Mananatili
.
Wala ka sa pagitan
Wala ka rin sa simula;
ikaw 'yong magkadikit
na espasyong
hindi ko mapunan sa wakas.
ang takipsilim na nabihag
ng larawang kupas—
kapilas ng kariktang
tinanuran ng rosas.
pilitin mang burahin
at isama sa libransang
sinulat upang mabulok,
wala pa ring kapantay
ang hatid mong tibok.
—MLD | 01182021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro