13
We found a nearby barbershop.
Malapit nang magtanghali nang mga oras na iyon at parehas na kaming gutom ni Alyssa. Bago kami nagpunta sa barbershop ay dumaan muna kami sa malapit na diner.
"Classic," bulong ko nang makita ko ang design ng diner mula sa labas.
It looked like the notable diners in the western countries. The ambiance, the neon lights (that wasn't turned on right now), they all matched the mood of the moment.
"Di pa ko nakakapunta rito," ang sabi ni Alyssa. "Tara."
We both came out of the car, she's holding her wallet as well as her camera and like what we've talked earlier before, we will not bring our cellphone in.
Dahil doon ay nabawasan ang stress na nararamdaman ko. Wala akong ibang iniisip bukod sa kung ano ang ginagawa namin ngayon ni Alyssa. I'm just tired of Rebecca for calling me nonstop.
I'm not saying that I blame her for doing that. It's her job but this is my decision not to let her ruin my plans. I had done a spontaneous decision and I will let this flow up until the end.
"Anong madalas mong kinakain sa tuwing lumalabas ka?" ang tanong ni Alyssa sa akin nang makahanap kami ng table sa loob.
Kakaunti lang ang tao kaya't hindi na ako nag-alala na baka may maka-recognize sa akin nang di ko inaasahan. So far, I've seen nothing suspicious about since I left the studio.
Feeling ko ay wala namang sumusunod sa akin at walang nakakaalam kung nasaan ako ngayon.
"Depende sa nakahain? Hindi naman ako mapili sa pagkain. Whatever they give me, as long as there's no poison on it, then I'll eat it."
Biglang tumawa si Alyssa. "Pa'no mo naman malalaman kung may lason o wala?"
"Well, buhay pa naman ako hanggang ngayon. Sa ospital na lang siguro malalaman kung may lason nga ang nakain ko," natatawa ko ring sambit.
"Hilig mo rin namang magbiro no?"
"Depende, minsan wala ako sa mood, pero nasa mood ako ngayon."
May waitress na lumapit sa amin dala-dala ang isang notepad sa kaniyang kamay. "Good morning po, ano hong order nila?"
She looked at Alyssa before her stare lingered at me for a long moment. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil baka namumukhaan na niya ako sa paglipas ng ilan pang segundo.
Mabuti na lang at napansin ni Alyssa na kailangan ko ng tulong niya at agad niyang dinampot ang menu na nakapatong sa mesa.
"Isang order nito, then ito, tapos ito." Alyssa pointed the names of her choices on the menu. Medyo weird, pero hinayaan ko na lang.
Meanwhile, the waitress wrote her order immediately. Then before turning to me, I picked up the menu as well and discovered that most of their foods here were full of carbohydrates.
Fried chicken, pritong itlog, bacon, at marami pang iba na hindi ko masyadong kinakain dahil may diet din akong nakasanayang sundin, na kung aaminin ko naman talaga, ay hindi masyadong nasusunod.
"Kung anong in-order niya, yun na lang din ang sa akin." I smiled at the waitress as she nodded her head.
"Noted po, dadalhin ko po ang order ninyo maya-maya," the waitress added before walking away, seemingly unsure if I was familiar at her because of her second glances at me.
"Tingin mo namukhaan niya ako?" ang tanong ko kay Alyssa.
Alyssa just shrugged. "Feeling ko lang, medyo? O baka naguwapuhan lang sa 'yo?" she shot me a mischievous smile while raising her eyebrows.
Napasandal na lang ako. "Hay buhay," at saka napabuntong-hininga.
"How's your sudden escape going out so far?" ipinatong ni Alyssa ang kaniyang kamay sa mesa. "Nag-e-enjoy ka naman ba?"
I looked outside. Nakikita ko ang ilang mga kabataan na naglalakad habang may dala-dalang bola ng basketball. Karamihan sa kanila ay pawisan samantalang ang iba naman ay hindi gaano.
"Yup, I'm doing fine. Medyo kabado pa rin dahil baka may makakilala sa akin at mabulilyaso itong plano ko," ang sabi ko pa.
"Ang suwerte mo rin at hindi mo ako avid fan, dahil kung si Rob London ka, I'm not going to think twice at yayakapin ko talaga siya nang mahigpit oras na magkita kami," bumuntong-hininga siya. "But I guess, it wouldn't happen, ever."
"Relax, ako nga na-meet mo, si Rob London pa kaya?"
Mahinang tawa lang ang nagawa niya. "Speaking of him. Nakatrabaho mo na ba si Rob London?"
I shook my head. "Nope. My manager told me Rob is not a good match to be paired with me if given the chance. Masyadong mataas ang appeal ni Rob sa akin, foreigner ang datingan, at suwabe kung magsalita ng Tagalog kahit sa America siya pinanganak at lumaki sa loob ng sampung taon."
"Pero kung pagbibigyan ka ng chance na makatrabaho siya, saan mo siya gustong makasama?"
"Action movie? Tapos sidekick ko siya? Kaso ang problema, baka ako pa ang gawing sidekick kung sakaling mangyari 'yon."
"Sabagay, mas malaki nga siya kumpara sa iyo. Ang weird kung siya ang magiging sidekick mo," ang sabi pa ni Alyssa.
"Lamang siya sa laki ng katawan at ng itsura. Pero sa pag-arte, tiyak na ako ang nakalalamang. I mean, I've done a lot of shows since I started working in the showbiz industry. Kulang na lang gumawa ako ng erotic movie at lahat ay nasubukan ko na," I proudly acclaimed of myself.
"Is it worth it?"
I was taken aback by her question. "Ha?"
"I mean, worth it naman ba lahat ng ginawa mo hanggang ngayon? If you're getting tired of the fame, baka may mali o kulang ka nang nararanasan pero hindi mo lang nakikita yun sa sarili mo?" her voice is serious.
Kita sa kaniyang mga mata na gusto niyang marinig ang katotohanan mula mismo sa aking bibig. She won't let me escape this interrogation, as what I see this was all about.
I shook my head. "Yes, and no."
Someone walks in as the chimes ring but I dared not to look to its direction but only with Alyssa.
She looked at me, signaling that everything is alright and I can continue with my answer. "Just another customer. Anyway, let me hear it."
"Well, yes. It was worth it. In terms of having a successful career from many sacrifices that I have done. Lahat ng iyon ay worth it, hindi nasayang. Kuntento ako kung nasaan ako sa buhay ko ngayon pero siyempre, dadating ang punto na kapag naisip mong nakuha mo na ang gusto mo, parang may kulang na hindi mo alam kung ano ba ang gusto mo pang makuha. At ang bagay na iyon, yun lang ang hinahanap ko sa buhay ko ngayon, " I answered her question in complete thought.
Gusto kong iparinig sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Na kahit may kataasan na ang aking narating ay hindi pa rin nawawala yung tunay na ako, yung taong may mga bagay pang hinahangad sa mundo.
"Ano sa tingin mo ang bagay na 'yon?"
I shrugged. "Sa palagay ko, gusto ko na mag-settle down."
Biglang tumawa si Alyssa. "Seryoso ka? Settling down kaagad. Ang bata mo pa para mag-isip ng ganiyang bagay. Maybe it's not about settling down. Maybe it's.." pumikit si Alyssa at panandaliang tumahimik na tila nag-iisip siya nang malalim. "..it's probably a woman that is missing in your life right now."
"Woman?"
"Oo, girlfriend. Love life. Karelasyon. Or don't tell me you're gay?"
Natulala ako sa sinabi niya. I'm not gay but I thought it's not a woman who I'm longing to have in my life right now.
"I know you're not gay, none of that is my business. Nagbibiro lang ako. Pero iniisip ko lang kasi na wala ka pang girlfriend since birth. Wala kang nakarelasyon sa showbiz, puro mga love team lang na hindi naman nauwi sa commitment. Tapos ngayong nabanggit mo sa akin si Samantha, na sana ay naging girlfriend mo noon kung hindi lang dumating itong opportunity na mag-artista ka, then maybe, just maybe... it's her, and her alone?"
Panandalian akong natahimik. The heaviness of her words made me think of something deeper.
Napatingin ako sa labas, iniisip kung ano ang kasagutan sa tanong na hindi ko malaman ang sagot. If only a simple yes and no is the answer to this question...
"Posible. Pero sa tingin ko naman ay hindi si Sam ang nararamdaman kong pagkukulang sa buhay ko ngayon," aniko.
"Naiintindihan kita, Allan. Baka nga hindi rin si Sam ang sagot sa tanong ko, maybe you need some closure right now. All this time, mula nang mag-artista ka. You always have this feeling na sana nasabi mo sa kaniya na gusto mo siya bago mo siya iniwan—"
"Hindi ko siya iniwan. Sadyang gan'on lang talaga ang nangyari."
"It's just the same, Allan. You left her hanging. Pa'no kung may gusto rin pala siya sa'yo pero dahil malayo ka na sa kaniya, at palagay ko na feeling niya hindi ka na niya maaabot, then maybe, who knows? Parehas ninyong di nasabi ang nararamdaman ninyo sa isa't isa," nagkibit-balikat si Alyssa.
Napabuntong-hininga ako. Hay, ang daming bagay na naman tuloy ang biglang bumabagabag sa isipan ko. Yes, Alyssa was right about me suddenly leaving Sam despite my own reasons.
It was me who didn't say anything to her. Hinayaan ko lang na gawing rason ang opportunity na maging artista para makalayo mula sa kaniya at ilihim ang tunay kong nararamdaman.
But right now, it just strucked me like a bullet of a sniper.
Bullseye. Parehas naming hindi alam ang nararamdaman namin sa isa't isa at sa hinaba-haba ng panahong lumipas ay walang nakasisiguro kung may pag-asa pa kaming dalawa.
"Pa'no nga kaya?" napailing ako.
Then Alyssa holds my hand. "Malalaman mo rin ang sagot, Allan. Malapit mo na siya ulit makita. And maybe this time, you will tell her the truth."
I smiled at her.
I was about to say something when I saw the waitress going into our direction while holding two trays on each of her hands. "Ma'am, Sir. Ito na po ang order ni'yo," nakangiting sambit nito sa amin ni Alyssa.
Nagpasalamat kami sa kaniya nang ilapag niya sa mesa ang tray ng mga pagkaing in-order namin. And to my surprise, it's a heavy meal of carbohydrates.
Ngunit hindi na ako umangal pa dahil nakahain na ito at naghihintay na lang sa aming paglantak.
"This is getting good now," bulong ko.
Hindi ko inaasahan na narinig pala ni Alyssa ang sinabi ko.
"It is," Alyssa smiled before taking her first bite of her hamburger.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro