Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"SASAMA na ako pabalik ng Maynila," pagbanggit ko kay Roxy. Nagpaplano na rin kasi ang pamilya niyang umalis na ng isla dahil sa Maynila kailangang ganapin ang hearing para sa kaso ni Hanz. Tuluyan nang mabibigyan ng hustisya ang nangyari kay Roxy.

Tipid lang na ngumiti sa akin si Roxy at bahagyang pinisil ang kamay ko.

"Sigurado ka ba, Reo? Paano ang trabaho mo rito sa isla?" Sinsero ang pag-aalala sa akin ng nanay ni Roxy, si Mrs. Damian.

"Okay lang po ako. Si Roxy lang naman po ang dahilan kaya pumunta ako rito sa Polillo Island. Siya rin po ang dahilan kaya aalis ako. Wala naman nang rason para mag-stay pa ako dito."

Tumango na lang sila.

"Kung gano'n ay mag-empake ka na rin ng mga gamit dahil bukas ng umaga ay luluwas na kami papuntang Maynila. Sumabay ka na sa 'min."

"Pero bago po tayo umalis ng isla..." Bumuntonghininga si Roxy bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Gusto ko po munang makita si Hanz sa kulungan."

Nagkatinginan kami ng mga magulang ni Roxy.

--

"R-ROXY..." Bakas ang pagkagulat sa hitsura ni Hanz nang makita kami. Nakakulong pa rin siya at halos yakapin ang mga rehas. "H-Hindi ko sinasadya, Roxy. Mahal na mahal kita."

Nagsalubong ang mga kilay ni Roxy. "Alam mo sa sarili mong hindi mo 'ko mahal, Hanz."

"Maniwala ka. H-Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Hindi ko alam na aabot sa gan'to..." Pumatak ang mga luha ni Hanz.

Napakuyom ang mga kamao ko matapos iyong marinig. Anong klaseng tao ka, Hanz? Halang ang kaluluwa mo.

Dumaloy ang luha sa pisngi ni Roxy na marahas niyang pinunasan. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa 'kin."

Tumalikod na si Roxy at nagsimula sa paglalakad paalis ng presinto. Samantala, si Hanz naman ay panay ang sigaw at pagtawag sa pangalan ni Roxy, nagmamakaawa itong pakawalan siya dahil wala umano itong kasalanan.

Nababaliw na nga talaga siya.

Hindi nakadiretso sa pag-alis ng police station sila Roxy dahil kinailangan pa silang kausapin ng mga pulis tungkol sa kaso. Ako naman ay nagpaalam na magpapahangin muna sa labas ng istasyon.

Lumanghap ako ng sariwang hangin mula sa hardin na katabi lamang at ilang hakbang mula sa police station.

Gusto kong magsalita kanina at gusto kong murahin si Hanz pero hinayaan ko na lang na si Roxy ang gumawa n'on. Alam kong siya ang mas may karapatan na gawin iyon kaysa sa akin.

Nagtiim ang mga bagang ko kasabay ng mariin na pagkuyom ng mga kamao.

"R-Reo?"

Napalingon ako sa nagsalitang iyon. Nang makilala si Maryknoll ay bumalik sa normal ang ekspresyon ko. Siya naman ay kita ang gulat sa hitsura. Baka hindi niya inaasahang makikita niya ako dito.

Natigilan ako nang tumakbo siya sa di ko malamang dahilan.

Agad naman akong humabol. Hinawakan ko siya sa braso para iharap sa akin. At ikinagulat ko nang makitang umiiyak siya. Napabitaw agad ako sa kaniya.

"M-Masaya ka na, Reo?" tanong niya. "Naipakulong niyo na ang kuya ko."

"A-Ano?"

"Tangina, Reo! Alam ko namang tama lang na makulong si Kuya dahil malaki ang naging kasalanan niya pero..." Marahas niyang pinunasan ang mga luha. "Alam mo 'yun... d-di ko pa rin maiwasang masaktan dahil nakikita ko ang kuya kong nahihirapan sa presinto."

Hindi ako nakaimik. Hinayaan ko na lang siya na ilabas ang emosyon niya. Alam kong mahirap din sa kaniya ang mga nangyayari. Masakit din para sa kaniya ang ipagkanulo ang sarili niyang kapatid.

"Masama ba akong tao, Reo? Masama ba ako dahil nararamdaman ko 'to?"

Agad ko siyang niyakap. "Hindi ka masamang tao, Maryknoll."

Nagkumawala siya sa pagkakayakap ko. "Pero bakit kailangan ko 'tong maramdaman?! 'Di ba dapat masaya ako kasi naipakulong na 'yung masamang tao at kriminal na kapatid kong 'yun?!"

"Hindi mo pwedeng diktahan ang nararamdaman mo, Maryknoll. Kung nasasaktan ka, nasasaktan ka. Kuya mo pa rin si Hanz kaya normal lang na mahirapan ka sa mga nangyayari."

Lalong lumakas ang hagulgol niya. Siya na rin ang kusang yumakap sa akin. "Gusto kong gawin ang tama, Reo! Pero ba't parang tinatraydor ako ng nararamdaman ko?! Gusto ko lang naman maging masaya para sa inyo ni Roxy pero hindi ko magawa!"

"Naiintindihan ko... shh." Hinaplos ko ang likod ng ulo niya.

"Gusto kong maging masaya para sa iyo, Reo. Sa wakas, nahanap mo na rin si Roxy. Nakahanap ka na ng magiging kasagutan sa mga bangungot mo..."

Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at sinalubong ng tingin ang mga mata niya.

"May pag-asa pa naman ako sa 'yo, Reo, 'di ba?" nagsusumamo ang mga mata niya. "Kaya mo pa rin naman akong mahalin pabalik, 'di ba?"

Lumayo ako sa kaniya at magkasalubong ang mga kilay siyang tiningnan. "Please... napag-usapan na natin 'to, Maryknoll."

"Alam kong hindi mo siya mahal, Reo! Hinahanap mo lang siya dahil kailangan mo ng lunas sa bangungot mo! Si Roxy lang ang may kakayahang tanggalin 'yun, 'di ba?!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Napaiwas ako ng tingin. Paano niya nasasabi ang mga ito? Ano bang gusto niyang mangyari?!

"Huwag ka nang magmaang-maangan!" Sinuntok niya ako sa dibdib. "Narinig ko kayo ni Jester! Alam ko ang mga sinasabi ko! Hindi mo siya mahal! Ginagamit mo lang siya! Pareho lang kayo ng kuya ko! Ginagamit niyo lang pareho si Roxy!"

Hinawakan ko ang pareho niyang mga braso para pigilan siya sa pagwawala niya. "Tumigil ka na, Maryknoll! Nababaliw ka na ba?"

"Ayoko! Titigil lang ako pag minahal mo na rin ako!" Napaluhod siya sa lupa at doon ay humagulgol. "Gusto ko lang namang gawin ang tama, Reo. Pero ba't hindi pa rin ako masaya?" Patuloy siya sa pag-iyak, hanggang sa nawalan siya ng malay.

Napabuntonghininga na lamang ako at isinakay siya sa sasakyan. Kailangan ko na siyang dalhin sa kanila.

Sinalubong ako ng nanay niya at tinulungan ako sa pagdadala kay Maryknoll sa kwarto. Kinuwento nito sa akin na nakatakas lang daw si Maryknoll at kanina pa nila hinahanap. Pinapagpahinga pala ito ng psychiatrist nito dahil may mga instances na nagwawala ito pag di nakukuha ang gusto.

Sa dami ng nangyayari sa pamilya niya lalung-lalo na sa kuya niya, traumatized na raw masiyado si Maryknoll.

Close na close ito kay Hanz at alam kong sobrang napakahirap ng sitwasyon nito ngayon dahil pakiramdam nito ay tinraydor niya ang sariling kapatid.

"R-Reo..." bulong nito habang nakapikit. Hindi ko alam kung nananaginip o ano. "A-Ano bang wala ako na meron si Roxy? Bakit hindi na lang ako?"

"Shh..." Hinaplos ko ang ulo nito.

Siya namang pagpatak ng luha sa kaliwa niyang mata.

"K-Kuya ko..." Humagulgol siya habang pikit pa rin. "S-Sorry, Kuya. Hindi ko naman gustong mahirapan ka... m-mahal kita, Kuya."

Paulit-ulit niyang binanggit ang kuya niya at ilang beses din siyang humingi ng tawad dito.

Mayamaya ay dumating na rin ang psychiatrist at tinurukan ito ng pampakalma. Agad namang nakatulog si Maryknoll.

--

"ALAM kong walang kapatawaran ang ginawa ng anak kong si Hanz. Pero sana hindi magbago ang pagtingin mo kay Maryknoll. Mahal na mahal ka ng anak kong 'yan." Halos lumuhod siya sa harap ko habang pumapatak ang mga luha. "P-Please, Reo. Alam kong napakakapal ng mukha ko para sabihin 'to sa 'yo. Pero... k-kasi... naaawa na ako sa kalagayan ni Maryknoll. Alam kong ikaw lang ang may kakayanang pagaanin ang loob niya sa mga gan'tong pagkakataon."

Natigilan ako nang marinig iyon. "Hindi ko po kayo naiintindihan."

"Mahalin mo ang anak ko kagaya ng pagmamahal niya sa 'yo. N-Natatakot akong lumala ang sitwasyon niya..."

Umiling ako agad. "Hindi ko po magagawa ang sinasabi niyo. Paalis na po ako ng Polillo bukas para bumalik na sa normal kong buhay. Wala sa plano ko ang gusto niyong mangyari."

Lumuhod siya at humagulgol. "P-Please, Reo. Hanggang gumaling lang siya... kahit kunwari lang. Iparamdam mo man lang sa kaniya na may sandalan siya. Ayokong maulit ang nangyari sa kaniya noong isang araw na gusto niya nang magpakamatay. Nagmamakaawa ako, Reo." Hinawakan niya ang mga kamay ko habang nakaluhod pa rin siya at patuloy sa paghagulgol.

Napaiwas naman ako ng tingin kasabay ng sunod-sunod na paglunok. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. "Hindi ko po kayang lokohin ang anak niyo. Hindi ko po siya mahal at hindi ko na po problema kung anuman ang gusto niyang mangyari sa buhay niya."

Tinalikuran ko siya at dire-diretso akong lumabas ng bahay nila. Hindi ako lumingon man lamang.

--

"SAAN ka galing, Reo? Bigla ka na lang nawala sa police station." Agad na sumalubong sa akin si Roxy.

Napaiwas ako ng tingin. "M-May inasikaso lang."

"Bakit parang namumutla ka?" Hinawakan ni Roxy ang noo ko. "Wala ka namang lagnat. May nararamdaman ka ba?"

Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa mga mata niya.

"Mahalin mo ang anak ko kagaya ng pagmamahal niya sa 'yo. N-Natatakot akong lumala ang sitwasyon niya..."

Nanumbalik sa alaala ko ang mga sinabi ng nanay ni Maryknoll.

"Okay ka lang? Ano bang nangyayari--"

Hindi ko na pinatapos ang tanong niya. Agad ko siyang niyakap. Gumanti din naman siya at mas pinahigpit pa ang yakap namin sa isa't isa.

"May problema ba, Reo? Makikinig lang ako."

"Kahit anong mangyari... pinapangako kong hindi kita sasaktan."

Kumawala sa yakap si Roxy at tinitigan ako sa mga mata. "May nangyari ba?"

Umiling ako.

"Mahal na mahal kita, Reo. I want you to know that I decided to live because of you. Nang mabangga ako ng kotse noon, ikaw lang ang nasa isip ko. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong mabuhay para makita pa kita. Akala ko gusto ko ring maging bituin nang gabing iyon, pero mas gusto ko palang panoorin ang mga bituin kasama ka."

Muli ko siyang niyakap.

Naputol lang iyon nang may marinig kaming kalabog mula sa pinto. Pumasok si Mrs. Damian, hawak ang cellphone niya at nakatapat sa isang tainga. "S-Si Hanz... nakatakas daw si Hanz sa kulungan sabi ng mga pulis."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro