Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Etika sa Teatro

Saang banda ka pipikit at magkukunwaring bulag?
sa alapaap o sa bukal ng sariling agam-agam?
sa pabalat ng aklat na bida sa bisig ng ilustradong duwag?
o sa mahistradong sa tindig lang edukado at may kilos na hiram?

Sa galaw ng magnanakaw o sa delubyo ng kanilang sikmura?
Sa mura ng maharlika o sa bulong ng kabaong sa ilalim ng herarkiya?
Sa nagbabalatkayong labi o sa mga matang mulat?
Saang banda ka pipikit at magkukunwaring bulag?

—MLD | 07122021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro