Pagkupas
.
Sa matagal na panahong
naging kasiping
ko ang aplaya,
napagtanto kong
hindi naman pala luha
ang gamot sa hapis
bagkus, pagbitaw—
pagpapalaya,
pagpaparaya, at
pagpapaubaya;
kaparis ng
along sumasalpok
sa nagbabalatkayong
tamis.
—MLD | 01092021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro