Parker 05
WINTER
Nakalipas ang isang linggo mag mula ng mangyari 'yung gulo sa classroom, Balak pa sabihin ng Dean kay mama ang nangyari dahil isa akong Parker at hindi 'to pwede palagpasin pero si Kuya na ang nakiusap para hindi na ito ipaalam pa.
Kung dati lagi kong gamit gamit ang pagiging Parker para makuha ang mga hindi ko naman gusto makuha, ngayon hindi ko ito gagamitin.Alam kong hindi ako basta'ng tao lang ang mga Parker ay ang mga delikado'ng tao na kabanggain, Lalo'ng lalo na si Mama.
And i hate being one of them.
Full of high class, Expectations, Perfections.
"Kate, Dito!" Tawag ni Rai.
Sa pag lipas ng isang linggo na 'yon heto at mag kaayos na sila Kaycee, Rai at Kate, Nag kakasundo na rin silang tatlo sa mga bagay bagay katulad nalang daw ng kung ano sila dati.
Kung ano'ng ikinaingay ni Kate sa samahan ay sya naman na bigla'ng pag tahimik ni Lexie.
"Kainis kayo! iniwan nyo 'ko sa room!" Reklamo ni Kate.
"Aba kanina ka pa tinatawag e, bakit miss mo ba pagiging outcast?" Tanong ni Kaycee.
"Hell no!"
"Oh ano'ng gusto mo? libre daw ni Zeus." Sabi ni Owen.
Napatingin si Kate kay Zeus. "Seryoso ba?"
"Yeah, Pili kana." Sagot ni Zeus.
"Shawarma nalang sakin tas isang iced tea." Sabi ni Kate kaya nag katinginan si Rai at Kaycee.
"Yun lang?" Tanong ni Owen.
Tumango si Kate.
"Bakit 'yun lang?" Tanong ni Kaycee.
"Kasi 'yun lang." Sagot ni Kate.
"Dati expensive binibili mo ah?" Tanong ni Rai.
Nag flip hair naman si Kate. "Well nag babawas ako ng kaartehan."
"Wow," Bulong ni Lexie.
"Good for you, Kate." Nakangiti'ng sabi ni Zeus.
"Thanks, Pres."
Si Owen ang pumunta sa counter para bilhin ang order ni Kate, Marami'ng pinag kwentuhan 'yung tatlo minsan nakikitawa naman ako at kinakausap sila kailangan ko rin kasi makisama sakanila, Yun lang si Lexie nag paalam na mag r-review na daw dahil sa Quiz, Weird na nga nya ngayon e.
Pinag-masdan ko si Kate, Kaycee, At Rai ang mga may 'S' ang dulo ng mga apelyido.Mag kasundo'ng mag kasundo sila'ng tatlo kahit na noo'ng nakilala lang nila si Kuya kaya nag kaganyan na.Hindi na din itinuturing na outcast si Kate sa classroom pinapansin na ulit sya ng lahat, Yun lang ang kapalit non ay ang unti unti nya'ng pag layo kay Achi.
"Winter be, Baka naman may balak kang mag set ng blind date kay Papi Winston tapos ako ang ka blind date." Sabi ni Kaycee kaya hinampas sya ni Rai.
"Akin 'yun e!" Singhal ni Rai.
"Ano'ng iyo? hindi ka nga pinapansin!" Singhal pabalik ni Kaycee.
"Gosh eto na naman po tayo." Sabi ni Kate at napailing.
"Ganon ba ka gwapo Kuya ni Winter at nag kakaganyan kayo?" Confused na tanong ni Owen.
"Ay oo! baka pag nakita mo bigla kang bumaliko." Sagot ni Rai.
"They're really like your brother huh?" Imik sakin ni Zeus.
Natawa ako. "Oo simula pa don sa clinic di na sila mapakali dahil kay Kuya."
"Winter kasi baka may balak ka ehem ehem." Pag paparinig ni Kaycee.
"Kaycee, Ako na nag sasabi sayo baka ma bokya ka don." Natatawa'ng sabi ko.
"Huh? bakit naman?" Tanong ni Rai.
"Eh kasi hindi uso sakanya ang blind dates, Saka maaga 'yun nauwi para mag aral depende kung may gig sila." Sagot ko.
"Gigs?" Sabay sabay na tanong nila.
Tumango ako. "May banda si Kuya, Hindi ko lang alam kung saan sila nag g-gig kasi di nya pa ako dinadala don, Saka hindi 'yon pwede mag gf."
Bumagsak naman ang balikat ni Kaycee at Rai dahilan naman para pumalatak ng tawa 'yung Tatlo dahil sa itsura ng dalawa.
"Bakit naman bawal?" Nakasimangot na tanong ni Rai.
I sighed. "Mom was controlling him, Sya ang heir ng Parker Holdings at ayaw sya'ng payagan ni Mama mag gf kasi distraction daw."
I suddenly felt sad for kuya.
"Luh so it means strict pala mom nyo?" Tanong ni Owen.
I nodded.
"Ganyan ba talaga kapag Heir? hayst ansakit siguro non para sa mga kagaya ng Kuya mo." Sabi ni Kate.
"Sobra'ng sakit non for him." Sabi ko at mapait na natawa.
"Eh ikaw? pwede ka mag bf?" Tanong ni Zeus.
"Pwede pero sabi ni Mama kapag 19 daw ako mag bf and dapat angat sa buhay, Wala e desisyon sa lahat imagine i'm already at my legal age pero sya pa rin masusunod." Sagot ko at mapait na natawa.
"Higpit naman, Di kami makarelate na mga low class." Sabi ni Owen.
"Low class din naman ako ah." Sabi ko.
"Tanga, Parker ka at High class kayo." Sabi ni Kaycee.
"I'm a Parker yes, Pero hindi ako High class like them, I don't like that." Sabi ko.
"Bakit parang nakakatakot kayo'ng mga Parker." Sabi ni Rai at kumapit sa braso ni Owen kaya nagulat 'yung isa.
"Nakakatakot talaga pero wag kayong matatakot samin ni Kuya kasi iba kami kay mama or sa mga relatives namin." Sabi ko at ngumiti.
"No offense, Winter but my mom told me that your mom is such an High class pero low class ang ugali." Bulong sakin ni Zeus nag iingat din sya sa words na masasabi nya.
Well, Agree.
"Yeah, I agree hindi naman sya magiging ganyan kung hindi sya pinilit." Sabi ko.
"Pinilit?"
"Mom was forced to act like them, act like an real Parker."
He was shocked.
"Hoy! nandito pa kami ba't kayo nag sosolo?" Reklamo ni Owen.
"Oo nga parang other's 'tong dalawa." Sang-ayon ni Kaycee.
Natawa nalang kami ni Zeus dahil totoo nga'ng sinolo na nami'ng dalawa ang usapan about sa pagiging Parker ko.After the lunch hindi kami sabay sabay na bumalik sa Room dahil dumaretso pa muna si Zeus sa faculty dahil pinapatawag sya ni Sir Nathan, Si Rai naman dumaan muna sa Section A-5 dahil maniningil. Na laman ko nga'ng Treasurer rin sa A-5 si Rai.
Pumasok kami ng classroom at naabutan namin ang tatlo nila Ian, Darius at Achi na may pinag-uusapan, Sa pwesto naman namin ay si Lexie na tahimik na nag babasa ng libro.
Dumaretso kami ni Owen sa upuan namin habang si Kaycee naman ay tumambay pa muna sa pwesto ni Kate at may pinag chikahan chismosa pa naman ang dalawa'ng 'yan, Sandali akong napabaling ng tingin sa gawi nila Ian at nag uusap sila nila Darius at Achi.
"Sumama kana nga kasi samin," Pilit ni Darius kay Ian.
"Wala akong panahon dyan, Dari." Bored na sagot ni Ian.
"Sumama kana nga tol, hindi ka patatahimikin nan ni Dari." Pakikisali ni Achi.
"Sinabi ng ayoko nga, Pass." Sabi ni Ian habang nag kakabit ng headphone napatingin naman sya sakin at nag tama ang paningin namin nagulat naman sya at napaiwas. "Gusto ko pala, Sige sama ako."
Napaiwas nalang din ako ng tingin at bahagya'ng natawa dahil sa naging reaksyon nya.Kanina bored lang sya at tumatanggi kila Achi at Darius tapos ng makita ako bigla'ng nagulat tapos biglang pumayag sumama, Hayst.
Medyo cute sya magulat.
Akala ko nga after ng nangyari ay may masusunod na naman na bago pero wala ng nangyari, Hindi na sya lumapit pa sakin non pero napapansin kong palagi syang nakatingin sakin kapag nahuhuli ko sya bigla nalang syang iiwas tapos tatanungin si Achi o di kaya si Darius kung bakit daw sila nakakapag lakad.
***
"May chika ako sainyo!"
Napaangat ako ng tingin at halos lahat ng paningin at atensyon namin ay ngayon nakapukaw kay Rai na kararating lang galing sa paniningil.
"Ano 'yan? spill the tea." Interesado'ng sabi ni Kaycee.
"Bago ko i-chika sainyo ang lahat mag hulog kayo ng tig 5 pesos dito sa box na hawak ko." Ngiti'ng sabi ni Rai.
"For what naman?" Tanong ni Kate.
"For chika matters," Sagot ni Rai at kumindat. "Mukha'ng interesado kayo'ng lahat sa chika ko kaya pinag huhulog ko kayo ng 5 pesos para di masayang laway ko, hehehe."
"Certified buraot ka talaga 'no?" Tanong ko.
"That's my talent, Lamig." Sagot nya. "Oh dali na hulog na kayo parang 5 pesos la-"
"Saksak mo 'yan sa bituka mo bayad na kami'ng lahat." Putol ni Darius at idinikit sa mukha ni Rai ang 1k.
"Bakit 1k? grabe naman iilan lang tayo dito oh," Sabi ni Owen.
"Hayaan mo na kita mo tuwang tuwa pa nga sya." Sagot ni Darius sabay turo kay Rai.
Napailing nalang ang lahat dahil sa pagiging buraot ni Rai halata'ng tuwa'ng tuwa pa nga sya dahil sa sobrang laki'ng halaga agad ang nakuha nya.
"Dito tayo'ng lahat sa gitna mag circle kayo and please pakisara ng bintana at pinto." Utos nya kaya sinunod din namin agad.
Hindi na kami nag aksaya pa ng panahon at mabilis kaming nag si kilos, Hindi pa sana gagalaw si Lexie pero ng hatakin ko sya ay don lang sya gumalaw.
Nag form kami ng circle sa gitna 'yung ibang mga bakante'ng upuan ay itinabi namin sa banda'ng likod para mag ka space sa gitna.Sinuway pa nga kami ni Zeus dahil sa ginagawa ni Rai pero hindi nag patinag ang dakilang buraot at sinabi na importante ang chika na 'yon sa lahat.
Ngayon naka bilog na kami, Si Owen, Achi, Lexie, Zeus, Ako, Kaycee, Kate, Darius at Ian na nasa harap ko tapos si Rai na nasa teacher's table.
"Ano na? tagal naman naiihi na 'ko!" Reklamo ni Kaycee.
"Punyemas saglit lang Kaycee! medyo kabado pa ako!" Sabi ni Rai at tinignan kami'ng lahat.
"Ganyan ba ka importante ang chika mo at hindi ka mapakali?" Tanong ko at sumang-ayon ang lahat.
"Ganto kasi 'yan kanina diba naniningil ako?" Simula nya at tumango kami. "Napadaan ako sa faculty room tas nakita ko don si Sir Nathan pinapagalitan sya ng Dean."
"Oh tapos? ayan na 'yon?" Tanong ni Lexie.
"Saglit lang patapusin mo muna ako pwede ba?" Inis na sagot ni Rai.
"Continue,"
"So ayon nga nakinig ako sa usapan nila sobra'ng galit na galit si Dean and guess what ano'ng pinag-tatalunan nilang dalawa?" Huminga naman sya ng malalim. "Ang mga test paper's na nawawala."
Nag simula naman ang bulungan.
"Test paper's? 'yung may mga answer key ngayo'ng taon?" Tanong ni Zeus.
"Omsim,"
"How? pano'ng nawawala?" Di makapaniwala na tanong ni Zeus.
"Hindi ko rin alam at alam nyo ba ang masaklap pa dyan?" Tanong ni Rai.
"Tayo ang pinag bibintangan, I'm right?" Imik ni Ian.
"Tumpak! tayo nga!" Sagot ni Rai kaya napaawang ang bibig namin.
"P-paano'ng tayo ang pinag bibintangan nila? wala naman siguro'ng mag nanakaw satin diba?" Tanong ko at tinignan sila isa isa.
"Naging defender pa nga natin si Sir Nathan dahil naniniwala syang wala na kahit sino satin ang nag nakaw ng test paper's.I mean oo hindi tayo mga katalinuhan pero alam kong hindi tayo gagawa ng ikakasira ng A-3." Sabi ni Rai kaya sumang-ayon ang lahat.
"Do you think what i think?" Bigla'ng tanong ni Achi.
"Huh? hindi na sayo utak mo e." Walang kwenta na sagot ni Darius.
"Lt mo po, Dari." Inis na sabi ni Achi.
"Why? what are you thinking?" Zeus asked.
"Someone's fucking framing us up." Achi answered.
"Remember? last year it happened too, at sa A-1 nangyari 'yon." Sabi ni Kate.
"Yeah i still remember." Tumango ang lahat maliban sakin.
"So ano ng gagawin natin?" Tanong ni Owen.
"Noo'ng una A-1 ang puntirya nila ngayon naman ang Section natin.Ano bang problema nila satin?!" Inis na sabi ni Kaycee.
"Wala naman satin ang totoo'ng gumawa non diba?" Tanong ko.
"Of course, Winter. No one of us steal that damn test paper's." Sagot ni Zeus kaya tumango ako.
"Ang tanga naman nila." Sabi ni Lexie at bored na bumalik sa upuan nya.
"What if ma dissolve tayo?" Tanong ni Darius.
"Shut up! ayoko hindi pwede!" Tinaliman ni Rai ng tingin si Darius.
"No don't think about that, I will manage this hindi nila pwede'ng gawin satin 'to." Sabi ni Zeus at nag lakad palabas ng classroom pero natigil ng tawagin ko sya.
"Zeus, Where were you going?"
"I will fix this as much as i can, Stay chill right there i'll be back."
At tuluyan na sya'ng nawala sa paningin nami'ng lahat. Dinig ko naman ang pag bunto'ng hininga ni Kate at ang mahihina'ng mura ni Kaycee.
Bumalik naman na ang lahat sa kani kanila'ng upuan kaya ganon rin ako hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to ngayon.Kung nangyari din 'to last year at sa ibang section ibig sabihin may isang tao'ng gusto masira ang school na 'to.
Sino nama'ng gagawa non?
After ng klase ay isa isa kaming lumabas ng classroom, In-lock ni Zeus ang pinto at itinago ang susi ng classroom sa bulsa ng pants nya tapos tinignan nya kami isa isa.
Akma'ng mag lalakad na kami'ng lahat ng bigla'ng may tumawag samin kaya lahat kami ay napalingon sa tumawag sa min.
"Sir Nathan, bakit nandito pa po kayo?" Bungad ni Zeus dito.
"May inaayos lang sa faculty, Oo nga pala may nakalimutan ako'ng sabihin sainyo." Sabi nya kaya nag katinginan kami'ng lahat.
"A-ano po 'yon?" Tanong ni Zeus.
"May activity report kayo by pairs hindi ko kasi na sabi kanina may iniisip kasi ako." Sagot ni Sir Nathan. "I sesend ko nalang sa gc ang kanya kanya'ng topic nyo sa reports sa ngayon mag hanap muna kayo ng partner.Sige una na ako ingat kayo sa pag uwi nyo."
Tumango naman kami'ng lahat at pinanood na mag lakad pabalik ng faculty si Sir Nathan halata'ng stress pa nga ito dahil nakita pa namin ang pag hawak nya sa batok nya at ang pag pag galaw ng ulo nya.
"Partner tayo, Achi!" Sabi agad ni Darius.
"Para ano? Kumopya ganon?" Tanong ni Achi kaya napasimangot si Darius.
"Sobra ka naman wala na ako'ng maaasahan dito sa mga 'to." Sagot ni Darius.
"Oo na sige,"
"Kaycee, Tayo nalang." Sabi ni Kate.
Napangiwi naman 'yung isa. "Yaks!"
"Gaga, Ano'ng yaks?" Tanong ni Kate.
"Baliko kaba, Kate?" Tanong pabalik ni Kaycee.
Hinampas naman sya ni Kate. "Gaga ka talaga, What i mean is tayo nalang mag partner."
"Ah gesi gesi." Sagot ni Kaycee.
"Lexie, Tayo?" Aya ni Owen.
"Ayoko sayo." Sagot ni Lexie kaya natawa si Owen.
"Ayaw mo edi wag ikaw na nga inaaya ni Owen." Sabi ni Rai at inirapan si Lexie. "Tayo nalang partner, Owen. Promise hindi ako mambuburaot pero dapat libre pagkain."
Natawa si Owen. "Okay sige,"
Lahat ay may partner na maliban nalang kay Zeus, Ian, Lexie at Ako.
Tumingin ako kay Lexie at ngumiti tumingin naman din sya sakin akma'ng mag sasalita na ako ng bigla syang tumayo at sinakbit ang bag nya.
"Partner tayo, Zeus." Sabi nito at nag lakad palayo.
Nag katinginan naman ang lahat.Nawala rin ang ngiti sa labi ko dahil masyado'ng naging rude ata si Lexie sakin ngayon.
May ginawa ba ako?
"Ikaw sana gusto ko ka partner kaso sinabihan ako ni Lexie e." Nahihiya'ng sabi ni Zeus at napakamot sa ulo nya.
"Okay lang 'yun magiging pabigat rin ako sayo kung ako naging partner mo." Sabi ko at tumawa.
"Ano na ganap mo, Ian?" Tanong ni Owen.
"What?" Tanong pabalik ni Ian.
"As usual mag sosolo na naman 'yan kaya nga nag pair ako kay Achi kasi alam ko na agad mag sosolo sya." Si Darius ang sumagot habang natawa.
"Same old pa rin," Umiiling na sabi ni Kaycee.
"Who told you that i'm doing the activity report solo?" Tanong bigla sakanila ni Ian.
Nag katinginan ang lahat at bigla'ng na confused sa tanong sakanila ni Ian.
"What do you mean, Bro?" Taas kilay na tanong ni Achi.
Kami naman ni Zeus ay mag katabi at pareho'ng nakatingin lang sa mga kaklase namin na nakakunot ang noo, Nabigla naman ako ng bigla'ng tumingin sakin si Ian at tinuro ako gamit ang hintuturo nya.
"Sya," Turo nya sakin.
Napansin ko ang pag lipat lipat ng tingin sakin at kay Ian ng mga kasama namin.
Napaturo ako sa sarili ko. "Ako?"
He nodded.
"Si Winter?!" Gulat na tanong ni Rai.
"Ay hindi baka si Lamig." Sagot ni Darius.
"Woah sure kana ba dyan, Ian?" Mangha'ng tanong ni Kaycee.
"Yes," Sagot ni Ian.
"Parang dati ayaw mo ng may ka partner ka ah? ikaw ha." Pang-aasar ni Achi.
"Sure ka ako talaga?" Tanong ko.
Bored nya akong tinignan. "Hindi baka 'yung anino mo siguro."
"Ian and his ugali'ng barado." Natatawa'ng sabi ni Owen.
Napansin ko naman ang pag silay ng ngisi ni Kate habang nakatingin sakin kumindat pa nga sya at nakisabay sa pag tawa ng mga kasamahan namin.
Napaiwas nalang ako ng tingin dahil halata'ng inaasar nya ako kay Ian.
Kainis bakit ba ako ang napili nya'ng partner? okay pa naman sakin na mag solo report nalang ako sanay naman ako sa ganon, hayst.
***
"Kuya, Kelan mo 'ko isasama sa gig mo po?" Pangungulit ko kay Kuya.
"Once you turn 19." Sagot nya kaya napasimangot ako.
"Bakit po 19 pa? 18 na naman ako ah?" Tanong ko.
"Para kay mama 19 ang legal age mo, Isipin mo nga 18 kana pero bata pa rin ang tingin nya sayo." Sagot nya.
"Ang tagal naman hayst."
"3 months nalang 19th birthday mo na, Hintayin mo nalang 'yon after that isasama na kita sa gig ko."
Tumango nalang ako at pinag patuloy ang pagkain ko ng Ice cream.Nandito kasi ako sa kwarto ni Kuya nanonood kasi sya ng attack on titan.Habang nanonood ay nagulantang kami sa sunod sunod na malakas na katok at kasabay nito ang boses na hindi namin gusto marinig.
"Winston! Winston!" Sigaw ni Mama.
"M-ma?" Utal na sagot ni Mama.
"Lumabas ka dyan! go to my office and let's talk!" Sabi ni mama at rinig na rinig ang yabag ng hills nito.
Napatingin ako kay Kuya na nag lalakad palabas ng kwarto akmang bubuksan nya ang pinto ng tumayo ako at hinawakan sya sa braso nya tapos umiling, nakikiusap na wag syang lalabas.
He smiled. "Okay lang,"
"Kuya..."
"Kakausapin lang ako ni Mama." Sabi nya at hinawakan ang ibabaw ng ulo ko. "I'll be okay, Stay here huh? wag kang lalabas."
Tuluyan naman na lumabas ng kwarto si Kuya, Sumiklab ang kaba sa dibdib ko ng mawala na ang yabang ng lakad ni Kuya at satingin ko ay papunta na sya sa office ni Mama.
Doon ako lumabas at sumunod papunta sa office ni mama na nasa tabi lang naman ng Library.
Naiwa'ng naka bukas ang pintuan ng office ni mama at halos mapa atras ako ng makita'ng pinag babato nya ng papers si Kuya sa mukha ganon rin ang libro.
"Diba ang sabi ko umalis kana sa banda na 'yan dahil distraction?!" Galit na sabi ni Mama.
"Ma..." Sambit lang ni Kuya habang naiyak.
"You're such a hard headed! para kang Daddy mo! hindi kayo marunong makinig kaya na d-distract kayo! you giving me an headache, Winston!" Sabi ni Mama at patuloy sa pag babato ng papel kay Kuya.
"Ma, Gusto ko ang pag b-band-"
"Fuck this life! Fuck that band!" Putol ni Mama.
"B-babawi nalang po ako this n-next sem..." Umiiyak na sabi ni Kuya.
"Babawi?! babawi na naman?! sinabi mo rin 'yan noon!" Galit na galit na sabi ni Mama.
"Pag b-butihin kona m-ma..."
"Liar! umalis kana sa banda na 'yan! makinig ka sakin Winston!"
"Ayoko ma..."
"Sinusuway mo na talaga ako?!"
"H-hindi po sa ganon, M-mahal ko ang banda ma..."
"Iiwan mo ang banda mo o Itatakwil kita?!"
Doon naman napaangat ng tingin si Kuya, ako naman ay napatakip sa bibig ko upang pigilin ang hikbi ko dahil sa nangyayari ngayon kay Kuya.
"M-ma..."
"What do you want? mamili ka Winston, Kahit anak kita kung hindi ka susunod sakin talaga'ng itatakwil kita!"
"Please ma, Wag..."
"You choose, Winston."
Napatalikod nalang ako at nag lakad pabalik ng kwarto ni Kuya kaya hindi kona alam kung ano'ng nangyari sa loob ng office ni Mama.
Pinunasan ko ang luha ko ng marinig kong pabalik na si Kuya ng kwarto.Hindi nya ako pwede'ng makitang umiiyak baka mas lalo lang ako dumagdag sa mga alalahanin nya.
Pag pasok nya ng pinto ay nakita kong wala ng luha sa pisngi nya pero nandon pa rin ang pamumula nya at ang mata nya'ng kagagaling lang sa pag iyak.
"Kuya..." Tawag ko dito.
Ngumiti na naman sya tulad ng ginagawa nya. "I told you, I'll be okay."
"You need hug?" I asked him.
He nodded.
Lumapit naman sya sakin at tinanggap ang yakap ko.Narinig ko naman ang pasimple'ng pag singhot nya na pilit nya'ng hindi pinaparinig sakin.
My poor kuya.
"Winter?" He called me.
"Hmm?"
"I think di na kita madadala sa susunod na gig."
"Why?"
"I choose mom and you than the whole band."
And that word starting to made me mad at mom...
I really hate her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro