Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 ❂ Pagtawag

Finally here! 🎉🎉🎉

Enjoy the first chapter, everyone!

-*-

"Maykan, Mayari. Maykan."

"Sumangpet kan, Mayari."

"Mayari, sumangpet kan. Napudot ti aldaw ket nalamiis ti rabii," patuloy na bulong sa aking tainga.

Malamig ang aking pakiramdam—para akong lumulutang sa tubig sa gitna ng dagat. Bumukas ang mga mata ko.

Madilim. Nothing but a pure stretch of darkness for miles.

Pakiramdam ko'y nabulag ako. There was this sudden loss and helplessness na hindi ko maunawaan. And, for a while, lumingon ako sa iba't ibang direksyon. Naglakad—pumarito't pumaroon. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko, but I was sure hindi ako dapat ako nandito. It wasn't until nakita ko ang isang matandang babae...dressed in this ornate skirt with a complicated headdress. Saka lang pumanatag ang loob ko.

Hindi ko nauwaan ang emosyong biglang bumuhos sa akin. "Sino ho kayo?" tanong ko.

"Kailangan niyo kong sundan, kamahalan," sagot niya sa akin. Tumunog ang mga kuwintas na nakasabit sa buhok niya habang siya'y lumalapit. "Dahil nawawala na ang inyong kaluluwa." Ibinukas niya ang kanyang mga palad at inalok ito sa akin.

"Dali na, kamahalan," wika niyang paudyok. "Habang tumatagal, mas mahihirapan kayong makabalik."

Tinitigan ko siya. What was there to lose at this point, anyway? Kahit na ba medyo nalilito ako, tinanggap ko pa rin ang kanyang mga kamay. Mainit ang mga ito, at nang pumalibot sa mga daliri ko, may isang malakas na puwersang humila sa akin.

It was a jolt—similar to that sudden feeling of weightlessness 'pag papatulog ka na sa gabi.

Sa gulat ko, nagbukas ang aking mga mata. Kumakabog ang puso ko sa dibdib—to the point na pakiramdam ko sasabog ito.

I took a few deep breaths. In, out. Medyo literal na nagdilim ang paningin ko noong una...umiikot din nang 'onti. Thankfully, after a few seconds, naging klaro rin ito.

"Mayari! Uray Mayari!" sigaw ng isang malayong boses.

Iginalaw ko ang mga kamay ko, pero masyadong mabigat ang mga ito. Lalo na ang mga paa ko. Almost like nadaganan ako ng sasakyan—actually, mas tama 'ata kung bus.

"Mayari! Kamahalan! Naririnig niyo ba 'ko?"

Dinaig pa ang tambol ng pumipintig na sintido ko. Bakit ba may sigaw nang sigaw? Sino ba 'tong Mayari na 'to?

Napaubo ako. In that instant, unti-unting bumalik sa akin ang pakiramdam. Kasama na roon ang sakit.

Masakit.

Amoy usok.

Masakit ang pasok ng hangin sa baga ko. Sa bawat hinga, waring may mga patalim na kumakayod pababa ng lalamunan ko...at bumabaon sa bawat paglunok. It was the most uncomfortable thing I've felt so far.

Para akong nalulunod.

Litong-lito akong tumingin sa paligid. Ngayon ko nakita kung bakit mabigat ang pakiramdam ko—dahil naipit ako. May mga pira-pirasong piyesa ng sasakyan ang nakapatong sa 'kin. Naka-unan ako sa bubog. Yung iba hindi ko na mawari.

Ang alam ko lang...bes, masakit.

Noong sinabi kong para akong nadaganan ng sasakyan...shet. Talaga pa lang may sasakyang nakadagan sa 'kin.

"Tangina," bulong ko.

Sa aking paglingon sa dakong kaliwa ko, may mukha ng isang matandang babaeng duguan at walang malay. Kalahati ng katawan niya ay nakapatong sa 'kin...wari bang pinoprotektahan ako.

Kumalabog ang puso ko sa gulat at napahumapay ako papalayo. Gods know gusto kong sumiksik papunta na sa ringding, pero na-realize kong hindi ko pala kaya.

Hindi ako makagalaw at all. Masikip ang paligid. There wasn't much wiggle room, tapos ipit pa rin ako ng upuan.

Nagising akong lalo nang mapagtanto ko ang sitwasyon. Pagkataranta at takot ang bumuhos sa 'kin, pero pinilit kong kumalma.

I tried to think back...kung nakilala ko na ba siya before, pero hindi talaga. Hindi rin ako sure kung paano ako napadpad dito. Siguro'y...coincidence lang?

Nauntog ba 'ko somewhere? 'Yun ba ang dahilan kung bakit wala akong maalala?

"Ano...ano...What the hell..."

Nag-aalinlangan kong kinuha ang pulso ng matandang babae sa may leeg niya, pero...wala akong naramdaman. Higit sa lahat, medyo malamig-lamig na ang katawan niya.

Binawi ko ang kamay ko waring napaso, at naluha sa takot.

Fuck. Patay na siya.

Pinigilan kong humikbi. Ayaw kong umiyak.

Lord, why me? Paano ako napunta rito, in the first place? Bakit wala akong maalala?

Sa pagkakatanda ko, nasangkot ako sa gulo habang napadaan ako sa mga nagrarally sa kalye. Wala kasi akong masakyang jeep kaya nagdesisyon akong maglakad papunta roon sa susunod na sakayan. Narinig ko na lang na may biglang nagpaputok ng baril, tapos nagtakbuhan na'ng mga tao...anong nangyari pagkatapos noon?

Patay na ba ako? If I was dead, why was I feeling pain?

May yabag ng mga paa mula sa kanan ko. Dumaan sila sa mga nagkalat na bubog, and with such urgency too.

"Andito 'yung sasakyan!" sigaw ng isang lalaki.

Sumilip ako at may nakitang isang pares ng sapatos sa labas. Lagpas sa mga guho ay may isang maliit na siwang na pagkakasyahan ang kamay ko. Pero dahil malalim ang aking pagkakabaon at hindi ako masyadong makapagsalita, kakailanganin kong gumalaw upang makatawag pansin.

Well, damn. Ano na ngayon? It was a challenge just breathing, what more talking. I couldn't move, I couldn't call attention to myself. I couldn't even properly lift my arms.

How the heck did I get here?

Pero ano man ang nangyari bago ako nawalan ng malay, mas importanteng mahanap muna ako at mailigtas. Ga-graduate na sana ako within one year or so tapos tigok na agad—parang hindi naman ata makatarungan 'yun.

Iniayos ko ang katawan ko upang maikawag ko ang sarili ko't makalaya ng 'onti. After wiggling for a bit, I finally freed a hand. Mabagal ang aking kilos at mahina ang puwersa ng mga kamay ko. There was just no strength in my limbs. Nanginginig pati ako. Just trying to reach out would probably be enough to make me pass out.

Hiniling ko na lamang na sana hindi muna umalis 'yung taong nasa labas.

"Uray Mayari! Nandito ho ba kayo?" Tunog lalaki siya...Nangangaralgal na yung boses niya kakasigaw. "Sumagot kayo!"

Wait lang bes, 'intay ka muna.

Pinilit kong buhatin ang aking braso't inilabas ang mga daliri ko sa butas. Matinis ang pagkaskas ng mga bubog habang nadaanan ang mga ito ng iniaabot kong kamay.

Manhid, nanlalamig. This arm did not feel like my own at all. Babad din ng dugo ang mga manggas ng damit ko.

In the first place...may damit ba 'kong ganito? This was some fancy-ass lace. Yeah, it's torn and bloody, but quite pretty! I didn't think this was what I was wearing before...pero what the hell. This should be the least and last of my worries.

To my disappointment, hindi ko maabot ang sapatos ng tao sa labas. Mukhang hindi rin masyadong kita ang kamay ko dahil mga dulo lang ng daliri ko ang lumagpas ng butas.

Goddamn, I've never felt so helpless before. Hinihiling ko na lamang na sana mapansin niya ako.

Lumunok akong nangangamba at huminga nang malalim, binuksan ang bibig at nagpumilit magsalita. "Dito..."

Umubo ako. Hindi man gano'n kalakas, siguro narinig na rin.

Mabilis na lumuhod ang tao sa labas. Maiinit na mga kamay ang bumalot sa mga nanlalamig kong mga daliri.

Yumuko siya at sumilip. Mga matang malalim pa sa pinakamadilim na gabi ang sumalubong sa 'kin. May mga sugat siya sa mukha at ulo—mukhang nanggaling rin siya sa aksidente.

Alam kong hindi na ako masyadong makahinga sa lagay kong 'to, pero mas lalo pa akong hiningal nung nakita ko siya.

Shet. Sige, lord. 'Di ko na kayo kekwestunin bakit ako yung nilagay niyo sa sitwasyong 'to.

"Dayang Dayang," sabi niya. "Dayang Dayang..."

Ano raw? Like 'yung kanta?

"Agawid! Nandito siya!" sigaw ng lalaki, sabay sulyap lagpas sa kanyang balikat. "Tawagin mo ang pangkat ng mga tagapagligtas at sabihing nahanap na natin si Dayang Dayang. Masyadong warak ang sasakyang nakadagan sa kanya, kaya sabihin mo na ring dalhin nila yung chainsaw."

Chainsaw? Anong chainsaw?!

"Opo, ginoo," sagot ni Agawid. Narinig ko ang pagtakbo niya papalayo habang sumisigaw.

Kamuntik ko nang bawiin ang mga kamay ko sa takot, pero hinigpitan niya ang hawak niya sa 'kin. "'Wag kayong matakot, Uray Mayari. Ililigtas namin kayo."

Hindi ako si Mayari, pero sige, ako muna siya.

"'Wag kayo munang matulog. Pilitin niyong 'wag matulog."

Hindi talaga ako makakatulog, bes. Ninenerbyos ako.

Hindi nagtagal dumating din ang pangkat na dala ni Agawid. Masyado akong nanghihina kaya't hindi ko maunawaan kung ano ang mga pinaggagawa nila upang masagip ako, pero hindi nawala ang mga maiinit na kamay na nakabalot sa mga daliri ko.

Nanginginig siya dala siguro ng nerbyos. Although I could not understand why, I was still very thankful. Kahit na ba nawawalan-walan ako ng malay, nagigising pa rin ako dahil dito.

Naramdaman ko na lamang na nawala na ang mabigat na nakadagan sa akin at nakakahinga na ako nang mas maayos. Pero masakit pa rin bawat buhat ng baga ko.

Why the hell did it have to hurt so much?

Pinilit kong ibukas ang mga mata ko. They were heavy, trying to seal themselves shut. I felt drunk beyond measure and whatever strength I'd mustered earlier had gone up and disappeared.

Kukunin na ba 'ko ni lord?

"'Eto ba siya?" tanong ng isang lalaki.

"Oo."

"Hindi ko akalaing ganito ko makikilala ang Dayang Dayang," bulong niya. "Mukhang sisuwertehen si—"

"Umayos ka, ginoo. Kun'di umalis ka na lang."

Mataas ang sikat ng araw—mainit pa't nakakasilaw. I had no choice but to yield and close my eyes. Nonetheless, I could still vaguely perceive what was happening around me. Binuhat nila ang katawan ng matandang babaeng nakapatong sa akin at sumunod din akong binuhat at inilagay sa isang stretcher.

"Uray Mayari, Uray Mayari, gising ka ba?" tanong ng isa.

Umungol ako. Hindi ako makahinga.

"May malay siya."

"Bakuran niyo at palayasin niyo yung mga taga-media sa kanto!" sigaw ng isa. "Hinaharangan ng mga van nila 'yung equipment natin! Bawal makunan ng litrato ang Dayang Dayang tapos marami pa ritong nadisgrasya! Mga wala bang konsiyensya mga 'yan?"

"Ano ba, Lawin. Kumalma ka nga!" sabi ni Agawid. "Ginoo, ano na?"

"Tumigil ka rin, ginoo. 'Wag mo 'kong minamadali," sagot ng isang lalaki. "Probable seatbelt injury. Blunt trauma sa ribs, posible ring may bali sa buto."

"Anong ibig sabihin niyan, Isagani? Tagalugin mo nga—"

"Ginoo, ang sabi ko tantanan mo 'ko," sagot ulit ng lalaki. "Agawid, ilayo mo nga 'tong komandante mo. Mas mainam pa kung lumayo ka rin. Sa kakulitan ninyo, hindi ko malimi ang ginagawa ko. Shattap!"

Tumahimik na rin sa wakas. Patuloy nilang hinila ang stretcher at saka binuhat papaloob ng ambulansiya. Hindi ata nila pinayagang sumama sina Agawid dahil binalibag nila ang pinto nang wala ang dalawa.

"Ginoo, hindi po 'ata pantay ang paghinga ng Dayang Dayang. Paradoxical po."

"Kumuha ka ng karayom."

Bumirit ang sirena ng ambulansiya. Doon na ako tuluyang nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro