Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2.2 ❂ Mayari

"You're at the Royal Medical Hospital of Manila," sagot ng doktor habang tumatango. "Ask her if she remembers what happened before the accident."

Royal Medical Hospital of—wala namang ganyan sa Manila, ah. Niloloko ba 'ko ng mga 'to?

They exchanged glances when I frowned. Siguro halatang-halata sa kanila ang pagkalito ko dahil nagsimula silang magpaliwanag.

"Galing po kayong aksidente, Uray Mayari. Naalala niyo ba ang mga nangyari bago 'yun?"

"Anong klaseng aksidente?" tanong ko. Pakiramdam ko'y iba ang mga iniisip naming aksidente. I think it would be better if ako 'yung magtanong bago ako 'yung tanungin. Tutal siguro iniisip naman nilang may amnesia ako...'yun ay kung hindi nila 'ko ginagago para sa isang show ng TV—o siguro Youtube.

Pero kalaki naman ng budget ng mga 'to kung sakali! Saka hindi nakakatawa 'yung ganitong joke.

"Tumilapon po ang sasakyan ninyo habang paluwas kayo," sagot sa akin ng babae. "Sina Ginoong Lawin po at Agawid ang nakahanap sa inyo..."

"Anong araw ba ngayon?" tanong ko.

"Magdadalawang linggo po simula noong nawalan kayo ng malay," sagot niya. "Biyernes na po. Ikalabinsiyam po ng Marso."

March 19. Well, it made sense if it'd been two weeks since, but somehow it felt a lot longer than that. I could not set aside that inexplicable feeling of...unfamiliarity. Bakit parang iba? I didn't know if this was because of these strange people and this strange place. However, constant 'yung feeling...hindi ko maipaliwanag.

"Dayang Dayang...ako po ito, si Yumi. Hindi niyo na po ba 'ko naaalala?" Binalot niya ang mga kamay ko.

"Pasensiya ka na. Hindi talaga kita kilala," sabi ko. "Saka baka nagkakamali ka. Hindi ako—"

Hindi na ako nakatapos magsalita. Humirit ulit si Yumi ng hikbi. "Hukkk...Uray Mayari, dapat talaga hindi na kayo tumuloy! Hindi na kayo dapat tumuloy! Mas ligtas sa hilaga. Hindi pa nga kayo nakatapak ng Maynila, marami nang nagtatangka sa buhay niyo!"

Pumikit ako, trying to block out the noise. Pumipintig ang sintido ko sa kaka-iyak ng taong 'to. I couldn't even think properly!

"Binibining Yumi, mas maganda ho siguro na 'wag muna kayong masyado maingay," sabi ng isang nurse habang nakangiti.

Thank you!

"Hindi pa po mabuti ang kalagayan ng Dayang Dayang. Hindi po maganda ang ganitong uri ng pagod at pag-iisip para sa kanya," tuloy niya.

Habang abala ang isang nurse sa pagpapakalma kay Yumi, may isa namang nagta-translate sa English ng mga sagot ko sa doktor. Isinulat nila ang mga observation nila sa clipboard at nagsimulang mag-discuss ng mga plano nila para sa treatment.

Pagkatapos nilang mag-usap, malumanay na sinabi ng doktor, "It looks like she's lost her memories. To what extent, we'll need further observation to see whether this is an indication of something else. For now, it doesn't seem as though it's critical and we can rest at ease."

My memories are working just fine, thanks. Baka nga hindi ako ang problema rito eh. Clearly though, nobody was listening.

Tiningnan ko ang doktor nang maigi habang nginunguya ang labi ko. Isinaling muli sa Filipino ng nurse ang sinabi ng doktor para sa 'kin. I didn't understand the need for it. Naiintindihan ko naman 'yung tao.

Instincts told me something wasn't right about this situation though. Mas maganda siguro if I'd hold back on talking too much for now.

"We'll come back once the rest of the family arrives," patuloy niyang sabi.

Bago pa man sila makalabas, bumukas ulit ang pinto at may dalawang taong nagmadaling naglakad papuntang tabi ng higaan ko.

"Mayari? Anak?"

Nang makita ko ang mga mukha nila, napatigil ako. Tahimik na ang kwarto, pero parang nagbago ang hangin nang dumating sila. I could sense that shift in the air. Apektado lahat. Pati si Yumi na kanina pang humahagulgol ay naging seryoso't inilubog ang kanyang sarili sa isang malalim na pagyuko.

"Pinagpala ni Bathala," bati lahat ng nasa kwarto.

They weren't only familiar to me. I should know these people very intimately. I couldn't be mistaken—itsura pa lang ng mga magulang ko, hinding-hindi ko makakalimutan. Kahit na ba ilang taon na ang nakalipas nang mawala sila sa 'kin.

Car accident. Working executive ang nanay ko sa isang company habang dentist naman ang tatay ko. Magaan ang buhay ko noong buhay sila pareho.

Kung baga sa mga kamag-anak, ang mga magulang ko lagi 'yung nilalapitan para utangan. 'Yung tipo ng utang na inililista sa tubig at nahihiya silang singilin kaya kahit sila mismo kinakalimutan na lang rin.

It was above average and comfortable—private school, naibibigay rin nila lahat ng mga luho ko. At some point, medyo naging rebellious nga ako dahil halos wala sila madalas at puro lola ko lang lagi ang kasama ko. Pero, five years ago, pauwi sila after work. Doon sila napahamak. Hindi nagtagal sumunod din ang lola ko sa sama ng loob.

I don't get it. Nakipaglamay ako. Hanggang ngayon, technically, hindi pa ako nakamove-on.

Maybe I was really dead, or maybe not. Alin man doon, bumuhos pa rin ang luha ko't nanikip ang dibdib ko.

No, this was not fair. If this was a prank, then they'd taken it way too far. Pero in the off-chance na talagang sila nga ito...paano? How in the world was this possible?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro