Desperasyon
.
Hindi asukal
ang sagot
sa iyak ng sanggol,
hindi iyak ng sanggol
ang gamot
sa labing nakabusal,
hindi labing nakabusal
ang sagot
sa tawag ng tagapagtanggol,
hindi tawag ng tagapagtanggol
ang gamot
sa kahitang pagal.
hindi laway
ang pangontra
sa naghihingalong
ningas;
idura man sa masa'y
bokya ang halaga.
aanhin mo ang lakas
ng dumadagundong
na hustisya,
kung balawis at bingi
ang tenga
ng baluktot na sistema?
—MLD |01092021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro