Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sindak

Aaminin kong
mikropono'y naduduwag
sa paglantad sa realidad
na kinasasangkutan.

nangangaligkig ang labi —
kahulilip na lamig
sa luping pangtinig
na pinapatlangan.

nanginginig ang kamay
na kumakandili sa tunog
ng pangakong mapusyaw.

nababahag ang buntot,
sukab sa tinig ng kulog
ng sariling kalooban.

napipipi't nabibingi;
hinahayaang magutom
ang tiyan ng katarungan
sa nagyeyelong sabaw.

kaulayaw ng lihim
ang katotohanang
inalipusta;

walang payapa sa tahimik
na bahagi ng
pangamba.

—MLD |  01032020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro