Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Parker 08

WINTER

"I pick my poison and it's you..."

Napailing nalang ako dahil sa pag kanta ni Kaycee habang nakaupo sa ibabaw ng Teacher's table na naging hobby na nya.May hawak syang plastic bottle na nag sisilbing mic nya habang kumakanta.

Pag pasok at pag pasok ko talaga dito ang tilian at hiyawan talaga nila ang nangingibabaw dito sa loob ng room, Silang tatlo nila Rai at Kate ang mismo'ng nag hihiyawan na akala mo nanonood ng K-drama, Pati mga lalaki dito nalilito na kung ano bang nangyayari don sa tatlo tinatanong ko naman kung bakit pero hindi sila nasagot bagkus ay tinitignan lang nila ako na para bang nang-aasar.

Ka curious na talaga.

"Napapano ba 'yang tatlo na 'yan?" Tanong sakin ni Owen.

"Hindi ko nga rin alam, ayaw naman sabihin sakin e." Sagot ko habang nag d-drawing.

"Hindi mo ba talaga alam?" Tanong sakin ni Zeus.

Umiling ako. "Hindi talaga, Pres."

Tumango nalang sya at pinag patuloy ang pag c-cp nya.

Iilan palang kaming nandito si 'yung tatlo nila Achi, Ian at Darius ay nasa field daw dahil chinecheck 'yung ibang baseball player, Hindi ko din naman sila naabutan dito pag kapasok ko.

And ayon na nga speaking of Ian, Achi and Darius, Ayon natatanaw ko sila sa hallway na nag lalakad as usual ganon pa rin si Ian nakasalpak pa rin sa tenga ang headphone at naka poker face na parang walang pake sa mundo sa tabi nito si Achi at Darius na parang inaasar sya pero hindi nya pinapansin ang mga ito.Nang makapasok sila ay parang may hinahagilap ang mata ni Darius at ng makita ako ay ngumisi ito ng nakakaloko, Nag tama naman ang paningin namin ni Ian ngumiti ako sakanya sya naman ay bahagya'ng tumango.

"Ayieeee acksss omg ahhhhh!" Hiyawan ng tatlo na akala mo nasisiraan ng bait.

"Sure ba talaga kayo'ng okay pa utak nyo?" Tanong ko.

"Nagulat ako akala ko kalapati na humihiyaw." Sabi ni Darius kaya binato sya ni Kaycee ng plastic bottle.

"I won't stop getting butterflies..." Pag kanta ni Rai.

"I get 'em everytime..." Pag kanta rin ni Kate.

"I look into your eyes..." Pag kanta ni Kaycee at tumingin pa sakin.

"Seriously? ganyan na ba kaluwag turnilyo sa utak ng tatlo'ng 'yan?" Kunot noo'ng tanong ni Owen.

"Baka in love sila?" Tanong ko sakanya.

"Baka nga ay ewan kona baliw na 'yang tatlo." Sagot nya.

I just shrugged my shoulders and focus on my drawing.Mamaya ko nalang ulit kakausapin 'yang tatlo kapag okay na ulit ang utak nila.Ilang oras na silang ganyan at ilang oras na rin kaming nanghuhula ng sagot sa katanungan namin.

In love? kanino naman ma i-inlove si Kaycee at Rai bukod kay Kuya? saka si Kate still healing pa rin daw 'yan kay Achi kaya pano naman na sasabak na naman sa pag-ibig 'yan? ewan kona ang gulo gulo naman.

Natigil na rin naman silang tatlo ng biglang dumating si Sir Nathan muntik pa nga mahulog sa Teacher's table si Kaycee dahil sa pag mamadali.Nag lesson na kami pero napapansin ko ang pag tawa at pag ngisi nung tatlo kapag napapatingin sila sakin.

Ano bang meron na diko alam?

"Who wants to solve, No. 2?" Tanong ni Sir Nathan. "Anyone?"

Wala nama'ng nag taas ng kamay, Ako naman ay tumungo para di matawag, Nakita ko naman ang pasimpleng pag hulog ni Owen sa ballpen nya at dahan dahan na pinulot ito.Kanya kanya naman na pag iwas ang iba pero may natawag pa rin at ayon si

"Miss Flores,"

Kita ko naman ang gulat na dumaan sa mukha ni Rai, Hindi nya siguro in-expect na sya ang tatawagin e sya 'tong ma effort na umiiwas na tawagin ni Sir.Napabuga sya ng hangin at humarap kay Sir.

"Sir, Wala po akong naintindihan e." Sabi nya kaya kumunot ang noo ni Sir.

"Pano'ng wala? kanina pa ako nag d-discuss dito ah." Sabi ni Sir Nathan.

"I'm sorry, Sir. Wala po talaga ako'ng naintindihan sarili ko nga po di ko maintindihan 'yan pa po kaya'ng math na masakit sa ulo." Sagot ni Rai na ikinatawa nila Darius.

"Lodicakes," Sabi ni Darius.

"Okay okay, Seat down." Senyas ni Sir at nilibot ang paningin samin. "Bukas ang report nyo sa Activity make sure na lahat kayo ay tapos na by pairs." Paalala nya samin. "Mag lunch na muna kayo at tanghali na rin."

Pag kaalis ni Sir Nathan ay muling nag kagulo, Bigla na naman umingay ang loob ng room dahil sa sigawan at tawanan nila Kaycee na akala mo talaga mga nasisiraan na ng ulo.

Nag ayaan kami'ng lahat na sabay sabay pumunta ng Cafeteria, Nauna ang tatlo nila Achi, Ian at Darius dito naman kami sa likod nila Owen kasama si Zeus, Kaycee, Rai, Kate at Lexie.

Habang nag lalakad kami pababa ay panay ang hagikhikan ng tatlo na halata'ng kilig na kilig talaga, Nagulat nalang ako ng bigla akong akbayan ni Kaycee.

"Ikaw ha dimo naman sinabi samin na may dumadamoves na sayo." Bulong nya kaya kumunot ang noo ko.

"Huh? ano'ng pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko.

"Asus nag d-deny pa oh," Gatong ni Rai.

"Ano ba kasing pinag-sasabi nyo?" Tanong ko.

"Wait kanina ko pa napapansin na clueless ka wala ka bang alam, Winter?" Tanong sakin ni Kate.

Umiling ako. "Ano ba talaga kasi 'yon? litong lito na 'ko sainyo."

"I knew it, Winter doesn't know about that." Sabi ni Kate sa dalawa.

"Weh wala ka talaga'ng alam?" Paninigurado ni Kaycee.

"Oo nga ano ba kasi 'yan? sabihin nyo na sakin para alam ko." Sagot ko.

Kinuha naman nila'ng tatlo ang cellphone nila at may kung ano'ng kinalikot don, sabay sabay naman akong may narinig na tugtog sa cellphone pag katapos ay ipinakita nila sakin ang nandon.

Facebook stories sya at acc ni Ian ang nag post ng my day na 'yon.Nang titigan kong mabuti ay halos manlaki ang mata ko ng marealize kung ano ito.

Ito 'yung vc namin kagabi habang gumagawa ng activity report, sa picture na 'yon may naka attached sa taas na music at ito 'yung kinakanta ni Rai kanina na 'I pick my poison and it's you'

"Confirm wala nga'ng alam si Winter." Sabi ni Rai at natawa.

"Hindi lang sa facebook naka md 'yan, Pati sa Instagram nya nandon rin." Sabi ni Kate at nginisan ako.

"Ano naman kaya'ng nakain ni Ian at ginawa nya 'yan? hmm?" Mapang-hinala na tanong ni Kaycee.

"Now i know kung ano'ng kinababaliwan nyo kanina." Singit ni Owen. "Little things that you didn't know, so you are the first girl that he add to his stories kung ganon."

"B-bakit naman nya gagawin 'yon?" I asked confusedly.

"Better asked him sya ang nag my day kaya sakanya ka mag tanong para may makuha kang sagot." Sagot ni Kate at tinignan ang kuko nya.

"Gagi pero seryoso nakakakilig kaya," Sabi ni Rai.

"Agree ako teh nakita mo ba 'yon? pareho silang naka focus sa ginagawa nila tapos sumakto pang 'Poison' 'yung music, Hayst sabaok nalang talaga." Pag dadaldal ni Kaycee.

"Medyo nag iiba ngayon si Ian and guest what? they already stopped bullying simula ng mangyari 'yung sayo, Winter." Sabi ni Owen.

"Teka nag sorry na ba sya sayo?" Tanong sakin ni Kaycee.

"Hindi pa e," Sagot ko.

"Ay ang weird nag vc na't lahat ni my day pa tapos wala pa palang apologize na nagaganap." Sabi ni Rai kaya nag tawanan sila ni Owen.

"Hintayin nalang natin na mag kusa sya," Sabi ko.

"Yeah that's right maybe he's just still earning his strength to apologize to you." Dinig kong sabi ni Zeus na nasa likod pa pala namin.

"Ay pres! nandyan ka pala?" Tanong ni Rai.

"Kanina pa," Pabalang na sagot ni Lexie.

Automatic naman na napataas ang kilay ni Rai dahil sa tono ng pananalita ni Lexie, Napailing nalang si Kate si Kaycee naman hinawakan sa braso si Rai dahil nag sisimula na naman mag init ang ulo nito.

Nang tuluyan kaming nakababa ng Building ay muli na naman kaming pinag tinginan ng mga estuyante na pinag c-chismisan pa rin kami dahil hindi pa rin tapos ang issue ng A-3.
Wala nama'ng makatingin ng matagal samin dahil kay Kaycee na umaamba ng suntok.

Nauna na si Lexie at Zeus samin ngayon sa pag lalakad, Kami naman na apat nila Kate, Kaycee at Rai ang nasa pinaka huli tapos sa unahan namin 'yung apat na lalaki dahil nag dadaldalan sila Owen at Darius.

Nabigla naman ako ng bigla'ng may tumulak sakin mula sa likod, napatigil naman 'yung apat at gulat na nakita ako madadapa na sana ako ng may braso'ng sumalo sakin.Napakurap kurap ako at dahan dahan na nag angat ng tingin, daretso syang nakatingin sakin habang ang mata nya ay natatakpan ng ilan sa hibla ng buhok nya.

"Ayieee," Hiyawan ng kasama namin.

"Pag ibig na kaya..." Pagkanta ng nila Rai at Kaycee at narinig ko pa ang pag tawa ni Kate.

"Luh na fall," Pang-aasar ni Achi.

"Sheyt sanahalls sinasalo." Sabi ni Darius.

"Ehem, Sakit nyo naman sa mata awts awts." Sabi ni Owen.

Napakurap kurap naman ako at inayos ang tayo ko, binitawan na rin nya ako.Inayos ko ang buhok ko dahil nagulo ito napatikhim din ako at tumingala sakanya dahil matangkad sya.

"S-sorry may tumulak kasi e." Pag u-umanhin ko.

"Hmm, but you okay?" He asked.

"Oo naman," I answered.

"Good to hear," He said and start to walk again.

Tumatawa naman na sumunod sakanya 'yung tatlo nila Owen at kami nalang na apat na babae ang naiwan dito sa hulihan.Mabilis ko naman nilingon ang Tatlo na nakangisi'ng nakatingin sakin.

"Sino'ng tumulak sakin, ha?" Tanong ko.

"Hindi ako 'yon," Sagot ni Kaycee.

"Hindi rin ako 'yon," Sagot ni Kate.

Di makapaniwala na tinignan ni Rai 'yung dalawa. "Ahh so ano 'yon ako 'yung tumulak kay Winter?"

"Aba malay ko baka naman ikaw nga." Sagot ni Kaycee.

"Ay ang galing naman," Sabi ni Rai at humarap sakin. "Oo ako daw 'yung tumulak sayo."

"Ano nahawakan mo ba 'yung abs? Ilang packs, ha?" Sunod sunod na tanong ni Kaycee.

"Buang, Ano'ng abs pinagsasabi mo?" Kunot noo'ng tanong ko.

"Hayst wala wala, Anyway sabaok may taga salo." Sabi nya at umiling iling.

"Another ship unlocked." Nakangisi na sabi ni Rai.

"What do you mean?" I asked.

Kate cleared her throat. "Before kasi that me and achi are still together, We're also shipped by them."

"Ahh so ibig mong sabihin kami naman ni Ian ang is-ship nyo?"

"Parang ganon na nga hehehe,"

"Aba pwede naman ah malay natin mag work,"

"Mga buang kayo hayst."

Napailing nalang ako dahil sa mga pinag-sasabi ng mga kasama ko tuloy ay iniwan na kami at nakapasok na sa loob ng cafeteria ang mga kasamahan namin.Ngayon nga lang kami nag sabay sabay na lahat.

Pag pasok sa cafeteria ay nakita namin na kumakaway sila Owen at Darius kaya naman nag lakad kami papunta doon na apat, Pag dating namin ay agad silang nag si upuan naiwan lang akong nakatayo.

Mag katabi si Owen at Darius, Sa tabi ni Achi nandon si Kaycee at Rai tapos doon naman si Kate sa tabi ni Zeus kung saan katabi rin ni Zeus sa kabila si Lexie.Napatingin naman silang lahat sakin.

"Bakit di ka pa naupo, Winter?" Tanong sakin ni Zeus.

"Oo nga? may space pa naman sa tabi ni Ian." Dagdag ni Lexie at napabuntong hininga. "Unless may iba kang gusto katabi."

"Huh?" Imik ko.

"Lexie, Isa nalang talaga bibigwasan na kita." Bigla'ng sabi ni Rai kaya nagulat ang kasama namin.

"Guys, Ano ba? nag punta tayo dito para kumain hindi mag away." Suway sakanila ni Zeus.

"Pag sabihan mo 'yan si Rai masyado'ng bida bida di naman sya ang kausap." Sabi ni Lexie kaya nagulat pa lalo ang mga kasama namin lalo na si Zeus.

"Lexie? what happened to you?" Tanong ni Owen.

"What?" Pabalang na sagot lang ni Lexie at tinignan ako. "Ano? ayaw mo pa rin umupo sa tabi ni Ian? saan mo gusto dito ba sa inuupuan ko?"

"Lexie, Ano ba? wala nama'ng sinasabi si Winter." Pagitna na rin ni Kaycee.

Napairap si Lexie at tumayo. "Ayoko na palang mag lunch busog na ako,"

Napagilid naman ako ng dumaan si Lexie at lumabas ng Cafeteria napatingin pa nga ang ilang kumakain sakanya tapos natingin sila sa table namin.

"Uhm guys, Mauna na muna kayo kumain susundan ko lang si Lexie kakausapin kona rin." Paalam ni Zeus at nag lakad palabas ng Cafeteria.

"What a bitch," Dinig namin na sabi ni Kate.

Naupo naman ako sa tabi ni Ian na ngayon ay nag tatanggal ng headphone.

"Okay naman ganap ni Lexie dati ah? bakit nag kaganon 'yon." Kunot noo'ng sabi ni Owen.

"Lumalabas na kasi ang pagiging bitchera nya." Sagot ni Rai at napairap.

"I think she's jealous," Sabi ni Ian.

"Nagseselos? ano naman pag seselosan non e wala nga'ng jowa bruhilda kasi." Pang t-trashtalk ni Rai.

"Hindi na nga rin nalapit sakin 'yon maliban nalang kay Zeus." Sabi ni Kaycee at bigla'ng natigilan.

"Pansin ko rin 'yon di kaya nagseselos talaga 'yon?" Tanong samin ni Darius.

"Ian, Ano'ng klaseng pagseselos ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Achi.

Isa isa kaming tinignan ni Ian hangga'ng sa tumigil ito sakin pero mabilis din naman syang nag iwas ng tingin sakin at binalingan nya ng tingin si Achi.

"She's jealous at Winter." He answered.

"Why me?" I asked.

"Base on my observing to Lexie this past few weeks, I sense that she's literally jealous of you and that's the reason why she is rude to you." He answered.

"He likes, Zeus...Right?" Tanong ni Darius.

Ian nodded.

"Gagstok so akala nya aagawin ni Winter si Zeus? wala nga ako'ng nakikita na spark kay Winter pag natingin sya kay Zeus." Sabi ni Kaycee.

"Kakausapin ko si Lexie mamaya kailangan kong linawin sakanya ang lahat, Hindi ko naman gusto si Zeus nakikita ko lang naman sya as one of my friends." Sabi ko at hinawi ang huhok ko.

"Tama tama dahil may iba kang gusto." Tumatango'ng sabi ni Kaycee.

"Ayieeee," Panunukso na naman ni Rai.

"Sabaok kasi po diba ni m-my day." Gatong pa ni Achi.

"Nice 'yan bago'ng ship." Dagdag pa ni Darius.

"Winter and Ian, Kamayan na!" Sabi ni Rai.

"Ano ba tigilan nyo nga 'yan." Suway ko.

"You're blushing, Winter." Turo sakin ni Kate kaya napatingin sila sakin.

"Hala hindi naman!" Tanggi ko at tinakpan ang mukha ko.

"Funny,"

Natigilan naman kami'ng lahat ng marinig namin ang bahagya'ng pag tawa ni Ian saglit lang 'yon pero iba ang naging dulot sami'ng lahat.

Did he just laugh?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro