20
Nagising ako matapos kong marinig ang isang pamilyar na saliw ng tugtog sa loob ng sasakyan ni Alyssa. Nagpatugtog pala siya ng radyo habang natutulog ako.
I saw myself almost naked. Nakasuot lang ako ng boxers habang nakatakip sa akin ang damit at ang pantalon na suot ko kagabi. Mukhang hindi nga ako nagkakamali, something really happened between me and Alyssa.
Bumangon ako at isinuot ang damit at pantalon ko na natagpuan kong nakapatong sa sandalan ng upuan.
That's when I realised, I'm alone inside the car. Nasaan na si Alyssa? Umaga na, hindi ko alam kung saan siya maaaring magpunta sa ganitong oras.
When I finished dressing myself up, I went outside and see Alyssa drinking coffee at the back of her car. Nakatingin siya sa kalsada habang may malalim na iniisip.
Hindi niya ako nilingon kahit na sigurado akong narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan. I wonder why, is she having second thoughts about what happened last night?
Biglang sumakit ang ulo ko. "Ouch," napasapo ako sa aking noo at sumandal sa pintuan ng sasakyan.
"Hangover," biglang nagsalita si Alyssa at tumingin siya sa akin. "First time?" she smiled.
Umihip ang hangin at nakita ko kung paano umindayog ang buhok niya kasabay nito. "Nope, I'm good," ang sabi ko nang bigla akong makaramdam na parang masusuka ako.
Agad akong nagpunta sa harapan ng sasakyan at doon na ako napasuka sa lupa. I couldn't stop myself, I released everything that I felt like I should excrete.
Tama nga si Alyssa. I totally have a hangover. Why now?
"May naaalala ka ba sa nangyari sa atin kagabi?" ang tanong ni Alyssa sa akin.
I slowly nodded my head. Of course I do remember what happened. "I remember. Pasensiya na kung hindi ko napigilan ang sarili ko."
Umiling si Alyssa. "No, you don't have to apologise," lumigon siya sa direksiyon ko. "Sana ay ayos na ang pakiramdam mo."
Medyo nahilo ako nang kaunti nang igalaw ko ang ulo ko. Fortunately, I could manage the hangover that I'm feeling right now. So much for being intoxicated last night.
"A-ayos naman ang pakiramdam ko. Sa tingin ko naman nakatulong yung pag-inom natin kagabi," hinagod ko ang lalamunan ko, nalalasahan ko pa rin ang alak sa aking dila.
She then smiled at me. "Good. May nakita na akong kainan kung saan tayo puwede mag-agahan. Let's grab some food and change our clothes," she looked over her dress. "Masyado nang marumi itong suot nating damit."
Tumango ako sa sinabi niya. I agree that our clothes right now were not clean anymore. Inamoy ko pa ang damit ko at napasimangot ako dahil amoy alak na ito na nabahiran pa ng kaunting talsik nang sumuka ako kanina.
"Tara," aniko.
Bago kami nagtungo sa tindahan kung saan kami kakain ng agahan, Alyssa found a thrift shop along the sidewalk. Hinila niya ako papasok sa tindahan ng mga ukay-ukay at nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Hindi pumupunta sa ganitong lugar si mama. Mahilig yun sa mga branded na damit. Hindi niya kasi alam na karamihan sa mga damit sa ukay-ukay e pasok sa current fashion trend," ang sabi ni Alyssa habang namimili siya ng damit na kaniyang bibilhin.
I remember that moment when she's looking for something to buy from the Souvenir shop. Makilatis siya pagdating sa mga bagay na gusto niyang bilhin. Bawat detalye ng item na nahahawakan niya ay inoobserbahan niyang mabuti.
Gaya na lang ng mga damit na nahahawakan niya. First she would estimate if the clothes would fit on her body before feeling it's texture if it matches her preferences. Nabanggit niya sa akin na ayaw niya sa mga damit na cotton dahil nangangati raw siya sa tuwing magsusuot nito.
"Magaganda naman talaga mga damit dito bukod sa mura din yung presyo," ang sabi ko pa sa kaniya habang namimili rin ako ng damit na bibilhin.
She nodded. "Yun nga e. Si mama kasi, may mentality na kapag mura yung item, hindi original. Pero hindi ako lumaki na ganon ang mindset. I'm practical, kung alam ko kung san ako makatitipid. Doon ako babase. I mean, lahat naman ng nandito puwedeng isuot eh."
"Well, your mom can afford branded clothes. Hindi rin natin siya masisisi," aniko.
"It's her loss then. Sa halagang isang-libo, marami ka nang mabibili sa ukay-ukay. Pero kung sa mga branded ka bibili," she shook her head. "Isa o dalawang damit lang mabibili mo. Minsan nga kulang pa yung isang libo para makabili ng magagandang branded na damit."
I can see on her eyes that she had enough of her mother's lifestyle. Kung sanay nga namang gumasta ang magulang mo, wala kang magagawa bilang anak para sabihan sila. Mabuti na lang at pinalaki ako nina mama na hindi magastos.
At least I'm not going to say anything against their practices in terms of monetary expenses. Tamang budget lang, nairaraos na nila ang buong isang linggo.
My mom would never buy some branded clothes due to her practicality. Kung magkikita sila ng mama ni Alyssa, I doubt they'll become good friends.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.
"Why?" tanong ni Alyssa sa akin.
"Wala lang, naalala ko lang si mama. Magaling kasi si mama na mamili ng mga ganitong klase ng damit. Bigyan mo ng 500 pesos yun, kaya niya nang mag-uwi ng isang basket ng damit mula rito," I picked some random shirt and tried it on me.
Alyssa smiled too. "Looks like makakasundo ko ang mama mo."
"I know you would."
We spent more time looking for a decent looking clothes. Hindi ko na namalayan ang oras na lumilipas. I wonder somehow if my manager is deeply enraged of my sudden disappearance. Baka nanggagalaiti na si Ms. Magnaye sa ginagawa ko ngayon.
That's when I started to realise, I should face my reality. Hindi kami mananatiling ganito. Mamayang gabi, kung sakaling matuloy man ang plano namin ni Alyssa, that's probably the last time that I will see her smile.
Habang namimili ng damit si Alyssa sa di kalayuan, tahimik ko siyang pinagmasdan. I couldn't stop thinking about what just happened between us last night.
Gusto kong makasiguro kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa nangyari. All of her answer was vague, iniiba niya ang usapan sa tuwing tinatanong ko siya.
She's always diverting the topic. Because of that, I started to become more conscious of the situation. Paano kung hindi pala okay para sa kaniya ang nangyari? It will come back to me in the future if I will not confront her about this.
Kaya habang maaga pa ay napagdesisyunan ko nang lapitan siya at tanungin nang diretsahan. Pero bago iyon ay naisipan ko munang humingi sa kaniya ng pasensiya nang dahil sa kapusukan ko kagabi ay nauwi kami sa ganitong kalagayan.
"Alyssa," I stepped beside her and started looking on the clothes that she's holding. "Gusto ko lang sana na humingi ng pasensiya sa nangyari sa atin kagabi. I know you'll say it wasn't my fault and it's okay, but I'm genuinely feeling sorry about everything. Hindi ibig sabihin na heartbroken ako e pagbibigyan mo ako nang dahil sa dahilan na iyon. Kaya pasensiya na talaga."
She stopped moving for a moment while staring on the navy blue dress on her left hand. "It was my first time," tumingin siya sa akin. "Allan."
Upon hearing it, my body went cold due to shock. She's a virgin, and I'm the first guy she had sex with?
Damn it! Did I just happened to ruin her life because of that night? Please tell me I didn't ruin her life. Please tell me I wasn't making a very wrong decision. Please tell me that meeting me isn't something that you regret.
But seeing her eyes tells me she is not looking at me in that way. In fact, the corner of her lips started curving upwards, up to the point that I saw her smile.
"Hindi lang ako makapaniwala na sa isang sikat na aktor ko pala mararanasan ang una kong experience, it feels surreal. Para akong nasa panaginip ng isang fan mo na gusto kang makasama. Kaya naman hindi ako galit o naiinis sa nangyari. Hindi ako nagsisisi," she looked at me in my eyes.
"What happened last night was magical, for me. Lasing ka nung nangyari yon, pero malinaw ang diwa ko habang may nangyayari sa ating dalawa," nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. "Don't worry about it. You did well."
I don't know what to say. Pero base sa mga sinabi niya, she probably liked it. But why? I thought virginity is one of the most important thing for girls? Then Alyssa is telling me it's okay because I'm a famous actor?
I decided not to flinch. If everything is okay for her, then I'll accept it no matter what. At least mapapanatag na ang loob ko na wala siyang masamang bagay na iniisip tungkol sa akin, that she won't use what happened last night as a leverage that can be used against me in the mere future.
Damn it, why am I so careless?
Like an actor that I am, I smiled back at her. "I see that you enjoyed it," napahagod ako sa makinis kong ulo. "I'm really good in bed. I thought you'll gonna be disappointed."
"Disappointed? Nah, you awakened something inside me. It helped me think well," she picked another dress to look at. "Pero seryoso ako. Kung nababahala ka sa nangyari sa ating dalawa, don't worry. I know what to do next," she winked at me.
Hindi ko na balak pang tanungin siya tungkol sa bagay na iniisip niya. Basta ang mahalaga, lahat ng nangyari kagabi ay ituturing lang naming isang pangyayari na hindi na kailanman mauulit.
I'll probably need to control myself more in the future. Kung sa bawat pagtakas ko ay maulit ito, I am going to worry about my career too soon.
Marami nang mga aktor ang nakaranas ng ganitong sitwasyon. Kung saan ay nasa rurok na sila ng tagumpay ay saka sila biglang hihilahin ng mga taong nakasama nila sa iisang kama at paparatangan sila na nang-molestiya.
Something that I can see is probably going to happen to us with Alyssa if I didn't confirm what she's feeling right now. I need to fix everything before having it fully repaired.
"Maiba lang, ayos ka na ba talaga? Naka-move on ka na ba sa kaniya? I know it's too much to take in, pero kailangan mong mag-move on," ang tanong ni Alyssa sa akin.
"Sa tingin ko naman."
"Gan'on mo pala talaga siya kagusto," aniya.
I looked away, trying to remember what I felt about Sam. "Oo, gan'on nga," tumango ako at dahan-dahang lumingon para tingnan si Alyssa. "Pero wala na akong magagawa di ba?"
"Kahit na mukhang wala ka nang magagawa, tanggapin mo na lang sa sarili mo na hindi siya ang babaeng para sa'yo. That she's already taken by someone else, someone else that she loved more than you. Ikaw rin, once na mahanap mo na yung babaeng para sa'yo, doon mo mari-realize ang lahat ng ito," she inclined her head, prompting me to follow her.
I shrugged. "I don't have a choice. I'll move on."
"Don't worry, hindi naman kita iiwan na nagluluksa sa puso mong sawi. We still have our final night tonight para magsaya, excited na ako magpunta sa beach na nabanggit mo sa akin. Isa pa, nakapag-isip isip na rin ako na kailangan ko na ring bumalik at harapin ang reyalidad na mayroon ako," her voice slowly faded.
Even if I'm already done with my journey with Sam, may problema pa rin si Alyssa na hindi pa namin alam kung paano masosolusyunan. About the arrange marriage that her father planned for her, is it really worth it to accept that arrangement?
"Will you accept it?" I asked her.
Huminto sa paglalakad si Alyssa ngunit hindi niya ako sinagot. Bagkus ay napabuntong-hininga lang siya at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Bakas sa pagbuntong-hininga niya na kahit siya ay nalilito na rin sa dapat niyang gawin. Nahihirapan siya pero ayaw niyang ipakita sa akin ang side niya na iyon. She's really a strong woman.
"Pag-isipan mong mabuti, Alyssa."
She nodded. "Pag-iisipan kong mabuti, Allan. Huwag kang mag-alala."
Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya. Looks like I don't have to worry about her anymore. I can trust her words, kung kaya niya ang isang bagay na malampasan, then I am definitely sure she would choose the right path ahead of her.
"Don't worry, I'm not worried."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro