Kapag Kabisado na ng Oras
Kailangang magkailangan
sapagkat hindi pa tama
ang landas
na tinatahak ng oras,
mga paa niya'y
pagod pa sa paglalakbay
at ang daan
patungo sa iyo
ay isa pang paksa
na nais niyang pag-aralan:
kung anong kalye
at sa kung saang
palatandaan siya hihinto,
kung anong kulay ng pintura
ang ipininta sa iyong balat,
kung anong musika
ang itinutugtog
ng iyong damdamin
at kung ano ang laman
ng lahat ng pag-aari mong
ayaw mong pangalanan
Hihintayin nalang muna
ang hanging dalhin
ang dalangin na sana,
bukas,
maibalik na sa iyo
ang mga tala,
buwan, at
maging ang mga
paru-parong
iyong nilikha
sa aking mga akda
sana bukas,
kabisado na ng oras
ang iyong mukha
—MLD | 09082021 12:07am
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro