Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Bukang-liwayway

Naninibago ako sa mga bulong
na ikinukubli ng mga tala
sa lilim ng buwan;
kailan ba naging kulang
ang liwanag ng kaniyang pulso?

May guhit bang nakaharang
sa guhit tagpuan ng mundo?
Binibilang niya kasi ang agwat
sa halip na lumandas
sa paroroonan ng pakpak.

Simbolismo? Marahil ay hindi mo
na kabisado ang dati niyang lakas.
Ba't hindi mo maabot
ang mababaw niyang hangarin?

At kawangis ng pagkawalay
ng tala at ng buwan,
umaga na naman
sa dayuhan mong damdamin.

—MLD | 02022021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro