Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Walang-kahulilip

Hindi ka nababagay sa mga sulat ng tanghaling-tapat
sa umagang nakalimutan niyang batiin
noong minsang nakaharap niya ang
naglalagablab na bituin.

Kumbaga salungat sa nararapat;
wala kang koneksyon sa mga himig sa dalampasigang
hinahampas ng mga along
nagkataong naligaw sa piling ng hangin.

Mapait.
Lumalabas sa mga bibig
na pumipintig lamang sa tamis
at hindi sa unti-unting pagkalas ng lakas.

Wala kang ideya kung paano lumaban, kumapit at manatili
sapagkat ang tanging alam mo lang ay ang sumuko, bumitaw at tuluyang umalpas.

At hindi ako gumagawa ng estorya,
alam nating dalawa na hindi ikaw ang kukompleto
sa mga puwang na bumubuo sa sarili kong balangkas.

Ngunit aanhin ko ang tamis ng nagyeyelong panghimagas
kung ikaw ang kapeng minumutya't hindi ko mabitawan sa paglipas?

-MLD |01222021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro