Parker 19
WINTER
"Draco! habol! Dracooo, habulin mo 'ko!"
Tumatawa ako habang kumakain ng gummy bears, Panay naman ang hampas ni Kaycee sa desk katatawa dahil sa katangan ni Darius. Palagi nalang syang ganyan feeling ko sya ang clown ng section namin.
Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko at bigla nalang kumuha sa gummy bears ko kaya sinamaan ko sya ng tingin at inilayo ang gummy bears ko.
Akin 'to!
"Doon ka nga! bumili ka ng sayo!" Pantataboy ko.
"Pahingi ako damot naman nito." Reklamo nya.
"Bumili ka, 20 pesos nalang naman." Sabi ko.
"Libre mo nalang," Sabi nya kaya inirapan ko sya.
"Asa ka, Kaycee, Oh! si Owen!" Sumbong ko.
"Oh bakit? gusto mo suntukan? ano palag palag." Hamon ni Kaycee.
"Tado! di ko naman kayo inaano e." Reklamo ni Owen. "Makaalis na nga,"
Pinanood namin si Owen na tinalikuran kami at lumapit kay Kate na kumakain ng Potato chips, May binulong sya kay Kate kaya napalingon samin si Kate habang tumatawa tapos binigyan nya ng Potato chips si Owen.
Patuloy pa rin naman namin na pinapanood si Darius sa mga kagaguhan nya sa buhay. Lahat kami dito ay may sari-sariling mundo, Si Zeus at Lexie ayon tamang landian sa harap, Si Achi at Ian as usual wala na naman dahil may practice ng Baseball, Next week kasi ata ay may laban sila.
"Kainis! nakakainis!"
Natigilan kaming lahat ng bigla'ng pumasok si Rai na inis na inis nagulat pa nga si Darius may akma syang gagawin pero hindi nya nagawa ng makita nyang nakatingin din kami kay Rai. Dumaretso si Rai sa table ni Sir Nathan halata'ng beast mode na beast mode pa sya.
"What happened?" Tanong agad ni Zeus.
"Pres! umiingay na naman ang issue natin!" Inis na sagot ni Rai.
Napatayo naman kaming lahat at lumapit kay Rai.
"What the fudge? seryoso ba?" Tanong ni Owen.
"My fucking bitch cousin and those 2 jerks newbie is now making fun of our section." Sagot ni Rai.
"Gago? so silang tatlo ang nag papaingay na naman ng issue, Inangyan tara ng mabanatan ko." Sigang siga na sabi ni Kaycee.
Umiling ako. "Wag, Kaycee. Baka mapano ka don."
"So ano'ng gagawin natin ngayon, Pres?" Tanong ni Kate.
"I don't have any plans, I'm sorry." Dismayang sagot lang ni Zeus.
"We need to do something, Kailangan natin sila turuan ng leksyon." Sabi ni Darius.
"Kailangan natin gumawa ng plan." Sabi pa ni Lexie sumang-ayon ang lahat.
"Tangina, sumosobra na talaga sila."
"Oo nga, Draco kalmutin mo nga sila isa isa."
"Gago, gawan mo pa ng katarantaduhan si Draco."
Akma'ng susubo naman sana ako ng gummy bears ng may bigla akong naisip. Sandali akong napatitig sa gummy bears na hawak ko habang sila naman ay nag-uusap usap kung ano'ng kailangan gawin para maturuan ng leksyon ang tatlo'ng newbie.
I'm thinking something, I'm sure that they're not bringing again our section's issue for nothing, I think they just want us to be threatened and fight them back so they can make a story that our section is really a cheater and a warfreak one.
Sorry not sorry but they choose to fight to a wrong person.
Let me destroy y'all, Newbies.
***
To gave them the taste of my own lection i talk to Darius about my plan and he's the only one that i talked about it to. We're now here at their café, He's typing something on his laptop while me is busy to read the book that i bought.
Gabi na dapat nga closing na rin sila pero mas pinili namin na gabi mag kita para hindi malaman ng mga kaibigan namin. Hindi kona rin sinabi sa iba dahil baka makahalata, Ang tatlo'ng newbie rin na 'yon mismo ang target ko dahil sila ang nasa likod ng lahat.
Ang kakapal ng mukha nila'ng gawan ng issue ang section namin tapos muli na naman nilang ipag-kakalat para pag-mukhain kaming masasama. Ngayon matitikman nyo ang ganti ko, Mali kayo ng kinalaban sa una palang.
"Here's their background, Winter."
Ibinaba ko naman ang libro na hawak ko at inilapit ko sakin ang laptop nya kung saan makikita ang tatlo'ng newbie na pina b-background check ko sakanya. Darius is a hacker and i know that from the start.
I read all of their backgrounds, Inuna ko na 'yung sa pinsan ni Rai which is si Himari sunod 'yung isa si Jasper at 'yung Cindy, So it means dalawa ang babae at isa ang lalaki. Kung hindi ako nag kakamali ay mag kokonektado ang tatlo'ng 'to. Pag katapos kong basahin ay muli kong ibinalik kay Darius ang laptop pero wala na sya sa harap ko.
Kumunot naman ang noo ko at hinanap kung saa'ng lupalop ng mundo nag pupunta ang tukmol na 'yon. Akmang tatawagin ko sya sa pangalan nya ng makita ko sya sa isang sulok at masayang may kausap sa phone nya.
"Did you eat, Baby? sorry kanina hindi kita nahatid kinausap kasi ako ni Winter may importante kasi syang sasabihin, Okay lang sayo? di ka galit? I'm glad, I thought magagalit ka, Yes yes i know, Winter is our friend kaya malabo'ng pag selosan mo sya. Ikaw lang naman mahal ko e alam mo 'yan-sige sige usap tayo later if i go home na okay? bye i love you."
So he's talking to her girlfriend i guess?
Nakangiti ako habang napailing nalang at nag lakad pabalik sa table namin kanina. Kinuha ko naman ang cellphone ko para kausapin ang dalawa'ng tao na inutusan ko para kumilos para plano. That was easy to me you know? Parker things.
Pag ka balik nya ay ngumiti pa sya sakin tapos bumalik sya sa pag-kakaupo sa upuan nya, Muli naman ulit nyang hinarap ang laptop nya. After ko mag send ng message sa dalawa'ng tao na inutusan ko ay ibinalik ko sa sling bag ko ang cellphone ko.
"They will texted me if they done to do their job." Sabi ko.
"You're unbelievable, How long did you know that they're the one who's behind of this?" Kunot noo'ng tanong nya. Napa cross arm naman ako.
"Madali lang naman, I have many connection's and i'm also a Parker, remember?" Sagot ko.
Napailing sya. "Hindi na ako nagulat ng sabihin mo kanina na alam mong hacker ako."
"Yeah,"
Napaisip sya. "If i'm the hacker, then you are what?"
"The destroyer," I smiled plaster on my lips.
"The hacker and destroyer, hmm, sounds good huh? partner in crime." He said and laugh.
"Basta keep your promise nalang dapat walang makakaalam ng ginagawa ko, kung sino ako, kung ano'ng kaya kong gawin hangga't hindi ako nag kukusa'ng mag reveal." Sabi ko kaya tumango naman agad sya.
"I didn't even noticed that you're really a bitchy one also the dangerous, So 'yung pagiging inosente and normal mong personality is part of the act lang because you want a normal life?" Tanong nya.
Tumango ako. "I'm so sick of my family kung hindi ako matututo na lumaban at gamitin ang utak ko magiging sunod sunuran lang ako sakanila. Also i want to protect the people that was close to me lalo na kayo."
"That's why you're doing this?"
"No one can mess with us, not with me, not with you, not with our friends, nor our family."
"I understand you, I know that your intentions are good."
"Thank you for understanding, Dari."
"No worries, What are friends are for."
Tumango naman ako at ibinaling sa labas ng glass wall ang tingin ko, iilan nalang na sasakyan ang dumadaan, Muli ko naman naalala 'yung kausap ni Darius sa cellphone nya, Ibinalik ko sakanya ang tingin ko nahuli ko naman syang nakangiti habang may tinatype sa cellphone nya, Ka text nya ata.
"Rai's cousin," I started making him stopped and look at me.
"W-what about, Himari?" Tanong nya.
"Himari is the mastermind of all of this, She's revenging to your girlfriend." Daretsong sagot ko.
"What? the mastermind? what did my girlfri-wait...what did you just say?" Kunot noo'ng tanong nya when he realized what i say.
I smiled. "Rai is your girlfriend, right?"
"H-how...oh i forgot you're a Parker nga pala." Umiiling na sabi nya.
"So kelan mo balak ireveal ang relationship nyo? Ang buong akala pa ng lahat ay friends lang talaga kayo dahil sa araw araw na bardagulan nyo." Sabi ko at bahagya na natawa.
Noo'ng una considered pa ako na mag kaibigan lang talaga sila pero ng mapansin ko noo'ng 1 week na ako sa Section A-3 doon kona naisipan na alamin ang lahat, Pina background check ko pa sila lahat at pina imbistiga kasi kailangan ko alamin kung may binabalak sila sakin para ready ako at makapag drop out na tapos lipat ulit ng school.
But nope, they treated me right.
"That was our both decision, Nang maging kami kasi ayon 'yung araw ng break up ni Achi at Kate. Natakot kasi si Rai na baka isipin ng mga kaibigan natin na walang respeto sa break up ng dalawa." Sagot nya kaya tumango ako.
Okay gets kona.
"Don't break her heart, she's a little sister to me, Dari. Kung masasaktan man sya 'yun ay dahil nag sikreto ako sa lahat." Sabi ko.
He nodded. "Rai is understanding so don't worry, She will understand you're situation." I smiled and nodded too. "Anyways how can you even say na ginagantihan ni Himari si Rai?"
"Because of jealousy, Rai is Himari's parents favorite. She's always comparing to Rai, that's why." Sagot ko at naiinis na rin.
"So that's why they decided to bring down our section by making some lies and issue about us?" Tanong nya ulit.
"Yes," Sagot ko ulit.
"What a pathetic,"
"I also known that Himari is such a spoiled brat and a competent one. She's full of insecurities lalo na pag dating kay Rai. Inggitera'ng palaka."
"I should always protect, Rai."
"Yes you should that's what boyfriend's do to their girlfriend."
"Did you ever enter relationship before?" He suddenly asked. I proudly shook my head.
"None," I answered.
"So ano'ng alam mo sa love?" Natatawa'ng tanong nya.
"Wala, butterflies inside the tummy lang alam ko." Natatawa ring sagot ko.
We end up laughing together like there is no more tomorrow, we even curse each other because of our loud noises.
But to be honest my heart is beating for only one person but that person is i don't who is it, but i'm sure it was beating to that person. If i'm going to love someone, i will make sure that my plans and mission is ended. I want a peaceful relationship with that person.
***
3RD PERSON'S POV
Everyone in the section A-2 is happy when their entering their room one by one while, at the back there is the 3 transferees who was talking to each other.
Kakatatapos lang nila mag lunch at inilibre pa nila ang mga kaklase nila because they do their job to help them na ipag-kalat pa lalo ang issue ng section A-3. Those three are the one who's behind all of the shits, little didn't they know that they also make Winter pissed.
Nag lalakad si Himari papunta sa mismo'ng upuan nya sy may balak syang kunin ang naiwan nyang cellphone sa loob ng bag nya.
"Hi, Himari," Bati ng kaklase.
Peke syang ngumiti dito. "Hello,"
Pag katapos non ay muli nyang ibinalik sa bag nya ang tingin nya habang may kung ano ano'ng pinag-bubulong sa babae na kumausap sakanya. Pag lingon naman nya sa dalawa'ng kaibigan na mag bubukas rin ng bag ay naisip nya na sabayan ang mga ito, Sakto'ng pag bukas nya para kunin ang cellphone ay isang malapot na likido ang nakapa nya, Kumunot ang noo nya at itinaktak ang laman nito, Biglaan naman na napahiyaw si Cindy ang kaibigan nya habang sunod sunod na nag mura si Jasper.
"W-who the fuck d-did this?!" Utal utal na tanong ni Jasper.
"Omygod! Omygod!" Hiyaw pa rin ni Cindy.
Pakurap kurap naman si Himari na tinignan ang mga gamit na tumilapon sa sahig dahil sa itinaktak nya ito kasama na rin ang bagay na nasa loob ng bag nya. Isang kulay pula'ng likido ang nakapa nya sa loob ng bag na sya ring tumilapon sa sahig ganon rin ang kila Cindy at Jasper, may anim din na pulang gummy bears.
"Oh my god, Sino gumawa nan?"
"Grabe ang creepy naman,"
"Is that a threat? kasi kung oo sino naman gagawa satin nyan?"
"I think wala sa 'tin, nasa ibang section maybe."
"Sigurado ako A-4 may gawa nito, Trip nila 'yang tatlo kanina sa cafeteria diba."
"Oo nga 'no! hala shit!"
Naikuyom ni Himari ang kamao nya dahil sa tingin nya ngayon ay may tao'ng may lakas ang loob na kabanggain sila. 'Yun lang ang hindi nya alam si Winter mismo ang kinalaban nila. Lumapit sila sa tao'ng mas delikado pa sa pag kahulog sa bangin.
On the other side, Napadaan ang lahat ng section A-3 nauna ang iba samantala'ng naiwan sa pinaka huli si Winter at Darius na nakatingin sa loob ng classroom ng A-2 habang nag-lalakad, Isang ngisi ang pumaskil sa labi ni Winter bago isinubo ang pulang gummy bear nag flip hair pa pag katapos.
Who is she? tanong ni Jasper sa isip nya ng mapansin si Winter.
-
WINTER
Nag kakagulo, Nag tatalo at Nag sisisihan. Ayan lang naman ang nakikita ko sa loob ng classroom ng A-2, Napadaan kasi kami doon kanina dahil kagagaling namin sa field dahil nanood kami ng practice nila Ian sa baseball.
Hangga'ng ngayon natatawa pa rin ako sa itsura ni Himari na galit na galit, Tapos 'yung Cindy napaka o.a akala mo naman bangkay 'yung laman ng mga bag nila, Nakita nga ako nu'ng Jasper kaya ayon kinindatan ko sabay ngisi.
Prente akong nakaupo sa upuan ko habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Owen patalikod. Kumakain pa rin ako ng gummy bears bigla naman tumayo si Kaycee at umupo na naman sa teacher's table.
"Nakita nyo sya diba?" Tanong ni Kaycee.
"Alin? sino?" Tanong ko.
"Di mo sya kilala, Winter be." Sagot lang ni Rai.
Napabaling ako ng tingin kay Kate na seryoso ang mukha.
"Why did she still comeback here after what shitty she done?" Inis na tanong ni Lexie.
"Are you referring to the girl with a long hazel-nut hair?" Tanong ni Zeus.
Tumango si Lexie.
Ano bang meron?
"Is that, Cindy, right?"
Napalingon naman ako dito sa katabi ko, Inalis ko naman ang ulo kong nakapatong sa balikat nya para matignan ko sya, Narinig kong bumuntong hininga sya at tumingin sa harap, napansin ko rin na napatingin ang ilan kay Ian na naka suot na naman ng headphones.
Don't tell me...
"Yan tama mag sama sila ni Himari pareho silang mga bwakanangina'ng shit." Sabi ni Rai na nasa tabi ni Darius.
Hays, this another both lovely couples.
"Akala ko ba mamaya pa 'yung plano? bakit may ganon na agad na naganap sakanila?" Tanong ni Kaycee at tinignan si Zeus. "Pres, ikaw ba may gawa 'non?"
Umiling si Zeus. "I'm was about to prank them but it turns out threatening them so my answer is no, hindi ako ang gumawa."
"Kung hindi tayo, edi sino?" Patay malisya'ng tanong ni Darius.
"You know what? na b-bwisit ako sa mukha nung lalaki what is his name again?" Naniningkit pa lalo na tanong ni Achi.
"Jasper," I answered.
Napatingin silang lahat sakin.
"Bakit kilala mo?" Tanong ni Owen.
"Oo nga? mag kakilala ba kayo 'non?" Tanong ni Rai.
"Jasper? jasper you lang ako yieeeeh," Sabi ni Kaycee kaya nasundan na ng kabalbalan.
"Yikes,"
"Kadiri ang corny ng name amo'y panis na chicken corn dog ala Winter."
"Hahahaha, Gago!"
"Lol, Lmao, Xd, Fr fr, Istigug."
"HeRE's thE rEcIpE FoR tInOlaNG pAksiW."
"Recipe no.1, Kilikili ni Darius."
"Kagaguhan nyo na naman!"
"Kaibigan ko ba talaga kayo?"
"Ay hindi mga ka fling mo siguro dati."
"Pati kami? gago kadiri naman di kami talo."
"Ang boys ay para sa boys lamang."
"Gago?"
I just shrugged my shoulder and continue to chewing the red gummy bear. This is my first move, Ang balak ko lang ay takutin sila hangga'ng sa umamin sila sa kasalanan nila at malinis ang pangalan ng section namin, pero kung pilit silang mag mamatigas at hindi aamin edi mas malala pa dyan ang makikita nila.
Sandali nama'ng napadako ang paningin ko kay Ian na nakatingin sakin, his eyes landed on Owen na nasa tabi ko at nakikipag bardagulan pa sa mga kaibigan namin. I gave him a wide smile ginantihan naman nya ng tipid na ngiti lang at ibinalik sa unahan ang tingin. I suddenly remembered what Kate told me.
The girl that Owen courting and the girl that Ian was had a feeling's for is the same girl with the one of the newbie no other than, Cindy.
Pano nya pa nasikmura na bumalik dito pag katapos nyang sirain ang pag-kakaibiga ni Owen at Ian? ang kapal ng pag-mumukha nya. Kaya naman pala kanina pa hindi halos maipinta ang mukha ng Apat nila Kaycee.
Pero may pag-asa pa bang mabalik ang maayos na samahan nila o talaga'ng hangga'ng dito nalang talaga?
Natigilan naman ang lahat ng bigla'ng pumasok si Sir Nathan at napamewang ng makita si Kaycee sa table nya.
"Ms Kaycee Torres!" Tawag nya dito.
"Ano?" Sagot ni Kaycee at humarap kay Sir kaya hilaw na ngumiti. "Ay ikaw pala, Sir. Good afternoon po."
"Kaya nag tataka ako kung bakit parang may bakat ng sapatos ang table kasi ikaw pala ang makulit na bata'ng sampa ng sampa dyan." Sabi ni Sir at ipinatong ang libro na dala nya sa table.
"Sorry, Sir. Sa mauulit ulit, hehehe." Sagot ni Kaycee kaya napailing si Sir Nathan.
Bumalik si Kaycee sa upuan nya tapos nag simula na rin mag discuss si Sir Nathan para sa lesson at topic na posible mabanggit sa exam. Tapos na rin naman akong i-tutor ni Ian kaya wala ng problema naaral kona rin ang iba at na review.
Bakit ba nag-papanggap pa rin akong inosente? should i let my real me out? at least totoo ako don hindi kona itinago kung ano ba talaga'ng klaseng ugali meron ako, para kapag nalaman nila kung sino at ano ako, hindi sila masyado'ng magalit sakin.
Napatingin ako kila Lexie, Darius at Achi na tahimik na nakikinig kay Sir Nathan.
If someday i was being in trouble, will you defend me, attorneys?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro