Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6.2 ❂ Bahay Kubo

Ibinaba ko ang telepono at ipinikit ang mga mata ko. Sa mga alaalang bumalik sa akin, nakita kong marunong pala si Mayari sa iba't ibang regional languages galing buong bansa. Ilocano was just one among many.

Dahil na rin sa mga pinag-aralan niya bilang binukot at Dayang Dayang ng Luzon, compulsory ang pagiging marunong niyang makipag-usap sa mga lengguwaheng nasasakop ng teritoryo ni Amang Hari. Aside from the major languages sa Silang, medyo nakakaintindi rin siya ng iba—although not perfectly fluent, it was enough to get by.

There was probably only one language that she didn't know that I, Andreya, knew.

English.

Natawa ako. Kaya pala panay patranslate sa 'kin noong bawat kausap sa 'kin ng doctor na foreigner. Ni minsan 'di ko tinanong bakit ginagawa nila 'yun at hinayaan ko na lang. Maybe it was also instinctive on my part. Since dire-diretso pagtatagalog nila, ganun din ako sumagot.

All this time. Hindi pala marunong mag-English si Mayari.

Ha! Nakalamang din ako sa wakas!

Hindi nagtagal ay nakaalis na kami sa ospital at pumakalsada.

Ipinasak ni Lawin ang earpiece niya at wari bang nakikinig sa nagsasalita rito, "May mga ilang sasakyan na sumusunod daw," sabi niya sa driver.

"Ililigaw po ba natin, ginoo?"

"Hindi. 'Wag na. Alam naman nila kung saan tayo papunta," sabi ni Lawin. "Idiretso no mo na lang, pero sisiguraduhin mong hindi sila makakalapit nang husto."

"Opo, ginoo," sagot ng driver.

Hindi sila nakipag-high speed chase tulad ng nasa pelikula. Kasi naman siguro, sobrang traffic. Bago pa makaandar nang mabilis, nasa traffic light na kami agad.

I would have to admit I was a little disappointed. Still, I settled for the view from inside the car.

Nakita ko ang itsura ng syudad. Pamilyar ito na hindi pamilyar. Sa mga nadaanan namin, mukhang may Makati pa rin at may Edsa, pero may mga maliit na pinagkaiba.

"Dayang Dayang."

Tumingin ako kay Yumi.

"Simula ng paglabas niyo ng ospital, mananatili muna kayo sa bahay na inihanda para sa inyo," sabi niya sa 'kin. "Madalas po kayo dating dumalaw sa palasyong ito noong bata kayo, Dayang Dayang. Naaalala niyo po ba?"

"Hindi, eh. Wala pa rin masyadong nanunumbalik sa 'kin. Siguro kung makikita ko..."

"Walang problema, Uray. Uunti-untihin natin 'yan. Baka sakaling pagdating natin, may maalala kayo ulit," sabi niya sa 'kin. "Naku, Uray, napakaganda po ng lugar na 'yun. Ipinigawa 'yun higit na dalawang daang taon na ang nakalipas. Halos lahat ng naging Rana ng Silang ay doon tumuloy bago sila ikasal. Ang tawag nila ay Bahay Kubo."

"'Yun mismo pangalan?"

"Opo, dahil po iyon talaga ang pinagsimulan bago napalaki ng husto."

Natawa ako at naisip mag-joke. "Pero siguro hindi munti?"

"Hindi po," sagot ni Yumi habang nakangiti. "Pero maraming halaman na sari-sari."

"May singkamas, talong?" simula ko.

"Meron din po sigarilyas at mani," sunod ni Yumi.

"SITAW, BATAW, PATANIIII," kumanta kami pareho.

Humalakhak kaming pareho sa loob ng sasakyan. Nahuli ko si Lawin nang tumingin siya sa rearview mirror. May isang maliit na ngiting humila sa mga labi niya.

Shucks. Nahiya tuloy ako, pero hindi ko mapigilang tumawa.

"Alam niyo po, kamahalan, kung andito po si Manang Isla, papagalitan na po tayo nun," sabi ni Yumi. "Siya pa naman po 'yung pinakasabik na makita kayong ikasal."

Nalungkot akong bigla. Si Isla 'yung matandang babaeng namatay, siya rin ang pinaka-una kong nakita nang magising ako sa mundong 'to. Kahit hindi ko siya naaalala, mukhang malapit siya kay Mayari before the accident.

May kirot sa puso kong hindi ko mapaliwanag. Naalala ko ang plano kong dumalaw sa libingan niya, just so I could pay my last respects—siguro on behalf na rin ni Mayari. Pero mukhang malabo atang mangyari 'yun.

The car ride didn't take very long. Halos wala akong nakitang kakaiba sa sceneries na nadaanan namin. In fact, I couldn't really wrap my mind around the fact na nasa isang parallel universe ako. May halong kaba at excitement. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Malaki ang property ng Bahay Kubo. Ayon kay Yumi, naging sikat din siyang tourist attraction, pero hanggang gate lang sila kung sakali. Bawal din makipagsisikan dito. May mga guards na nakaantabay bawat sulok, at mataas ang bakod. Hindi halos makita ang Bahay Kubo mismo, kaya't hindi ako nangangambang makukumpromiso ang privacy namin.

May mga taong taga-media sa labas ng Bahay Kubo. Nang makita nila kaming dumating, nagsitayuan ang iba't nagpa-ulan ng flash galing sa mga camera nila.

"Alam ba nilang dito ako titira?" tanong ko.

"Inaasahan po nila, dahil tradisyon nga po," sabi ni Yumi.

Buti na lang may mga guwardiyang naka-antabay at inalalayan ang pagpasok namin sa mga gate. Oo, mga gate. Two, tall, ornate metal gates na umungol habang hinihila papabukas. Dalawang braso ang gamit pagtulak ng mga lalaki rito dahil mukhang mabigat. It was custom-made too, by the looks of it.

Habang nagbubukas ang gate, may human barricade na humarang sa pag-approach ng mga reporters.

Hindi nagtagal ay nakapasok din kami sa wakas.

Wala akong ginawa, pero weirdly enough, super napagod ako sa nakita ko.

Umikot sa isang fountain ang mga sasakyan at tumigil sa harap ng Bahay Kubo. Tumanaw ako sa bintana at nakitang...oo, hindi nga lang ito Bahay Kubo. If ever, mas mukha nga siyang maliit na mansyon.

It looked humble in a sense, but it had that quiet elegance. Flourishing garden, paved stone paths, not to mention that fountain in the courtyard. Most of the plants here were native Philippine species, I could tell—kasi madalas kong nakikita ang mga 'to sa bakuran namin.

Sampaguita, ilang-ilang, heck...bakit may papaya roon banda? Talaga bang paninindigan nila 'yung Bahay Kubo? Wait, may papaya ba sa Bahay Kubo na kanta?

Nonetheless, the house itself was the centerpiece. I could tell why they decided to call it Bahay Kubo. It had very traditional Filipino—or in this case, Silangan—aesthetics. Shape and silhouette-wise, it lived up to its name.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Lawin. Naunang bumaba si Yumi at pinakahuli akong lumabas.

May mga nakahilerang babae papasok ng pintuan ng bahay. Lahat sila'y nakaunipormeng tradisyonal ang istilo—saya at blusang magkaterno.

Pagtapak ko at pagtayo sa labas ng sasakyan, lahat sila'y yumuko.

"Pinagpala ni Bathala, tala ng langit," bati nilang lahat.

Like...trademark nilang line 'yan no? Every time na may babati sa 'kin, 'eto't 'eto lagi 'yung una nilang sasabihin.

Medyo na-akward ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Buti na lang may lumapit na babaeng nakuniporme rin, pero iba ang kulay ng damit niya—malalim na pula't may golden embroidery. Probably dahil mataas ang posisyon niya.

Yumuko siya ulit sa akin.
Tumango ako at hinila ang face mask ko pababa.

May nanumbalik bigla sa alaala ko.

Based on etiquette, kailangan ko muna silang lahat bigyan ng cue bago sila lahat makatayo. "Pumanatag kayo," sabi ko.

Ito'y isang formal welcome, pero hindi laging magiging ganito everyday.

Saka lang nila iniangat ang ulo nila't ngumiti sa akin. Nangunang nagsalita ang babaeng lumapit kanina. "Dayang Dayang Mayari, kamahalan, ikinalulugod namin ang inyong pagdating."

"Salamat," sabi ko. Hindi ko nakalimutang ngumiti. "Matagal ba kayong nag-antay?"

"Magdadalawang buwan na po," seryosong sagot niya.

"Ah..." So, they were supposed to meet me before the accident happened. Unfortunately, nadelay ako nang dalawang buwan dahil naconfine ako sa ospital. "Pasensiya na kayo..."

"Hindi po, Dayang Dayang. Matagal po kaming nag-aantay, pero dahil 'yun po sa sabik na sabik po kaming makita kayo," sabi niya. "Ako nga po pala si Ina."

"Ina," inulit ko. "Ipagkakatiwala ko ang aking sarili sa inyo."

"Karangalan po namin ito, Dayang Dayang."

Tumingala ako at pinagmasdan ang titirahan ko sa mga susunod na buwan.

From this perspective, it looked like the house was on stilts. Open ang ilalim ng bahay. Walang dingding—or at least it looked like that. Usually pinaglalagyan ng mga alagang manok o iba pa ang ilalim ng bahay na may ganitong istilo, pero dito, inexpand nila upang maging isang buong floor itself. Ginawa nila itong open living space—outdoor sofa, outdoor bonfire...everything. And for some places, they opted for very tall glass windows in place of walls. Invisible ang dingding, perpetuating that very "open" illusion.

"Tinupok po ng apoy ang orihinal na Bahay Kubo halos dalawampung taon na ang nakalipas," pahayag ni Ina. "Ito po ang bagong istilo. Ginawang moderno pero minodelo pa rin sa tradisyon."

"Maganda ang pagkakagawa," sabi ko.

'Pag titigan nang maiigi, makakapal ang poste ng "stilts" ng bahay na ito. In fact, I think they could be considered columns. This house incorporated a lot of wooden elements, so I was not surprised to find mostly muted, earth colors here.

"Dito po, Uray Mayari."

Sumunod ako.

Hindi muna nila ako binigyan ng house tour dahil kagagaling ko lang ng ospital. Kung sakali daw kasi, ipapakita nila sa akin ang kabuuan ng property. Pero, sa ngayon, diniretso muna nila ako sa kwarto upang makapagpahinga.

Hindi ko masasabing simple ang kwarto na ibinigay sa 'kin, pero mukhang maluwang at komportable ito. Mala-hotel room ang dating. Ang kama ay gawa sa Narra at kinurtihan ng mga puting mahahanging tela.

May isang mini-sala sa kabilang parte ng kwarto na may flatscreen TV. Tabi nito ay dalawang pinto, isa para sa bathroom at isa naman para sa walk-in closet.

Walk-in closet ahhhhhh! Every girl's dream ahhhhhh!

I tried to hide the excitement and kept it from showing on my face. Hindi pwedeng mawala ang composure ko habang may ibang nakatingin.

"May kailangan pa po ba kayo, Uray?" tanong ni Yumi.

"Internet password, meron ba?"

"Opo. May papel po sa lamesa sa tabi ng kama, katabi ng telepono."

Umikot ako, hinanap ko ito, at nakita. "Salamat. 'Yun na lang muna. Anong oras ang hapunan?"

"Depende po sa inyo. Anong oras niyo po gustong kumain?" tanong ni Ina.

"Siguro sa ika-pito ng gabi." Masyadong maaga ang six o'clock para sa akin, tapos gusto ko pang magpahinga. Hindi naman siguro sobrang late yung seven o'clock, 'di ba?

"Masusunod po. May gusto po ba kayong kainin? Pwede ko pong ipasa ang kahilingan niyo sa magluluto."

"Supresahin niyo na lang ako," sagot ko. Mostly dahil ayaw kong mag-isip.

"Sige po. Kung may kailangan po kayo, tumawag lang po kayo sa telepono. Nakareserba po ang linya para sa inyo."

"Salamat."

Nang mabakante ang kwarto't ako na lang ang natira, lumaki ang ngiti sa mukha ko. Para akong baliw na bumubungisngis. Labas-pasok ako sa kung saan-saan, manghang-mangha sa bawat bagay na makikita ko.

Nakahanap ako ng mga damit na pambahay sa loob ng closet. Halos lahat gawa sa high-quality fabrics at galing sa mga haute couture brands. Malalambot ang mga ito. I think they also took into account 'yung weather, dahil breathable ang karamihan sa mga ito't hindi mainit sa katawan.

Naligo muna ako bago nagbihis. Dahil galing akong ospital, mas maganda munang maglinis bago humiga ng kama.

Habang nagbababad ako sa bathtub, nag-log in ako sa Twitter at Facebook. Walang official social media accounts si Mayari, kaya gumawa ako. Kahit dito man lang sana magamit ko ang pangalan ko sa kabilang mundo.

Andreya Arguilla.

Nang mangulubot na ang balat ko sa tubig, pumili ako ng isa pares ng pajama at nagbihis.

Halos walang pinagkaiba 'yung pakiramdam sa mga pajamang nabibili sa Divisoria, pero this might just be because of my cheapass self. May konting level up naman aesthetically. Maganda ang disenyo. At dahil terno ang pang-itaas at pang-ibaba, mukhang mamahalin.

Which it was. Dahil nakita ko ang tag. Desmond and Dempsey. Never heard of it in my entire life, but a quick google search told me nabebenta ang mga pajama sets nila for at least ten thousand salapi. Still weird to use salapi, pero I'll get used to it.

Frick.

Umupo ako sa kama habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang isang tuwalya.

"Ahhhh gusto kong lumabas!" bulong ko sa unan.

Gusto kong mag-ikot-ikot mall, pero alam kong imposible 'yun. Gusto ko rin mag-milktea. Magdadalawang buwan na 'kong hindi naka-inom nun.

Tumingin ako sa telepono.

Naalala ko ang sinabi ni Ina kanina. Dinampot ko ang linya at dinial ang zero. May nag-pickup agad.

"Dayang Dayang, may kailangan po ba kayo?" tanong ng isang babae.

"Pwede ba magpa-deliver ng milktea?" nahihiya kong tinanong.

May narinig akong bahagyang tumawa sa kabilang linya. "Oo naman po," sagot niya. Although steady naman 'yung voice niya, I could hear a trace of amusement. "Anong flavor po saka anong brand?"

"Kahit anong brand, 'yung masarap," sagot ko. "Wintermelon sa 'kin, with pearls, 'yung may extra na nata saka egg pudding!"

"Masusunod po, kamahalan."

Pero bigla akong nahiya.

"Kumuha na rin kayo ng tig-isang order para sa lahat ng mga lingkod na nasa bahay. Kung ayaw nila ng milktea, kahit anong available doon sa menu, kayo na'ng bahala," sabi ko. "Sabihin niyo na lang 'yung gastos kay Yumi. Ako na lang ang magbabayad."

Anyway, may sariling bank card naman si Mayari—ako. Hindi ko pa naman nacheck 'yung balance, pero sabi ni Yumi may laman naman 'yun lagi. Siguro sa mga ilang order ng milktea, hindi naman mauubos 'yun.

"Maraming salamat po, kamahalan!" sagot ng lingkod sa telepono.

"Maraming salamat din."

Binaba ko ang telepono at natawa. Prinsesang nag-order ng milktea. Ano kayang sasabihin nung nagdeliver?

Hindi nagtagal dumating din ang inorder ko, kasama ang ilang miryendang inihanda para sa akin ng kusina. Nasurpresa ako sa miryenda, pero tuwang-tuwa kong tinanggap ito.

Aha! This is the life!

Syempre, hindi ko nakalimutang tawagan si Inang Dayang para sabihing nakarating na ako.

Thank you sa pagbasa at sorry for the lack of updates! If you appreciate this story, please leave a vote or comment para pampagana haha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro