Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Parker 23

3RD PERSON'S POV

Tahimik na nakaupo si Winter sa isang upuan kung saan mismo ang teacher's table na laging inuupuan ni Kaycee. Seryoso ang mukha ng lahat ngayon dahil ngayon ang Exam nila at dito malalaman kung may totoo bang nag nakaw ng Answer key's sakanila.

Walang ibang maririnig na ingay sa loob ng classroom nila maliban sa ballpen na pulit ulit itinutuktok ni Winter sa table ni Nathan na sya'ng guro nila. Kung ipukpok ni Winter ang ballpen ay akala mo may galit sya dito. Nag katinginan naman si Kaycee at Kate ng mapansin 'yon sa kaibigan nila.

"She's sitting there almost 2 hrs," Bulong ni Kate kay Kaycee.

"Anyare dyan? nakakatakot sya kapag sobra'ng tahimik at seryoso para na syang makakapatay bigla." Bulong pabalik ni Kaycee.

"As far as i know hindi naman natin sya inaway, baka naman may problema lang?" Tanong ni Kate.

Tinitigan ni Kaycee si Winter. "Hindi ganyan si Winter kapag may problema sya, I mean look at her hindi sya mukha'ng problemado."

"Baka naman may mens,"

Bigla naman napalingon ang dalawa'ng babae kay Lexie na nakatingin rin pala kay Winter, Lahat naman ng mga kaibigan nila ay pinapanood lang si Winter. Tulad ng dalawa ay puno'ng puno na rin ng pag tataka ang iba.

"Pano mo naman nasabi na ma-"

Naputol naman ang sasabihin ni Rai ng bigla'ng padabog na ibinagsak ni Winter ang ballpen tapos binalingan nya ng tingin si Darius.

"Bantayan mo 'yung pinto, Make sure na walang makakarinig." Utos ni Winter.

Tumayo naman si Darius at nag bantay sa pintuan.

"Nonood tayo porn?" Tanong ni Owen kaya binato sya ni Achi ng lapis.

"Gago ampota bastos kana." Turo ni Kaycee.

"A-3, listen." Panimula ni Winter kaya natahimik ang lahat. "Everyone in this campus is now talking about our section again because today is the exam. Iniisip nila na ito ang magiging proof na nag c-cheat talaga tayo."

"So ang pino-point out mo ay?" Tanong ni Zeus.

"I know lahat kayo disagree dito pero ito lang ang way natin para matapos ang issue natin." Huminga sya ng malalim bago seryosong tinignan isa isa ang mga kaibigan. "Ibagsak nyo ang exam kung kinakailangan."

Tila may dumaa'ng anghel ng dahil sa sinabi na 'yon ni Winter, Kumunot ang noo ng ilan at ang iba ay natigilan dahil tama si Winter na hindi sila sumasang-ayon sa plano na 'yon.

"Hindi ako pwede bumagsak ngayon, Winter." Halos maiyak iyak na sabi ni Kaycee.

"I know, Kaycee, I know." Sabi ni Winter.

"Kung ibabagsak natin what will happen?" Tanong ni Achi.

"Kung ibabagsak natin ang exam doon na mapapatunayan na walang nag nakaw sa 'tin. After that we're taking special exam that was presented by the Dean, Of course not hindi tayo totally babagsak. We just need to consider that today's exam is not the real exam and the special exam is would be the real exam." Sagot ni Winter kaya doon bumagsak ang panga ng lahat.

"How did you do that?" Tanong ni Kate na gulat rin.

"Simple lang, I'm a Parker." Sagot ni Winter at muling kinuha ang ballpen. "Our grade is base on what grade we got on the special exam, Si Dean ang gagawa ng grades natin."

"What? but he's a Dean hindi natin sya Advisor, Winter." Sabi ni Zeus.

"Of course he's not, No one will tell about this to, Sir Nathan." Sabi ni Winter.

"Huh? bakit naman? Advisor pa rin natin sya Winter." Kontra ni Rai pero sinenyasan lang sya ni Darius.

Binigyan sya ng blanko'ng tingin ni Winter na hindi inaakala ng lahat.

"Ang tanong, Rai. Nag paka advisor ba talaga sya satin?" Tanong ni Winter.

"Teka nga ano bang nangyayari?" Naguguluhan na tanong ni Lexie.

"Just do what i said kung gusto nyo'ng matapos na lahat ng 'to. Darius, tell them the 2nd plan." Sabi ni Winter kaya tumango si Darius.

"After natin malinis ang section A-3, we're now proceeding to expose who are the mastermind's and the puppets." Sabi ni Darius at tumingin kay Winter.

"First we need to expose who are the puppet's." Dagdag ni Winter.

"Wait, may alam na kayo?" Tanong ni Kate.

Winter smiled wickedly. "Maybe yes, Maybe no."

"Tangina! di nag s-sink in sa utak ko!"

"Hoy, tama na nakakatakot na kayo."

"Agree ako sa terms and condition pero sa plano never mind."

"Guys, Wala nama'ng mawawala kung gagawin natin."

"Winter is right after all."

"We should follow her para din naman satin 'to."

"Let's just trust her,"

"Uy! name 'yan ng condom, ah?"

"Gago! kabastusan ampota."

"Nahawa na kay, Darius."

Sinumulan na naman nilang mag bardagulan na lahat, bumalik na si Darius na kinauupuan nya at nakisali na rin sa mga kaibigan na nag babardagulan. Tumayo si Winter sa kinauupuan at napatingin sa lamesa may naka drawing na bungo dito sa gilid na sya mismo ang nag drawing. Ngumisi nalang sya at nag lakad pabalik sa upuan nya.

Naalala nya naman na halos gamitin na nya ang buong pagiging Parker nya mapapayag lang ang Dean sa gusto nya. Pinag bantaan nya pa nga ito dahil halos alam na ngayon ni Winter ang lahat ng baho ng Dean na syang hindi gugustuhin ng Dean na maexpose.

Little she didn't notice, Ian is watching all her actions, and also her sayings. Winter is giving him a chill down to his spine.

Winter is something that he can't explain.

***

WINTER

Saglit kong tinanggal ang eyeglasses ko at isinabit ito sa pocket ng blazer ko. Pinaikot ikot ko ang ballpen sa mga daliri ko habang nakatingin kay Sir Nathan na tahimik na nag babasa ng kung ano sa cellphone nya. Panay rin ang tingin sakanya ni Rai tapos tumingin sakin si Rai at tipid na ngumiti ganon din naman ako sakanya.

Narealized nya na siguro'ng hindi nag papaka guro si Sir Nathan samin. Basta lang sya makapag turo ni hindi na nga rin sya kumikilos para malinis ang pangalan ng Section namin. Kung hindi sya gagawa ng paraan then kami ang gagawa.

I also sense something on him, i sense that he's not in to this section. I hate him and Draco too. When he tried to touch Draco, Draco just scratch his palm. Buti nga. Let see kung makakatagal ka pa sa pang-papanggap mong 'yan.

Tinignan ko ang lahat, lahat sila nag sasagot sa kanya kanya nilang test paper. Ako naman hindi nag sasagot dahil ayoko bahala syang ma stress sa test paper kong blangko. Pangalan lang nilagay ko pero di talaga ako nag sasagot.

"Why are you not answering the question?" Tanong sakin ni Owen.

"It was part of my plan." Sagot ko lang kaya tumango sya.

Nang matapos ang oras ng pag-sasagot ay isa isa kaming nag si tayuan para ipasa na ang mga test paper namin. Muli kong isinuot ang eye glasses ko at bored na nag lakad papunta sa unahan para i pass ang paper ko. Humikab pa ako ng ipasa ko 'yon, kumunot ang noo nya ng makitang blangko.

"Ms Parker, Why did you pass this without any answers?" Kunot noong tanong nya.

"Di ko po alam sagot e." Dahilan ko.

"Pano'ng hindi mo alam? napag aralan na natin 'to, ito rin ang mga itinuro sayo ni Mr Gomez." Sabi nya.

"Blangkuhan mo nalang grades ko, sige po una na ako gagala pa ako mamaya e." Sabi ko at lumabas ng room.

Bahala kang ma stress, baka nga ikatuwa mo pang bagsak ako. Magugulat ka nalang kapag binigay sayo ni Dean ang grades namin. Tsk kala mo ah.

Pag katapos ng Exam ay dumaretso kami sa Cafeteria dahil sa gutom, Sari sari ng kinukwento si Owen dahil muntik na daw sya masagutan ng tama 'yung iba kung hindi daw sya nag kakamali ay Isa lang ang tama nya doon. Literal na bagsak. Natawa naman ako dahil halos maalala kong maiiyak na si Kaycee kanina dahil sa sinabi kong ibagsak ang exam.

"Winter, Sure ba talaga'ng may special exam?" Tanong ni Kaycee.

Tumango ako. "Meron nga kaya di na ako nag sagot e."

"Then when we're going to take?" Tanong naman ni Ian.

"Mamaya'ng hapon." Sagot ko.

"What the heck? as in mamayang hapon?" Tanong ni Rai.

"Yung grades natin sa exam kanina ayon 'yung grades na ilalagay sa bulletin board mamaya, kaya 'yung totoo'ng grades natin sa special exam magiging sikreto 'yon." Sagot ko kaya tumango sya.

"Then bakit ang init ng dugo mo ngayon kay Sir Nathan?" Curious na tanong naman ni Achi.

"Malalaman nyo rin." Sagot ko at pinag patuloy ang pagkain.

Malalaman nila pero hindi pa muna ngayon, hindi pa talaga ngayon, Kung sakin na naging masakit sya slight sakanila pa kayang naging matagal syang nakasama? kung malalaman man nila kailangan sa maganda'ng paraan hindi sa ganito kasi once na malaman nila panigurado.

Lahat sila sasabog sa galit.

***

Nag lalakad kami ngayon papunta sa field dahil may practice ng Baseball sila Ian, Nauna na rin sila nila Achi at Darius doon sa field dahil sila ang mag p-practice. Nasa unahan nag uusap sila Kate at Kaycee si Lexie at Rai naman ay nag tatawanan, Sa tabi ko si Owen. Wala si Zeus dahil pinatawag sa faculty.

Hindi ko alam pero wala ata'ng oras na hindi ako ngumunguya ng gummy bear. Tumigil kami sa pag lalakad ng makita namin na dumaan ang pinsan ni Rai na si Himari, natigil rin sa tawanan ang dalawa ni Lexie at Rai.

"The cheaters are here." Sabi ni Himari.

Rai scoffed. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo'ng hindi kami cheaters?"

"No matter how many times you said that iisa lang ang iniisip ng lahat dito. Magnanakaw kayo para makapasa." Sabi ni Himari at natawa 'yung Cindy.

"I said we are not cheaters!"

"Yes you and your section are!"

"Hoy, Haponesa'ng bruhilda wag mo kami'ng ma akusa dyan ng kung ano ano kung wala kang proweba." Biglang sabi ni Kaycee at akmang susugod pa pero hinila sya ni Owen.

"Oo nga saka patutunayan namin sainyo'ng lahat na hindi kami ang nag nakaw." Dagdag ni Lexie.

"Oh dear, kung pinapatunayan nyo bakit hangga'ng ngayon ang dumi pa rin ng pangalan ng section nyo?" Tanong ni Cindy.

"The flirty slash slut girl is now talking girls, she's talking like as if she didn't do trashy things before. Kung marumi kami mas marumi ka, Cindy. No one forget's what you done to my friends." Sabi ni Kate.

"It's my fault now? sino ba 'tong mga tanga na nag paloko sakin?" Tunog proud pang sabi ni Cindy.

Napairap nalang ako dahil nag mumukha silang tanga ni Himari sa mga pinag sasabi nila. Halatang halata na nag papabida sila sa mga estudyante dito sa Northshire. Muli naman akong sumubo ng gummy bear at napalingon kay Jasper na nakatingin rin pala sakin, Nginitian ko sya pero nag iwas sya ng tingin.

Isa pa 'to.

"I'm sure, Auntie is now disappointed on you, Rai." Pang-iinsulto ni Himari sa pinsan.

Napansin kong napatungo si Rai. Oh shit eto na nga ba, baka mamaya bigla'ng bumaha ng luha dito. Pasmado rin ang bibig ng punyeta'ng Himari.

Nag lakad ako pauna at hinarap sya, tumabi naman ang mga kaibigan ko at hinayaan akong harapin ang tatlo'ng sumpa ng taon.

"Hi, I'm Winter." Pakilala ko at inilahad ang kamay ko.

"I'm Himar-" Naiwan sa ere ang kamay ni Himari.

Pano bigla ko kasing binawi ang kamay ko at muling kumuha ng gummy bear sakto pang kulay pula ito. Ipapaalala ko lang sakanya 'yung threat na ginawa ko noo'ng nakaraan. Nang iniangat ko 'yon ay nakita kong nabigla sya, umatras pa 'yung dalawa ni Cindy at Jasper.

"I'm not belong to those cannibal but i can eat alive the idiot's who's messing with my friends." Sabi ko at pinang-gigilan na kinagat ang ulo ng gummy bear.

"You are Rai's friend?" She asked in disbelief.

Inakbayan ko si Rai. "My bestfriend to be exact, And for telling you the truth her parents is so proud of her and her friends are so so so proud of her. I wonder if your parents too."

Himari just blinked her eyes in times. Hindi nya siguro in expect na ganon ang sasabihin ko ganon rin ang mga kaibigan kong nasa likod ko. Nilingon ko si Rai at ni pat ko ang ulo nya. She's like a younger sister to me.

"How dare you to-"

"Pwede na ba mauna? may importante pa kaming pupuntahan." Putol ko at tinuro 'yung dalawa nyang puppet. "Look at your friends too, namumutla sila para bang mga nakakita ng multo."

"Tabi," Mataray na sabi ni Lexie.

"Masama paharang harang sa daan, Miss." Sabi ni Owen.

"Look at yourself too baka kulang kana sa Vitamin A it means Aruga." Sabi ni Kaycee at sumunod na kila Owen.

"Better luck next time." Sabi ni Kate at hinila kami ni Rai.

"See you around, Himari." I said and gave her a bitch smile.

Pag daan ko sa gilid ni Jasper ay kinindatan ko pa sya bago kami tuluyan na umalis don. Nakaakbay pa rin ako kay Rai na ngayon ay tahimik na kinakain ang gummy bear ko. Ayoko sana ibigay sakanya kasi sakin 'yon kaso nakita ko talaga na mamumula na 'yung mata nya kasi maiiyak na sya kaya binigay ko nalang.

Bili nalang ako isang box.

Dumaretso kami sa field dahil doon nag p-practice ang tatlo'ng kumag. Saka pag katapos din nila mag practice ay pupunta kami sa Dean's office para mag take ng special exam. Pumasok kami sa field at doon namin nakita si Zeus na nandon na rin pala.

Pumunta kami doon sa bleachers kung saan sya nakaupo, Syempre katabi nya si Lexie sila ang mag jowa e. Naupo naman kami isa isa may ilan ding nanonood karamihan sakanila ay mga babae tapos kokonti lang ang lalaki.

"Gagi, pogi ni Ian ngayon ah." Bulong sakin ni Kaycee at siniko pa ako.

"Pogi naman talaga sya araw araw." Sabi ni Rai.

"Oo nga," Sang-ayon ko.

"Hindi pa kayo pero pogi na pano pa kaya kapag naging kayo na? edi pogi'ng pogi kana nyan." Pang aasar na naman ni Kaycee.

"Shh, wag ka nga," Saway ko.

"Siguro kung bakla ako baka naharot kona si Ian." Sabi ni Owen kaya natawa kami.

"Bakla naman pala talaga,"

"Luh, Siguro kung nga lang e, di naman totoo."

"Breaking news, si Owen hindi na bullshit dahil isa na syang bwakanangina'ngshit."

"Shitshiritshit alibangbang."

"Sala ginto salagubang."

"Inanyo, ngumiti si Ian!"

Ngumiti rin ako sakanya at kumaway na ikinabigla ni Rai at Kaycee kaya naman ibinaba ko nalang ang kamay ko. Ayan na naman kasi ang mapanukso'ng tingin nila sakin. Pinanood ko kung pano kinuha ni Ian ang Baseball bat at sinuot ang batting helmet.

Tapos sinumulan na ulit nila ang pag p-practice. Kung hindi man ako makakapunta sa laban nila at least napanood ko kung pano sila mag practice. Matalo man o Manalo, Panalo sila para samin.

***

"Nakakahulog panty ang ngiti ni Ian!"

"Araw araw na lang syang mukha'ng inspired."

"Baka may jowa na 'yan, ha."

"Pag wala itabi nyo ako na."

"Ang pogi talaga ni Darius mag catch ng bola."

"Same si Achi din ang hot papi."

Panay naman ang pag ikot ng mata ni Lexie at Kate dahil sa mga naririnig nila sa mga babae'ng palabas ng field na katatapos lang manood ng practice ng tatlo at iba pa nitong mga players. Kami'ng lima na babae ang unang lumabas nag paiwan kasi 'yung dalawa ni Owen at Zeus, samahan daw nila lumabas 'yung tatlo.

Hindi maipinta ang mukha ni Rai na nag pamewang pa sa harap namin.

"Pag katapos nila tayo'ng i judge dahil sa issue ngayon bigla nilang sasambahin ang tatlo? ha! mama nila pogi!" Inis na sabi nya kaya tumango kami.

"Tama tama, mga tuckseal sila." Sabi ni Kaycee.

"Hot hot pang nalalaman bagsakan ko 'yan ng pancit canton na spicy flavor, sabihin nyo wag." Sabi din ni Kate.

"Sige lang," Sagot ni Lexie.

Sakto naman lumabas 'yung lima'ng lalaki na nag tatawanan, hindi ko alam pero napakurap kurap ako ng makitang natawa din si Ian na labas pa ang mapuputing ngipin ang nakaagaw pa ng atensyon ko ay 'yung dimple nya.

Ay shitty mala Alden Richards!

Umiling iling ako tapos tinignan ko sya ulit pero wala na naka poker face na naman sya. Ahh namamalikmata lang pala ako.

"Daretso na ba tayo sa Dean's office?" Tanong ni Achi.

Tumango ako. "Dapat nga mag rest muna kayo pero wala e kailangan natin mag take."

"Okay lang naman may tiwala naman kami sayo." Nakangiti'ng sabi ni Darius.

"Thank you," Sabi ko.

"Edi tara na para matapos na rin agad natin." Aya ni Owen.

"Pano kung bagsak pa rin naman?" Tanong ni Lexie.

"Don't say that, Babe." Sabi ni Zeus.

"Sabaok po,"

"Imposible, matatalino kaya ang nasa Eytri." Sabi ni Rai.

"Eytri?"

"Oo, A-3, Eytri."

"Ay astig 'non ah."

"Eytri Family."

"Naks naman po,"

Sinenyasan ko naman sila na sumunod na sakin papunta sa Dean's office na sya rin nama'ng sinang-ayunan nila. Nag uusap usap sila sa likod ko habang ako naman ay seryoso at tahimik lang, may nararamdaman kasi akong kakaiba simula pa kanina.

Pag dating namin sa tapat ng Dean's office ay hindi muna kami pumasok. Tinignan ko pa ang paligid kung may makakakita samin pero wala naman, Napakagat pa ako sa pang-ibabang labi ko habang binubuksan ang pintuan. Pag kapasok namin ay agad na tumambad samin ang Dean na may inaayos na iilang test paper na kung hindi ako ang kakamali ay 'yon ang special exam. Nagulantang naman sya ng makita nya ako, Ngumiti lang ako sakanya tapos sinenyasan ko si Owen na i lock ang pintuan.

"Good afternoon, Dean." Bati ko.

"Uunahan na kita, Ms Parker. Hindi ko maibibigay ang special exam." Sabi nya na ikinawala ng ngiti ko.

Takte sinasabi kona nga ba.

"A-ano'ng ibig sabihin..." Natigilan si Rai.

"N-no, no way, hindi 'to pwede." Nag hihisterikal na si Kaycee.

"Dean, paano'ng walang special exam?" Kunot noo'ng tanong ni Zeus.

"Nag pasya ako na hindi nalang kayo bigyan." Sagot ni Dean na ikinainis ko.

"We talk about this right? what happened?" Tanong ko.

"I'm sorry, Ms Parker." Sabi lang nya.

"So ano ng gagawin natin ngayon?" Dinig kong tanong ni Lexie.

"Nalintikan na talaga," Dinig kong sabi ni Darius.

"Wala na death end na natin 'to, haha bagsak na tayo lahat." Dagdag din ni Kate.

Humarap ako sakanila. I smiled. "Ako bahala,"

Muli kong ibinalik sa Dean ang tingin ko at pinanlisikan sya ng mata na syang ikinagulat nya. Sinimulan kong mag lakad walang ibang maririnig kundi ang tunog ng sapatos ko at ang pag hihisterikal ni Kaycee sa likod.

Tumigil ako sa tapat ng table ng Dean at kinuha ko ang ballpen at pinush ang nasa taas nito para lumabas ng pinaka pang-sulat nya. Tapos tumingin ako sakanya.

"Dean, Give me the special exam." Sabi ko.

"Ms Parker, I already said that i won't give anyone of you." Pag-mamatigas nya.

I clicked my tongue inside my cheeks and i tilt my head. Ang ayoko sa lahat ay 'yung inuubos ang pasensya ko at wala'ng isang salita. Sa inis ko ay mabilis kong itinutok sakanya ang dulo ng ballpen na ngayon ay isang maling galaw lang sya ay tutusok ito sa mata nya.

"Winter! put that ballpen down!" Saway ni Zeus.

"Omygod, I am dreaming?" Tanong ni Rai.

"Nag histerikal lang ako mukha'ng may mag sasaksakan na, ha." Sabi ni Kaycee.

"Ang cool 'non, sino'ng nag turo ng moves kay Winter?" Tanong ni Owen.

Natawa ako. "Guys, Chill. Ako sabi bahala."

"Winter, ibaba mo na 'yan baka matusok talaga si Dean." Sabi ni Kate pero umiling ako.

Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Dean na ngayon ay namumuo na ang butil ng pawis nya sa noo. Kumuha ako ng tissue na sa tabi ko at ipinunas 'yon sa noo nya para mawala ang pawis.

"Do you really want me to expose you, huh? your wives and your daugh-ters won't gonna like that." Sabi ko at pinag katigasan ang banggit sa wives at daughters.

"W-wag mo silang idadamay d-dito." Tapang tapangan na sabi nya.

Inilapit ko lalo ang ballpen. "You know what, Dean? i have your secret's i mean i know all of them such as how you manipulate the late dean who passed away because you scared the shit out of him." I stopped and gave him a smirk. "Do you want me to expose you to your beloved students and tell them how manipulative kind of person you are?"

"P-please don't..." Sabi lang nya kaya natawa ako.

"Remember, Dean. I am now holding your neck, Even my brother can't do anything about it so better shut your fucking mouth because if you don't? you'll lose everything, Work, House, Money, Reputation and your wives even your many daughters, In just my one snap." I threatened him and held the grip of his collar.

"I'm begging d-don't do that p-please i'm b-begging, Ms Parker."

"Don't forget that i'm a Parker who holds your neck now, Not my puppet brother not even my wicked mom, So you'll say nothing about this to them, okay? if you did trust me, Dean. I will make your life living in hell. Mark my words."

Bigla naman nya'ng pinag dikit ang mag kabila nya'ng palad at kiniskis ito habang nanginginig ang labi sa takot.

"S-spare me, I'm begging please, Spare me." Pakiusap nya.

I give him a smile. "Then give me the special exam."

Tumango naman sya at inabot sakin ang mga papers na kanina ay hawak nya.

"H-here, here here you can now have it, j-just don't expose me, Ms Parker."

Tumango ako. "Just do what we deal about, Dean and don't try to betray me again, if you do it again then i will make sure that it was your biggest regrets."

Paulit ulit nalang syang tumango at napaupo sa swivel chair nya. Ibinalik ko naman ang ballpen sa kung saan ito nakalagay kanina at nakangiti na ako'ng humarap sa mga kaibigan kong gulat na gulat. Sa totoo lang wala akong balak ipakita sakanila 'yon kaso wala e nag kataon na talaga na kailangan nila makita.

Lumapit ako kay Kaycee at kinuha ang bag na hawak nya tapos inilagay ko don ang special exam. Pakurap kurap pa syang tinignan ako na hindi makapaniwala, Hinaplos ko nalang ang pisngi nya.

"I told you, hindi ka babagsak."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro