akong alamin pa sa ngayon.

Dumaretso ako sa parking lot where i park my silver metallic porche. Ironic right? i'm used to be a simple and anti-expensive girl too but yeah never mind, i already got my new baby.

"Drive safe with me, huh?" Pag kausap ko sa kotse at tinapik ito bago sumakay sa loob.

For whose behind of helping me, i owe you a lot.

***

Kung ilang beses akong umiirap sa ngayon? 'yon hindi ko alam kung pang ilan na 'tong ngayon. Kulang nalang halos puti na ang makikita sa mata ko dahil sa kaiirap ko. Pano ba naman kasi ang tagal nakatayo ni Kuya sa front door nakabilis nga rin sya naka corporate suit to be exact. Pupunta ata sya sa PKER Holdings.

Pag kakita kong umaalis na sya at nakasunod ang dalawa pang sasakyan na siguro ay body guards nya ay doon kona pinaandar ulit ang kotse ko, tumaas ang kilay ko ng makitang sasarhan ako ng gate ng guard.

Sumilip ako sa labas ng bintana.

"Kuya'ng Guard! si Winter 'to ano ba?" Inis na tawag ko.

Napakurap kurap naman sya at mabilis na muling binuksan ang gate. Naiinis na nga ako tapos may dadagdag pa. Ipinasok ko ang sasakyan ko at ipinark ito sa garahe tapos lumabas ako na sya ring sinalubong ng Guard na sinarhan ako ng gate.

"Sorry po, Ma'am. Hindi ko po kasi kayo nakilala." Nakatungo'ng sabi nya.

"It's okay," Sagot ko lang at tinalikuran na sya.

Wala talaga'ng makakakilala sakin sa loob ng ilang tao'ng naka disguise ako as ordinary kind of girl na sobrang bait at tahimik na masyado'ng alaga'ng alaga ng puppet na kuya. Scratch that, So ayon pumasok ako sa loob ng mansion as usual wala namang nag bago. Mabilis akong tumaas papunta sa kwarto.

Kwarto ni Kuya Winston.

Maingat akong pumasok sa kwarto nya at ang agad na bumungad sakin ay isang itim na box na kung hindi ako nag kakamali ay lagayan ng kwintas. Sinilip ko naman 'yon pero wala ng kwintas akong nakikita. Pero hindi 'yan ang pakay ko ngayon.

Dumaretso ako sa dressing table nya. Nag hanap ako ng pwede kong magamit sa kakahanap ko nahulog ang suklay nya na iniregalo ko noon. Pag kapulot ko ay may nakita akong ilang hibla ng buhok. Wala sa sariling napangiti ako at nag suot ng gloves pag katapos ay inilagay ko sa disposable plastic ang ilang hibla ng buhok. I also took his toothbrush at pinaltan nalang katulad non para hindi sya mag hinala.

Isa isa kong ipinasok sa bag ang mgs nakuha ko at lumabas ng kwarto nya. Sunod naman ay doon ako pumasok sa kwarto ko. Wala nama'ng nag bago maliban sa bed sheets at pillow case. Wala naman na akong kailangan dito pero gusto ko lang i check kung may nawawala sa isa sa mga gamit ko dito. Nang masiguro ko naman na wala ay nag palit nalang ako ng damit tapos lumabas na ako.

Pag ka baba ko nakasalubong ko pa ang ilan sa mga kasambahay, Kinamusta nila ako kaya kinamusta ko rin sila sinabihan ko pa nga na wag nila sasabihin kay Mama na umuwi ako dito. Pati rin don sa Guard na sinarhan ako ng gate, sinabihan ko rin sya na wag nyang sasabihin kay Mama na may kotse ako at umuwi ako dito.

Habang nasa byahe naman ako ay may bigla'ng tumawag kaya naman sinagot ko rin the caller is no other than, Kaycee the great.

["Saan ka?"] Tanong nya agad sa kabilang linya.

"Bahay lang," Sagot ko.

["Bahay? bakit may tunog sasakyan, Gaga?"] Tanong nya ulit, rinig ko ang cheering sa linya.

"Nag s-start na ba?" Tanong ko rin pabalik.

["Oo kanina pa, Ang intense nga e! sayang wala ka dito, Si Rai at Kate halos ma stress ang ngala-ngalaan kakacheer don sa tatlo."] Sagot nya kaya natawa nalang ako.

"Hindi na ako makakasunod dyan, tawagan mo nalang ako kung tapos na ang laban." Sabi ko.

["Ay so sad, pero sige pagaling ka, ha?"]

"Opo,"

["Sige sige, babye labyah mwa!"]

Natatawa akong pinatay nalang ang tawag dahil sobrang ingay rin sa kabila, tama si Kaycee stress na nga ang ngala ngalaan ni Kate at Rai kakasigaw. Pilitin ko man na makasunod ay hindi ko pa rin magawa, Malayo ang ibabyahe ko papunta don sa baseball field kung saan sila may laban pati hindi ko rin alam kung saan ang exact location.

Ipinark ko ang kotse sa parking lot at lumabas ng sasakyan. Marami'ng kotse rin ang naka park dito. Sumakay ako ng elevator pataas at doon ako nito dinala sa loob ng mall. Dumaretso naman ako sa isang Jewelry store dahil ngayon ko kukunin ang pina customize kong bracelet.

pag kapasok ko ay agad na bumungad sakin ang isang saleslady. Bahagya syang nag bow sakin at winelcome ako, nginitian ko lang naman sya at pinuntahan ko ang isang saleslady na may hawak ngayon sa paperbag.

"Here's your customize bracelet, Ma'am." Nakangiti'ng sabi nya at inabot sakin ang paper bag.

"Thank you," Sabi ko at inabot ang card sakanya. She slide it and then she gave it back to me. "Thank you again, Have a great day."

Lumabas na rin agad ako ng Jewelry store na 'yon at bumili muna ng kape sa starbucks malapit rin don sa shop. Mabilis rin naman akong umalis ng mall. Pag pasok ko sa kotse ay inilagay ko ang paper bag sa passenger seat.

I started the engine again and drove to my next destination.

***

"I'm sure it was positive, he's my dad's son."

Ang sama ko na siguro'ng kapatid ngayon dahil mismo'ng Kuya ko pinag hihinalaan kona. What if nag kakamali lang pala si Sister dahil pagod sya sa kasusuway sa mga bata kaya hindi nya napansin na babae ang nakausap nya at hindi lalaki. Bakit ba kasi ako magiging heir e bunso nga ako bunso bunso bunso.

Since matagal ng wala si Papa at wala akong mahanap na kahit ano'ng sample ay 'yung akin nalang ang ibinigay ko don sa doctor. Sure naman akong Parker talaga ako e, Dumadaloy na sa katawan ko ang pagiging katulad nila kaya ba't pa ako mag dadalawa'ng isip kung Parker ba ako o Hindi.

Kanina pa rin ako lakad ng lakad dahil napaka tagal tumawag ni Kaycee. Nabasa ko kanina sa gc kanina'ng umaga kapag daw nanalo 'yung tatlo libre daw nya mamaya doon sa Café nila Darius.

Kape rin 'yon.

And speaking of the devil ayon nag ring na ang cellphone ko, tumatawag na si Kaycee the great. Mabilis ko naman itong sinagot.

"Hello? oh ano tapos na ba 'yung game? kamusta panalo ba?" Sunod sunod na tanong ko.

["Winterrrr! talo sila Ian! huhuhuhu."] Nag aatungal na sagot nya.

"H-ha?" Wala sa sariling napaupo ako.

["Natalo sila huhuhuhu, si Ian naiyak."] Sabi nya.

"Can i talk to him?" Tanong ko.

["Kausapin ka ra-ay ayaw mo? edi wag. Winter be ayaw nya."] Sagot nito.

I sigh. "Okay lang, nasaan ba kayo? punta ako dyan."

["Nandito na kami sa café nila Darius, punta ka dito ay wait okay kana ba?"]

"Medyo lang pero kaya kona."

["Sige punta ka nga dito patahanin mo 'tong mga 'to mag iisang oras na silang nag ngangawa dito sa loob pinag titinginan na kami ng Customer."]

"Pupunta na ako, Bye."

["Ingat ka bebe, bye."]

Bumunto'ng hininga nalang ako hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil rinig na rinig ko lahat ang iyakan nila o maiiyak na lang din ako dahil talo talaga sila Ian at umiyak pa nga daw. Siguro ganon nalang kahalaga sakanya ang laban na 'to ngayon.

Kinuha ko ang sling bag ko at inilagay don ang box kung nasaan ang pina customized kong bracelet. Lumabas ako ng boarding room at inilock ito. Tapos nag tatakbo na ako palabas. Dapat hindi ako ganito pero ano nama'ng nangyayari sakin at na t-trigger ako'ng pumunta doon ng mas mabilis?

Weird kona naman.

Pag dating ko sa may tabing kalsada ay napatingin ako sa wrist watch ko. Hapon na rin at malapit na mag gabi. Binilisan ko nalang ang pag lalakad hindi rin naman nalalayo sa tinutuluyan kong bahay 'yung café nila Darius.

Marami naman akong nakakasabayan sa pag lalakad 'yung iba matanda, bata, estudyante at ang iba naman ay kagagaling lang sa trabaho. Nakita ko pa sa billboard ang itsura ng nanay ko she's smiling there 'yung ngiti na never ko nakita sakanya noon.

Sa buong buhay ko lagi'ng salubong ang kilay nya kapag nakikita nya kami ni Kuya Winston na mag kasama o kahit mag isa ako ganon pa rin naman sya. Kung ngingiti man sya 'yun ay peke lang o napililitan lang sya. I sigh, hindi naman na ako umaasa na someday ngitian nya ako.

Tumigil ako sa pag lalakad ng mapansin na nakalampas ako ng ilang metro sa café nila Darius. Wala sa sariling natawa ako dahil masyado akong preoccupied sa daan. Tumingin ako sa left side at right side ko para tignan kung may may dadaan bang sasakyan. Nang masiguro kong wala naman ay tumawid na ako.

"Hays, nag aatungal pa rin ang mga bata." Naiiling na sabi ko at tinakbo na ang café.

Tumigil ako sa glass wall at sinilip kung may mga tao pa pero wala naman na akong ibang makitang ibang tao maliban sa buong Eytri na ngayon ay may mga sari sariling kayakapan at umiiyak. Pero isang tao lang ang nakakuha ng atensyon ko, mag isa lang sya sa sulok.

Hinawakan ko ang handle ng glass door at itinulak ito para mabukas, kasabay ng pag pasok ko ay ang pag tunog ng chains. Kaya napunta sakin ang mga tingin nila.

"Si Winter!"

"Nandito na si Winter!"

"Ian, Lamig mo andito na!"

Kanya kanya sila ng mga sinasabi may nag papalakpakan pa meron ding sumisinghot pa sa tissue. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko sya nakita sa sulok na mag isang nag mumukmok. Lumapit ako sakanya at tumayo ako sa harap nya.

"Ian..." I uttured.

He looked up to me with his teary eyes. I opened my arms so i could give him a warm hug. Lumapit sya sakin at niyakap ako pabalik. Ngumiti lang ako at mahina'ng tinapik tapik ang likod nya.

"It's okay, it's fine." I whispered to him.

"Winter..." He uttered my name.

"Whenever if you won or lose, I'm still proud of you, The whole gang is still proud of you so stop crying you idiot." I said.

"Sabaok may taga comfort," Dinig kong sabi ni Owen.

"Natalo din naman ako ah, ba't walang yumayakap sakin?" Pag d-drama ni Darius.

"Wag kana daw," Sabi ni Achi.

"Eh ang tanong totoo bang natalo kayo?" Kumunot ang noo ko sa tanong na 'yon ni Lexie.

Kumalas ako sa pag kakayakap kay Ian tapos hinarap ko 'yung iba na tamang noon lang sa likod namin habang tataas baba pa ang mga kilay. Kumunot lalo ang noo ko ng biglang humalakhak si Kaycee.

"It's a prank!" Sabay sabay na sabi nila.

"Mga siraulo kayo!" Sabi ko nalang at hinarap ang lalaking natawa sa likod ko. "Nagawa mo na ring makisabay sa kalokohan nila, ha? tatawa tawa ka pa dyan."

"Sorry, Sabi kasi nila e." He pointed Owen and Kaycee.

"Nanalo kaya kami! joke joke lang 'yung kanina." Sabi ni Darius.

"Lakas ng amats nyo naging jogger pa ako kakatakbo papunta dito." Nakasimangot na sabi ko.

"Nandito tayo ngayon para icelebrate ang pag kapanalo ng Northshire at ng Eytri." Sabi ni Kate.

"Ian, hindi ka talaga pwede pang artista hindi ka marunong umiyak." Sabi ni Kaycee at binato ng tissue si Ian.

"I told you, I'm not good in acting." Ian said.

Natahimik naman ako dahil don. Acting.

Right haha ako 'yon e.

Napabaling naman ako ng tingin kay Ian ng akbayan nya ako tapos ngumiti sya sakin. Ibang iba na sya sa Ian na nakasanayan kong laging tahimik, outcast at masungit. He already laugh in front of our friends.

"Let's go, Kaycee ordered so many lots of raspberry cheesecake because it was our favorite." Sabi nya kaya tumango ako.

Sabay kaming nag lakad papunta sa tabi ni Darius at Zeus na ngayon ay nag tatawanan habang nag papahidan ng cream. Naalala ko naman tuloy na ginawa rin namin 'yan ni Ian doon sa bahay nila.

Then now i noticed myself smiling.

***

3RD PERSON'S POV

"They are look good together, 'no?"

Tumango si Lexie dahil sa tanong na 'yon ni Darius sakanya. Katabi kasi ni Darius ang boyfriend nya'ng si Zeus na ngayon ay kumukuha ng kape para sakanila.

Tinitigan naman ni Lexie ang dalawa ni Winter at Ian na nakangiti sa isa't isa habang may pinag-uusapan maya maya pa ay mag tuturo si Winter kila Kaycee at Rai na nag kukwento ng nangyayari sa loob ng baseball field kanina noo'ng may laban.

Lexie suddenly smile, when she remembered the day when Winter save her from attempting slashing her own wrist. Hangga'ng ngayon hindi nya pa rin makalimutan ang buong pag-aalala sa mata ni Winter na may halong galit, kirot, dalamhati at poot. Wala syang alam na kahit ano sa buhay ni Winter maliban lang sa isa itong anak ng Mayaman at Delikado'ng Parker.

Muli naman nyang naalala ang nangyari doon sa loob ng Dean's office. Walang ibang nakakalam non at walang ibang nakasaksi non kundi sila sila lang din. Winter used her intimidating and dangerous aura for the sake of them. Tinakot nya pa ang Dean para ibigay lang nito sakanila ang special exam dahil ayaw talaga ni Winter na bumagsak silang lahat lalo na si Kaycee na kailangan bawiin ang low grades nya.

She noticed how Winter turns into a dangerous one.

Damn it, She's a Parker, Indeed.

Kumunot ang noo ni Lexie ng mapansin nyang may humahalo'ng puti na buhok sa buhok na itim ni Winter. She looked at Winter who is now not noticing tha her white hair is appearing. Hindi nalang 'yon pinansin ni Lexie at nakipag tawanan na rin sa mga kaibigan.

"Grabe talaga ang stress ng ngala ngalaan ni Kate at Rai kanina, Winter be." Pag k-kwento ni Kaycee with action pa.

"Buti nalang wala ako don." Natatawa'ng sabi ni Winter.

"Why?" Kunot noo'ng tanong ni Ian.

Tinignan sya ni Winter. "Kung nandon ako baka natalo lang kayo, Isa kasi akong sumpa pag dating sa ganyan."

Everyone laughs except, Ian.

"Don't say that,"

"Asus, Baka nga maka goal ng sunod sunod 'yang katabi mo kung nandon ka kanina." Sabi ni Lexie at sumang-ayon ang lahat.

"Araw araw inspired kada practice, As far as i remember hindi naman sya ganyan noo'ng wala ka pa." Dagdag ni Rai.

"Sana everyone," Sabi lang ni Winter.

Umiling si Owen. "Ahh wala 'to manhid nga."

"Manhid talaga," Sang-ayon ni Achi.

"Manhid is always be a manhid." Dagdag rin ni Zeus.

"Batukan mo nga ng mahimasmasan." Utos ni Darius.

"Wag gago baka bigla akong saksakin ng tinidor sa mata." Takot na sabi ni Achi.

"Ulowl, Halika at ako ang sasaksak ng tinidor sayo."

"Here we go again,"

"Saksakan na!"

"Saan sa right or left?"

"Right kasi girl's are always right."

"Shuta, Hahahaha!"

"Ganyon naman pala e."

"Ang mga siraulo ayan na naman."

Nag simula na naman silang mag bardagulan, Nag batuhan pa ng tissue ang dalawa ni Owen at Darius, Si Achi at Zeus naman ay nag hahampasan natatapon tuloy 'yung kape sa mga damit nila, Todo halakhak naman ang tatlo nila Lexie Kaycee at Rai. Nakuha ng video si Kate habang tawa ng tawa sa pinag-gagawa ng mga kaibigan.

Tumayo naman si Winter at saglit na pumunta sa medyo may kalayuan sa mga kaibigan nya. Napansin naman ni Ian na wala na si Winter sa tabi nya kaya agad nya itong hinanap, nakahinga sya ng maluwag ng makita nya si Winter na may kinukuha sa loob ng bag nya.
Sumunod naman sya dito kaya natigilan ang mga kaibigan at pinanood nalang ang dalawa.

"Hey," Bungad ni Ian.

"Nandyan ka pala," Sabi ni Winter.

"What are you doing here?" Tanong ni Ian.

"Hmm, may hinahanap kasi ako e." Sagot ni Winter.

"What is it? can i help you?"

"Hindi na okay na nahanap kona."

Itinaas ni Winter ang white box at nakangiti'ng iwinagayway 'yon sa mukha ni Ian. Si Ian naman ay tamang nakatitig lang sakanya at sa ngiti nitong doon mismo sya tinamaan.

"What's that?" Turo ni Ian sa white box.

"Ano 'to? hulaan mo dali." Sagot lang ni Winter.

"Ano nga?" Natatawa'ng tanong ni Ian dahil parang baliw ang kaharap nya ngayon.

"Hulaan mo hulaan mo pag hindi mo nahulaan hindi ko ibibigay." Sagot ni Winter.

"Let me guess, Is that a ring?"

Winter shook his head. "Wrong, do you think kasya ang singsing dito? anliit lang kaya ng box 'non."

"Then what is that? i'm not fan of guessing game."

"Hmm okay sige na nga," Kinuha ni Winter ang kamay ni Ian at ipinatong don ang box. "For you,"

Sa kabilang gilid naman ay nanonood ang mga kaibigan nila'ng nakakunot ang noo dahil sa puting box na hawak ni Winter. Ian opened the box, a smile form in his lips then he took the bracelet out of the box. He looked at Winter then he gave the bracelet.

"Suot mo sa 'kin." Nakangiti'ng sabi ni Ian.

"Okay po, Mr Gomez." Sabi ni Winter at isinuot ang bracelet kay Ian.

"Thank you so much, Ms Parker." Sabi ni Ian.

"Welcome, As you can see that's a customize kind of bracelet and that was also my own design. Pina ingrave ko lang 'yung pangalan mo." Sabi ni Winter at tinitigan ang bracelet.

"I keep this forever, I promise." Ian said.

"Forever talaga? pwede nama-"

Ian cut her with a peek kiss on Winter's cheeks. Winter is now too stunned to speak and she was there staring at Ian who is now smiling like he's the most luckiest guy in the world.

On the other side halos mangisay na sa kilig ang mga kaibigan nilang tamang nag hahampasan na ng tissue paper dahil sa eksena na papanood nila. Napatayo si Achi habang nasa bibig ang kamao at sumigaw ng walang tunog.

"Kinikilig ako ano ba." Sabi ni Kaycee.

"Ian kissed her on her cheeks owemji. Winter is now being glued on the spot." Kinikilig na sabi ni Kate.

"Nawa'y lahat ganyon," Owen said.

"Oh my god so bravo bravo," Mahina'ng palakpak ni Zeus.

"Sayang wala si Draco, hindi nya tuloy nakita kung pano dumamoves ang kanya'ng papi Ian." Umiiling na sabi ni Darius.

"Lalaki ako pero ba't ako kinikilig sakanila, hays." Sabi naman ni Achi na naupo na ulit.

"Ilang beses pa ba natin silang makikita'ng may sweet moments bago maging sila?" Nakangiwi'ng tanong ni Rai.

"Ilang damoves pa ba ni Ian bago magising si Winter?" Tanong din ni Owen.

"Let's just wait for the right time, maybe hindi pa nila oras ngayon hintayin nalang natin." Sabi ni Lexie.

"Kakahintay natin magigising nalang tayo isang araw hindi pala talaga sila Endgame."

"Luh gagi wag naman sana."

"Sasampalin kita pag hindi sila naging endgame."

"Isinusumpa kong hindi masarap ulam nyo buong taon."

"Wala ka sana'ng maiambag sa pasko."

"Joke lang naman ang harsh nyo sakin."

Nanatili pa ring nakatitig si Winter kay Ian ganon rin naman si Ian sakanya. She didn't expect that Ian would kiss her on her cheeks. It was just a kiss in cheeks but there's an electricity inside her body is suddenly being awakened. She knows that Ian confess to her when she's in their house and she didn't respond anything to him. Her feelings is now clearly than before but she know she can't risk it all the things she wants to win.

If the day comes that i was ready to love you back, can you still love me 'till that day comes?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro