16
Nakahiga na ulit ako sa aking kama, bagong ligo at mabangong-mabango na. Si Enro naman ay nasa desktop na ulit. Tila nag-iba ata ang pakikitungo niya sa'kin nang nabuksan ko 'yong memory card.
Bumait si bestfriend sa akin. Hindi naman sobra, pero napansin ko na nabawasan 'yong kasungitan niya. Alam n'yo ba 'yong masungit but sweet? Ganoon siya sa akin ngayon.
"Gutom ka na ba?" biglang tanong niya sa'kin. Oh 'di ba? Bumait ang lolo n'yo. Siya na ngayon ang nagtatanong sa akin n'yan.
Napailing lang naman ako sa tanong niya, medyo naninibago ako e.
Malakas pa rin ang ulan kaya hindi pa rin makauwi si Enro. Pabor naman 'yon sa'kin. Bakit? Ang sarap n'ya kayang kasama. Para lang siyang teddy bear na masarap titigan. Hanggang titig nga lang, bawal hawak.
Naawa naman ako sa kan'ya dahil akala namin kapag nabuksan na ang memory card, mahahanap na agad namin si Kate pero hindi pala. Bumungad lamang sa amin ang isang tula na hindi naman namin maintindihan.
"Mahal ko, kay tgal naman ng ating paghihintay.
Natarahan ko na bawa paggising at paghimlay.
Bawat bituin ata sa langit ay akin nang nablang.
Saan pa kaya ako nagkulag?
Pansinin mo din sana an mga tala.
Mayroon bang mga nawawala?
Pti ang unang letra ng liham ay sana'y 'wag makaligta.
Tla hindi iikot ang aking mundo kung ika'y wala.
Naliligaw, natatakot, kinakabaha t'wing sa'yo'y nalalayo.
Hindi ko nga ata kakayanin kung ikaw ay wala sa akin
kaya sana dito sa huling pagkakataon tayo ay magtagpo."
Bukod sa sulat na 'yan ay isang damakmak na pictures nila ang nakasave doon sa memory card. Hindi ako makapaniwala sa mga ngiti ni Enro sa mga pictures doon, ang saya-saya niya. Hindi ko alam na kaya niya palang ngumiti nang ganoon. Mahal na mahal niya talaga si Kate.
Bigla kong narealize na hindi lang pala sa pagkawala magaling itong si Kate, makata rin pala siya. Pwede naman niyang sabihin na nandito ako sa blah blah blah, puntahan mo ako, pero hindi, may pa-ganyan pa siya. Hindi naman sa naiinis ako sa kanya, o kung ano, naawa lang talaga ako kay Enro.
"Na-gets mo na ba?" tanong ko sa kan'ya habang seryoso n'yang tinitignan 'yong tula sa screen.
"Hindi nga e. Ikaw nga try mo," sabi niya sa'kin. Luh, bakit ako? Jowa mo, problema mo.
Pero heto naman ako at pumayag pa rin sa pag-analyze nung sulat.
Umupo naman ako sa harap ng computer at nag-kungwaring nag-iisip. "Hmmm..."
Bawat basa ko naman dito sa sulat ay nabibitter lang ako. Edi sila na ang sweet sa isa't isa. Edi sila na magjowa. Edi sila na--
"Okay lang. 'Wag mong pilitin ang utak mo," mahinahon n'yang sabi sa'kin.
Nagulat naman ako sa kanya. 'Di talaga ako sanay. Bakit ga kabait nito? Hay, alam ko naman na napipilitan din siyang maging dahil may utang na loob s'ya sa akin.
Natatawa na lang ako.
"Bakit ka natawa?" tanong niya sa'kin.
"Ikaw kasi e. Bakit ba ang bait mo?" natatawa pa rin na sagot ko.
"Ewan ko sa'yo," sabi niya sabay hawi sa akin at umupo na ulit siya sa harap ng computer.
Okay, back to normal. Bakit mo kasi inasar, Affy e.
Ayaw na akong pasilipin ni Enro doon sa tula at dahil doon, nakatangla na lang ulit ako at walang magawa. Gusto kong lumabas ng bahay at lumaya pero itong bagyong ito ay ayaw akong pakawalan. Mas lalo tuloy humirap ang paghahanap namin kay Kate.
Ang lamig-lamig na rin dahil sa simoy ng hangin at sa halumigmig ng ulan. Kung p'wede nga lang yakapin si Enro e kaso bibigwasan ako agad nito kapag hinawakan ko siya.
Bigla namang tumunog ang phone ko dahil may nagtext.
"Si Ken!" nasabi ko nang mabasa ko 'yong text. Napalingon naman sa'kin si Enro habang nakakunot ang kaniyang noo. Psh, sige magsungit ka lang d'yan hanggang gusto mo.
+6399965*****
Hi Affy! Ken 'to. Gusto lang sana kitang kamustahin. Grabe wala pa ring pasok. Wala akong magawa. Hehe
Sinave ko agad ang number niya at nagreply ako.
Ken (second jowa) 💖
Hi Ken! Ikaw ha! Saan mo nakuha number ko? Kaya nga e. Boriiiing!
Kay mayor
Kow buti na lang tinext kita. Kumain ka na ba?
Hay, ito talagang si Ken pa-fall. Kainis! Nagtuloy-tuloy naman ang pag-uusap namin. Nakakatuwa nga pala siyang kausap, ang wholesome, may sense kumbaga, hindi katulad ko, walang kwenta mga sinasabi. Ang dami ko na nga agad natutunan sa kanya. Siya talaga 'yong tipon ng tao na dapat kinakaibigan.
Hindi ko namalayan na lumilipas na pala ang oras. Naramdaman ko na lang na nangalay na ang mga daliri ko kaka-text kay Ken. Hindi ko rin napansin na tinatawag na pala ako ni Enro.
"Pst."
"Pst hoy!"
"Affy!"
Sa pangatlong tawag niya lang ako lumingon. "Bakit?" masunigit na tugon ko.
"Kanina pa kitang tinatawag eh. Sino ba 'yang kausap mo?" naiinis na tanong niya.
Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit niya at lumabas na lamang ako ng kwarto. Ganda-ganda na nga ng mood ko, sisirain niya pa. Selos lang ata siya e, buti nga sa kan'ya.
Nakaisip naman ako ng isang magandang ideya para naman hindi na ulit ako sungitan ni Enro at makabawi man lang ako sa kan'ya kahit na hindi n'ya talaga naa-appreciate ang mga efforts ko.
Ken (second jowa) 💖
Ken, pausap naman oh. Gets mo ba 'to?
*attachment sent*
Para saan 'yan?
Kailangan lang ma-analyze please!
Tinulungan niya nga ako sa pag-solve n'ong tula at isang malaking tulong iyon para kay Enro.
Agad akong pumasok ulit sa kwarto. "Enro! Enro!" tawag ko sa kan'ya. "Enro?"
Inabutan ko siyang natutulog na sa kama ko. Ang himbing na ng tulog n'ya. Mukhang pagod na pagod na talaga siya.
Kinumutan ko siya dahil malamig nga. Mamaya ko na lang sasabihin paggising niya.
Umupo muna ako sa sahig, katabi ng kama ko. Tinitigan ko ang mukha ng natutulog na Enro. Shet na malagket, ang gwapo niya talaga. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya noon at tumigil lang 'yon noong naging sila ni Kate. Natulungan nga siguro nila ang isa't isa kaya naging perfect combination sila.
Naging malaya si Enro sa mga mata ng mga babae, at naprotektahan niya naman si Kate mula sa mga taong nais manakit sa kan'ya. Ngunit ngayon ata ay pumalpak siyang gawin iyon pero alam ko naman na ginagawa n'ya ang lahat para mahanap siya.
Sana mahanap na namin siya, sana ayos lamang siya, sana maging masaya na ulit silang dalawa.
...
"Affy, gising."
"Ano? Ano ba?" Sino ba itong kumakalog sa'kin? Sarap-sarap ng tulog ko eh. Nagpatuloy ito hanggang sa tuluyan na akong maasar. "Ano ba 'yon? Nakaka--What the?" Napabalikwas agad ako nang makita kong nakatabi na pala ako kay Enro at nakayakap pa. "Sorry! Hindi ko sinasadya!"
Nakakahiya ka, Affy! Tulo pa ang laway ko. Jusme! Sana hindi kami nakita ni mama. Lagot ako doon! Sana hindi ko rin natuluan ng laway si Enro. Mas lagot ako dito.
Agad namang bumangon si Enro at nag-inat. Tumuloy siya ulit doon sa desktop.
Naalala ko na may sasabihin nga pala ako sa kanya. Tumayo na rin ako at lumapit sa kanya. "Enro, humingi ako ng tulong kay Ken tungkol d'yan," sabi ko saka umupo sa bangkito katabi ng swivel chair na inuupuan niya.
Tinignan n'ya lang ako at hinayaang magsalita.
"Sabi niya napansin daw n'ya na may mga letters na nawawala. Atsaka nabanggit din doon sa sulat na tinatanong tayo kung may nawawala. Baka daw may sense 'yong pagkawala ng mga letters."
Napaisip din naman si Enro at humingi ng ballpen at papel. Sinimulan niyang isulat ang mga nawawalang letra.
A, T, I, N, G, A, I, N
Sinubukan naman niya agad na i-search sa internet ang salitang iyon pero mga random lang na bagay ang nalabas.
Napakamot naman kami ng ulo. May sense ba talaga mga ito?
"Kain muna tayo?" alok ko na lang sa kanya para naman mabawasan ang stress niya sa buhay.
"Sige."
...
"Affy, grabe na-miss kita!" salubong sa'kin ni Ken.
Napangiti naman ako. "Uy! Musta?"
"Ayos naman. Tara na sa loob?" aya niya sa'kin. Sabay nga naman kaming pumasok sa room. Nakita ko na nakatingin sa amin 'yong mga kaklase namin. Sigurado akong pinagtsitsismisan na naman nila kami ngayon. May bali-balita na nga sa campus na kami na raw ni Ken. Aba'y kung p'wede nga lang! Nauna pa silang mag-announce sa amin. Char.
Umupo na ako sa arm chair ko at napatingin sa drawing ng eroplanong papel na case ng phone ko. Naalala ko na naman tuloy si Enro.
Na-solve na namin ni Enro 'yong sulat bago tuluyang tumigil ang bagyo.
Sinabi doon sa sulat na pansinin daw ang unang titik ng sulat at iyon ay letter M. Dinugtong namin iyon at nabuo namin ang salitang Matingain.
Hindi gaanong sikat ang lugar na iyon kaya pala walang masyadong larawan ang nakikita sa internet na katulad ng nasa larawan na pinadala kay Enro.
Naalala ko na taga-doon si papa. Napunta rin kami minsan doon noong buhay pa siya. Meron nga doong dagat at iba't ibang resorts, at mukhang doon ata gustong papuntahin ni Kate si Enro. Bakit? Hindi ko rin alam, wala talaga akong ideya sa gusto niyang mangyari.
Ngayong weekend ay pupunta na si Enro doon. Inaasikaso niya lang sina Simon at Silso. Sinisigurado niya na hindi talaga makakawala ang mga ito sa kulungan habang siya ay wala. Iniisip ko rin naman na ginagawa niya ito dahil nag-aalala rin siya sa'kin. Sana.
Masaya ako para sa kanya. Sa wakas ay makikita na n'ya si Kate, sa wakas ay makakasama na niya ang taong mahal niya.
Bigla namang sumakit ang puso ko. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdamang basa ito. Lumuluha na pala ako. Bakit parang bigla na lang akong nalungkot nang sobra?
Siguro'y naiisip ko na matatapos na lahat ng ito, babalik na ang lahat sa normal, at hindi ko na ulit makakasama si Enro.
Flashback: 1st Year High School
"Condolence, Affy," salubong sa akin ni Liana sabay yakap sa akin. "Pasensiya na ha at hindi agad ako nakapunta. Inasikaso rin kasi 'yong burol ng mga magulang ni Enro."
"Ayos lang iyon, ang mahalaga ay nandito ka na." Bahagya akong ngumiti at nagpunas ng aking luha.
"Nandito lang ako para sa'yo, Affy. Hindi rin namin pababayaan si Enro."
Huminga ako nang malalim at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Swerte pa ako dahil nandito pa rin si mama na p'wedeng magpalaki at kumalinga sa akin pero Enro, nawala parehas ang mga magulang n'ya nang dahil sa isang aksidente.
Ayon sa mga pulis, nag-aaway daw ang mga magulang ni Enro habang nagmamaneho ang tatay nito kaya't hindi nila namalayan na kasalubong na pala ng sasakyan nila si papa na nagmamaneho naman ng bus. Nasawi ang tatlo sa nangyari. Naipit ang mag-asawa habang si papa naman ay tumalamsik sa sasakyan niya dahil sa malakas na impak at dahil hindi rin siya nakasuot ng seatbelt. Buti na lamang nang mga panahong iyon ay wala siyang pasahero, at hindi rin kasama ng mag-asawa ang anak nilang si Enro.
Hindi ako makapaniwala na p'wede palang mangyari sa totoong buhay ang ganitong klase ng trahedya. Gusto kong umiyak nang umiyak at tanungin S'ya kung bakit kaming dalawa pa ni Enro ang makaranas ng ganito sa murang edad.
Masyadong masakit, masyadong mabilis, masyadong hindi inaasahan.
End of flashback
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro